Bella's POV Papunta na kami ngayon sa bahay nila Damian at habang nasa kotse kami ni Damian ay hindi ako mapakali. Ito na ang pangalawang pagkakataon na magme-meet kami ng parents ni Damian. Ngayon ay talagang matutuloy na ang naudlot naming dinner sana nang nakaraan. I am feeling nervous. Somehow ay nakita ko na ang ugali ng parents ni Damian. I just wish na maganda ang kalalabasan ng dinner namin mamaya. "Relax, Muffin." Ani Damian. Hawak-hawak nito ang kamay ko. I think nararamdaman niyang kinakabahan ako. Nanlalamig din ang kamay ko. "I am trying. Kinakabahan lang talaga ako." Kalmadong sabi ko. I heard him chuckled, "hindi ka roon kakainin ng buhay." Ani Damian. I know, pero, kinakabahan talaga ako. Ilang beses na akong sinabihan ni Damian na hindi ko kailangang kabahan sa pare