Bella's POV
Ilang araw makalipas ang insidenti sa parking lot ay mas humigpit ang pagbabantay ng mga tauhan ni Damian sa pamilya ko, ako naman ay hindi na pinapalabas ni Damian sa condo. Ang suspect ni Damian ay tauhan iyon ng mga Montalvo, pero wala naman kaming pruweba kung sila nga ba talaga ang nagtangka sa buhay ko. We reported it sa police station at pina-blotter, Damian wanted to file a case pero hindi namin kilala ang nagtangka sa buhay ko.
Damian checked the CCTV footage para sana makita ang plaka ng motor pero fake ang plate number ng motor. Nakahelmet naman ang dalawang lalaking nakasakay sa motor kaya hindi sila ma identify.
Damian said na ang mga Montalvo lang ang may matinding motibo para pagtangkaan ang buhay ko dahil sa nagfile kami ng kaso kay Adrian at nalagay sa kahihiyan ang pamilya nila. They can't hurt my family dahil maraming nakabantay sa bahay namin, kahit sa workplace ni Tito ay may pasimpleng nakabantay sa kanya at pati na sa school ni Eloiza. Hindi rin nila ako magalaw dahil hindi naman ako lumalabas sa condo ni Damian na hindi siya kasama o ang tauhan niya kaya sinadya raw na hindi ko siya kasama ng oras na 'yon ng pagtangkaan ang buhay ko.
Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan kong gaano ako natakot ng gabing iyon, mabuti na lang at hindi ako tinamaan ng bala. It was really a miracle. Sobrang lapit sa akin ng gunman. Ni hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang takot.
Next week na ang unang hearing ng kaso ko. I already prepared myself, mentally and physically. I am confident to face Adrian inside the Court. Malakas ang ebidensya namin laban sa kanya kaya alam kong mananalo kami basta hindi lang kami dadayain.
Nang matapos kong malinis ang condo ni Damian ay nagluto na ako ng lunch. Sinalang ko na rin ang mga damit sa washing machine. Pagkatapos kong magluto ay saktong natapos na rin akong magdryer kaya kumain na muna ako.
Pagkatapos kong kumain ay nagtupi na ako ng mga damit na nilabhan ko, nang matapos akong magtupi ay pumasok ako sa kwarto ni Damian para ilagay ito sa closet niya.
"I'm done for today!" Ani ko at pumasok sa kwarto ko para maligo.
Nakabukas lang ang pinto ng banyo ko para marinig ko ang pinapatugtog kong music. I turned on the shower at binasa ang katawan ko then I scrubbed myself using my favorite body scrub. Hindi ito masakit i-scrub sa balat at mabango ito. Binabad ko ito sa katawan ko ng ilang minuto before I washed it away.
I washed my face with my soap at nagshampoo na. Pakanta-kanta pa ako habang nagshashampoo. Pagkatapos kong kuskusin ang scalp ko ay ni-on ko na ang shower para banlawan ang ulo ko pero biglang namatay ang shower. I tried to turn it on again pero wala talagang lumalabas na tubig.
Hindi pa nabanlawan ng maayos ang ulo ko!
"Tsk! Ngayon pa talaga nawalan ng tubig?" Ani ko at naiinis na lumabas sa shower room at kinuha ang towel at tinuyo ang sarili ko.
It's uncomfortable! Tinapis ko ang towel sa sarili ko at lumabas sa CR at tumungo sa kusina. Ni-on ko ang gripo at may tubig naman. Naghilamos ako doon, pagkatapos ko ay pinunasan ko ang mukha ko.
"Baka ang shower ko lang ang may problema?" Wika ko.
Napatingin ako sa orasan. Alas dos pa lang. Mamayang alas sais pa naman ang uwi ni Damian. Pumasok ako sa kwarto ni Damian at nagtungo sa CR niya. Ni-on ko ang shower at umandar naman ito.
"Pwede naman yata akong maligo rito, 'di ba? Wala pa naman siya." Sambit ko, "magpapaalam na lang ako." Ani ko at lumabas ng kwarto ni Damian at nagtungo sa kwarto ko.
Kinuha ko ang phone ko at pinadalhan siya ng message.
"Sira po yata ang shower ko. Biglang namatay nang naliligo ako. May tubig naman sa kusina at CR mo. Dito na muna ako magbabanlaw sa CR mo, Sir."
Sent!
Naghintay ako ng ilang minuto pero wala akong natanggap na reply mula kay Damian.
"At least nagpaalam ako bago ko gamitin ang CR niya. Hindi naman siguro 'yon magagalit." Ani ko at lumabas na ng kwarto ko bitbit ang conditioner ko.
Sigurado rin akong hindi pa siya uuwi, at kung uuwi man siya, nagtext naman na ako sa kanya. Bumalik ako sa CR ni Damian at doon nagbanlaw ng katawan ko. Pagkatapos kong magbanlaw at magconditioner ay kinuha ko kaagad ang towel kong dala at tinuyo ang sarili ko. Nagtapis ako ng tuwalya pagkatapos kong tuyuin ang sarili ko at kinuha ang conditioner.
Pinihit ko na ang seradura ng pinto ng CR ni Damian at lumabas na roon. Sa hindi ko malamang dahilan ay nabitawan ko ang conditioner na dala ko kaya paupo ko itong kinuha.
"Bella?"
Ha?
Napatingin ako sa gawi ng nagsalita. Si Damian nakatitig sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong nakasuot lang ito ng puting briefs.
OH MY GOSH!
Pero....ang ganda ng ng katawan niya. Matipuno..malapad ang dibdib at may abs. Pwede na siyang maging model ng briefs sa ganda ng katawan niya. That V-line.....
Gosh! Ano ang sinasabi mo, Bella?
Mabilis akong nag-iwas ng tingin at napalunok. Mahigpit kong hinawakan ang lalagyan ng conditioner at tinagilid ang ulo ko patalikod sa kanya at napapikit ng nga mata.
Hindi niya ba nabasa ang text ko?
Sa dinami-daming araw na maaga siyang uuwi ay ngayon pa talaga na ganito ang itsura ko!
"Sira ba ang shower mo at dito ka pa naligo?" Tanong nito.
Marahan akong tumango, "o-opo," mahinang sagot ko, "nagtext po ako sa 'yo bago ako nakigamit sa banyo mo." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Oh! My battery is dead. I forgot my powerbank earlier. Hindi ko nabasa ang text mo." Sagot naman nito.
Dahan-dahan kong pinihit ang katawan ko patalikod sa kanya.
"Sorry po at naabutan mo ako rito." Ani ko.
"No worries. You can use my bathroom if you want kung wala ako rito. Just say it beforehand para hindi muna ako uuwi." Sagot naman nito.
Iyon naman ang ginawa ko. Lowbat ka lang kaya hindi mo nabasa ang text ko.
Jeez! Nakakahiya!
"O-opo," sagot ko sa kanya, "uhm...pwede po bang tumalikod muna kayo?" Ani ko.
Sandali itong natahimik.
"A-ah, yes." Sagot nito.
Dahan-dahan ko siyang sinilip para makasiguro akong nakatalikod na talaga siya.
Napatitig ako sa likod niya. Ang ganda ng katawan niya kahit nakatalikod. Ngayon ko lang nakita ng ganito katagal ang halos hubad na katawan ni Damian. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Damn! I never knew I can appreciate a man's body like this!
"I will check your shower after an hour." Wika nito.
Napailing ako. Masyadong matagal na ang pagtitig ko sa katawan ni Damian! This is not me!
"O-okay po!" Sagot ko at tumayo na.
Mabilis akong tumakbo palabas at pumasok sa kwarto ko. Haplos-haplos ko ang kaliwang parte ng dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko! Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin. Damn! Sobrang pula ng pisnge ko! Mabuti na lang at hindi ako nilingon kanina ni Damian.
I breathe deeply at binuga ito.
Pagkatapos ng isang oras ay kumatok si Damian sa pinto ko. Binuksan ko naman kaagad ito. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya.
"Let me check your shower." Aniya.
Tumango naman ako sa kanya. Pumasok ito sa kwarto at tumungo sa banyo ko. Sumunod naman ako sa kanya. He turned on the shower at ang gripo pero hindi ito gumana.
"Gumagana ba ang bidet?" Pagtatanong nito.
Kinuha ko ang bidet at ni-try ko kung gumagana ba.
"Oo." Sagot ko sa kanya.
May kinakalikot ito sa shower at ni try ulit na i-on ang shower pero hindi talaga gumagana.
"I will call someone to fix this. Sa labas ka na muna magbanyo, you can use mine if you want." Aniya habang nakatalikod sa akin.
Napangiwi ako sa huling sinabi nito.
"S-sa labas na lang po ako," sagot ko sa kanya, "baka maabutan mo na naman ako roon." Bulong ko.
"Just use mine if I'm not here," he chuckled, "I'll send you a message kung maaga akong uuwi para hindi kita maabutan katulad kanina." Aniya at humarap na sa akin.
Tapos na ito sa kinakalikot niya roon sa shower. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Hindi na po. Sa labas na lang ako." Sagot ko sa kanya.
"So, how's the view earlier?"
Napatingin ako sa kanya, "anong view?" Nagtataka kong tanong.
"Ang tagal mong lumabas kanina sa kwarto ko kahit na nakatalikod na ako sa 'yo. So, I was wondering if you liked what you were seeing earlier." His lips formed a smile.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad na nag-iwas ng tingin. He is teasing me!
"Hindi naman ako nakatingin sa 'yo kanina!" Depensa ko. Napalunok ako ng laway.
"Really? So, bakit ang tagal mong umalis kanina?" Aniya at naglakad papalapit sa akin.
"Ah, a-ano...sumakit ang paa ko kaya hindi ako kaagad nakatayo!" Sagot ko sa kanya at tumalikod.
Bakit kase hindi ako kaagad umalis?!
"Hmmm? But in my peripheral vision, you were looking at my back." Aniya.
Umiling ako, "hindi nga! Baka namalikmata ka lang kanina."
Nasa harapan ko na si Damian, aalis na sana ako pero sinalubong niya naman ang tingin ko.
"Tell me."
"Ano? Wala akong sasabihin." Sabi ko at humakbang na para umalis pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napatingin ako sa kanya.
His eyes...para itong kumikinang. Sandali akong natigilan.
"You should stop lying, hmm?" He smirked.
"H-hindi ko naman s-sinasadya." Pag-aamin ko.
He smiled at me, "so, how was it? Did you like my body?"
Ayaw niya talaga akong tigilan sa tanong niyang 'yan!
"A-ano.."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sasabihin ko bang nagagandahan ako sa katawan niya? Jeez! This is so embarrassing!
"What?"
"M-maganda ang k-katawan mo. Halatang naggi-gym ka." Sagot ko sa kanya.
"Hindi 'yan ang sagot sa tanong ko, Bella," bahagyang tumaas ang gilid ng labi nito, "do you like my body?" Pag-uulit nito.
Napalunok ako.
"O-oo." Sagot ko sa kanya para makaalis na siya.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at kinalas ang kamay niyang nakahawak sa palapulsuhan ko pero natigilan ako ng hinawakan nito ang chin ko at hinarap sa kanya ang mukha ko.
He gave me a sweet kiss. Mabilis lang ito.
"My thank you kiss." Sabi nito matapos niya akong halikan.
Bahagyang bumukas ang bibig ko pero wala akong nasabi. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ko iyon inaasahan.
"I love that you liked it, Muffin." Aniya at binitawan ang kamay ko.
Muffin? Tinawag niya akong Muffin?
Ngumiti ito bago ako tinalikuran at naglakad papalabas ng kwarto. Naiwan naman akong nakasunod ang mga mata sa likod niya habang naglalakad ito.
Nang makalabas na siya sa kwarto ko ay umupo ako sa kama ko. Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang lakas na naman ng kabog nito!