Chapter 10

2035 Words
Bella's POV Pagkatapos naming magdinner kagabi ni Damian ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Siya na ang nagpresenta na magligpit ng pinagkainan namin kaya iniwan ko na siya kaagad dahil naiilang pa rin ako sa kanya. Simula ng hinalikan ako nito sa VVIP room ng club ay pakiramdam ko ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Sa lahat ng lalaki ay sa kanya lang ako nagkakaganito. Kahit kay Adrian noon ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa labi ko at napatulala. Si Adrian ang first kiss ko pero pakiramdam ko ay kay Damian ko naramdaman ang tamis ng unang halik ko. Iyong unang halik ko mula kay Adrian ay napilitan lang ako dahil sa boyfriend ko siya at parang naging obligasyon ko iyon bilang girlfriend niya kaya pinagbigyan ko siya, pero iyong kay Damian...kakaiba. Iba ang excitement ko nang gabing iyon at kakaiba ang t***k ng puso ko. Siya ang unang humalik sa akin, hindi siya humingi ng permiso na halikan ako pero hindi naman ako tumanggi sa halik niya and I never felt violated. Para akong maamong tupang sumunod sa galaw ng labi niya. "May gusto ba ako kay Damian?" Nasambit ko. Napailing ako. Imposible! Kakakilala lang namin at oo, malaki ang utang na loob ko kay Damian dahil ilang beses niya na akong tinulungan pati na ang pamilya ko. Hindi dapat ako magkagusto kay Damian. Mali ito! "Baka siya ang may gusto sa akin?" Mahinang sabi ko. I sighed. Pinikit ko ang mga mata ko. Mas imposible naman 'yon! Sa aming dalawa ay baka ako pa ang magkagusto sa kanya, pero siya? Magkakagusto sa akin? Parang imposible naman iyon. Sadyang mabait lang talaga siya. Sa paghalik niya naman sa akin ay hindi ko alam ang dahilan. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. May message ako galing kay Damian. "Good morning, Bella. I already prepared your contract. Let's review it later." Aniya sa text. Hindi na ako nagreply at nilagay ko sa ilalim ng unan ang phone ko. Isa pa 'to! Hindi ko talaga maintindihan kung bakit binili niya ako sa club. I get it! Gusto niya akong protektahan sa mga Montalvo pero hindi ba sobra-sobra naman itong ginagawa niya para sa akin? Sa tingin ko ay may mas mabigat pa siyang dahilan kung bakit niya ako binili sa club. Hindi lang iyon para sa kaligtasan ko sa mga Montalvo. Speaking of Montalvo. Hindi ko alam kung kailan aarestuhin si Adrian ng mga pulis. Sa tingin ko ay wala pa talaga siyang kaalam-alam na nagfile na kami ng kaso laban sa kanya dahil wala pa namang sinasabi sa akin si Damian. Nagbuntong-hininga ako at bumangon na sa kama. Napatingin ako sa orasan. Alas sais na ng umaga. Pumasok ako sa banyo at humarap sa salamin. Ang laki ng eyebags ko. Hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip ko sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. Napailing na lang ako at naghilamos. Nang makalabas ako sa kwarto ko ay dumiretso kaagad ako sa kusina. Magluluto ako ng agahan namin ni Damian. Mula pa kahapon ay hindi na ako bumalik sa club para magtrabaho. Sa ilang taon kung pagtatrabaho sa club ay nasanay na ako sa klase ng trabaho na mayroon ako, pero ngayon ay mag-iiba na ang takbo ng buhay ko araw-araw. "Good morning." Bati ni Damian sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at tipid na ngumiti at nilagay sa mesa ang niluto kong bacon at egg. "Good morning din, Sir." Sagot ko sa kanya. Ang text niya sa akin kanina ay ngayong araw namin pag-uusapan ang kontratang ginawa niya. Sa pagkakaalala ko ay he offered me before to be his helper para hindi na ako magtrabaho sa club, hindi ko lang alam ngayon kung ganoon pa rin ang trabaho na ibibogay niya sa akin. Nang matapos ko ng ilagay ang mga niluto ko sa mesa ay inaya ko na siyang kumain. Pareho lang kaming tahimik. Hindi ako nagstart ng conversation dahil kahit papaano ay naiilang pa rin ako sa kanya. Mamaya na lang kami mag-uusap kapag tungkol na ito sa trabaho ko. Sumulyap sa akin si Damian kaya nag-iwas ako ng tingin at nagfocus na lang sa pagkain ko ng breakfast namin. "This is your contract. You can read it, kung may ayaw ka sa kontrata mo ay pwede naman nating ibahin." Aniya at ibigay sa akin ang isang brown envelope. Nakaupo na kami ngayon sa couch na nasa sala niya. Kinuha ko ang envelope at kinuha ang laman nito. Contract of Employment. Binasa ko kaagad ang nilalaman nito. As stated in the contract ay magiging maid niya ako rito sa condo niya at isa sa mga rules niya ay bawal akong umalis ng condo niya kung hindi ako magpapaalam sa kanya kung saan ako pupunta. Nakalagay din sa kontrata kung magkano ang sasahurin ko. Nang makita ko ang amount ay nanlaki ang mga mata ko sa gulat. "Fifty Thousand Pesos with bonus?" Ani ko at napatingin kay Damian. "Yes. Kulang pa ba?" "Kulang?" hindi makapaniwalang sagot ko, "e, sobra-sobra na nga po ito. Magiging maid mo ako rito sa condo mo at hindi ako magiging manager ng kompanya mo." Ani ko. Napasandal naman ito sa couch at seryosong napatitig sa akin, "so? I am your boss, kahit gawin ko pang isang daang libo ang sahod mo ay wala kang magagawa roon." Saad nito. "Nagjo-joke ka ba?" Hindi makapaniwalang sabi ko. "No. Why would I?" Nakakunot noong sagot nito sa akin. "Masyado pong malaki ang sahod ko para lang maging maid mo, Sir." "Huwag mo ng problemahin 'yan. Dapat ay masaya ka pa nga dahil malaki ako magpasahod. Just sign the contract, Bella." Seryosong wika nito. Napailing na lamang ako at pinirmahan ang kontrata at ibinigay sa kanya. Ngayon lang yata ako naka-encounter na masyadong malaki ang sahod ng isang all around maid. Hindi naman mansyon itong condo niya at siya lang naman ang pagsisilbihan ko rito. Nagkibit balikat na lang ako. Marami naman siyang pera at panigurado akong barya lang ang fifty thousand sa kanya monthly. "May mga bawal ba akong galawin dito sa condo mo? O bawal na pasukan na room? At kapag ba tapos na ako sa trabaho ko ay pwede akong magpahinga?" Pagtatanong ko sa kanya. "Wala naman. You can clean my entire condo if you want. And yes, you can do whatever you want kapag tapos ka na sa trabaho mo. Just don't go out kung hindi naman kailangan for your safety." Sagot nito sa akin. Napatango naman ako sa kanya. Sanay naman ako sa gawaing bahay dahil maliit pa lang ako ay ako na ang naglilinis ng bahay nila Tito. Kahit sa paglututo ay hindi iyon problema sa akin. Kompara sa sahod ko noon sa club ay mas malaki ang sahod ko rito kay Damian sa pagiging maid niya at alam kong hindi ako mapapagod ng sobra dahil hindi naman masyadong malaki ang condo niya. Sa umaga at sa gabi lang din naman siya nandito dahil may trabaho naman ito buong araw except sa weekends. Mas makakasave pa ako rito dahil libre na ang pagkain ko at hindi na rin dagdag sa gastusin ko ang pamasahe araw-araw. "Pupunta tayo sa Mall mamaya. Bibili tayo ng stacks dito sa condo para may maluto ka at kailangan din nating bumili ng mga kailangan mo." Aniya. Wala ngang masyadong laman ang fridge niya. Siguro dahil mag-isa lang naman siya rito noon at madalas siguro ito sa labas kumakain. Alas tres na ng hapon nang makaalis kami sa condo ni Damian, dumiretso kami sa Mall at bumili ng iilang gamit para sa condo niya. Bumili siya ng TV para sa kwarto ko para raw hindi ko na kailangang lumabas ng kwarto kung gusto kong manood ng palabas na gusto ko. Hindi naman ako makatanggi sa kanya kaya hinayaan ko na lang. Pagkatapos naming maggrocery ay inaya niya akong magdinner sa isang restaurant. Pinahatid niya sa tauhan niya ang mga pinamili niya sa condo niya at kami naman ay nagtungo sa isang mamahaling restaurant. Mukhang palagi rito si Damian dahil kilala siya ng mga staffs ng restaurant kung nasaan kami ngayon. Binigyan kami ng waiter ng menu at halos manlaki ang mga mata ko sa presyo ng mga pagkain na nasa menu. Sinabi na ni Damian sa waiter ang order niya, pagkatapos nitong magsalita ay binaling naman nito ang tingin sa akin. "Anong sa 'yo?" Tanong niya. Nahihiya akong ngumiti sa kanya, "uhm..hindi ko alam. Ikaw na lang ang mag-order para sa akin." Mahinang sabi ko. Wala naman akong alam sa pagkain ng mayayaman kaya siya na ang bahalang mag-order para sa akin. Hindi na tumingin si Damian sa menu at sinabi na sa waiter ang pagkaing ni-order niya para sa akin. "I ordered chicken and salad for you." Aniya nang makaalis na ang waiter. "Thank you." Saad ko. Tahimik lang kami ni Damian habang naghihintay kaming ma-serve ang pagkain namin ng may nakita akong taong papalapit sa table namin. Nakangisi ito habang naglalalad patungo sa direksyon namin. Masyadong halata siguro sa ekspresyon ng mukha ko ang takot kaya napalingon si Damian sa tinitingnan ko. Nabura ang ngisi ni Adrian ng makita niya kung sino ang kasama ko. Hindi pa man nakakalapit sa amin si Adrian nang tumayo si Damian at prenteng umupo sa tabi ko. "Adrian..." mahinang sambit ko sa pangalan niya. "What a coincidence. Magkasama kayong dalawa." Rinig ko ang sarkasmo sa boses ni Adrian. "It's not, Asshole." Sagot naman ni Damian. Hinawakan ko ang isang kamay ko dahil ramdam ko ang panginginig nito dahil naghahalo ang galit at kaba ko ngayong nasa harapan ko ang walang kwentang lalaking ito! Gusto kong hampasin ng upuan ang pagmumukha niya at putulin ang p*********i niya! I gritted my teeth. Bumigat ang paghinga ko kaya kinalma ko ang sarili ko. Naramdaman ko namang pasimpleng hinawakan ni Damian ang kamay ko at marahan itong hinaplos. Mas lalo pang kumulo ang dugo ko ng umupo sa harap namin si Adrian. "Siya na ba ang bagong sugar daddy mo?" Medyo nilakasan nito ang boses niya kaya nakita kong may napatingin sa amin. Ngumisi si Adrian na para bang sinasadya akong ipahiya. "Come on, Montalvo! I'm not that old to be a sugar daddy," aniya at mahinang tumawa, "why are you here by the way? Hindi ka ba nagsisisi sa ginawa mo kay Bella? You're not even afraid to talk to her kahit na magkasama kami." Napasandal si Adrian sa upuan at ngumiti kay Damian, "hindi ko kailangang matakot sa iyo. Sino ka ba sa inaakala mo?" mayabang na sabi nito, "and that woman? Pera lang naman ang habol n'yan sa akin. I'm sure pera lang din ang habol niya sa 'yo. You should be careful." Ngumisi ito kay Damian. "Sinungaling!" Galit na sabi ko. Pinigilan kong sumigaw dahil ayaw kong magkagulo reto sa loob ng restaurant at baka paalisin pa kami rito. "Kating-kati na ba ang palad mong makahawak ulit ng malaking pera at d'yan ka naman kay Damian kumapit, ha?" Panunuya nito sa akin. "Montalvo...masyado ka ng maingay. You should leave and prepare yourself for tomorrow," ani Damian pagkatapos niyang inumin ang tubig. Ngumisi ito kay Adrian, "I heard that you almost hit a child dahil napasobra ang paggamit mo ng drugs. Like father, like son, eh?" Nagulat ako sa tinuran ni Damian. Nag-iba rin ang ekspresyong ng mukha ni Adrian. Para itong nagpipigil ng galit. May naririnig na rin akong bulong-bulungan sa katabi naming mesa. Hindi na nagsalita pa si Adrian at bigla itong tumayo at lumabas na ng restaurant. Nakahinga ako ng maluwag ng mawala na sa paningin ko si Adrian. The nerve of that guy! "Are you okay?" Pagtatanong ni Damian. Tumango ako sa kanya at uminom ng tubig. Pagkaubos ko ng tubig ay kinalma ko ang sarili ko. Napatingin ako sa kamay ko at hawak pa rin ito ni Damian kaya mabilis kong hinawi ang kamay niya at nag-iwas ng tingin. "Bukas na siya aarestuhin." Mahinang sabi nito sa akin. Sa wakas ay mahuhuli na rin ang walang kwentang lalaking 'yon! Pagbabayaran na niya ang lahat ng kahayupang ginawa niya kay Eloiza at sa akin. I can't wait to see him inside the jail.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD