Bella's POV
Maaga akong nagising para magluto ng agahan namin ni Damian, may pasok ito sa trabaho kaya kailangan ko siyang pagsilbihan bilang katulong rito sa condo niya. Bago mag-alas otso ng umaga ay umaalis na ito papunta sa trabaho niya kaya alas sais pa lang ng umaga ay gumising na ako para magluto ng agahan namin.
Ginawan ko ng sandwich si Damian. Nagluto naman ako ng fried rice at longganisa para sa akin. Nagtimpla rin ako ng juice at nilagay muna sa fridge. Ilalabas ko na lang 'yon mamaya kapag lumabas na si Damian sa kwarto niya.
Maya-maya pa ay narinig ko ng nagbukas ang pinto ng kwarto ni Damian. Nakabihis na ito. Nagtungo ito sa dining area at napatingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa.
"Good morning, Sir," bati ko sa kanya, "kumain na po kayo." Ani ko.
"Good morning, Bella. Sabay na tayong kumain." Anito at umupo na sa upuan.
"Ginawan kita ng sandwich kase naalala ko na hindi ka naman nagra-rice kapag umaga." Ani ko sa kanya at nilapag ang kapeng tinimpla ko.
Sa ilang araw kong pananatili rito sa condo niya ay isa iyon sa napansin ko. Minsan lang ito kumakain ng rice kapag breakfast at mahilig itong magkape.
"Thank you for preparing our food, Bella. Umupo ka na at kumain." Aniya at ngumiti sa akin.
Umupo na rin ako at nag-umpisa ng kumain.
"Tatawagan kita mamaya kapag nahain na ang warrant of arrest ni Adrian." Ani Damian, "he still doesn't know na nagsampa kayo ng kaso laban sa kanya kaya hindi siya makakatakas sa mga kasalanan niya sa inyo."
Ilang araw na ang nakakalipas pero wala pa talaga siyang alam. Mabuti na rin iyon para hindi siya makatakas sa mga kasalanan niya sa amin. Ang lakas ng loob niyang lapitan kami kagabi ni Damian sa restaurant at ipahiya ako roon. Nalaman ko kagabi kay Damian na isa pa lang druglord ang Tatay ni Adrian. Hindi lang mahuli dahil protektado sila ng mga matataas na opisyal ng pulis at matataas na opisyal sa gobyerno.
Kaya raw pinoptotektahan niya kami ng pamilya ko, lalo na ako, dahil alam niyang kaya kaming ipapatay ng mga Montalvo kahit ano mang oras.
"Paano mo nalaman na isang druglord ang Tatay ni Adrian?" Tanong ko sa kanya kagabi ng makauwi na kami.
He gave me a soft smile, "matagal ko ng ini-imbestigahan ang pamilya ng mga Montalvo. Kaya ng nalaman ko na si Adrian ang nagtangkang pagsamantalahan ka ay alam ko na ang pwedeng mangyari sa 'yo that's why I want you safe." Paliwanag nito sa akin.
Kaya naiintindihan ko na siya kung bakit ganito niya ako protektahan. Hindi pala basta-bastang tao ang ex-boyfriend ko. Maswerti pa raw ako dahil sa mga panahong kasama ko noon si Adrian ay hindi niya ako sinasaktan or worst, ay hindi niya ako pinapatay o ang buong pamilya ko dahil sa pagmamatigas ko noon sa kanya na ibigay ang gusto niya.
Ngumiti ako kay Damian, "maraming salamat, Sir. Ako na ang tatawag mamaya sa kanila ni Tita kapag na-aresto na si Adrian."
"From now on, doble na ang bantay ng pamilya mo. Don't worry about them. They will be safe." Ani Damian at ngumiti sa akin bago uminom ng kape.
Pagkatapos naming mag-agahan ni Damian ay umalis na ito para pumasok sa trabaho niya. Ako naman ay nag-umpisa ng maglinis at magligpit dito sa condo ni Damian. Inuna ko ang kwarto ko at sinunod ang ibang parte ng condo ni Damian. Kwarto niya na lang ang hindi ko pa nalilinis kaya pagkatapos kong magpahinga ng ilang minuto ay pumasok na ako sa kwarto niya.
Halos black and grey ang makikita mong kulay sa loob ng kwarto ni Damian. Maayos ang kwarto niya at hindi makalat. Parang naglinis pa ito bago siya pumasok sa trabaho. Nagpunas ako ng ilang gamit niya sa kwarto pero wala namang alikabok. Kinuha ko ang vacuum at ni-on ito para linisan ang carpet niya. Pagkatapos ko ay pumasok ako sa banyo niya para roon naman sana maglinis pero malinis na rin ito.
"Ang linis naman ng taong ito. Daig pa ang babae." Ani ko at lumabas na ng banyo niya.
I checked his laundry basket.
"At nakatupi pa talaga?"
Maayos na nakatupi ang naisuot na niyang mga damit. Hindi naman ito marami. Binitbit ko na lang ang laundry basket niya palabas at nagtungo sa laundry area. Isa-isa kong kinuha ang damit ni Damian at nilagay sa washing machine. Iniba ko ang mga suit niya at slacks at baka masira ko ito. Tatanungin ko na lang siya muna kung paano ito nilalabhan.
Napangiwi ako sa nahawakan ako. Puting briefs ni Damian....
Mabilis ko itong nilagay sa washing machine. Sumunod ko namang nakita ay ang itim niyang briefs. Oh my gosh! Hinawakan ko ito sa waistband at mabilis na nilagay sa washing. Ang panghuli sa laundry basket niya ay ang dalawang boxer briefs niya. Kinuha ko rin ito at mabilis na nilagay sa washing at ni-on ito.
Napailing ako. Naglalaba rin naman ako ng mga briefs pero kay Tito Nathan ko iyon at walang malisya 'yon. Pero, itong mga undergarments ni Damian ay pinag-iinit ang mukha ko!
Alas tres na ng hapon at nandito ako ngayon nakaupo sa sala at tinutupi ang mga damit namin ni Damian na natapos ko ng labhan kanina. Patapos na ako sa ginagawa ko ng magring ang phone ko.
Atty. Damian calling....
Agad ko itong sinagot.
"Hello?"
"He got arrested, Bella." Aniya sa kabilang linya.
Sandali akong napipi. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon. Naghahalo ang tuwa at kaba. Sa wakas ay na-aresto na rin si Adrian!
"Attorney...s-salamat." Mahinang sabi ko.
"We have strong evidences, Bella. He can't post a bail. Sisiguraduhin kong mabubulok siya sa bilangguan!" Matigas na wika ni Damian sa kabilang linya.
Napatango ako sa sinabi niya.
Hindi rin nagtagal at binaba na ni Damian ang tawag. Pagkababa ni Damian ng tawag ay tinawagan ko naman si Tita Eliza.
"Hello? T-tita?"
"Hello, Bella." Sagot nito sa kabilang linya.
"Nand'yan po ba si Tito at Eloiza?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, kakauwi lang ni Eloiza at si Tito mo naman ay day off ngayon. Bakit ka napatawag?"
"T-tita," napalunok ako ng laway bago nagpatuloy sa pagsasalita, "na-aresto na po si Adrian, ngayon lang po. Tinawagan ako ni Atty. Damian." Pagbabalita ko sa kanya.
Narinig ko ang napasinghap si Tita sa kabilang linya.
"N-nathan, na-aresto na raw si Adrian." Rinig kong sabi nito.
"Totoo ba 'yan? Sino ang nagsabi?" Rinig kong sagot ni Tito sa kanya.
"Si Bella, siya ang kausap ko ngayon." Ani Tita.
Narinig kong parang umiiyak si Tita sa kabilang linya, at narinig ko ring nagsalita si Eloiza pero hindi ko na maintindihan. Nag-umpisang uminit ang mga mata ko ng marinig kong umiyak si Eloiza.
"Bella? Anak?"
Pinunasan ko ang luhang pumatak sa pisnge ko.
"Tito.." Sagot ko sa kanya "kamusta ka na, Tito?"
"Okay lang ako, Anak." Sagot naman nito sa akin.
"Mabuti naman po, Tito."
"Totoo ba ang sinabi ni Eliza? Na-aresto na raw si Adrian?" Garalgal ang boses ni Tito, parang pinipigilan niyang umiyak.
"O-opo, Tito. Tinawagan ako ni Atty. Damian." Sagot ko sa kanya.
"Salamat sa Diyos!" Ani Tito.
Rinig kong suminghot ito.
"Tito, kamusta na si Eloiza?"
"O-okay naman siya, Hija. Naging tahimik nga lang siya nitong nga nakaraang araw. Palagi naman namin siyang kinakausap at pinapalakas ang loob." Sagot nito sa akin, "ikaw, Hija? Kamusta ka d'yan? Okay ka lang ba?"
Napatango ako, "opo, okay lang ako rito," sagot ko sa kanya, "kailangan po nating maghanda at magkakaroon na kami ng hearing sa kasong isinampa namin laban kay Adrian, Tito." Ani ko.
"Mabuti naman at okay ka d'yan sa puder ni Atty. Damian. Kapag nagkita kami ulit ay magpapasalamat ako sa kanya, Hija," aniya, "paghahandaan natin ang hearing, Anak. Alam kong makukuha niyo ang hustisya."
Napangiti ako sa tinuran ni Tito Nathan. Malaki ang tiwala ko kay Damian at kay Atty. Montemayor. Alam kong sa tulong nila ay makukuha namin ang hustisya dahil kami ang naging biktima ni Adrian sa kahayupan niya.
*DAMIAN'S POV
It is almost 6 in the evening ng makarating ako sa tapat ng ako ng pinto ng condo ko. I made a soft smile before I opened the door.
Tahimik ang condo ko at nakapatay pa ang mga ilaw. Where's Bella? Hindi naman ito nagpaalam na aalis siya. Baka nasa kwarto niya natutulog?
I turned on the lights and walked towards the couch, nakita kong nakahiga roon si Bella at natutulog. May mga nakatuping damit sa mesa. Napangisi ako ng makita kong yakap-yakap niya ang boxer briefs ko. Umupo ako sa couch. I stared at her.
Damn! This woman is really something!
Nakita ko siyang gumalaw at unti-unti ay napatingin sa akin. She blinked her eyes many times while staring at me. I smiled.
"Wake up, Bella." I said.
Marahan itong bumangon at umupo sa couch. hawak-hawak niya ang boxer briefs ko. I smirked. Mukhang hindi niya napansin kung ano ang hinahawakan niya ngayon.
"Sorry nakatulog ako. Kanina ka pa ba?" Aniya at nahihiyang tumingin sa akin.
"Not really. Kakauwi ko lang." Sagot ko sa kanya.
"Uhmm. Magluluto na ako ng dinner natin. Anong gusto mong ulam?"
"Anything that you can cook." Sagot ko sa kanya.
I scratched my left cheek using my index finger while looking at her, nag-iwas naman ito ng tingin sa akin.
"Ah, sige. Maiwan na kita." Sabi nito at tumayo na.
"Bella?" Tawag ko sa kanya.
Nakailang hakbang na siya papuntang kitchen. I chuckled. Huminto ito sa paglalakad. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Why are you holding my boxer briefs?" I teasingly asked her.
"Ha?" Nagtatakang tanong nito at napatingin sa akin.
I grin. Napatingin naman ito sa hawak-hawak niya at nakita ko ang pagkagulat nito at napatingin sa akin. Nanlaki ang mga mata niya. Napangisi ako sa reaksyon niya.
"M-magluluto na ako!" Tarantang sabi nito at mabilis na naglakad.
I laughed. Pulang-pula ang pisnge niya. She's really cute! Wala pang ilang segundo ay bumalik ito at hinagis sa akin ang boxer briefs ko at mabilis na tumakbo papuntang kitchen. Sinalo ko naman ito. Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanya.
Tinitigan ko ang boxer briefs ko, "I didn't know she likes to hold you." Ani ko.
I must be crazy!
I shook my head and went straight to my room.