Bella's POV Nasa isang mall kami ngayon ni Deinna kasama ang security ni Damian at assistant ni Deinna. Hindi ko alam na isang sikat na modelo rin pala si Deinna. Kaya pala parang pamilyar siya sa akin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. "Look at this dress, Ate. It's beautiful," aniya at pinakita sa akin ang isang pulang dress, "bagay 'to sa 'yo." Dugtong nito at tinapat sa katawan ko ang dress. Napatingin naman ako roon. Maganda nga ang dress na tinutukoy niya. Maganda ang pagkakatahi at ang tela nito. "Siguro?" Nahihiyang wika ko. "Kay, hold this for me, please." Anito at binigay sa assistant niya ang dress na hawak ni Deinna. "Miss Deinna, nandito po pala kayo." Wika ng isang babae. She is smiling from ear to ear. Sinilip ko ang security ni Damian. Nagkalat sila sa