DISCLAIMER: Hindi ko po alam ang tamang proseso ng trial. Gawa-gawa ko lamang ito.
Salamat!
__________________________
Bella's POV
"Are you ready?" Damian asked.
Humugot ako ng malalim na hangin at binuga ito.
"Yes." Sagot ko kay Damian.
He looked at me seriously and gave me a nod. Bumaba si Damian sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. I am wearing a black mask and a cap. Ngayong araw ang hearing namin sa kasong isinampa ko laban kay Adrian Montalvo. 2 hours before the hearing ay nagpunta na kami sa Hall of Justice para makaiwas kami sa media.
Closed hearing ang gaganapin mamaya dahil sa media na nakabantay sa kaso ni Adrian Montalvo at hiniling ng kampo namin na hindi dapat malaman ng publiko ang identity namin ni Eloiza.
Marami kaming security na kasama ngayon para sa proteksyon ko. Eloiza wanted to come pero sinabihan ko siyang huwag na siyang pumunta dahil kailangan niya ring paghandaan ang kaso niya at may pasok pa ito sa school. Si Tito Nathan at Tita Eliza ang makakasama ko mamaya sa loob at sila ni Atty. Montemayor at Damian.
"We're here, Bella." Bulong nito sa akin.
Tumango ako sa kanya. Umupo kami sa waiting area. Nasa tabi ko si Damian at nasa hindi kalayuan ang ibang security ni Damian para bantayan kami.
"How are you feeling?" Tanong ni Damian sa akin.
"A bit nervous but I'm fine." Sagot ko sa kanya.
Nagulat ako sa paghawak niya sa kamay ko pero hindi ko ito pinahalata.
"Your hand is cold." Aniya.
Kinakabahan kase ako kaya nanlalamig ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa loob ng korte mamaya at hindi ko alam kung ano ang mga itatanong sa akin. Damian briefed me sa mga pwedeng itanong sa akin kaya naghanda na ako.
"Good morning, Sir." Bati ng isang babae kay Damian.
Nakaformal ito ng damit.
"Good morning, Jane." Ani Damian.
"Good morning, Ma'am." Bati nito sa akin.
Hindi ko siya kilala. Mukhang empleyado ito ni Damian.
"This is Jane, my secretary." Pagpapakilala ni Damian.
"Hello, Jane. I'm Bella." Pagpapakilala ko.
Nakipagkamay ako kay Jane.
"Nice to meet you, Ma'am." Anito at ngumiti sa akin.
May ibinigay itong folder kay Damian. Pinatong niya ito sa hita niya at binasa ang nilalaman ng folder. Sinubukan kong alisin ang kamay ni Damian na nakahawak sa akin pero hinigpitan lang nito ang paghawak sa kamay ko.
"Stop it, Muffin." Aniya.
Nagulat ako sa tinawag nito sa akin. Kahit si Jane ay napatingin sa akin. Nahihiya naman akong napayuko. Ayan na naman siya sa pagtawag sa akin ng Muffin! Mahina kong siniko si Damian.
"Stop calling me that." Bulong ko.
Narinig ko lang itong mahinang tumawa at napailing. Pasimple kong tiningnan si Jane. Nagpipigil ito ng ngiti. Napayuko na lang ako ulit.
Maya-maya pa ay natapos ng basahin ni Damian ang laman ng folder at pinirmahan ito at ibinigay kay Jane. Nagpaalam na si Jane at umalis na ito.
"Do you still feel nervous?" Pagtatanong ni Damian.
Napailing ako at sumagot, "hindi na."
Nang hinawakan niya ang kamay ko ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Maybe it's temporary. I'm sure kapag nasa loob na ako mamaya ng courtroom ay kakabahan na naman ako.
"That's good. I think, me holding your hand helped you calm." He stated.
"Hinahawakan mo rin ba ang kamay ng kliyente mo para kumalma, Attorney?" I sarcastically asked.
He chuckled, "no, but you're an exception, Muffin."
"Do you call your clients 'Muffin'?" Naiinis na tanong ko.
I wiggled his hand pero hindi niya talaga ako binibitawan.
"Nope. That's only for you." Sagot nito.
Hindi ko alam kung inaasar ba ako nito. Simula ng maabutan niya ako sa loob ng kuwarto niya na nakigamit ng banyo ay "Muffin" na ang tawag nito sa akin. I don't know why.
Nanahimik na lang ako habang naghihintay kami na tawagin kaming pumasok sa loob ng courtroom. Maya-maya pa ay dumating na sila ni Tito at Tita. Nakamask din sila at nakacap katulad ko, kasama nilang dumating si Atty. Montemayor. Lumapit naman ako kay Tito at Tita para bumati.
"Atty. Damian de Dios, what are you doing here?" Napatingin ako sa bagong dating na lalaki.
Nakasuot ito ng itim na suit at sa palagay ko ay mas matanda ito ng ilang taon kay Damian.
"I am helping my good friend, Atty. De Vera." Sagot naman ni Damian sa lalaki.
"So, you're friends with the victim, huh?" Anito at ngumisi kay Damian.
"Yes." Tipid na sagot ni Damian at nag-excuse para lumapit sa akin.
"Bella, that's the counsel of Adrian Montalvo." Anito.
Tinignan ko si Atty. De Vera. Nakatingin din pala ito sa akin. He smiled at me.
"Eyes here, Muffin." Matigas na sabi nito.
Napatingin naman ako kay Damian. Seryoso itong nakatitig sa akin.
"Don't look at him." Aniya.
Tumango ako kay Damian. Hinawakan nito ang braso ko at hinila ako para umupo sa upuan namin kanina. Magalang akong nagpaalam sa kanila ni Tito bago ako mahila ng tuluyan ni Damian.
"Man, are you okay?" Pagtatanong ni Atty. Montemayor kay Damian.
"Yes." Tipid na sagot nito.
Nasa harap lang namin si Atty. De Vera at tinititigan ako. Umayos ako ng upo at nakipagtitigan sa kanya ng ilang segundo. Ngumisi ito sa akin. Is he trying to intimidate me?
"Muffin....I told you to stop looking at him!" Inis na bulong ni Damian.
Napatingin ako kay Damian. Nakakunot ang noo nito at nagtatagis ang panga.
"Damn, de Dios!" Natatawang bulong ni Atty. Montemayor.
Tumayo si Atty. Montemayor at nakipag-usap sa abogadong tumawag sa kanya na kararating lang din.
"Bakit ba?" Bulong ko.
"Just do what I say." Sagot nito sa akin.
Nilingon ko si Atty. De Vera, may kausap na itong isang babae pero lumingon ito sa akin at bahagyang ngumiti.
"Ysabella Corryn!" Nagulat ako sa pagtawag ni Damian sa pangalan ko.
Mahina lang ito pero bakit parang may pagbabanta? First time ko ring narinig na tinawag niya ako sa buong pangalan ko. Hindi na ako sumagot at sinunod ko na lang ang gusto niya.
Hindi rin nagtagal ay pinapasok na kami sa loob ng korte. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at nagbuga ng malalim na hangin. Katabi ko ngayon si Atty. Diego Montemayor.
"Relax, Ms. Reyes. Remember what I told you, speak your truth." Ani Atty. Montemayor.
Tumango ako sa kanya. Nasa likod nakaupo si Tita, Tito at Damian. Maya-maya pa ay pumasok na si Adrian Montalvo habang nakaposas kasama ang mga pulis. I glanced at him once at binalik na ang tingin sa harapan.
I clenched my fist. Ni wala man lang akong makitang takot o pagsisisi sa mukha niya.
Umupo na ang Judge at sinabi nito na mag-uumpisa na ang trial ng kaso. Tinawag si Damian para umupo sa witness stand. Nilingon ko siya, he smiled at me at nagtungo sa witness stand. He recited the oath bago ito umupo roon. Tumayo si Atty. Montemayor dahil siya ang unang magtatanong kay Damian.
"Atty. de Dios, pwede mo bang ilahad sa hukumang ito kung ano ang relasyon mo kay Ms. Reyes?" Tanong ni Atty. Montemayor.
"At first ay hindi ko talaga kilala si Ms. Reyes, I just met her sa building ng old condo unit ko kung saan ako nakatira noon. Specifically, I met her inside the elevator crying for help." Sagot ni Damian.
"Pwede mo bang i-kuwento kung bakit siya humihingi ng tulong?" Tanong ni Atty. Montemayor.
"Nang una ay hindi ko talaga alam kung bakit siya humihingi ng tulong, she was crying in distress at takot na takot. She was trembling at parang may tinatakasan kaya hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya. I was the only one inside the elevator kaya tinakpan ko ang katawan niya gamit ang katawan ko. She was crying and holding my shirt tightly. As a lawyer, I help people kaya ko siya tinulungan," mahabang sabi ni Damian, "bago pa sumara ang elevator ay may narinig akong sumisigaw na lalaki. Galit na galit ito at tinatawag ang pangalang, 'Bella' ang kasunod noon ay 'papatayin kita!'." Dugtong ni Damian.
"Kilala mo ba ang lalaking sumisigaw?"
"Yes, I know him." Matigas na sagot ni Damian.
"Pwede mo bang sabihin ang pangalan?"
"Yes. It was Adrian Montalvo." Sagot ni Damian at tinuro si Adrian.
"Paano ka nakakasigurado na si Mr. Montalvo ang nakita mo? Baka ibang tao ang nakita mo, Atty. de Dios."
"I was very sure that it was him. Bago sumara ang elevator ay siya ang nakita kong galit na galit na sumisigaw, he was topless and rubbing his eyes." Sagot ni Damian.
"After that incident inside the elevator, ano pa ang sumunod na nangyari?" Pagtatanong ni Atty. Montemayor.
"Objection Your Honor! This is irrelevant...." Sabi ni Atty. De Vera.
Kaagad na nagsalita si Atty. Montemayor, "Your Honor, this is relevant to the case dahil dito nagsimula kung bakit humantong sa attempted rxpe ang kasong ito. Please, allow Atty. de Dios to go further."
"Make sure that this is relevant to the case, Atty. Montemayor," babala nito kay Atty. Montemayor bago sinabi na magproceed ito.
"Thank you, Your Honor," pasasalamat nito sa Judge at binaling na ulit ang tingin kay Damian, "again, Atty. de Dios, what happened after the incident inside the elevator?"
"Isinama ko sa unit ko si Ms. Reyes at tinanong ko siya kung anong nangyari sa kanya at bakit nasa ganoon siyang kalagayan. She answered me in detail that she was almost rxped by her ex-boyfriend and drugged her, mabuti na lang at nakatakas siya sa kamay ni Mr. Montalvo kaya hindi ito natuloy. I urged her to go to the police station para ipa-blotter ito at magfile ng kaso pero ayaw niya dahil ayaw niya ng gulo." Mahabang sagot ni Damian.
Tiningnan ako ni Damian at bahagyang ngumiti. Parang pinapalakas nito ang loob ko. Tumango ako sa kanya.
"Your Honor, we are submitting the CCTV footage from the condo building kung saan nangyari ang sinasabi ni Atty. de Dios. Please allow us to play it para mapatunayan na hindi nagsisinungaling ang Witness." Ani Atty. Montemayor.
Tumango ang Judge at sumenyas na i-play ang CCTV footage. Nagplay sa malaking TV ang CCTV footage, nanghihina akong tumatakbo palabas mula sa unit ni Adrian. Kitang-kita sa itsura ko na takot na takot ako at umiiyak. Sumunod naman si Adrian at sumisigaw. Rinig na rinig sa loob ng courtroom ang pagmumura at pagbabanta nito sa akin na papatayin ako. Nakita rin sa CCTV footage na pumasok ako sa loob ng elevator at tinulungan ako ni Damian. Natapos na ang video. Humugot ako ng malalim na hangin at binuga ito.
"Your Honor, that CCTV footage was given to me by the Witness to prove what he just said." Ani Atty. Montemayor.
Tinanggap ng Judge ang ebidensya namin. Kitang-kita ko ang pag-iba ng itsura ni Atty. De Vera. Hindi rin maipinta ang mukha ng Tatay ni Adrian. Bigla itong tumayo at magsasalita na sana pero napigilan ito ng kanyang asawa.
Unang ebidensya pa lang 'yan.