Chapter 45

1850 Words
Bella's POV "I don't like you for my kuya." Natigilan ako sa sinabi ng kapatid ni Damian. How should I react? Hindi naman ako pwedeng magalit sa kanya dahil hindi niya ako gusto para sa Kuya niya. Kung ako ang nasa posisyon niya, base sa estado nila sa buhay at sa ugali niya, baka ay ganoon din ang magiging reaksyon ko. Hindi ko pa naman siya lubusang kilala pero base sa nakita ko nang gabing 'yon sa restaurant, may pagkaprangka ito at palaban. Hindi ko man lang ito nakitaan ng kahinaan. Kahit si Francine ay nakita kong natakot ito kapatid ni Damian. She's staring at me seriously. I bit my lower lip. Wala naman akong magagawa kung ayaw niya sa akin. Hindi rin naman niya ako kilala, or baka napa-imbistigahan na ako nito. "N-naiintindihan ko." Mahinang sabi ko. Tipid akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung ano pa ang sasabihin ko sa kanya. Pwede ko naman siyang kausapin. Pwede kong subukan na kunin ang loob niya, pero hindi ba para naman akong trying hard noon? Gusto ko makita nila mismo o maramdaman nila na mahal ko si Damian at hindi ako katulad ng ibang babae na pera lang ang habol sa kanya. Nakita kong tumaas ang kilay nito sa akin. "Wala ka ng sasabihin?" Kalmadong tanong nito sa akin. Umiling ako sa kanya, "naiintindihan ko naman kung ayaw niyo sa akin para kay Damian," tipid akong ngumiti sa kanya, "who am I compare to your family? Sa estado pa lang ng buhay natin ay malayong-malayo ang pamilya namin kaysa sa inyo." Malungkot akong ngumiti sa kanya. This is reality. Kapag mahirap ka lang, ang tingin ng iba ay pera kaagad ang habol mo sa karelasyon mong mayaman. Maybe, hindi lahat pero marami ang ganoon. They are quick to judge without even knowing the real story. Hindi ba pwedeng nagmamahalan lang sila at tanggap ng mayaman ang mahirap? "Oh my gosh! I'm sorry!" natatatarantang wika nito, "don't cry, Ate." Aniya at lumapit sa akin at nag-aalalang tumingin sa akin. Parang nagdadalawang isip pa ito kung ano ang gagawin niya. Ako naman ay nagulat sa inasal niya. She even called me Ate with her sweetest voice. "Damn! Patay ako kay Kuya nito. Hey, don't cry, no, no! Don't even think low of yourself." Natatakot na parang nababahala ang itsura nito. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. What's happening? Kani-kanina lamang ay hindi siya ganito. She was seriously talking to me na ayaw niya ako para sa Kuya niya, pero ngayon ay natatakot ito. Hindi naman ako umiiyak. Siguro ay nangilid ang luha ko dahil sa nalungkot ako. "H-hindi ako iiyak." Nasabi ko. I saw her eyes lit up, para itong nabunutan ng tinik sa sinabi ko. "I'm sorry. I was just--just you know? Joking? Don't take it seriously." She pursed her lips. Hindi ko siya maintindihan. Joking? Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Hindi kita maintindihan." Ani ko. Mahina itong tumawa. Ang bilis mag-iba ng mood niya. Para na itong batang tuwang-tuwa habang nakatingin sa akin. She held my hands. "I like you, Ate! I really do! Welcome to the family!" She said with full of enthusiasm in her voice. My lips parted. She what? I blinked my eyes. Totoo ba ang sinasabi niya. Matamis itong nakangiti sa akin habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko. "Huh?" Naguguluhan na sabi ko. "Ate! Omg! You are so beautiful! Look at you! May maganda na akong ate!" masayang sabi nito, "mabuti nalang at umalis iyong Francine na panget!" She scoffs. Hindi ako makapaniwala sa batang ito. Napailing ako sa kanya. I sighed in relief. She likes me. "A-ang akala ko hindi mo ako gusto?" Mahinang sabi ko. "No, no! I was just joking. I'm sorry, okay?" para itong bata na may nagawang kasalanan sa akin, "I already like you when I first saw you in that restaurant. Seeing how Kuya Damian protected you from those monsters? I know that she really loves you." Aniya at ngumiti sa akin. Nakahinga ako ng maayos. "Monsters?" Natawa ako sa pag described niya sa pamilya ni Francine. Mabilis itong napatango sa akin. Hinila nito ang kamay ko at umupo kami sa couch. Hawak pa rin nito ang kamay ko. Nahiya naman ako sa kanya. "Tell me! Mabait ba ang kuya ko sa 'yo? Is he sweet?" I smiled and nodded, "sobrang bait niya sa akin and sweet din siya. He always makes me happy." Nakita kong mas lumapad ang ngiti nito na para bang kinikilig sa sinagot ko sa kanya. "He's also sweet to me, Ate. He is the best Kuya in the world!" proud na proud na sabi nito sa akin, "you know, I want my kuya to find someone that will love him the way Mom and I loves him. Naisip ko pa noon na baka magseselos ako sa magiging girlfriend niya because I know how sweet and kind my kuya is, but I don't feel it now. I like you very much." Aniya. Nagulat ako nang yakapin niya ako. I tapped her back. I can feel how happy she is. Ang mata niya ay may kakaibang kislap kapag nagsasalita siya kanina. "Thank you for coming into Kuya Damian's life. Thank you for loving him." Aniya. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin. Umiling ako sa kanya. Baliktad yata. "Ako dapat ang magpasalamat dahil dumating ang kuya mo sa buhay ko. Siya ang tumulong sa akin at sa pamilya ko. Hindi ko naman 'yon hiningi sa kanya pero bukal sa loob niya 'yong binigay sa amin. Your Kuya is my hero and my love. Kung hindi siya dumating nang mga panahong nangangailangan ako, hindi ko alam kung buhay pa ako ngayon." Madamdamin na sabi ko. I don't know. A warm sensation touched my heart. Naluluha ako dahil sa kagalakan. If it's not for Damian, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon lalong-lalo na ang pamilya ko. "Let's not get emotional, Ate! Let's celebrate your love for each other!" Anito. Napatango ako sa kanya, "tama ka!" "Let's go shopping! My treat! Kailangan kong sulitin ang araw na nandito ako. Let's bond as mag-in-laws!" Namula naman ako sa sinabi niya. Mag-in-laws? Hindi ko inaasahan 'yon. I cleared my throat, "Uhm. Gusto ko sana pero hindi kasi ako pwedeng lumabas dito sa condo kung hindi alam ng Kuya mo." Napasimangot naman ito, "what? That control freak! Hindi ka dapat niya kinukulong dito!" Inis na sabi nito. "No, no! Don't get me wrong. Hindi ganoon 'yon," depensa ko, "nag-iingat lang ang Kuya mo. Baka kasi may masamang mangyari sa akin." Paliwanag ko. Kumunot ang noo nitong nakatingin sa akin, "why, Ate? Is someone threatening you?" Humugot ako ng hangin bago nagsalita, "I was a victim of attempted rape," panimula ko, nagulat naman ito sa sinabi ko, "kaya ako tinutulungan ng kuya mo. I can't leave his condo without his permission and his security. Pinagtangkaan na rin ang buhay ko. It was a miracle that the gunman missed to hit me. Hindi ko rin alam. Nasa harap ko lang ang gunman pero hindi ako natamaan. Kaya ito, I can't leave. It's for my safety." "Damn! You are a brave woman, Ate! Please, is it okay for you to tell me your story?" Aniya. Hindi na ako nagdalawang isip. Ni-kwento ko sa kanya ang unang pagkikita namin ni Damian, ang lahat ng ginawa ng Kuya niya para sa akin at sa pamilya ko. Ni-kwento ko rin kung paano nagsimula ang panliligaw sa akin ni Damian, ang pagpunta ni Francine dito at kung paano ako sinuyo ni Damian. She cried when she heard what I had been through. Parang siya ang nasasaktan para sa akin. "A-ate, you are really tough. I think I already know kung bakit ka minahal ni Kuya. You have a pure heart and soul. Oh, my God! Nasasaktan ako sa mga pinagdaanan mo. I can't imagine how hurt you were that time. I need to thank Mom and Dad dahil pinanganak nila si Kuya sa mundo." Sumisinghot na sabi nito habang pinupunasan ang luha sa pisnge niya. Natawa ako sa huling sinabi niya. She's like Damian. Nagagawa niya pa ring magbiro kahit na seryoso ito. "You should thank your parents." Biro ko. "I will, Ate. They raised a good man," natatawang sabi nito, "I will call kuya, okay? He can't say no to me. I promise that you will be safe. I can call Dad para bigyan niya tayo ng security. I want to treat you something." Aniya. Napailing naman ako, "hindi naman kailangan," I smiled at her, "kuntento na akong nagustuhan mo ako kahit papaano." "Wait! I forgot to introduce myself, " she cleared her throat, "my name is Deinna de Dios." "I'm Ysabella Corryn Reyes." Nakangiti kong pagpapakilala. Nagshake hands kami at sabay na natawa. Deinna pala ang pangalan niya. Ang akala ko ay Princess. Tinawagan nito si Damian para sabihin na lalabas kaming dalawa. Hindi ko na ito napigilan dahil gusto niya raw akong makasamang gumala. "Kuya! Can I bring Ate Bella? I want to go shopping with her. Please?" Aniya. "Princess, you can't just go out with her." Ani Damian. Naka loudspeaker ang phone ni Deinna kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila. "Kuya!" she pouted, "huwag mong kinukulong sa condo mo si Ate. It's not good. I will bring security, okay? I'm going to make sure that she's safe." "Princess, as much as I want it pero hindi pwede." "What if she wants to come with me?" Natigilan ng ilang segundo si Damian bago nagsalita, "make sure that she's safe, Princess." Matigas na turan nito. Ngumiti naman si Deinna sa akin, "of course, Kuya! By the way, nasa condo mo ako ngayon." "And you didn't tell me na pupunta ka r'yan? I want to talk to Bella. Give her your phone." Ani Damian. Binigay naman sa akin ni Deinna ang phone. Ni off ko ang loudspeaker. "Hello, Damian." "Muffin, I'm sorry for my sister's unannounced visit. Kinukulit ka ba niya?" Napailing ako, "hindi naman, Damian. Nag-usap lang kami." "Mabuti naman. Kung nakukulitan ka sa kanya, sabihin mo lang sa akin. I can send her home." Anito. "Nope. She's actually sweet," I looked at her, she's patiently waiting for me, ngumiti ito sa akin ng napatingin ako sa kanya. "Do you want to go out with her? Kung hindi ka makatanggi sa kanya, ako na ang bahalang kumausap sa kanya." "Gusto ko, Damian. Pwede ba?" Sagot ko sa kanya. He sighs, "all right. I will call Azrael to accompany both of you. Just update me kung saan kayo pupunta. I can't be with you, Muffin. May hearing ako mamaya." "It's okay, Damian. I will update you nalang mamaya kung nasaan kami ni Deinna." Tipid akong ngumiti. "Okay, Muffin. Enjoy yourselves, okay? I love you." Malambing na turan nito. "We will. I love you." Sagot ko sa kanya. Binaba ko na ang tawag ay binigay kay Deinna ang phone niya. "Ano ang sabi ni Kuya?" "He said okay. Papasamahan niya ako sa security niya." Nakangiti kong sabi. "Yehey! Come on! Mag-ayos ka na. I'm excited na!" Natutuwang wika nito. Napailing ako sa kanya. Sa tingin ko ay magkakasundo kaming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD