Chapter 9

1793 Words
Bella's POV Nagising ako ng marinig kong magring ang phone ko. Napatingin ako sa orasan, alas dos pa lang ng hapon. Tinatamad ko itong kinuha sa bedside table at tiningnan kung sino ang tumatawag. Nang makita kong si Michelle ang tumatawag ay sinagot ko ito kaagad at nakapikit na nilagay ang phone ko sa tenga ko. "Hello, Michelle?" Ani ko at humikab. "Bella, good afternoon." Bati nito sa akin. "Napatawag ka, Michelle?" "Uhm..ano kasi...may sasabihin ako." Parang nag-aalangan ang boses nito. Patagilid akong humiga sa kama at niyakap ko ang unan. Pinatong ko lang sa tenga ko ang phone. "Ano 'yon, Michelle? Bilisan mo at inaantok pa ako." Inaantok na sabi ko habang nakapikit. Parang hinihila na ako ulit ng antok ko at gusto ko ng matulog. Narinig ko itong nagbuntong hininga bago nagsalita, "hindi ka na magtatrabaho sa club. Binili ka na kagabi sa club at hindi ko kilala kung sino ang bumili sa 'yo." Paliwanag nito. "Okay." Sagot ko sa kanya. Hindi ko na maintindihan ang mga sinasabi ni Michelle. Baka tungkol lang ito sa trabaho mamaya. Kakausapin ko na lang siya mamaya paggising ko. Nagising ako ng marinig ko ang alarm ng phone ko. Nag-unat-unat muna ako bago bumangon sa kama. Kinuha ko ang phone ko. May message si Michelle kaya ni-open ko ito at binasa. "He will contact you, Bella. I'm sorry." "Ha? Sinong magcocontact sa akin?" Takang tanong ko. Napailing na lang ako. Kinuha ko ang baso at uminom ng tubig. Bigla kong naalala ang sinabi ni Michelle kanina ng tumawqg ito sa akin. "Hindi ka na magtatrabaho sa club. Binili ka na kagabi sa club at hindi ko kilala kung sino ang bumili sa 'yo." Muntik na ako mabulunan. Napaubo ako at dali-daling tinawagan si Michelle. "Mich...ano ulit ang sinabi mo kanina ng tumawag ka?" Kinabahan kong tanong sa kanya. Baka nananaginip lang ako kanina! "Someone bought you from The Shire. Malaki ang binayad niya, Belle kaya hindi siya natanggihan ng may-ari ng club. Ayaw din sabihin sa akin kung sino ang bumili sa 'yo." Aniya. Napatulala ako sa sinabi niya. Hindi ako nananaginip kanina. Pagkababa ko ng phone ko ay nanghihina akong napaupo sa paanan ng kama. "Sino naman ang bumili sa akin?" Kinagat ko pang-ibabang labi ko. Paano kung masamang tao pala ang nakabili sa akin? Paano kung sasaktan niya lang ako? At higit sa lahat ay bakit niya ako binili sa club? Ano na ang gagawin ko? Hindi lang daw ako ang nabili sa club, lahat kami ng mga kaibigan ko ay binili ng VVIP customer kagabi. Maswerti pa ako kagabi dahil si Damian ang nakasama ko sa VVIP room. Pero ngayon ay hindi ko alam kung mabait ba ang nakabili sa akin o hindi. Baka matulad ako sa napapanood ko sa mga movies na ginagawang s*x slave ang mga babae. Napailing ako. Sana naman ay hindi iyon mangyari sa akin. Pero, kung sakaling mangyari man 'yon, tatawagan ko si Damian at hihingi ako ng tulong sa kanya. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko. "Oh, my gosh!" Bulalas ko. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hinalikan ako ni Damian ng ilang beses, at hindi lang basta-bastang halik 'yon. Iba ang paraan ng paghalik niya sa akin...I mean, may kakaiba sa paghalik niya kagabi sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano iyon. Mariin akong napapikit ng lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napatayo ako ng marinig kong bumakas ang pinto ng condo. "Kakarating niya pa lang?" Pasado alas syete na ng gabi. "Humingi kaya ako ng tulong sa kanya? Baka masamang tao ang nakabili sa akin." Ani ko habang pabalik-balik ang lakad ko sa loob ng kwarto. Pero, kapag lumabas ako ay magkikita kami at awkward iyon dahil sa nangyari sa amin kagabi. Baka lasing lang siya kaya niya nagawa ang ginawa niya sa akin at iyong mga sinabi niya. Kinagat ko ang kuko ko sa kamay. Kinakabahan ako. Hindi pa ako handang harapin siya. Napapitlag ako ng makarinig ako ng katok sa pinto. Napatingin naman ako roon. "Bella? Are you awake?" Anito sa labas ng kwarto. Kinakabahan man ay lumapit ako sa pinto at dahan-dahang binuksan ito. Nakatayo siya roon at nakabihis na ng pambahay. "O-oo, kakagising ko lang." Sagot ko sa kanya. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Awkward! "Hihintayin kita sa sala." Aniya at umalis na. I heaved a deep sigh, kinuha ko ang phone ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko siyang nakaupo sa couch kaya umupo na rin ako roon. Pag-uusapan ba namin ang nangyari kagabi? "I ordered take outs, maya-maya ay dadating na 'yon. Are you hungry?" Aniya. Umiling ako, "h-hindi pa naman." Sagot ko sa kanya. "So, starting tomorrow sa akin ka na magtatrabaho." Aniya. "Uhm...tinawagan ako ni Michelle kanina. I was bought from the club at ico-contact na lang daw ako ng nakabili sa akin. Hindi ko kilala kung sino ang nakabili sa akin." Pag-aamin ko sa kanya, "kaya aalis na rin ako rito." Seryoso lang na nakatingin si Damian sa akin. Hindi ko alam kung galit ba siya. "T-tungkol pala sa nangyari k-kagabi...l-lasing ka lang siguro," nahihiyang sabi ko, "kakalimutan ko na lang 'yon. Huwag kang mag-alala." I assure him, "k-kalimutan mo na rin ang nangyari kagabi." Kahit na hindi ko makalimutan ang pakiramdam ng hinalikan niya ako? Napailing ako. Ngumiti ako sa kanya pero parang hilaw ang ngiting naibigay ko sa kanya. "I was not drunk last night, Bella." Mariing sabi nito. "P-pero...kung hindi ka lasing bakit mo ginawa 'yon?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. "I told you, I wanted to kiss you." Sagot nito. When I met his gaze, para akong nakulong sa malalim na pagtitig ni Damian sa akin. Nang hindi ko na makayanan ay nag-iwas ako ng tingin at tumayo. "P-pasok na muna ako sa kwarto." Ani ko at naglakad na pero nagulat ako ng hilahin ni Damian ang kamay ko. "You really don't know anything.." Mahina nitong sabi habang nilalapit ang katawan niya sa akin. Umatras naman ako pero hinila niya ulit ang kamay ko and he quickly grabbed my waist towards his body. Wala talaga akong alam dahil hindi niya naman sinasabi ang totoo. Ano 'yon? Hahalikan niya ako dahil gusto niya lang? "A-attorney.." "Attorney? Hmm?" His head tilted down while staring at me. He is looking at me intently. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya pero hinuhuli naman nito ang tingin ko. "D-damian, ano...b-bukas na tayo mag-usap." Ani ko. Heto na naman ang kabog ng puso ko. Lumalakas na naman. "Do you think I kissed you because I was drunk?" Tanong nito. Hindi ko rin naman alam ang sagot kung bakit niya ako hinalikan kaya ang akala ko ay lasing siya kaya niya ako hinalikan! Ni Hindi ko rin alam ang rason niya kung bakit siya nasa VVIP room kagabi para makasama ako. "O-oo! Wala ka namang dahilan para gawin mo 'yon sa akin." Sagot ko sa kanya. This is really awkward! Nag-uusap kami habang hapit niya ako sa bewang at magkadikit ang katawan namin. Iilang inches lang din ang layo ng mga mukha namin sa isa't-isa. "Tell me," aniya at malalim na tumitig sa akin, "how can I forget the taste of your sweet lips?" Namamaos na wika nito. Parang hinahalukay ang t'yan ako. This feeling isn't normal! Ngayon ko lang nararamdaman ito at sa kanya lang ako nagkakaganito. "D-damian..b-bitaw na." Nahihirapang sabi ko. "I can't." Sagot nito. Mas humigpit pa ang pagkakahapit niya sa bewang ko. "A-ano ba ang g-gusto mo?" Lakas loob na tanong ko at sinalubong ang mga titig niya. "You, I want you." Seryosong sagot nito. "A-ano?" Hindi makapaniwalang wika ko. "I bought you from the shire because I want you to stay here." Nanlaki ang nga mata ko. Siya ang nakabili sa akin? "I-ikaw?" "Yes, Bella. It was me. Simula ngayon ay mananatili ka rito kasama ako. I want you safe, Bella." Hinaplos nito ang pisnge ko. Lumuwag ang pagkakahapit niya sa bewang ko, itinulak ko siya para sana makawala ako sa kanya pero hindi niya ako hinayaang makawala sa kanya. Hindi naman yata tamang rason na binili niya ako sa the shire para lang maging safe ako. Ang sabi ni Michelle sa akin ay malaki ang binayad niya sa club kaya hindi ako naniniwala na wala siyang ibang dahilan. "Bakit kailangan mo pa akong bilhin sa club?" "It's because I don't like other guys looking at you while you are dancing in that f*****g stage, Bella." Mariing sabi nito. Kinagat ko ang dila ko habang mariing nakatikom ang bibig ko. Bakit ganito siya kung magsalita? May gusto ba siya sa akin at ayaw niyang may nakatingin sa aking iba? I mentally shook my head. That's impossible! "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Hindi ko na kailangan pang sagutin 'yan. The important thing is, hindi ka na babalik doon." Sagot nito. Wala talaga akong makuhang valid na sagot sa kanya. Una, iyong sa paghalik niya sa akin, ngayon naman ay ang pagbili niya sa akin sa club. "We will talk about your work tomorrow, Bella." Aniya. "Hindi mo naman siguro ako papahirapan sa trabahong ibibigay mo sa akin." Wika ko. At sana ay hindi katawan ko ang kapalit ng pagbili niya sa akin sa club. "Why would I do that?" "H-hindi ko alam. Gusto ko lang makasigurado. S-sagutin mo na lang ako." He chuckled, "I won't." Tipid na sagot nito. "M-mabuti naman kung ganoon." Sagot ko sa kanya at bahagyang yumuko, "bitawan mo na ako." He lifted my chin kaya napatingin ako sa kanya. Nang unti-unti nitong nilapit ang mukha niya sa akin ay napaatras ako at napahawak sa dibdib niya para itulak siya. "Your lips is so addicting." Aniya. Hindi na ako nakapagsalita ng mabilis niyang inangkin ang labi ko. Banayad ang paghalik niya sa akin. Ang isang kamay niya ay nakahapit sa bewang ko habang ang isa naman ay nakahawak sa ulo ko. Nalulunod na naman ako sa halik niya kaya sa huli ay tumugon din ako. Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko. Ganito rin ang naramdaman ko kagabi habang hinahalikan niya ako. Narinig kong may nagdoorbell kaya pilit ko siyang tinulak. I heard him groaned. "D-damian." Tawag ko sa kanya. Pero hindi ito tumigil sa paghalik sa akin. Nang magdoorbell ulit ang nasa labas ng condo ay doon niya pa lang tinigil ang paghalik sa akin. Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko. "I-ikaw na magbukas." Nahihiyang sabi ko at tinulak siya. Binitawan niya naman ako. "Istorbo." Reklamo nito. Umalis naman ito para pagbuksan ng pinto ang nagdoorbell. Napahawak ako sa labi ko. "It's our dinner." Aniya. Hindi ako nagsalita at mabilis na pumasok sa kwarto. Nang masara ko na ang pinto ay napahawak ako sa dibdib ko. Hinalikan niya na naman ako at tumugon din ako. Mariin akong napapikit. What's wrong with me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD