Chapter 12

1818 Words
Bella's POV Hiyang-hiya ako sa naabutan ni Damian kanina nang makauwi siya. Bakit ba kase sa dinami-dami ng mahahawakan ko habang tulog e, iyong boxer briefs niya pa? Napailing ako. Hindi ko tuloy na enjoy ang hapunan ko kanina dahil sa kahihiyang nararamdaman ko. Ni hindi ako nabusog kanina sa dinner dahil sa nahihiya akong harapin si Damian. Nainis pa ako dahil sa pagngiti-ngiti niya sa akin. Tila inaasar pa ako! Mukhang aliw na aliw naman ito sa pang-aasar sa akin! Mag-aalas dose na ng hating gabi at hindi pa ako makatulog dahil nakaramdam ako ng gutom. Nahihiya akong lumabas at baka kung ano ang isipin niya kapag nalaman niyang kumakain ako ng hating gabi. "Tulog naman na siguro 'yon." Sambit ko at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Maaga siyang pumapasok sa trabaho kaya malamang ay tulog na iyon ngayon. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ko at naglakad patungo sa kusina. Ni-on ko ang ilaw at binuksan ang fridge. Bukod sa may natirang ulam kanina ay may vegetable salad, prutas at cake pa rito. Kumuha ako ng isang mansanas at isang baso ng tubig. "Okay na 'to!" Nakangiting wika ko. Mabubusog na ako nito. Sinara ko na ang fridge. Hindi pa ako nakaalis sa kusina ng biglang namatay ang ilaw kaya natigilan ako sa paglalakad. Mukhang brownout pa yata. Humakbang na ako pero natigilan naman ako dahil may nabangga ako. "Hala!" Bulalas ko. Natapon ko ang tubig na dala ko. "Bella?" Mahinang tawag nito sa pangalan ko. Napakurap-kurap ako. Gising pa si Damian at siya ang nabangga ko! Malamang na siya dahil kami lang naman ang tao rito sa condo niya. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang babasaging baso na hawak ko. Napaatras ako. "S-sorry po! Nabasa ba kita?" "It doesn't matter. Bakit gising ka pa?" Tanong nito. Napahigpit naman ang hawak ko sa mansanas. Kase nagugutom ako? Napailing ako. Mabuti na lang at madilim ngayon. "Uhm. Nauhaw lang," pagsisinungaling ko, tinago ko sa likod ko ang hawak kong mansanas, "ikaw? Bakit gising ka pa?" Pagtatanong ko sa kanya. "Nagising lang ako para umihi. I'm also thirsty kaya nandito ako." Sagot naman nito sa akin. "Ah, sige. Balik na ako sa kwarto." Wika ko. "D'yan ka lang at baka madulas ka. Let's wait a minute, babalik din naman kaagad ang kuryente. This building has a generator." Aniya. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil baka nga madulas ako at natapon ko ang dala kong tubig. Madilim pa naman at hindi naka-on ang flashlight ng phone ko. "O-okay." Sagot ko sa kanya. Bigla namang nag-on ang ilaw. Napatingin ako kay Damian. Magulo ang buhok niya at halatang kakagising lang. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kong basa ang hubad nitong dibdib at ang tanging suot niya lang ay isang boxer briefs na puti at nabasa rin ito kaya kita ko ang hulma ng tinatago niya roon. Tinatago? Napakurap ako. OH MY GOSH! Napatalikod ako kaagad. Ilang segundo yata akong nakanganga. My goodness! Hindi ko iyon sinasadyang makita! Ramdam ko ang pag-init ng buong mukha ko. "You can go back to your room now. Ako na ang bahalang magpunas ng natapong tubig." Nanlaki ang mga mata ko. No! No! "N-no!" medyo napalakas ang pagkasabi ko kaya napatikhim ako, "m-mamaya na ako. Iinom ka ng tubig, 'di ba?" "Yes?" Naguguluhan na sagot nito sa akin. Naglakad ako papuntang fridge at kinuha ang bottled water at paatras na naglakad papalapit sa mesa at pinatong doon ang bottled water. "Oh, damn! I'm topless and wet." Aniya. Ngayon mo lang na realize? Napangiwi ako. "A-ako na ang bahalang maglinis ng sahig. Mauna ka ng lumabas." Sabi ko habang nakatalikod sa kanya. "I'm sorry if I made you feel awkward. Nasanay lang akong mag-isa sa condo. Hindi na mauulit." Anito. Napailing ako, "o-okay lang, Sir." HINDI AKO OKAY, SIR! "All right. Mauna na ako. Matulog ka na rin after you eat your apple." Aniya. Jeez! Another pahiya moments! Nakailan na ako ngayong araw! Naramdaman ko ang paglapit ni Damian sa table at kinuha ang bottled water na nilagay ko roon. "Goodnight, Bella." Aniya. "G-goodnight po." Sagot ko sa kanya. Pagkarinig kong sumara ang pinto ni Damian ay nakahinga ako ng maluwag. Dahan-dahan pa akong humarap at sumilip para makasigurado na nakapasok na siya sa kwarto niya. Bago ako lumabas ng kusina ay nilinis ko muna ang sahig at pinatay ang ilaw at pumasok na sa kwarto ko. Pinatong ko sa bedside table ang baso at kumagat ng mansanas. Napailing ako ng maalala ko ang nakita ko kanina. "My gosh, Bella!" Ani ko. Mabuti na lang at maliit ang apple na nakuha ko kaya naubos ko ito kaagad. Kailangan ko ng matulog at kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko! That was really embarrassing! Pinatay ko na ang lamp at humiga sa kama pero pagkapikit ko pa lang ng mga mata ko ay pumasok na naman sa isipan ko ang nakita ko kanina. Iyong ma-umbok at...at...marahas akong napailing. Shit! I need to forget what I saw! Hindi ko na naabutan si Damian kanina ng magising ako. Nabasa ko na lang sa message niya na maaga raw siyang umalis dahil may importanteng kliyente siyang ime-meet at may hearing siya ngayong umaga. Hay! Mabuti na lang at hindi kami nagkita ngayong umaga. Ininit ko na lang ang natirang ulam kagabi at nagluto ng sinangag. Pagkatapos kong kumain ay naglinis na ako ng condo ni Damian. Wala rin naman masyadong lilinisin sa condo niya dahil kaming dalawa lang naman ang nandito. Mas marami pa ang pahinga ko kesa sa mga gawain dito. Nakakahiya tuloy sa kanya na malaki ang pinapasahod sa akin pero wala naman akong masyadong ginagawa. Pagkatapos kong kumain ng lunch ay pumasok na ako sa kwarto ko. Sakto namang tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito para tingnan kung sino ang nagmessage sa akin. "Girl? Nanood ka ba ng news? 'Yong ex-boyfriend mong gago ay hinuli ng mga police kahapon." Iyon ang nabasa kong mensahe galing kay Persephone. Hindi muna ako nagreply at nag-open ako ng social media account ko para manood ng news. I searched Adrian's name at lumabas kaagad ang video na hinuhuli si Adrian ng mga pulis kahapon. Sa mismong restaurant siya hinuli kung saan siya ang nagpapatakbo. Nang una ay nagmamatigas pa itong sumama sa mga pulis pero wala siyang magawa dahil may dalang warrant of arrest ang mga pulis. Nakayuko ito habang naglalakad at nakaposas ang dalawang kamay. Kitang-kita ko ang galit sa mata niya kahit kalmado ang ekspresyon ng mukha niya. Ang sumunod na video ay nasa presinto na sila at naroon na ang Tatay ni Adrian at ang abogado nito. "We will do everything para malaman ang totoo! Hindi rapist ang anak ko! That girl was obsessed with him! She even asked my Son to give him money para sa pamilya nito! Gumagawa lang sila ng kwento para palabasing masama ang anak ko!" Galit na sabi ng Ama ni Adrian. Kinuyom ko ang kamay ko. Ako pa ang pinalabas nilang nagsisinungaling! Maya-maya pa ay nahagip sa video si Atty. Montemayor kasama si Damian. Napatitig ako sa kanya. Pumunta pala sila kahapon sa presinto? Kahit sa TV ay napakagwapo nito. Maya-maya pa ay ni-interview na ng media si Atty. Montemayor dahil nalaman na siya ang abogado namin ni Eloiza. Nakatayo lang si Damian sa tabi ni Atty. Montemayor. "Atty. Montemayor, ano po ang masasabi niyo sa pag-aresto kay Mr. Montalvo?" Tanong ng reporter. "No one is above the law. Gagawin namin ang lahat para makamit ng mga kliyente ko ang hustisya." Sagot naman ni Atty. Montemayor. "Mga kliyente, Atty.? So, meaning ay hindi lang isa ang nagsampa ng kaso laban kay Mr. Montalvo?" Tanong ng reporter. Bago pa makasagot si Atty. Montemayor ay may sumigaw na lalaki. "Your client is a gold digger and a liar!" Nagfocus ang camera sa Tatay ni Adrian. Galit na galit ang itsura nito. "Mr. Montalvo, if your son is innocent, hayaan mong dumaan tayo sa proseso." Ani Damian at ngumiti sa tatay ni Adrian. "Atty. de Dios, isa ka rin ba sa abogado ng nagsampa ng kaso?" Tanong ng isang reporter. Napatingin naman si Damian sa reporter na nagtanong sa kanya, "with all due respect, I can't answer that right now. I'm here to support my friend." Sagot ni Damian. Nagpaalam na sila ni Damian at doon na natapos ang video. Sa kontrata namin ay si Atty. Montemayor lang ang abogado namin, hindi rin nag-offer si Damian na maging abogado namin pero sinabi niyang magiging witness siya. I sighed. Mukhang magiging kontobersyal pa ang kaso namin laban kay Adrian. Kilalang businessman ang Tatay ni Adrian at nasabi na rin sa akin ni Damian na ilang beses ng nadawit ang pamilya nila sa pagbebenta ng drugs pero mariin nila itong tinatanggi. Wala naman silang pruweba kaya hindi ma-imbestigahan ang pamilya nila Adrian. Wala ring nagsasampa ng kaso laban sa kanila. I closed my social media account at nagreply kay Persephone. "Yes, I was the victim who filed the case." Wala pang ilang segundo ay nagring na ang phone ko. Sinagot ko ito. "Putangina, Bella! Totoo ba 'yang sinasabi mo, ha?!" Halos pasigaw na wika ni Persephone sa kabilang linya. "O-oo. Sorry, hindi ko nasabi kaagad sa inyo." "E, gago pala 'yang hinayupak mong ex-boyfriend, e! Kaya pala kumukulo ang dugo ko d'yan kapag nakikita ko noon! May dugong demonyo pala talaga siya!" Galit na sabi nito. Si Persephone talaga ang walang preno kung magsalita sa aming anim. Matapang ito at palaban. "Kamusta ka ngayon? Okay ka lang ba? Kung sinabi mo sana na ginagago ka n'yan, edi sana matagal ko nang pinabugbog 'yang mukhang tipaklong na lalaking 'yan!" Inis na inis na wika nito, " na-rxpe ka ba niya, Bella?" Narinig ko ang pag-aalala sa boses niya at lungkot. Umiling ako, "hindi, Pear. Muntik na." Narinig kong napabuga ito ng hangin, "pxtanginang lalaki na 'yon!" Malutong na mura nito. I chuckled, "I'm fine now, Pear. May tumutulong naman sa akin." "Mabuti naman at sinampahan mo na 'yan ng kaso! Bagay sa kanyang manirahan sa loob ng bilangguan! Kahit forever na siya roon ay okay lang!" galit na sabi nito, "by the way, pogi iyong abogado ha? Lalo na iyong Atty. de Dios. Paano mo nakilala 'yon?" Kung alam lang ni Persephone na si Damian ang nakabili sa akin sa club ay baka magwala iyon. "May nagrecommend lang kay Atty. Montemayor, Pear," pagsisinungaling ko sa kanya, "at tsaka willing silang tulungan ako ng libre." "Teka, kailangan nilang malaman ni Ski ito. Nandito kami palaging nakasuporta sa 'yo, Girl! Laban lang, ha?" Aniya. Naluha naman ako sa sinabi niya. Binaba na nito ang tawag dahil ipapaalam niya pa ito sa iba naming kaibigan at mag-group call daw siya mamaya. Napahiga ako sa kama at napatulala sa kisami. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa susunod na mangyayari lalong-lalo na kapag nagkaharap na kami sa loob ng korte.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD