Bella's POV
Nagising akong uhaw na uhaw kaya bumangon ako para kumuha ng tubig sa fridge at uminom ng malamig na tubig. Napasandal ako sa kitchen counter matapos akong uminom. Inamoy ko ang sarili ko.
"Hindi ba ako naligo kagabi?" Nagtatakang tanong ko sa sarili.
Amoy wine pa ako. Pero, nakabihis naman ako ng pantulog ko. Napailing ako at nagtungo sa kwarto ko. Maliligo na muna ako bago magluto ng agahan namin ni Damian. Sabado na ngayon. Hindi ko alam kung papasok ba siya sa trabaho o hindi.
Pakanta-kanta pa ako habang nagsho-shower ako. Kinuskos ko ang scalp ko pagkatapos kong magshampoo. Ni-on ko ang shower at binanlawan ang buhok ko.
Biglang may pumasok sa isipan ko. Ilang beses akong napakurap ng mga mata ko at ni-off ang shower.
"Oh my gosh!"
Nalasing ako sa wine na ininom ko kagabi!Nagflashback sa akin ang nangyari kagabi sa kwartong ito. Nanlalaki ang mga mata ko. He kissed me again last night, passionately. Napahawak ako sa labi ko.
"Damn, Bella! Muntik ka na kagabi!" Ani ko at napasandal.
I even hugged him before ako makatulog! Nakakahiya!
Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin mamaya. Nagmadali akong tapusin ang pagligo ko para makapagbihis na at makapagluto ng agahan namin. Bahala na! Magpapanggap na lang akong walang naaalala sa mga nangyari kagabi.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sinilip ko ang kwarto ni Damian, nakasarado pa rin ito. Dumiretso ako sa kusina para magluto ng agahan namin.
Nagprepare ako ng avocado toast para kay Damian, ang sa akin naman ay bacon and egg sandwich. Nagtimpla na rin ako ng juice
I composed myself ng marinig kong nagbukas na ang kwarto ni Damian. Dapat ay hindi niya mahalata na may naaalala ako kagabi.
"Good morning." Bati ko sa kanya at nilapag ang plate sa mesa na may lamang breakfast niya kung saan siya palaging nakaupo.
"Good morning." Anito.
Sumulyap ako sa kanya. Nakasuot ito ng grey na jogging pants at puting v-neck shirt. Gulo-gulo rin ang buhok nito.
"How do you feel?" Pagtatanong nito.
"Okay naman po. Salamat sa pag-alalay sa akin kagabi." Nahihiyang sabi ko.
Nagtimpla na ako ng kape ni Damian. Tumalikod ako sa kanya para hindi niya mahalatang iniiwasan ko siya.
"You're welcome. Hindi mo sinabi na mabilis ka pa lang malasing." Aniya.
Lumapit ako sa kanya at binigay ang tinimpla kong kape.
"Thank you." Anito at tiningnan ako.
Umupo na ako, "naparami lang siguro ang nainom ko." Sagot ko sa kanya at nag-umpisa ng kumain.
"Do you recall what happened last night?" Tanong nito habang nakatingin sa akin.
Muntik na akong mabilaukan kaya uminom ako ng tubig. Nakatingin lang naman si Damian sa akin habang ngumunguya.
"Hindi na. Ang naaalala ko lang ay pagkatapos kong magbihis ay nakatulog na ako," pagsisinungaling ko, "bakit? M-may nangyari pa ba bukod doon?" Tanong ko at tiningnan siya na para bang curious ako.
Dapat kailangan kong galingan sa pagsisinungaling ko. Hindi rin dapat ako magpahalata na naiilang ako sa kanya.
Sumandal ito sa upuan at tumitig sa akin. His lips formed a soft smile while looking at me. Parang may naisip itong pangyayari. Naisip niya kaya ang paghalik niya sa akin? I mentally shook my head.
"Hmm. Wala naman." Sagot nito.
I saw him smirked. Napalunok naman ako.
"Ah, wala naman pala." Sagot ko sa kanya at nag-iwas ng tingin.
Nagfocus na lang ako sa pagkain ko.
In fairness to him, kahit lasing na ako kagabi ay hindi niya ako ni-take advantage. Feeling ko kagabi ay kung tinuloy pa namin ang halik ay baka kung ano na ang nangyari sa amin, at sa estado ko kagabi ay bibigay na ako sa kanya.
He was so caring and gentleman. Parang lumalambot ang puso ko sa kanya. Kakaiba rin ang t***k ng puso ko kapag kasama ko siya. This past few days ay 'yon ang napansin ko sa sarili ko. Napakaprotective din nito at higit sa lahat at mabait siya sa akin.
Hindi ko alam kung tama ba ang hinala kong nagugustuhan ko na siya. Pero, sana ay hindi. Sana ay hindi ako magkagusto sa kanya. Sana ay nagkakamali lang ako sa hinala ko. He is a good man, pero, langit siya at lupa ako. Kumbaga, he is out of my league.
Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Eloiza kahapon. Sa tingin niya ay gusto ako ni Damian, pero mukhang baliktad ito. Sa tingin ko ay ako ang magkakagusto kay Damian.
Hindi pumasok si Damian ngayong araw pero nasa loob lang siya ng kwarto niya at may ginagawa raw siya. Tinawag ko lang ito para maglunch.
"What do you call this?" Tukoy nito sa ulam namin.
"Bicol express po." Sagot ko sa kanya.
"It tastes good." Kumento nito at maganang kumain.
"Salamat po." Ani ko at bahagyang ngumiti sa kanya.
Kapag may niluluto akong ulam na hindi pamilyar sa kanya ay nagtatanong ito kung ano ang niluluto ko at hindi ito nakakalimot sa pagpuri sa niluto ko. Wala pa yata itong sinabi na panget ang lasa ng luto ko.
"By the way,"anito, napatingin naman ako sa kanya, uminom muna siya ng tubig bago nagpatuloy sa pagsasalita, "Diego called me, hindi raw magfa-file ng appeal si Adrian."
"Mabuti naman kung ganoon. Nagsasayang lang siya ng effort kung magfa-file pa siya ng appeal." Sagot ko kay Damian.
"If he will file an appeal, tiyak na matatalo lang din naman siya. So, that's best for him not to file an appeal." Ani Damian at nagpatuloy sa pagkain.
"Mukhang hindi inaasahan ni Atty. De Vera ang mga ebidensya kahapon. Halatang disappointed ito sa nangyari sa hearing."
Mahinang tumawa si Damian, "we only have two kinds of clients, the one who is telling the truth and the one who is telling lies to make it looks like he is telling the truth. Mukhang napaniwala siya ni Montalvo na wala itong kasalanan."
Napatango naman ako kay Damian.
"What we can do? Naniniwala lang kami sa sinasabi sa amin ng kliyente namin, but if you are wise and smart enough, you will know na nagsisinungaling ang kliyente mo. Kaya I always tell my clients na magsabi sila ng totoo para malaman ko kung ano ang dapat kung gawin, dahil naka depende sa sasabihin at ebidensya nila ang magiging hatol sa kaso nila." Paliwanag nito.
Tama siya. Kaya nagulat na lang kahapon si Atty. De Vera. Halatang nagsinungaling sa kanya si Adrian tungkol sa kaso nito.
"Uhm. Palagi ba kayong nagkakalaban sa mga kaso ni Atty. De Vera?" Pagtatanong ko.
"Yes, and guess what? I always win." He proudly said. He gave me a smug smile.
"May natalo ka na bang kaso?" Curious na tanong ko.
Sa tagal ko na rito ay ngayon lang ako nakapagtanong sa kanya ng ganito.
"Yes. I had 3 labor cases na hindi naman talaga mananalo. I have clients na kahit alam nilang matatalo sila, ayaw pa rin nilang makipag settle sa complainants. So, what can I do? Ginagawa ko lang ang trabaho ko as long as they pay me. The important thing is, I always advice them what will happen to their case if ayaw nilang makipag settle, then it's up to them to decide."
Napatango-tango ako sa kanya. Tama naman siya.
"Mabuti at hindi ka naman nila sinisisi kapag natatalo ang kaso nila?"
"Sinisisi rin. I had 1. It's a big company. I told him to settle the case because malaki ang babayaran niya sa mga tao habang tumatakbo ang kaso. He didn't listen to me. Tumagal ang kaso ng 2 years. He paid almost 50 Million."
"Ganoon kalaki?" Gulat na sabi ko.
"Yes. 54 complainants lahat 'yon. He paid 2 years of backwages, Leave Pays, holiday pay and separation pay." Sagot nito sa akin.
Grabi! Ang laki no'on!
Marami pa kaming napag-usapan ni Damian about sa mga kaso niya. I admired his dedication as a lawyer. May mga naging kliyente rin pala siyang mga mahihirap katulad ko. I thought mga mayayaman lang ang naging clients niya.
Matapos naming kumain ay bumalik na rin ito sa kuwarto niya at may gagawin pa raw itong trabaho. Ako naman ay pumasok sa kuwarto ko at nagbasa ng libro.
Kinagabihan ay nagluto na ako ng dinner namin at kumain.
"Let's watch a movie." Aya nito sa akin habang nililigpit ko ang pinagkainan namin.
Napatingin ako sa orasan, maaga pa. 8:00 pa lang naman. Wala rin naman akong gagawin kaya pumayag na ako.
"Sige po. After ko na lang maghalfbath." Sagot ko sa kanya.
Pagkatapos kong magpaghugas ng mga pinagkainan namin ay pumasok ako sa kuwarto ko para maglinis ng katawan. Pagkatapos kong magbihis ay nagskin care muna ako at nagtungo sa sala. Naroon na si Damian. Naka on na ang TV at naghahanap na ito ng movie na pwede naming panoorin.
"What kind of movies do you like?" Tanong nito.
Umupo ako sa couch at kinuha ang throw pillow at pinatong sa kandungan ko.
"Hmm. Comedy, action, horror or thriller movies." Sagot ko sa kanya.
"You watch action movies?" Parang ayaw nitong maniwala.
Mahina akong napatawa, "oo naman. Why? Hindi ba halata?"
Umiling ito, "I thought you like romantic movies."
"I'm not into romantic movies. Romcom, pwede pa."
Lumaki akong puro action movies ang napapanood ko dahil kay Tito. Kaya nakahiligan ko na ring panoorin 'yon. Sa romance naman ay sa halip na kiligin ako, ewan ko ba, wala namang epekto sa akin.
May napili na ito na action movie. Bagong labas daw ito kaya 'yon na ang pinanood namin. May pina deliver pa siyang foods, popcorn at drinks. Pinatay namin ang ilaw. Para tuloy kaming nasa sinehan.
Maganda naman ang movie at exciting siya. I enjoyed it actually, pero hindi ko inaasahan na may love scene pala ito. Mahigpit kong niyakap ang unan. Napangiwi ako ng maalala ko ang nangyari kagabi. Parang magkatulad ito sa scene ng movie. Nalasing ang babae tapos hinalxkan siya ng bidang lalaki. Uminit ang mukha ko.
Ngayon pa talaga?!
Awkward!
Pareho lang kaming tahimik ni Damian. Sana ay hindi bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi.
Kumuha ako ng popcorn na nasa gilid ko lang. Nagulat ako ng magdikit ang kamay namin ni Damian. Imbes popcorn ang makuha ko ay nahawakan ko ang daliri nito. Mabilis kong kinuha ang kamay ko dahil may parang kuryente akong naramdaman ng mahawakan ko ang daliri niya.
Narinig ko itong tumikhim. Kinuha ko na lang ang inumin ko at uminom.
Nakahinga ako ng maluwag ng matapos na ang love scene. Nakakainis! Napaka awkward no'n! Hindi man lang ni-forward ni Damian.
Bago mag end ang movie ay naghalxkan na naman ang bidang lalaki at babae. Ay talaga naman!
Tumayo na ako, "salamat sa food. Matutulog na ako." Sabi ko sa kanya at naglakad na.
Hindi ko man lang siya pinagsalita. Bago ako pumasok sa kuwarto ko ay naghugas muna ako ng kamay. Tanging ilaw na lang ng lampshade ang nagbibigay ng konteng liwanag sa condo ni Damian.
Kumuha ako ng bottled water sa fridge pagkatapos kong maghugas ng kamay. Sinara ko na ito, paglabas ko sa kusina ay si Damian naman ang papasok kaya nagkabangga kami.
Napahawak ito sa braso ko.
"Sorry!" I said while looking away.
Umiwas na ako at aalis na sana ng hilahin ni Damian ang braso ko.
"Muffin."
"Ha?"
"Why were you blushing a while ago?" Pagtatanong nito.
Nakita niya akong nagblush kanina? Baka kung ano ang isipin niya!
"H-hindi naman ako nagblush." Pagtanggi ko.
"Did you remember something?"
Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya.
"W-wala ah!"
"Hmm? Really? Then why were you blushing?"
Hindi ako sumagot at sinubukang makawala sa kanya pero hinarang lang nito ang katawan niya sa akin.
"Matutulog na po ako." Wika ko.
"You didn't remember anything last night?"
Umiling ako sa kanya. Natigilan naman ako ng makita ko siyang naglakad papalapit sa akin. Napaatras naman ako. Humakbang ako patagilid para hindi niya maharangan ang daanan ko pero hinila niya ang kamay ko at sinandal ako sa pader.
Napatingin ako sa kanya pero kaagad ko ring binawi dahil hindi ko siya matingnan ng diretso sa mga mata niya. Para akong matutunaw.
"If you can't remember what happened last night, then I will help you remember it." Aniya at hinawakan ang baba ko.
Natameme ako. Hindi ako nakagalaw ng magtama ang mga mata namin. Napalunok ako ng yumukod ito at nilapit ang mukha niya sa akin at inangkin ang labi ko.
Naramdaman ko naman na parang may maliliit na spark ng kuryente ang tumutusok sa akin. He is slowly moving his lips. Ang isang kamay nito ay nasa bewang ko na at dinikit ang katawan ko sa kanya. Ang isang kamay naman nito ay nakahawak sa ulo ko. Napahawak ako sa damit niya.
He cut off our kisses. Ang akala ko ay makakawala na ako sa kanya pero kinuha niya ang bottled water na hawak ko at tinapon iyon, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinalibot sa leeg niya.
"Attorney.." I almost whispered.
"You should always remember how I kiss you, Muffin." He said with his low baritone voice while looking directly in my eyes.
I bit my lower lip. I tried to look away pero hinawakan niya ang panga ko at pinaharap ang ulo ko sa kanya.
"Stop looking away. I'm here, Muffin."
Hindi na ako nakawala at napatingin ako sa mga mata niya. May kung anong emosyon akong nakikita roon. I swallowed hard. I need to get away.
"A-attorney---"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng inangkin nito ulit ang labi ko.
___________________
Hello po ^_^
Pwede po bang pa add po sa library niyo ng story nila Bella at Damian? Thank you so much po!
Love,
Riri