Bella's POV
Nandito kami ngayon sa opisina ni Atty. Montemayor dahil makalipas ang ilang araw ay nagfile ang kampo ni Adrian ng Petition for Bail dahil non-bailable ang kasong rxpe case na ni-file ni Eloiza laban kay Adrian. May scheduled date na ang hearing. Next week na ito kaya pinatawag kami ni Atty. Montemayor para pag-usapan ang kaso namin ni Eloiza.
Kami lang nila Tito ang narito ngayon dahil may hearing pa si Damian. Pinahatid niya lang ako rito sa driver niya, sila naman ni Tito ay pinasundo niya sa bahay para ihatid dito.
"Atty., pwede bang hindi na muna um-attend si Eloiza sa hearing?" Pagtatanong ni Tito Nathan.
"Pwede po, Mr. Reyes. Okay lang po na hindi muna sa ngayon, ang importante po ay makapunta siya sa court hearings mismo," sagot nito kay Tito, binaling nito ang tingin niya kay Eloiza, "Ms. Reyes, kamusta ka na?"
"Okay lang naman po ako. Palagi pong pinapalakas nila Mama at Papa ang loob ko." Sagot nito kay Atty. Montemayor at bahagyang ngumiti.
Nakangiti man ay alam kong natatakot si Eloiza. Hinawakan ni Tita ang kamay ni Eloiza at hinaplos ito.
"Kailangan mong tatagan ang loob mo, okay? Most of the questions are going to trigger you or make you uncomfortable, pero kailangan mong sumagot ng tama base sa nangyari ng araw na 'yon. Pwede kang takutin ng kabilang abogado the way siya magtanong pero tatagan mo ang loob mo, ikaw ang nasa tama at ikaw ang biktima. Kailangan mong balikan ang araw ng nangyari iyon at kailangan mong i-kwento sa husgado ang totoong nangyari. Don't worry, malakas ang ebidensya natin laban sa kanya. Gagawin ko ang lahat para manalo ka sa kasong ito." Mahabang wika ni Atty. Montemayor.
"A-alam ko po. Tinatatagan ko po ang loob ko dahil gusto ko pong mapakulong si Adrian dahil sa pangbababoy niya sa akin at kay Bella. Promise po, hindi ako matatakot kapag ako na ang tatanungin sa loob ng korte. Malaki rin po ang tiwala namin sa inyo, Atty. Montemayor." Ani Eloiza at ngumiti kay Atty. Montemayor.
"Tama 'yan, Ms. Reyes. Nakasuporta kami sa 'yo at ng pamilya mo kaya huwag kang mag-aalala," ngumiti ito kay Eloiza, "kilala ko ang judge at prosecutor na humahawak sa kaso mo. Pumapanig sila sa katotohanan at sumusunod sa batas, hindi sila bayaran at nagbabase sila sa ebidensya. I'm glad na sa kanila naka assign ang kaso mo, malakas ang kalaban natin at kayang-kaya nilang bayaran ang judges at prosecutor para pumabor sa kanila at maipanalo ang kaso." Turan ni Atty. Montemayor.
Tama si Atty. Montemayor. Let's be honest, sa panahon ngayon, kapag marami kang pera ay makapangyarihan ka. Maraming abogado, judges, at iba pang nasa gobyerno ang corrupt. Kapag marami kang pera at binayaran mo sila, ikaw ang papanigan nila. Kawawa kaming mga mahihirap dahil katotohanan ang mayroon kami at hindi pera. Kaya saludo ako sa iba na may posisyon sa gobyerno na hindi nasisilaw sa pera. Katotohanan at serbisyong totoo ang importante sa kanila dahil 'yon ang trabaho nila.
"Malapit na ang hearing ng kaso mo Ms. Reyes," ani Atty. Montemayor sa akin pagkatapos niyang kausapin si Bella tungkol sa kaso niya, "pareho kayo ng Judge ni Eloiza."
"Handa na po ako Attorney, hindi ako natatakot sa kanya." Matapang na sagot ko kay Atty. Montemayor.
Tumagal pa kami sa opisina ni Atty. Montemayor ng mahigit kalahating minuto bago natapos ang pag-uusap namin tungkol sa kaso namin at sa papalapit na court hearings. We reviewed our affidavit at binigyan kami ng copy.
"Tapos na po kami rito kay Atty. Montemayor." I texted Damian.
Kasama ko si Eloiza sa waiting room ngayon ng opisina ni Atty. Montemayor. Sila Tita at Tito ay nasa toilet naman.
"B-bella..' Mahinang tawag sa akin ni Eloiza kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit, Eloiza?"
"I-I'm sorry sa lahat ng kasalanan ko sa 'yo," naluluhang sabi nito, "alam kong hindi naging maganda ang trato ko sa 'yo simula pagkabata."
Nagulat ako sa sinabi niya. It was sincere. I smiled at her. Siguro ay marami siyang na realized dahil sa nangyari sa amin. Nakakalungkot man na kailangan pang may mangyaring hindi maganda sa amin bago niya ma-realize ang maling nagawa niya noon sa akin.
"Wala 'yon. Alam ko namang medyo maldita at ma-arte ka pero mabait ka naman minsan." Biro ko sa kanya.
Natawa naman ito habang tumutulo ang luha niya. Lumapit ako sa kanya ay niyakap siya ng mahigpit. Hinaplos ko ang buhok niya.
"Tatagan mo ang sarili mo, okay?" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang pisnge niya, "huwag kang magpapadala sa takot mo at magdasal ka palagi."
Tumango naman ito sa akin, "opo."
Ngumiti ako sa kanya. Kahit napakamaldita nito sa akin ay mahal na mahal ko pa rin si Eloiza.
"Gagalingan ko sa school, Ate. Gusto ko ring maging lawyer." Nakangiting sabi nito.
Natigilan ako.
"Ate? You really called me 'Ate'?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
Simula pagkabata ay hindi pa ako nito tinatawag na ate. Ngayon pa lang. Tumango si Eloiza sa akin at ngumiti.
"Rest room muna ako, Ate." Paalam nito at umalis na.
"Ate?" Nakangiting wika ko.
Hindi ko namalayan na umiiyak na ako habang nakangiti. Sobrang saya ng puso ko ngayon. Hindi ko akalain na magiging ganito si Eloiza sa akin dahil sanay ako sa pagmamaldita niya. She seems sweet now. Ramdam kong totoo ang mga sinabi niya sa akin kanina. Totoo talaga ang kasabihan na darating ang araw na may isang pangyayari ang magpapaayos ng samahan ng pamilya.
"Bella? Why the hell are you crying?" Napalingon ako kay Damian.
Lumapit ito sa akin at nag-aalala akong tiningnan. Umiling ako sa kanya.
"Masaya lang po ako." Sagot ko sa kanya at ngumiti.
Nagulat ako ng pinunasan niya ang pisnge ko gamit ang daliri niya.
"Tears of joy?" Tanong nito.
Tumango ako sa kanya. Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya. It was unexpected. He smiled at me.
"I'm glad it was tears of joy." He is looking at me intently.
Binaba na nito ang kamay niya.
Tumikhim ako, "t-tapos na ba ang hearing mo?"
"Yes. I'm here to fetch you. Where's your family? Umuwi na ba sila?" He said.
Siya mismo ang sumundo sa akin? Pwede niya naman akong ipahatid na lang sa driver niya kung gusto niyang safe akong makauwi.
"Nag-abala ka pa. Baka may trabaho ka pang naiwan sa opisina mo." Nahihiyang sabi ko.
"You're more important than my work now, Bella."
"Ha?"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"I mean, you're safety is more important," mabilis na bawi nito at nag-iwas ng tingin, "your family is here."
"Atty. Damian! Mabuti at nagkita tayo ngayon," ani Tito at mabilis na lumapit kay Damian, "maraming-maraming salamat sa pagtulong mo sa pamilya namin, ha? Lalong-lalo na kay Bella."
"Walang ano man po, Mr. Reyes. I'm happy to help." Sagot naman ni Damian.
Nasabi ko na kanina kay Tito na hindi na ako nagtatrabaho sa club bilang waitress at kay Damian na ako nagtatrabaho bilang katulong nito at maayos ang pagtrato ni Damian sa akin. Hindi ko na sinabi kay Tito na binili ako ni Damian sa club para tumigil na sa pagsasayaw doon at para sa proteksyon ko, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa inaamin sa kanila ni Tito na hindi lang ako waitress sa club kung hindi ay dancer din. Hindi na dapat nila malaman 'yon.
Inaya ni Damian sila ni Tito na magdinner pero magalang na tumanggi si Tito. Nakailang pilit pa si Damian pero ayaw talaga ni Tito dahil nagpromise daw si Tita Eliza sa kanya na ipagluluto siya nito ng paborito niyang pancit mamaya pag-uwi nila.
"Walang tatalo sa luto ng asawa ko pagdating sa paborito kong pancit." Ani pa ni Tito.
"Totoo 'yan, Mr. Reyes." Natatawang wika naman ni Damian.
Napangiti naman ako. Hindi na namilit pa si Damian at pinahatid niya na sila ni Tito pauwi sa bahay.
Nagda-drive na ngayon si Damian papunta sa isang restaurant. Baka ma-traffic daw kami at baka pagod na ako mamaya pagkarating sa condo niya at hindi na ako makapagluto.
"Okay lang naman. Doon na lang tayo sa condo mo kumain." Ani ko.
Kung ma-traffic man kami ay nakaupo lang naman ako rito, sanay na ako sa traffic at hindi naman ako napapagod kakaupo, at kahit mapagod man ako ay trabaho ko pa rin na ipagluto siya.
"Tsk!" Iyon lang ang narinig ko mula sa kanya.
At hindi nga kami umuwi sa condo niya, nasa restaurant na kami ngayon. As usual ay nasa mamahaling restaurant na naman kami. Hindi ko na naman alam ang mga pagkain rito.
"Sir..."
"Damian, call me by my name." Inis na wika nito.
"Ayaw ko. Boss kita kaya dapat Sir ang itatawag ko sa 'yo." Pagmamatigas ko.
Sinamaan ako nito ng tingin. Tipid lang akong ngumiti sa kanya. Ilang beses na kase ako nitong sinasabihan na huwag ko raw siyang tawaging 'sir'.
"Ikaw na ang mag-order para sa akin." Utos ko sa kanya.
Hindi naman ako nito pinansin. Nagtingin-tingin ako sa menu pero wala talaga akong kilala sa mga pangalan ng pagkain dito. Hindi ko pa mabasa ang iba. Parang italian food yata ang mga ito.
Maya-maya pa ay may lumapit na sa aming waiter at tinanong ang order namin. Si Damian na ang sumagot, nang masulat na ng waiter ang order ni Damian ay umalis na ito.
Tapos na kaming kumain kaya tinawag ni Damian ang isang waiter at sinabi na magbabayad na raw siya. Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na kami ng restaurant at dumiretso sa parking lot. Pareho na kaming nakatayo ni Damian sa tabi ng kotse niya.
"I need to go back inside. Nahulog yata ang susi ko." Aniya.
"Dito na lang ako maghihintay."
Tumango ito at mabilis na naglakad pabalik sa restaurant. Tumayo ako sa tapat ng kotse niya para mabilis ko lang siyang makita. Wala pang ilang minuto ng makita ko na siyang lumabas sa restaurant. May motor na nakasunod sa kanya kaya, pumagilid siya.
Narinig kong may tumatawag sa phone ko kaya kinuha ko ito sa bag ko.
"Bella!" Malakas na sigaw ni Damian kaya napatingin ako sa kanya.
Tumatakbo ito papalapit sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong mabilis ang pagpapatakbo ng motor papunta sa akin at ang angkas nito ay may dalang baril. Nakita kong itinaas nito ang kamay at kinasa ang baril.
"Bella, magtago ka!" Malakas na sigaw ni Damian habang tumatakbo papalapit sa akin.
Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko at ang naririnig ko lang ay ang malakas na t***k ng puso ko. Hindi ako makagalaw. Para akong napako sa kinatatayuan ko.
"Bella!"
Narinig kong may pumutok. Napasinghap ako. Am I gonna die?
"Fxck! Bella!" Malakas na sigaw ni Damian.
Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin.
"s**t! Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.
Napatitig ako sa kanya ng kinalas nito ang pagkakayakap niya sa akin. Wala akong maramdamang sakit. Pero, pumutok ang baril.
"D-damian...a-ano.." Hindi ako makapagsalita.
"Where the f**k is your security?" Malakas na sigaw nito.
Galit na galit ang boses niya at hinahanap ang security sa paligid. Ni hindi ko alam na may security pala kaming kasama rito. Hindi ko sila napansin kanina.
I was still in shock. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa takot. I felt my lips trembled. Pati ang katawan ko ay nanginginig at nanlalambot ang tuhod ko. Hindi ko na kinaya at natumba ako sa pagkakatayo, mabuti na lang at nasalo ako ni Damian. Kaagad niya akong niyakap.
Doon na tumulo ang luha ko.
"Shh. Hush now. You're fine. I'm sorry I shouted. Aniya at hinaplos ang likod ko.
Umiling ako, "n-natatakot ako." Nanginginig na sabi ko.
Humikbi ako. I thought mamamatay na ako. Mabuti na lang at hindi ako tinamaan.
"I know. I know." Aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"Boss! Hindi namin naabutan." Rinig kong sabi ng isang lalaki.
"Pxtangina!" malutong na mura ni Damian, "nasaan ba kayo kanina?"
Pigil itong sumigaw pero ramdam ko ang galit sa boses niya. Hindi naman nakasagot ang mga tauhan niya. Humingi lang sila ng pasensya sa akin at kay Damian.
"We will talk later," galit na wika nito, "let's go home, Bella. I will take care of this." Matigas na wika nito.
Tumango lang ako habang humihikbi. Kumalas ito sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.
"You're safe now, okay?" Aniya.
Napatitig naman ako sa kanya at tumango. Pinunasan nito ang luha sa pisnge ko. Maswerti ako at hindi ako tinamaan ng bala, dahil kung natamaan ako, hindi ko alam kung buhay pa ba ako ngayon o habang buhay na lang akong magiging kwento..
Inalalayan ako ni Damian papasok sa kotse niya. Nang makaupo na ako sa likod ay sinara nito ang pinto. Kinausap niya muna ang tauhan niya bago pumasok sa kotse.
Umupo si Damian sa tabi ko. Pumasok na rin ang driver niya. Mabibigat ang paghinga ko at nanginginig pa rin ang labi at kamay ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at umiling. Naramdaman ko ang pagkabig ni Damian sa akin papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
"Thank God you're safe." Bulong nito at humalik sa ulo ko.
His embrace made me safe.