Chapter 18

2231 Words
Continuation... Bella's POV "Mr. Montalvo, ex-girlfriend mo si Ms. Reyes, tama ba?" Pagtatanong ni Atty. De Vera. "Tama po, Attorney." Sagot nito. "Totoo bang pinapahiram mo ng pera ang Tiyahin niyang si Mrs. Eliza Reyes nang magkarelasyon pa kayo?" "Yes, Attorney." "Ito ba ay kusa mong binibigay o ang Tiyahin niya mismo ang nanghihiram sa 'yo?" "Nang una po ay kusa po akong nagbigay dahil binayaran ko ang nahiram ni Mrs. Reyes sa sugalan na Twenty Thousand hanggang sa ang Tiyahin niya na mismo ang nanghihiram sa akin at lumaki na ito." Sagot ni Adrian. "Bakit mo pinapahiram ang Tiyahin ni Ms. Reyes?" "Because Ms. Reyes is my girlfriend. I love her and gusto ko ring magpa-impress sa pamilya niya." Confident na sagot nito. Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Mahal niya ako? Nagpapatawa ba siya? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ang niligawan niya. Hindi ko rin maramdaman na mahal niya ako. "Kamusta ang pakikitungo mo kay Ms. Reyes at sa pamilya niya?" Tanong ni Atty. De Vera. "Sa pamilya po ni Ms. Reyes, okay naman po. Mabait naman sila sa akin. Kay Ms. Reyes naman po, mabait din siya sa akin. I treated her well." Sagot nito. Yes, mabait siya sa pamilya ko kapag minsan pumupunta siya sa bahay. Ganoon din sa akin pero halatang pinipilit niya lang ang sarili niyang makisama. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa 'yon. "No further questions, Your Honor." Ani Atty. De Vera. Parang wala itong gana base sa ekspresyon ng mukha niya. Nang makaupo ito ay umiiling pa ito. 'Yon na 'yon? Kahit ang Judge ay kumunot ang noo ng marinig niya ang sinabi ni Atty. De Vera. "He knows he can't win this case." Mahinang sabi ni Damian. Tumayo si Atty. Montemayor at lumapit kay Adrian. "Mr. Montalvo, base sa recorded conversation niyo ni Ms. Reyes nang araw ng anniversary niyo roon sa condo, sinabi mong, I quote, 'ano ba ang akala mong rason kung bakit kita niligawan? Yes, you're beautiful and you have a nice body, aside from that? Nah! You're nothing.', end of quote. Pero, kanina lang sinabi mo na mahal mo si Ms. Reyes. Alin sa dalawa mong sinabi ang totoo, Mr. Montalvo?" "I love her!" Matigas na sagot nito. "Kung mahal mo siya, bakit mo siya pinainom ng wine na may drxgs at sapilitang makipagtalik sa kanya?" "I did not drugged her! I was just frustrated that night dahil nakikipaghiwalay siya sa akin!" Aniya. Mapakla akong natawa at umiling. Pinaninindigan niya talaga na mahal niya ako. "So, you're saying na hindi ikaw ang nasa CCTV footage at hindi mo boses ang nasa voice recorder?" Natahimik si Adrian at galit na tumingin sa akin. Hindi ako nagbaba ng tingin. I saw how his jaw moved. Nagpipigil na ito ng galit niya. "Mr. Montalvo, please answer Atty. Montemayor." Wika ng Judge habang nakatingin kay Adrian. "It was me." Matigas na sagot nito habang titig na titig sa akin. I saw Atty. Montemayor nodded. "The video recorder that was found in Ms. Reyes room, ikaw ba ang nagmamay-ari no'n?" "Yes, it was mine." Sagot nito habang nakatingin kay Atty. Montemayor. I bit my lower lip. "So, you planned to rxpe Ms. Reyes?" Tanong ni Atty. Montemayor. Nag-iwas ng tingin si Adrian at ngumiti ito. Ang mata nito ay kung saan-saan na nakatingin. Hindi ito makafocus. "Yes. What else I should do? Look at her, she's beautiful and has a nice body," aniya habang nakatingin sa akin. Napasinghap ako. Nanindig ang balahibo ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Damian sa kamay ko. Nasa likod ko lang siya nakaupo. "So, 'yan ang dahilan mo kung bakit mo siya nilagawan? Dahil noon pa lang ay katawan lang ang habol mo sa kanya at ng hindi mo mapilit ang gusto mo ay hinalu-an mo ng drxga ang inumin niya noong nagpunta siya sa condo mo? You already planned it, kahit na hindi siya nakipaghiwalay sa 'yo nang anniversary niyo ay may balak ka ng pagsamantalahan siya?" Mas lumapad ang ngisi nito at tumingin sa akin. "Yes! But she was also ready and that f*****g Damian de Dios helped her kaya nakawala siya sa akin! She was always helping her kaya hindi ko magawa ang mga plano ko!" mahina itong tumawa, "so I planned to do it again inside her room that day, I almost got the taste of her body pero may mga dumating na naman kaya hindi ko natuloy ang balak ko! But, at least, I had her cousin." Tumawa ito. Bumigat ang paghinga ko. He is a demon! Proud pa siya sa ginawa niya sa amin ng pinsan ko! Kinuyom ko ang isang kamay ko. "I'm really gonna kill that man!" Matigas na bulong ni Damian habang hawak niya ang kamay ko. Narinig kong umiiyak ang Nanay ni Adrian. Napatingin ako sa kanya. Sobrang sakit siguro para sa kanyang makita na nagkaganyan ang anak niya. Her son is a monster! Ang Tatay naman ni Adrian ay inaalo ang asawa niyang umiiyak. Tumulo na ang luha ko. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. "No further questions, Your Honor." Ani Atty. Montemayor at bumalik sa tabi ko. Kaagad niyang hinawakan ang braso ko. "Ms. Reyes, calm down." Aniya. Hinahabol ko ang paghinga ko. Napailing ako. Nakatitig lang sa akin si Adrian na parang wala ito sa sarili. Doon na ako nag-iwas ng tingin at yumuko. Hindi ko na siya kayang tingnan pa. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Damian habang nakatalikod ako sa kanya at mariing napapikit. Narinig kong nagbuntong hininga si Judge kaya napatingin ako sa kanya. "Recess. I will give my decision in this case. Be back at 1:00 o'clock in the afternoon." Ani ng Judge. Bumaba na ito at lumabas. "Attorney..." Napatingin ako kay Atty. Montemayor. "I know na mananalo ka. Inako niya na ang kasalanan niya." He gave me a smile and tapped my shoulder. Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam na ganito kabilis ang decision ng Judge. Hindi pa man sinasabi ang verdict pero alam kong panalo na kami. We have solid evidences and sinabi mismo ni Adrian na plinano niya talaga akong pagsamantalahan. "Thank you, Attorney." Mahinang sabi ko. "Let's hear the final verdict first bago mo ako pasalamatan." He said and gave me a warm smile. Tumango ako sa kanya. Nilingon ko si Damian. He gave me a soft smile, "Muffin, justice will be served." Aniya. Tumango ako sa kanya at pinunasan ang pisnge ko. Nakita ko namang papalapit sa akin si Tito kaya lumapit ako para yakapin siya. "Anak, sigurado akong panalo ka na." Aniya at hinagod ang likod ko. Tumango ako at mahinang umiyak habang yakap ko si Tito Nathan. Hinagod nito ang likod ko. "Anak, sorry." Mahinang sabi nito. Hindi ako nagsalita, mahina lang akong umiyak sa balikat niya at yumakap ng mahigpit. Dahil ala una pa ang balik namin sa korte ay inaya kami ni Damian na kumain muna ng lunch at para makapagpahinga. Hinintay namin si Eloiza para sabay na kaming maglunch dahil wala na itong pasok sa hapon. "Ate, okay ka lang ba?" Umupo sa tabi ko si Eloiza. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Mamaya na sasabihin ni Judge ang decision niya sa kaso ko laban kay Adrian. Walang witness si Adrian at sapat na ebidensya para panigan siya ng husgado, at inamin niya mismo ang krimeng ginawa niya." Wika ko. "Masaya ako para sa 'yo, Ate," ngumiti ito sa akin. Nagpasalamat ako kay Eloiza at masaya kaming nagkuwentuhan. Masaya itong nakukwento tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa school. May gusto pa raw manligaw sa kanya pero ayaw niya sa lalaki dahil mayaman daw ito. Nakakapanibago. Ngayon lang siya nagkuwento sa akin tungkol sa mga nangyayari sa kanya. "'Yon lang ang dahilan mo? Dahil mayaman siya?" Nakita ko ang paglungkot ng mga mata niya. "Ate kase, alam mo naman ang nangyari sa akin. Ayaw kong pandirihan niya ako kapag nalaman niyang biktima ako ng rxpe." Malungkot na wika nito. Hinawakan ko ang kamay niya. Umiling ito at ngumiti sa akin. "Eloiza, may taong kaya kang tanggapin kahit ano o sino ka pa. Huwag kang manliit sa sarili mo dahil sa nangyari sa 'yo." Sabi ko sa kanya. Umiling ito, "ayaw kong magkaboyfriend, Ate. Natatakot ako." "Huwag kang matakot, Eloiza. You're a strong woman. Maganda ka at matalino. Kahit ano pa ang past mo, may magmamahal sa 'yo ng totoo at tatanggapin ka." Payo ko sa kanya. "Siguro? Hindi ko alam." "Gusto mo ba siya?" "Sino, Ate?" Nagtatakang tanong nito. "Iyong may gusto sa 'yo." Nag-iwas ito ng tingin sa akin, "hindi po." Alam kong nagsisinungaling siya sa akin. Hahayaan ko na lang muna siyang mas maging matatag. Sa ngayon ay takot pa siyang makipagrelasyon dahil sa nangyari sa kanya. Dadating din ang panahon na kaya niya ng harapin ang lahat. Nag-iba na ang topic namin. Panay kuwento pa rin ito sa akin. "Ate, sa tingin ko may gusto sa 'yo si Kuya Damian." Anito. Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Bakit mo naman nasabi?" Nagtatakang tanong ko. Malapad itong ngumiti sa akin, "kanina pa kase siya nakatingin sa 'yo," sagot nito sa akin, "pansin ko rin kakaiba ang tingin niya sa 'yo. Tapos palagi ka niyang inaalalayan. Nang nakaraan ko pa napapansin 'yan. Akala ko lang ay namamalikmata lang ako pero ngayon? Confirmed!" Sagot nito sa akin. Mahina kong kinurot ang braso niya, "ikaw kung anu-ano ang pinagsasabi mo!" Imposibleng magkagusto sa akin si Damian. Baka talagang concern lang siya sa akin. "Hindi, Ate. I swear! May kakaiba talaga sa pagtitig niya sa 'yo," sabi pa nito, "wala ka bang napapansin sa kanya kapag magkasama kayo? Wala ba siyang ginagawa sa 'yong kakaiba?" She curiously asked. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata, "anong kakaibang ginagawa ang pinagsasabi mo?" Mahinang tanong ko. Nilingon ko kung saan nakaupo si Damian. Nakatingin ito sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Nasa loob sila ng restaurant ni Damian kasama ni Atty. Montemayor, Tito at Tita. Nasa garden naman kami ni Eloiza. "Uy! Si Ate!" Tukso nito, "mukhang mayroon!" Tila kinikilig ito. Mayroon nga. Ilang beses niya na akong hinalikan at....napailing ako. "Wala! Nagtatrabaho lang ako sa kanya." Depensa ko. "Okay. Sabi mo, e!" Natatawang sabi ni Eloiza. Inirapan ko na lang ito. Tinawanan niya lang naman ako. 30 minutes before mag-ala una ng hapon ay nasa loob na kami ng Hall of Justice. Sumama na rin sa amin si Eloiza, gusto niya raw masaksihan ang paghatol kay Adrian mamaya. Nakasuot ito ng cap, mask at malaking hoody sweater. Maya-maya pa ay tinawag na kami para papasukin sa loob ng courtroom. Nasa loob na si Judge. Humugot ako ng malalim na hangin. Nag-umpisa ng magsalita si Judge. Pinagsalikop ko ang kamay kong nakapatong sa lap ko at nakatingin lang sa Judge. "I have come to a verdict. In the case of People of the Philippines vs. Adrian Montalvo, Criminal Case No. 1234, I find the defendant, guilty!" The Judge declared. Kahit alam ko ng mananalo ako sa kaso ay kakaiba pa rin sa pakiramdam na marinig ito mismo mula sa Judge. Nag-init ang mga mata ko. Sobra akong natutuwa ngayon. "The sentence of defendant is 11 years, 11 months and 29 days. The Defendant may file an appeal in Court of Appeals." Dugtong ng Judge. Tapos na ang hearing. Niyakap ko si Atty. Montemayor. "Maraming salamat, Attorney." Ani ko. He tapped my shoulder, "you're welcome, Ms. Reyes. I know that you will win. Congratulations!" Aniya. Kumalas ako sa pagyakap sa kanya. Sumunod na yumakap sa akin ay sina Tito at Tita. Nakita kong umiiyak sa tabi ni Tita si Eloiza. Lumapit ito at yumakap sa akin. Matapos nila akong mayakap ay nakita kong nakatayo si Damian at ngumiti sa akin. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "I'm happy for you, Muffin." Bulong nito at naramdaman ko ang paghalik nito sa ulo ko. I bit my lower lip. Mas humigpit ang paghapit nito sa bewang ko. Nanlaki ang mga mata ko kaya kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. "Ms. Reyes." Napalingon ako sa nagsalita. Si Mrs. Montalvo. Namumula ang mga mata nito, pati na ang ilong niya. Dahil siguro sa pag-iyak niya. Napatingin ako kay Adrian na nakaposas na. Ni wala akong makitang pagsisisi sa mukha niya. He was escorted by the policeman. "I'm sorry. I really do. Hindi ko alam na ganoon pala ang ginawa sa inyo ng anak ko. Bilang Nanay, ay ako na ang humihingi ng paumanhin sa ginawa ng Anak ko." Anito. Tumulo ang luha nito. Malungkot itong nakatingin sa akin. Bakas din sa mga mata nito ang sakit. Lumabas na rin kami sa courtroom at sa likod ulit kami dumaan. Nakasakay kami sa isang itim na van. We decided to go home first at mamayang gabi na kami magcecelebrate ng pagkapanalo ng kaso ko. May meeting kase si Atty. Montemayor sa isang client niya at kailangan ding bumalik ni Damian sa kompanya niya. "Susunduin kita mamaya." Ani Damian nang makapasok na ako sa condo niya. Tumango ako sa kanya, "mag-ingat ka." Turan ko. "I will." Sagot nito at lumabas na. Pagkatapos kong ma-lock ang pinto ay nagtungo ako sa couch at umupo roon. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. "Take a nap, Muffin. You need to rest. Susunduin kita mamayang 7 p.m." It was from Damian. Kailangan ko ngang matulog. Pakiramdam ko kase ay na drain ako buong araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD