Chapter 8

1857 Words
Bella's POV Before 5 p.m. ay nasa club na ako. Sabay kaming dumating ni Kathnisse. Kaninang umaga pa raw busy ibang staff dito para magprepare sa anibersaryo ng club. Hindi ko alam kung may iba pa silang pakulo mamayang gabi. Ang alam ko lang ay sasayaw kaming anim sa entablado dahil sa in demand daw kami. Pagkapasok namin sa dressing room ay naabutan namin roon sila Persephone at Siberia, pagkatapos naming magbati-an ay lumabas na rin sila kasama si Kathnisse. Iniwan ko ang bag ko roon at akmang lalabas na ng marinig kong nagring ang phone ko. "Girls! Rehearsal time na!" Sigaw ni Ski sa labas. Hindi ko na pinansin ang tumatawag sa phone ko kaya umalis na ako dahil nakapamaywang na si Ski at mukhang naiinip na ito. Halos dalawang oras din kaming nagpractice ng sasayawin namin mamaya. Pagkatapos naming magpractice ay kumain na kami ng dinner namin dahil nagpa-order si Michelle. Pagkatapos naming kumain ay naligo ako para mamaya ay mag-aayos na lang ako ng sarili ko. Gusto ko munang matulog ngayon dahil inaantok pa ako. Sa likod ng dressing room namin ay mayroon kaming sleeping quarters. Nagpaalam na ako sa kanila na mauna na akong matutulog. Susunod na lang daw sila sa akin. 12 midnight pa naman kami sasayaw. Pwede pa akong matulog kahit dalawang oras lang. Nagising ako ng marinig kong may tumunog na alarm. Halos sabay-sabay kaming bumangon lahat. Bumaba na ako sa kama at pumasok sa banyo at naghilamos. Kanya-kanya kami ng ayos sa sarili dahil lahat naman kami ay marunong magmake-up. Nang makita namin ang costume namin ay namangha kami sa ganda nito, pero hindi namin inaasahan na ang maskarang isusuot namin ay hindi matatakpan ang buong mukha namin. Pababa sa ilong ay see through na tela na ito. Nag-aalangan man kami ay wala na kaming magagawa. Kahit si Michelle ay ayaw niya rin sana ng maskarang isusuot namin pero wala rin siyang magawa. Hindi naman siguro kami kaagad makikilala ng mga customers. Pareho na kami ngayong nasa likod ng stage. Tahimik lang kaming lahat at naghihintay na paakyatin na kami sa stage. "Are you feeling bored tonight?" Rinig kong sabi ni Michelle sa mikropono. Ang alam lang ng mga costumers ay sasayaw kaming anim. Ang hindi nila alam ay sabay kaming magpeperform sa iisang stage. "Well, papainitin natin ang The Shire ngayong gabi! Let's all welcome my six goddesses!" pumalakpak ang mga customers, "and, oh! Please do remember that, no touching." Ani Michelle. Nagtinginan kaming anim ng magdim na ang ilaw. Isa-isa kaming umakyat sa stage. Nakatalikod kami sa mga customers. Napabuga ako ng malalim na hangin. Sumenyas na ang Dj sa amin. Nang tumugtog na ang musika ay sabay-sabay kaming sumayaw. Malakas ang hiyawan sa club ngayon. Nang mag lights on na ay saktong humarap na kami sa mga customers. Punong-puno ang club ng tao ngayon. Naiilang man dahil sa suot kong maskara ay mas ginalingan ko na lang ang pagsasayaw ko. First time itong nangyari na sabay kaming sumayaw na anim sa stage. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Damian kasama ang mga kaibigan niyang nakaupo sa couch. Malapit lang sila sa stage. Seryoso ang mukha nito at nakatitig ito sa akin. Kinagat ko ang dila ko habang mariing nakatikom ang labi ko. Bakit siya titig na titig sa akin? Nakilala niya ba ako dahil sa maskarang sout ko? Binaling ko na lang sa iba ang tingin ko pero hindi ako mapalagay. Ramdam ko pa rin ang mga titig nito at habang sumasayaw ako ay ang lakas ng t***k ng puso ko. Nang matapos kaming sumayaw ay sabay kaming bumalik sa dressing room namin. Hinubad ko ang maskarang suot ko. Walang nagsasalita sa aming anim, para kaming may sari-sariling mundo ngayon. Maya-maya pa ay pumasok si Michelle sa dressing room namin. Ni congratulate niya kami at lahat kami ay nagulat sa sinabi nito sa amin. "Girls, alam kong hindi niyo pa ito nagagawa pero utos ito ng top management," panimula nito, "may mga VVIP customers ngayon at lahat kayo ay na book nila. Hindi ko sila kilala. Don't worry, they will follow naman the rules. Makakasama lang nila kayo sa VVIP rooms." Paliwanag ni Michelle. Hindi kami sumang-ayon pero anong magagawa namin? Malaki ang binayad nila at malalaking tao raw ang mga ito kaya hindi sila matanggihan ng top management. Nagbuntong-hininga ako matapos akong makapagbihis. Hinihintay na lang namin ang sundo namin papunta sa VVIP rooms. Napatingin ako sa maskarang hawak ko. Kung kanina ay may see through pa na tela mula sa ilong pababa sa leeg namin, ngayon ay wala na talaga. Habang naglalakad kami patungo sa VVIP rooms ay kinakabahan ako. Parang lalabas na ang puso ko sa katawan ko. Hindi ko kilala ang makakasama kong lalaki ngayon at hindi ko rin alam kung anong mangyayari sa loob ng VVIP room mamaya. Hindi rin ako nakakasigurado kung susunod ba talaga sila sa rules ng club o hindi. Bago ako pumasok sa loob ng VVIP room ay malalim akong humugot ng hangin at binuga ito. Wala ng atrasan 'to! Para akong napako sa kinatatayuan ko ngayon ng makita ko kung sino ang nasa loob ng VVIP room. Seryoso ang mukha nito at diretsong nakatingin sa akin. May hawak itong baso na may lamang alak. Para akong natutunaw sa mga titig niya. Palihim kong kinuyom ang mga kamay ko. Damn! Si Damian ang VVIP customer! Parang naging bato ang mga paa ko dahil ang bigat ng bawat hakbang ko. Hindi naman nawala ang tingin ni Damian sa akin hanggang sa makaupo ako sa couch. Imposibleng hindi niya ako makilala ngayon. Pero, sana ay hindi niya ako makilala. Sana lang talaga. Bahagya kong tinagilid ang mukha ko para itago ito. Narinig ko itong mahinang napabuga ng hangin at naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na siya. Akmang uusog na ako pero hinawakan nito ang braso ko. Mas dumikit pa siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya para sana alisin ang pagkakahawak niya sa braso ko ng magsalita ito. "I don't f*****g care about your rules, Bella." Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap. Matalim itong tumitig sa akin. s**t! Nakilala niya ako! Parang domuble ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "You didn't text me earlier....I was f*****g calling too, Bella!" May inis sa boses nito. Nanahimik lang ako at napalunok ng laway. Nang umalis ako kanina sa condo niya ay nagbook ako ng taxi papunta sa club dahil nakalimutan kong ipapahatid niya pala ako sa club. Kung hindi niya pa sinabi ay hindi ko pa naalala ngayon. Hindi ko rin na-check ang phone ko kanina. Magsasalita na sana ako pero pinigilan ko ang sarili ko. "I really hate it when you're dancing in this club." Aniya at tinungga ang laman ng baso, "the first time I saw you in that stage, alam ko na na ikaw 'yon, Bella. Hindi mo na kailangang itago iyon sa akin." Nagagalit ba siya dahil tinago ko na isa akong dancer sa club na ito? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Kailangan kong makaalis dito! Bahala na! Kaya tumayo ako pero nagulat ako ng hilahin ni Damian ang bewang ko palapit sa kanya. "Where do you think you're going, Bella?" Aniya at tinitigan ang mga mata ko. Nag-iwas ako ng tingin at pilit na kumakawala sa pagkakahapit niya sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko ng nahulog ang maskarang suot ko. Hindi ko namalayan na hinubad pala iyon ni Damian sa akin! Napatingin ako sa kanya pero napayuko rin ako kaagad at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Hindi ko siya matingnan sa mga mata niya. Nakakalunod ang bawat titig niya sa akin at nahihiya ako. "Bella..." Mahinang tawag nito sa pangalan ko. Napailing ako at mariin na pinikit ang mga mata ko habang nakayuko. Hinawakan nito ang chin ko at inangat kaya nagkatitigan kami. "Why can't you look at me? Hmm?" Bumuka ang labi ko pero walang salita na lumabas doon. Tinitigan ko lang siya sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko. Unti-unting niyang nilapit ang mukha sa akin at bumaba ang tingin nito sa labi ko. Napaatras ako but he grabbed my nape and kissed me on my lips. Nanlaki ang mga mata ko at para akong tuod na hindi makagalaw sa kinatayayuan ko. Humigpit ang pagkakayakap niya sa bewang ko. Nang naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya ay doon na ako napapikit. Palalim nang palalim ang halik niya sa akin at sa huli ay tumugon ako sa halik niya. Kung hindi lang siya nakayakap sa bewang ko ay baka natumba na ako dahil ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko. Nang pinutol nito ang halik ay kaagad akong napayuko habang nakapikit ang mga mata. s**t! Nakakahiya! Pero...bakit ang sarap sa pakiramdam ng halik niya? Hindi iyon katulad kay Adrian na napipilitan lang ako at pakiramdam ko ay nababastos niya ako. "Damn, Bella!" Mahina nitong usal, he cupped my face, "you're not going to work here anymore." Parang nanununot sa tenga ko ang baritono nitong boses. "B-bakit...bakit ka nandito?" Mahinang tanong ko. "Hindi pwedeng ibang lalaki ang makakasama mo ngayon, Bella." Aniya at hinaplos ang likod ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pilit niyang inaangat ang mukha ko pero yumuko ako. "Bella.." Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan kung bakit siya narito at kung bakit niya ako hinalikan. May konteng saya akong nararamdamam dahil at least si Damian ang kasama ko ngayon at hindi kung sino lang na lalaki, pero...hindi ko inaasahan ang ginawa niya kanina. Sa sobrang hiya ko ay binaon ko ang mukha ko sa dibdib ni Damian. "B-bakit mo ako h-hinalikan?" Lakas loob kong tanong. Hiniwalay niya ang katawan ko sa kanya at hinawakan ang pisnge ko kaya kahit ayaw ko siyang tingnan sa mga mata ay ginawa ko pa rin. Hindi ko maipaliwanag ang emosyong nakikita ko sa mga mata niya. "Because I want to kiss you." Sagot nito. He touched my lips using his thumb. His lips formed a smile. Hindi ako nakapagsalita. Hinalikan niya ako dahil gusto niya lang? Anong ibig sabihin no'n? Baka lasing lang siya! Tama! Baka bukas ay makakalimutan niya rin ito. "H-hindi mo dapat ginawa 'yon." Mahinang sabi ko. "Why?" Tanong nito. "K-kasi..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko. "Kasi?" Pag-uulit nito. Bakit nga ba? "K-kasi...hindi mo naman ako girlfriend." Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. "You kissed back." Aniya. Napatingin ako sa kanya. A teasing smile formed on his lips. Tumaas ang kilay nito sa akin ng hindi ako nakapagsalita. Tama siya. Tumugon din ako sa halik niya. Ewan ko rin kung bakit. Siguro ay nadala lang ako sa halik niya. Hinaplos nito ang pisnge ko. "Would you allow me to kiss you again?" He said using his husky voice. Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Bumaba ang kamay nito sa bewang ko at hinapit ito papalapit sa katawan niya. Umangat ang gilid ng labi nito, "silence means yes." Hindi na ako nakapagre-ak ng angkinin niya ulit ang labi ko at mahigpit na niyakap ang bewang ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD