Chapter 19

2279 Words
Bella's POV Alas singko na ng magising ako mula sa pagkakatulog ko. Naligo ako kaagad para makapag-ayos na ako. Nakaharap ako ngayon sa malaking closet dito sa kwarto. Tapos na akong mag make-up, kinulot ko rin ang buhok ko. Hindi ko alam kung ano ang isusuot ko. Tiyak na sa mamahaling restaurant na naman kami kakain mamaya. Kaya naisip ko na magsuot ako ng medyo bagay naman sana sa lugar. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito. "Ate! Look at this oh, 'di ba ang ganda? Ito ang isusuot ko mamaya." Chat ni Eloiza. Ni-heart ko ang picture na ni send niya. Nag mirror selfie ito sa suot niyang damit. Napakaganda nito at bagay na bagay sa kanya. "Ang ganda. Bagay sa 'yo." Reply ko sa kanya. Nilapag ko ang phone ko sa mesa at nagtingin-tingin ng mga damit ko. May nakita akong tube dress na hapit sa katawan ko. Medyo sexy ito dahil kita ng konte ang cleavage ko. Plain ito na kulay pula. Kinuha ko ito at pinatong sa upuan, kinuha ko rin ang isang above the knee dress ko. Sleeveless naman ito na kulay itim. "Ano kaya ang isusuot ko sa dalawa?" Kinuha ko ang phone ko at kinuhanan ng litrato ang dalawang dress ko at ni-send kay Eloiza. "Ang red, Ate." Reply nito. Kinuha ko ang pulang dress at sinuot ito. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Tumagilid ako para tingnan ang fit sa likod. I smiled. Maganda. Nagmirror selfie ako at ni-send kay Eloiza. Maya-maya pa ay nakita ko itong tumatawag kaya sinagot ko ito. "Hello?" "Ate! Magcecelebrate tayo ng pagkapanalo mo sa kaso, pero mukha ka namang makikipagdate kay Kuya Damian." Turan nito sa kabilang linya. "Eloiza! Baka marinig ka nila Tito!" saway ko sa kanya, nahiya naman ako sa sinabi niya, "magbibihis na lang ako ng iba." Ani ko. Mahina itong tumawa, "no, Ate! Bagay 'yan sa 'yo. Huwag ka ng magbihis." Aniya, "sayang at hindi ko makikita ang reaksyon ni Kuya kapag nakita ka niyang ganyan ang suot mo." "Ewan ko sa 'yo, Eloiza!" Naiiling na sabi ko. Binaba ko na ang tawag at baka kung ano pa ang sabihin nito sa akin. Pinipilit niya talagang may gusto sa akin si Damian. Hindi naman ako naniniwala na magkakagusto si Damian sa akin. Kinuha ko ang maliit kong bag at nilagay doon ang mga kailangan ko katulad ng wallet. Nagsuot na rin ako ng sandals ko. Tiningnan ko ang sarili ko. Hindi naman ako over dressed or na over sa pagmake up. Nagsend si Eloiza ng picture nilang tatlo ni Tito. Napangiti ako. Kahit na simple lang ang pananamit nila Tito at Tita ay hindi maipagkakaila na maganda at pogi sila. Mukhang bumili pa sila talaga ng bagong damit para sa dinner mamaya. On the way na raw sila at baka ma traffic daw sila. Pinasundo sila ni Damian sa bahay. Napatingin ako sa orasan, 6:25 pa lang ng gabi. Wala pa si Damian at hindi pa ito nagtext kung papunta na siya o mali-late siya sa pagsundo sa akin. Nang mag 6:45 na ay napagpasyahan kong sa sala na lang ako maghihintay kay Damian. Dadating na rin 'yon maya-maya. Bitbit ang bag ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at ni-lock ang pinto. Nagulat ako ng nakatayo na si Damian sa labas ng kwarto niya. Iba na ang suit na suot niya. Seryoso itong nakatingin sa akin. Nakauwi na pala siya. "Kanina ka pa ba?" Wika ko. Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang ito sa akin. Lumapit ako sa kanya. "Sir? Okay ka lang ba?" Untag ko. Doon pa lang siya nakagalaw. Tumikhim ito. "N-no. I just arrived. Kakatukin na sana kita." Sagot nito. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya medyo nailang ako. "A-ah, alis na tayo? On the way na sila ni Tito." Ani ko. Hindi ito nagsalita. Seryoso pa rin itong nakatitig sa akin. Anong nangyayari sa kanya? "Why are you wearing that?" Seryosong tanong nito. Napatingin naman ako sa damit ko, "alam ko kaseng sa restaurant mo na naman kami dadalhin. Pangit ba? Magbibihis na lang ako." Nag-aalangan na sabi ko. Baka napapangitan siya sa suot ko kaya ganoon siya makatingin sa akin? "No, it's just that..." sandali itong natahimik, "you're beautiful." Mahinang sabi nito. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Maganda raw ako? Mabuti na lang at naglagay ako ng blush on. Tiyak na namumula ako ngayon dahil sa sinabi ni Damian sa akin. "S-salamat." Sagot ko sa kanya at naglakad na patungo sa pinto. Jeez! Nakakailang! Pinatay nito ang mga ilaw bago kami lumabas ng condo niya. Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makasakay kami sa elevator. Nang may sumakay na mga lalaki ay dumikit ito sa akin. "She's beautiful." Narinig kong mahinang sabi ng lalaki sa kasama niya. Tumingin ito sa akin kaya tipid akong ngumiti sa kanya. Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Damian sa bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagtatagis ang panga nito at seryoso lang ang tingin niya sa unahan. "Damian." Mahinang tawag ko sa kanya at pasimpleng kinukuha ang kamay niya. Hinapit nito ang bewang kobkaya mas dumikit pa ang katawan ko sa kanya. Bahagya itong yumuko at nilapit nito ang mukha niya sa akin. "Don't smile, Muffin." Mahina lang ang pagkakasabi nito pero may pagbabanta sa boses niya. Kinagat ko ang dila ko habang nakatikom ang bibig ko. Napatingin ako sa kanya. Nasa unahan na ulit ang tingin niya. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa niya habang ang isa naman ay hawak pa rin ang bewang ko. May kakaiba akong init na nararamdaman sa pagdikit ng katawan namin. Mahigpit akong napahawak sa bag ko. Bumukas ang pinto ng elevator at may sumakay ulit. Hindi ako makagalaw dahil nasa gitna na kami ng elevator nakatayo, bumaba na rin kanina ang tatlong lalaking sumakay. Nang naka baba na kami ay dumiretso kami sa parking lot. Pinagbuksan ako ni Damian ng pinto at sinara ito ng makasakay na ako. Sumakay na rin siya sa kotse. Tahimik lang ang naging byahe namin ni Damian. Sa labas lang ako nakatingin dahil naiilang pa rin ako kay Damian. Nang nasa loob na kami ng restaurant at dumiretso na kami sa pina reserve ni Damian na room para sa amin para may privacy kami. "Damian," tawag ni Atty. Montemayor kay Damian, "looking beautiful tonight, Ms. Reyes." Papasok na sana ito pero tumigil ito ng makita kami. "S-salamat, Attorney." Ani ko. Narinig ko itong tumawa, "call me Diego. Tapos na ang kaso natin." "Sige, Diego." Ani ko at ngumiti sa kanya. "Man, that hurts!" Reklamo nito at napatingin kay Damian. Nagtataka naman akong napatingin sa kanila. "Let's go." Ani Damian. Umiling si Diego at binuksan ang pinto. Nasa loob na sila ni Eloiza. Napatingin naman sila sa amin ng makapasok na kami. "Magandang gabi sa inyo, Attorney." Bati ni Tito. Lumapit ako kay Tito at humalik sa pisnge niya ganoon din kay Tita. Ngumiti si Tita sa akin. "Magandang gabi rin po sa inyo. Maupo na po tayo." Ani Diego kaya umupo na sila Tito. Pinag-urong naman ako ng upuan ni Damian kaya doon na ako umupo. Napapagitnaan ako nila ni Eloiza. May pinindot si Damian na nakapatong na device sa mesa. "Ate, ang ganda rito, ano? Tiyak mahal ang mga pagkain dito. Pwede ba kaming magtake out mamaya?" Bulong ni Eloiza sa akin. Mahina kong kinurot ang kamay ni Eloiza. Napakapilya talaga nito! Maya-maya pa ay nagbukas na ang pinto at pumasok na ang mga waiters para i-serve ang mga pagkain. Habang kumakain kami ay nag-uusap sila ni Diego at Tito. Halata kay Atty. Diego na hindi ito mapili sa taong kasama niya, to think na hindi naman kami mayaman katulad nila ni Damian. I don't know, hindi ko naman masabi na nakikisama lang siya dahil kakilala kami ni Damian. Nagkukwentuhan sila ni Tito at Tita. Sinabihan pa ni Diego si Tita na magzumba kapag walang ginagawa para raw malibang naman siya. "Attorney, matigas ba sa bakal ang katawan ng Mommy ko." Natatawang sabi ni Eloiza at uminom ng wine. Mahina rin akong natawa dahil totoo ang sinabi ni Eloiza. "Aw! Sayang naman, Tita. Dapat ay lumambot ang katawan mo. Gayahin mo ako." Ani Diego at tumayo. Lumapit ito kay Tita at pinatayo ito, "gayahin mo ako, Tita." Aniya at sumayaw. Natatawa naman si Tita at pilit na ginaya si Diego. Tumawa si Tito at nagcheer kay Tita. "Nakakatuwa si Atty. Montemayor, ano? Halatang friendly at hindi matapobre." Ani Eloiza habang nakangiting nakatingin sa Mommy niya at kay Diego. "Oo nga. Parang sanay na siyang makipag-usap sa katulad nating mahihirap." Sagot ko kay Eloiza. Maya-maya pa ay umupo na sila ni Tita at Diego at uminom ng wine. "Do you drink wine?" Tanong ni Damian sa akin. "Oo." Sagot ko sa kanya. Binuhusan ni Damian ang wineglass ko ng wine at binigay sa akin. "Thank you." Ani ko at ininom ang wine. Mag-aalas dose na ng makarating kami ni Damian sa parking lot ng building ng condo niya. Pagkatapos niyang magpark ay pinagbuksan niya ako ng pinto. While we are walking, I rubbed my shoulders when I felt the cold breeze of the air. Naramdaman ko na lang na nilagay na ni Damian ang coat niya sa akin. "Thank you." Ani ko at tipid na ngumiti kay Damian. Tumango lang ito sa akin. Nang nasa loob na kami ng elevator ay bigla akong nahilo ng umandar na ito. Napahawak ako sa braso ni Damian. "Are you okay?" Mahina akong tumango, "medyo nahilo lang ako." Sagot ko sa kanya. Akala ko ay mawawala lang kaagad ang hilo ko pero hindi. Naparami yata ang nainom kong wine kanina. Napahigpit ang paghawak ko kay Damian. "Marami kang nainom na wine." Ani Damian. "Oo, hindi ko napansin.." Sagot ko sa kanya. Pinikit ko ang mga mata ko. "Stand straight, Muffin." Anito. I pouted my lips. "Muffin. Muffin." I murmured. "Are you drunk?" Pagtatanong nito sa akin. Napatingala ako sa kanya at umiling. Jeez! Nahihilo pa rin ako. Pumikit na lang ako ulit at sinandal ang ulo ko sa dibdib niya. "I'm not." Mahinang sabi ko. "You're not?" Pag-ulit nito. "Ang tagal naman. Anong floor na tayo?" Reklamo ko. Gusto ko ng mahiga at matulog. "Nasa 10th floor pa lang tayo." Naramdaman ko ang paghawak ni Damian sa bewang ko. "Bakit kase doon sa taas ang unit mo? Hindi mo naman maaabot ang langit." Reklamo ko. Narinig kong mahinang tumawa si Damian. "Give me your bag." Utos nito. Binigay ko naman sa kanya ito habang nakapikit. "Konte lang ang laman ng wallet ko. I'm such a poor girl." Ani ko. "You're really drunk, Muffin." He said. Siguro nga ay nalasing ako sa ininom kong wine. Late reaction naman yata ang tama nito sa akin. Nanahimik na lang ako at hinintay na makalabas kami sa elevator. Inalalayan ako ni Damian hanggang sa makapasok ako sa kuwarto ko at inalalayan niya akong makaupo sa kama ko. "Maghilamos ka na at magbihis." Utos nito sa akin. "Bukas na. Gusto ko ng matulog." "You need to wash your face. May makeup ka pa." Anito at hinawakan ang kamay ko patayo sa kama. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan na lang siyang alalayan ako. "Kuhanan mo na lang ako ng damit." Utos ko sa kanya. Narinig ko naman na binuksan nito ang closet ko at pinaupo ako sa upuan. May binigay ito sa akin na damit. "Kaya mo ba?" "Oo. Lumabas ka na muna." Utos ko sa kanya na sinunod niya naman. Pagkatapos kong magbihis ay tumayo ako at binuksan ang pinto. Naglakad ako papunta sa kama ko. Nakahawak lang si Damian sa akin habang naglalakad ako. "Bukas na ako maghihilamos." 'That's bad for your skin. I'll help you clean your face." Aniya. Hindi na ako nagsalita. Bahala siya. Matutulog na ako at nahihilo na talaga ako. Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na may dumadampi sa mukha ko. Malamig ito. Minulat ko ang mga mata ko. Damian is wiping my face. Nakaupo ito sa tabi ko. "Close your eyes and sleep kung inaantok ka na." Sabi nito. Hindi ko pinikit ang mga mata ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nililinis ang makeup sa mukha ko. Seryoso lang ang mukha nito pero nagtatagis ang panga niya. "Damn, Muffin! Your hard nxpples is making me insane." Aniya at tinapon ang hawak nitong wipes. I heard his hard breathing. "Ha?" Nagtatakang tanong ko. "You're not wearing your bra!" "H-hindi ka ba sanay na makakita ng babaeng hindi nakbra?" Namumungay ang mga mata nitong tumitig sa akin. Unti-unti ay nilapit nito ang mukha niya sa akin. "I've seen more than just hard nxpples, Muffin." Namamaos na sabi nito. I bit my lower lip. Dumampi ang daliri ni Damian sa labi ko. "I've been longing for your lips." He whispered while looking at me intently. Nanunuot sa tenga ko ang baritonong boses nito. "H-hahalikan mo ba ako?" Lakas loob na tanong ko. I swallowed hard. Ang lalim ng paraan ng pagtitig niya sa akin. Para akong malulunod. Parang sa isang iglap ay nawala ang pagkahilo ko. "I would love to, Muffin." Malambing na sagot nito. Napapikit ako ng maglapat ang labi namin. I incircled my arms around his nape. He is kissing me passionately, so do I. "Hmmm." I moaned when he sucked my tongue. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa bewang ko at mahina itong pinipisil. I arched my back. He cut our kiss. Pinatong nito ang ulo niya sa noo ko. I heard him groaned. "Damn, Muffin!" hinalikan nito ang noo ko, "sleep, Muffin. We can do it when you're not drunk." Namamaos na sabi nito. Pinikit ko ang mga mata ko at yumakap sa kanya. I'm sleepy. "Goodnight, Muffin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD