Continuation...
Bella's POV
"Atty. de Dios, ano pa ang sumunod na nangyari?"
"After a few days, I met Ms. Reyes in a bar. It was unexpected. She was working there as a waiter. I waited her hanggang sa matapos ang shift niya and thank God I did dahil naghihintay din pala si Mr. Montalvo sa kanya. I admit that I assaulted Mr. Montalvo because she forced Ms. Reyes to come with him." Sagot ni Damian.
"Your Honor, we are submitting the dashcam footage of the said incident as an evidence. Please allow us to play it." Ani Atty. Montemayor.
Sumenyas ang Judge na i-play ito. Pagkatapos ma play ang video ay sumilip ako sa side nila Adrian, mas sumama ang itsura ni Atty. De Vera, mukhang hindi niya alam na may ganitong pangyayari. Kinausap nito si Adrian pero hindi ito nagsalita. Nagagalit na rin ang Tatay ni Adrian kaya pinatahimik ito ng Judge at nagbabala na palalabasin siya kaya tumahimik naman ito kaagad.
"Your Honor ang mga taong kasama ni Atty. de Dios at ni Ms. Reyes ay ang mga kaibigan ni Atty. de Dios, they are willing to appear in this court for questioning if you will summon them." Ani Atty. Montemayor.
"No need for that, Atty. Montemayor. Please proceed sa mga katanungan mo sa witness kung mayroon pa." Wika ng Judge.
"Pagkatapos ng insidenti ay ano ang sumunod na nangyari, Atty. de Dios?"
"Hinatid ko pauwi si Ms. Reyes. Habang nakasakay kami sa kotse ko ay tinanong ko siya kung ano ang kailangan sa kanya ni Mr. Montalvo at bakit ayaw siyang tantanan ng lalaki," sagot nito kay Atty. Montemayor, "she said that Mr. Montalvo wanted her body, ito ang gusto nitong pangbayad sa lahat ng utang na mayroon ang Tiyahin ni Ms. Reyes sa kanya. Again, sinabihan ko si Ms. Reyes na magfile na ng kaso against Mr. Montalvo pero still, she doesn't want to dahil ayaw niya ng gulo." Dugtong nito.
"Nang araw na muntik ng ma rxpe si Ms. Reyes, nasaan ka ng mga oras na 'yon at paano mo nalaman ang nangyari kay Ms. Reyes?"
"It was past 3:00 in the afternoon, I was in my company doing my work, Attorney. She called me and asked for help. Nahimigan ko sa boses nito na nasa kapahamakan siya dahil umiiyak ito at may ingay akong naririnig sa kabilang linya kaya hindi na ako nagdalawang isip at kaagad akong pumunta kasama ang kaibigan ko at ilang tauhan ko." Sagot nito kay Atty. Montemayor.
"At ano ang naabutan mo sa pagdating mo?"
"She was indeed in danger dahil naroon ang pinagkautangan ng Tita ni Ms. Reyes, para hindi na malagay sa kapahamakan ang buhay at pamilya ni si Ms. Reyes ay ako na ang nagbayad ng utang ng Tiyahin niya. Sinama ko si Ms. Reyes sa bagong condo unit to offer her to stay with me dahil palagay ko ay hindi na siya safe sa bahay nila and I was right. My men called me that Ms. Reyes' cousin was in the hospital dahil natagpuan itong walang malay sa loob ng kwarto ni Ms. Reyes and they found an injection. I asked my men to take pictures of the room pati na ang injection na nakita nila. I asked Ms. Reyes what happened and she said that muntik na siyang gxhasain ni Mr. Montalvo and unfortunately, her cousin was rxped by Mr. Montalvo."
I bit my lower lip. Biglang bumalik sa alaala ko ang itsura ni Eloiza She was helpless and weak. Kahit ako ay wala akong nagawa. Ang akala ko pa ay ginusto niya ang nangyari pero hindi niya pala iyon ginusto. Nanubig ang mga mata ko pero tumingala ako para hindi tumulo ang mga luha ko.
"Finally, I convinced Ms. Reyes to file a case. Sinamahan ko siyang magsampa ng kaso laban kay Mr. Montalvo."
"Objection, Your Honor! The Witness said na sinabi lang ni Ms. Reyes na muntik na siyang gxhasain pero hindi nakita mismo ng Witness na ginawa ito ni Mr. Montalvo kay Ms. Reyes. Hindi natin alam kung totoo o gawa-gawa lang ito ni Ms. Reyes." Turan ni Atty. De Vera.
"Yes, totoo nga naman na hindi nakita ng Witness na ginawa iyon ni Mr. Montalvo kay Ms. Reyes pero mayroon kaming pruweba na magpapatunay na totoo ang sinasabi ng Witness." Ani Atty. Montemayor, "Your Honor, we are submitting a video. Kuha ito mismo sa loob ng kuwarto ni Ms. Reyes kung saan nangyari ang muntik ng pag-gxhasa kay Ms. Reyes."
Napatayo ako sa narinig ko at naguguluhang napatingin kay Atty. Montemayor. Seryoso itong nakatingin sa akin. Kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi ko alam na mayroon kaming ebidensya na ganito. Kahit si Atty. De Vera at si Adrian ay napatayo sa kinauupuan nila. Napatingin ako kay Damian. Seryoso itong nakatingin sa akin. Umiling ito. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng pag-iling niya.
"Ms. Reyes, if this video will make you uncomfortable, I will not play it inside the court room." Ani ng Judge at nag-aalalang tumingin sa akin.
Nanginginig ang mga labi kong sumagot, "i-it's okay, Your Honor."
Tinitigan pa ako ng maigi ng Judge bago nagsalita na i-play ang video. Ang kanina ko pang pinipigilan na luha ay nagsi-unahang tumulo sa pisnge ko. Kitang-kita sa video kung paano ako pinipilit na pagsamantalahan ni Adrian.
Napaupo ako. Nakita kong napatayo si Damian mula sa pagkakaupo niya at nagtatagis ang panga nitong nakatingin sa akin.
"Don't watch." He mouthed.
Lumapit sa akin si Atty. Montemayor at nag-aalalang tiningnan ako. I breathe deeply.
"Anak..." Mahinang tawag sa akin ni Tito Nathan.
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa likod ko. He is comforting me. Umiling ako kay Tito Nathan.
"O-okay lang po ako." Ani ko sa kanya at pilit na ngumiti.
Nang matapos magplay ang video ay nakita ko ang pag-iling ni Judge. Pinagsalikop nito ang kamay niya at natahimik. Bahagya akong napayuko para punasan ang luha sa pisnge ko.
"Your Honor, honestly, hindi namin alam kung sino ang may-ari ng video recording device na nakita sa loob ng kuwarto ni Ms. Reyes, so we submitted it to the National Forensic Service for DNA comparison as well as the injection that we found inside Ms. Reyes' room. We just had the result from National Forensic yesterday. We would like to submit it also as an evidence in this case, Your Honor." Ani Atty. Montemayor.
Kinuha ng staff ng korte ang binigay na folder ni Atty. Montemayor at binigay ito kay Judge.
"The fingerprints and the DNA that found in the video recording device was from Mr. Adrian Montalvo," matigas na sabi ni Judge, "as for the contents of the injection, it is called, 'Xtasy'. For context, isa itong drxga na magpapataas ng s*x drive mo at mawawalan ka ng control sa katawan mo. Ayon sa research ng mga eksperto sa medisina, this drxgs is sending a message to your brain that you like what you are doing, at kalaunan ay mawawalan ka ng lakas," nagbuntong-hininga si Judge bago nagsalita ulit, "the fingerprints and the DNA from the injection was from Mr. Montalvo and Ms. Reyes."
"Your Honor, if we are going to watch again the video, you will clearly see there that the injection was injected by Mr. Montalvo to Ms. Reyes. Nahawakan ito ni Ms. Reyes dahil kinuha niya ito at tinapon." Ani Atty. Montemayor.
"I will accept the evidence from Atty. Montemayor. If you're done questioning the Witness, the counsel of Mr. Montalvo can question him." Turan ng Judge.
Sinabi naman ni Atty. Montemayor na wala na siyang itatanong kay Damian. Napatingin ako kay Atty. De Vera, mukhang wala itong balak na magtanong kay Damian. Bakas sa mukha nito ang pagkadismaya.
"I don't have any questions, Your Honor." Ani Atty. De Vera.
"You may now go back to your seat, Atty. de Dios," ani Judge, sumunod naman si Damian at bumalik sa kinauupuan niya kanina, "Counsel, let's have a recess for 30 minutes." Ani Judge at tumayo.
Nang makalabas si Judge ay umingay ang side nila Adrian. Hindi nila inaasahan ang mga ebidensya na pinakita kanina. Nakita kong umiiyak ang Nanay ni Adrian, I feel sorry for her. Mukhang wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawang kagaguhang ginagawa ng anak niya. Marahil sa ngayon ay kini-kuwestyon niya ang sarili niya bilang ina.
"Do everything, Attorney!" Rinig kong sabi ng Tatay ni Adrian bago sila makalabas ng korte.
"Are you okay?" Pagtatanong ni Damian sa akin.
Nasa labas na kami ngayon at nakaupo sa waiting area.
Tumango ako sa kanya, "thank you."
"I'm sorry at hindi namin nasabi kaagad ang tungkol sa video. Nahirapang i-recover ng taga National Forensic Service ang buong video dahil nasira ang recorder. Mabuti na lang at nagawan nila ng paraan at naibigay ito kahapon kay Atty. Montemayor."
"Okay lang. Nagulat lang ako kanina," sagot ko sa kanya, "actually, masaya ako dahil at least, nakita nila na totoo ang nangyari sa akin at sa pinsan ko. Mas naging malakas ang ebidensya natin laban kay Adrian." Ani ko.
"Ikaw na mamaya ang uupo roon at tatanungin. Will you be okay?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Oo naman. Malaki na ang pag-asa naming manalo sa kasong ito." Sagot ko sa kanya.
Hinawakan nito ang kamay ko. Kahit nakamask ako ay ngumiti ako sa kanya.
"I know you can do it, Muffin! If you're scared, take a deep breath and relax. We're here for you." He said.
Pinisil nito ang kamay ko.
After 30 minutes ay nagresume na ang hearing. I was called to seat for questioning. Pagkatapos kong sumumpa na magsasabi ng totoo sa loob ng korte ay pinaupo na ako.
I took a deep breath and tried to calm myself. Hindi ako tumitingin sa kampo nila ni Adrian. Tumayo si Atty. Montemayor at lumapit sa akin.