Chapter 17

1856 Words
Continuation.... Bella's POV "Ms. Reyes, pwede mo bang ilahad sa hukumang ito kung ano ang relasyon mo noon kay Mr. Adrian Montalvo?" "He was my boyfriend." Sagot ko sa kanya. "Totoo bang malaki ang utang ng Tiyahin mong si Eliza Reyes kay Mr. Montalvo?" Tumango ako, "opo, totoo po iyon." "It was stated in your affidavit na napilitan ka lang na sagutin si Mr. Montalvo. Ano ang rason mo, Ms. Reyes?" Tanong ni Atty. Montemayor. "Tama po iyon. Wala po talaga akong balak na sagutin siya noong una pa lang, pero nagkautang si Tita Eliza kay Adrian kaya napilitan akong sagutin siya dahil pinilit ako ng Tita ko para hindi na raw siya singilin ni Adrian. Wala kaming pangbayad noon kaya kahit ayaw ko ay ginawa ko na lang. Alam kong mali iyon dahil mukhang ginagamit ko siya pero, wala rin akong choice. Nalulong si Tita sa sugal at hindi ko alam na mas lumaki na ang utang niya kay Adrian." Mahabang sagot ko. "Did you ever asked money from Mr. Montalvo for your personal use o para sa pagsusugal ng Tiyahin mo?" "Hindi po," naiiling na sagot ko, "sila lang po ni Tita ang nagkakausap at wala akong alam na palagi ng umuutang si Tita sa kanya. Sinabi na lang sa akin ni Adrian kaya nagugulat na lang ako. I tried to talk to him at sinabihan siyang huwag ng pautangin si Tita, sinabihan ko na rin si Tita pero nagtuloy-tuloy pala ang pagpapahiram niya ng pera kay Tita." Napatingin ako kay Tita. Malungkot itong nakatingin sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagsisisi. "So, you are saying na kahit ilang beses mo ng sinabihan si Mr. Montalvo na huwag ng pahiramin si Mrs. Eliza Reyes ay pinapahiram niya pa rin ito?" "Opo." Pagsang-ayon ko. "So, parang tini-take advantage ni Mr. Montalvo ang pagpapahiram ng pera sa Tita mo?" "Objection, Your Honor! My client is just kind para pahiramin ng pera ang Tiyahin ng girlfriend niya!" "Overruled! Proceed with your questioning, Atty. Montemayor." Turan ni Judge. Napailing naman si Atty. De Vera. "Thank you, Your Honor," ani Atty. Montemayor, "pakilahad sa akin, Ms. Reyes kung ano ang mga napansin mo kay Mr. Montalvo habang magkarelasyon kayo." "Noong una po ay okay naman siya. Sinubukan ko pong mahalin siya pero wala talaga, e. I tried to explain my real feelings towards him, nakikipaghiwalay ako sa kanya ng maayos pero nagagalit ito. Sinisigawan niya ako, at kung anong bagay ang mahawakan niya ay sinisira o binabasag niya." Sagot ko. "In short, nagiging bayolente siya?" "Opo, Atty.. Hindi naman niya po ako sinasaktan. Kaya ng makita ko po siya na ganoon ang naging reaksyon niya sa pakikipaghiwalay ko sa kanya ay hindi ko na po muna itinuloy dahil natakot ako sa kanya. I tried to distance myself po sa kanya pero siya naman po ang lumalapit sa akin at humihingi ng tawad. Pinatawad ko rin po siya dahil baka magalit na naman siya sa akin." "Tumagal pa kayo ng ilang buwan, tama?" "Opo. Tama po iyon." Pagsang-ayon ko. "Bakit hindi mo siya nagawang hiwalayan ng tuluyan?" Napatingin ako kay Tito Nathan. Malungkot itong nakatingin sa akin. "Hindi ko po kase siya mahiwalayan dahil nalaman kong mas lumaki na ang utang ni Tita Eliza sa kanya at pinagbabantaan na po ako nito na isusumbong niya kay Tito Nathan ang pagkalulong ni Tita sa sugal," malungkot akong ngumiti kay Tito Nathan, "may sakit po sa puso si Tito Nathan kaya natatakot akong malaman niyang baon na sa utang si Tita dahil sa pagsusugal." "Ano ang naging rason mo para hiwalayan na ng tuluyan si Mr. Montalvo?" I heaved a deep sigh before answering the question. "Nang pinipilit niya na po akong makipagtalik sa kanya. Hindi rin po natutuloy dahil hindi niya ako mapilit. At sa tuwing tinatanggihan ko siya ay nagagalit ito at binabaling sa gamit ang galit niya." Sagot ko ay Atty. Montemayor. "Pwede mo bang isalaysay sa hukumang ito kung ano ang nangyari ng gabing nagpunta ka sa condo unit ni Mr. Montalvo?" Napatingin ako kay Damian. Tumango siya sa akin. Napabuga ako ng malalim na hangin. "It was our first year anniversary po. Nagpunta po ako sa condo niya hindi po para magcelebrate ng anniversary namin, I went there to officially break up with him pero hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko. Sinabihan niya po akong huwag kong sirain ang anniversary namin dahil pinaghandaan niya ito." Pagsasalaysay ko. "Anong paghahanda ang ginawa ni Mr. Montalvo?" "Dinner po. Pagkarating ko roon ay may pagkain at wine ng nakahanda sa mesa. He even gave me a bouquet of flowers." Sagot ko. "Ano ang ginawa mo ng sinabi ni Mr. Montalvo na huwag mong sirain ang anniversary niyo?" "Ininom ko ang wine at binigay ang bayad ko na 100,000 para sa utang ni Tita Eliza pero sinabi niya na hindi niya naman daw po ako sinisingil. Nakipaghiwalay na po ako ng tuluyan sa kanya dahil hindi ko naman talaga siya mahal at napipilitan lang akong manatili sa kanya dahil sa utang ng Tita ko at sa pagbabanta niya. Sinabi ko rin sa kanya na babayaran ko siya ng pa konte-konte dahil hindi ko naman siya kayang bayaran ng buo." Sagot ko kay Atty. Montemayor. "Ano ang sumunod na nangyari, Ms. Reyes?" "Hindi niya po nagustuhan ang pakikipaghiwalay ko sa kanya. He said that sapat ng kabayaran ang katawan ko sa lahat ng utang ng Tita ko sa kanya dahil hindi niya naman kailangan ng pera. Nang mga oras na po no'n ay nakaramdam na ako ng hilo. Marahas niya po akong hinila patayo at sinusubukang halikan, kahit na nahihilo po ako ay sinubukan kong lumaban sa kanya pero mas malakas siya sa akin. Sinampal niya ako ng malakas at binuhat papunta sa kuwarto niya. Alam kong wala akong laban sa kanya kaya kahit na ayaw ko ay hinalikan ko siya at nagpanggap na bibigay ako sa gusto. I--" Napalunok ako ng laway ko. May parang bato na humaharang sa lalamunan ko. Nag-umpisa ng uminit ang sulok ng mga mata ko. Tumingala ako para pigilan ang luha ko. "I-I kissed him and said that I want on top of him just to pretend that I want him para makahanap ng paraan kung paano ako makakatakas sa kanya. I even unbottoned my shirt para lang mapaniwala siya. Fortunately ay naniwala siya sa akin. Nang nakahanap na ako ng tamang tyempo ay sinipa ko ang p*********i niya at ni spray ang dala kong pepper spray sa mukha niya dahil bago pa po ako pumasok sa condo niya ay naghanda na ako. Luckily nakatakas ako at doon na ako tinulungan ni Atty. Damian de Dios." "Nagsisinungaling ka! Hindi kita pinagtangkaang gxhasain ng gabing 'yon!" Galit na sigaw ni Adrian. "Order in the Court! Counsel, advice your client to behave!" Pinatahimik naman ni Atty. De Vera si Adrian at pinaupo ito. Galit na galit itong nakatitig sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Your Honor, we are submitting an evidence. It is the voice recording of Mr. Montalvo and my client. Ms. Reyes recorded the whole incident of that night." Ni play ito sa loob ng korte. Nang gabing nagpunta ako sa condo ni Adrian ay may dala akong recording device para kung may mangyaring masama sa akin ay may pruweba ako, at hindi nga ako nagkamali. Narinig ng lahat ng nasa loob ng courtroom na ito ang mga boses namin sa recording device. Mula sa pagpasok ko sa condo ni Adrian hanggang sa makapasok ako sa loob ng elevator. Rinig na rinig din doon ang pagmumura at pagbabanta ni Adrian na papatayin niya ako. "Evidence accepted. Please, proceed." Ani Judge. "Pagkatapos ng insidenting iyon, ano pa ang sumunod na mga nangyari?" "Ang sumunod po na nangyari ay hindi na kami nagkita pa ulit, pero araw-araw po akong nakakatanggap ng pagbabanta mula kay Mr. Montalvo. Tini-text niya po sa akin. Akala ko po ay hindi na kami magkikita pero binantayan niya po ako after ng shift ko po sa club kung saan ako nagtatrabaho. Pinipilit niya po akong sumama sa kanya para pagbayarin daw po ako sa ginawa ko sa kanya. Mabuti na lang po at dumating si Atty. de Dios para tulungan ako." Sagot ko kay Atty. Montemayor. "Your Honor, we are submitting the copy of the threatening messages that Ms. Reyes received from Mr. Montalvo." Tinanggap ito ni Judge at pina-proceed sa pagtatanong si Atty. Montemayor sa akin. "Pumunta na tayo sa araw na muntik ka ng magxhasa, Ms. Reyes. Pwede mo bang i-kuwento ang nangyari ng araw na iyon?" "Yes, Atty." humugot muna ako ng hangin bago nagsalita, "galing po ako noon sa trabaho, pagkarating ko po sa bahay ay wala akong napansing tao. Nasa kusina po ako no'n dahil hinuhugasan ko po ang pinamili ko. Habang naghuhugas ako ay may naririnig akong mahinang ungol, hindi ko pa matukoy kung saan nanggagaling ang ingay. Ang akala ko lang po ay guni-guni ko lang po iyon. Pero, sinundan ko ang ingay. Nagdala po ako ng bakal na tubo dahil akala ko po ay magnanakaw. Hanggang sa binuksan ko ang kuwarto ko dahil doon nanggagaling ang ingay. Naabutan ko po roon sina Mr. Montalvo at ang pinsan kong si Eloiza na nagtatalik." Mahabang kuwento ko. "Ano ang naging reaksyon mo ng makita mo silang nagtatalik?" "Nagalit po ako kay Mr. Montalvo pati na sa pinsan ko. More on na dismaya rin po ako sa pinsan ko dahil ang akala ko po ay with consent niya ang pagtatalik nila. Pero, hindi po pala. Pinilit din po akong pagsamantalahan ni Adrian. Hindi po ako makalaban dahil mas malakas po siya sa akin. Sinubukan pong lumaban ni Eloiza pero wala po siyang lakas, sinabi pa ni Adrian na umepekto na raw po ang drxgs na ni-inject niya. Parang wala po sarili si Adrian. Pulang-pula po ang mga mata niya. He tried po to inject me the drugs, mabuti na lang at may dumating kaya hindi natuloy ang balak niya sa akin. Nang umalis po siya mula sa pagkadagan sa akin ay doon na po ako tumawag kay Atty. de Dios at humingi ng tulong. Nang marinig po ni Adrian ang pagbabanta ng mga dumating po sa bahay ay doon na siya tumakas. Dumaan po siya sa bintana, nagmakaawa pa po akong isama niya si Eloiza pero tumakas lang po siya." "Salamat, Ms. Reyes," ani Atty. Montemayor, "Your Honor, we already submitted the video as evidence para patunayan na tama ang sinasabi ni Ms. Reyes. Wala na po akong itatanong kay Ms. Reyes." Ani Atty. Montemayor. Pinabalik naman ni Judge si Atty. Montemayor sa upuan niya. "Counsel of the accused, you may ask questions to Ms. Reyes." Ani Judge. Umiling si Atty. De Vera. Hindi ito magtatanong sa akin? "I'm not going to ask any questions, Your Honor." Ani Atty. De Vera. Seryoso namang nakatingin si Judge kay Atty. De Vera. Sinabi rin ng Judge na isasalang na si Adrian para tanungin. Lumapit ito sa witness stand at tumayo roon at nanumpa bago umupo. Napabuga ako ng hangin. Hindi ko alam kung paano niya babaliktarin ang lahat ng mga ebidensya na mayroon kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD