Bella's POV
Kumakain kami ni Damian ng lunch nang may tumawag sa kanya.
"What?"
Napatingin ako sa kanya nang biglang tumaas ang boses niya. Nakakunot ang noo nito habang may kausap sa phone niya.
"Book me a flight tonight." Inis na utos nito.
Aalis siya? Mukhang importante ito dahil nagpabook kaagad siya ng flight niya ngayong gabi.
"The 6:30 p.m." Anito at binaba na ang tawag.
Napatingin siya sa akin.
"Muffin, kailangan kong umalis mamaya. May aayusin lang ako sa isang branch ng kompanya sa Visayas." Turan nito.
Tumango ako sa kanya, "kailangan mo ba ng tulong sa pag-eempake?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi na," sagot nito sa akin, "will you be okay here alone?" Tanong nito sa akin.
"Oo naman. Kaya ko na ritong mag-isa." Sagot ko sa kanya, "kailan ka babalik?"
"I don't know yet. Maybe after a week. Nagkaproblema lang doon at kailangan kong ayusin muna." Sagot nito sa akin.
Tumango ako sa kanya. 1 week siyang mawawala rito at 1 week din akong walang kasama.
"May masakit pa ba sa 'yo?"
Pati ba naman 'yan itatanong niya pa rin? Halos isang linggo na ang nakakalipas nang may nangyari sa amin. Hindi naman ako nito pinapabayaan. He always checks me kung kamusta na ako at halos ayaw niya akong pagalawin dito sa condo niya.
Palihim akong napairap. Araw-araw niya yata akong tinatanong kung may masakit pa sa akin o wala na.
"Wala na po." Tipid na sagot ko at inubos na ang kinakain ko.
"If you need anything you can call Jane. I will give you her number." Anito.
Wala naman na yata akong kailangan dito. Marami pang stocks ng pagkain dito, hindi ko naman mauubos 'yon ng mag-isa lang. Kung sa snacks naman ay marami rin dito.
"Okay po." Sagot ko sa kanya.
Tumayo na ako at niligpit na ang pinagkainan namin para hugasan ito. Tapos na rin naman kase siyang kumain.
"I already transferred your salary to your bank account. You can check it later." Anito.
Pangalawang buwan ko na ritong nagtatrabaho kay Damian. Parang nahihiya naman ako sa laki ng sahod ko sa kanya dahil mas marami pa ang pahinga ko kaysa sa trabahong ginagawa ko rito.
"Salamat, Damian." Ngumiti ako sa kanya at nagtungo na sa lababo para ilagay ang mga plato roon.
"If you're bored here, you can call Eloiza para samahan ka niya rito habang wala ako." Sabi pa nito.
Nasa kusina na rin siya at nilagay ang mga basong nagamit namin.
Pwede ko ngang papuntahin si Eloiza rito. Sakto at may sahod na ako. Ipapabigay ko na lang sa kanya kay Tito ang pera para pangdagdag nila sa gastusin sa bahay.
"Nga pala, kailangan kong magwithdraw ng pera. Papapuntahin ko rito si Eloiza para kunin ang pera para may pang gastos sila sa bahay at pangbayad sa tuition niya." Sabi ko habang naghuhugas ng plato.
"How much do you need?"
Nakasandal siya sa kitchen counter at may hawak na softdrinks na nasa can.
"Lahat po sana ng sahod ko ngayong buwan, para hindi na mamroblema si Tito sa tuition ni Eloiza." Sagot ko sa kanya at nilingon siya.
"Kailangan mong mag save ng pera, Muffin," suhestyon nito, "binigay mo rin sa kanila ang sahod mo nang nakaraang buwan. Hindi ka na nagtitira para sa sarili mo." Dugtong pa nito.
"Hindi ko naman kailangan ng pera rito. Wala akong pinagkakagastusan rito. Kompleto naman ako sa pagkain at toiletries at tsaka, may pera pa naman ako." Sagot ko sa kanya.
Malaki-laki rin ang perang naipon ko dahil malaki ang binayad ni Damian nang gabing ni-booked niya ako sa VVIP room noong anniversary ng The Shire. Nagulat na lang ako ng tawagan ako ni Michelle na nagtransfer daw siya ng pera sa account ko.
Hindi ko pa iyon nababawasan. Hindi na rin kase ako pinabayad nila Ski sa utang ko sa kanila. Binayaran na rin ni Damian si Adrian sa utang ni Tita Eliza. Babayaran ko sana si Damian pero ayaw niya namang tanggapin. Ayaw ko namang isipin niya na tinitake advantage ko ang pagtulong niya. Ang dami niya nang naitulong sa amin ng pamilya ko.
Hindi nagsalita si Damian at umalis lang ito. Pagkatapos kong maghugas ng plato ay tsaka naman bumalik si Damian. May dala itong isang puting sobre at binigay sa akin.
"Ano ito?" Nagtatakang tanong ko at tiningnan ang laman ng sobre.
Isa itong bundle ng lilibuhing perang papel.
"Huwag ka ng magwithdraw. Ipapahatid ko rito bukas si Eloiza para kunin ang pera." Aniya.
"Pero na transfer mo na ang sahod ko sa bank account ko. Tsaka, sobra ito, Damian. I-bank transfer ko na lang sa 'yo mamaya ang pera." Sabi ko sa kanya.
"Save your money, Muffin. You will never know baka kailanganin mo ng pera someday."
"Pero--"
"Wala ng pero-pero. Take it as your bonus. Ni-advance payment ko na," aniya at hinila ang kamay ko papunta sa kuwarto niya, "I changed my mind, tulungan mo akong mag-empake." Aniya habang hila-hila ang kamay ko.
"Damian, sobra nga itong pera." Pangungulit ko sa kanya.
Nang makapasok na kami sa kuwarto ni Damian ay hinarap niya ako at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Napatingin naman ako sa kanya.
"Ganito na lang, hindi na kita bibigyan ng sahod next month. Is that okay with you?" Pangungumbinsi nito sa akin.
I sighed. Kahit pa hindi niya ako sahuran sa susunod na buwan, sobra pa rin ang binigay niya sa aking pera. Pero kahit na i-argue ko pa iyon, hindi ako mananalo sa kanya.
"S-sige." Tipid na sagot ko sa kanya.
He pinched my nose and smiled at me.
"I will get my luggage." Aniya at tumalikod na.
Napatingin ako sa sobreng hawak ko at napailing. Nilagay ko sa bulsa ko ang sobre. Pagbalik ni Damian ay may dala na itong maleta, hindi ito masyadong malaki.
"Ano ang mga kailangan mong dalhin?" Tanong ko sa kanya.
"I need my suits. Maybe 5 pairs. Some shirts and pants also, don't forget my briefs and boxers." Sagot nito sa akin.
Pumasok na ako sa closet niya at naghanap muna ng mga damit niyang pangbahay. Tinanong ko muna siya kung gusto niya ba ang mga napili kong damit para sa kanya, he said yes naman kaya sinunod ko na ang suits niya. Nakahanger na ito sa closet niya.
"Anong mga kulay ang dadalhin mo?" Tanong ko sa kanya habang nagtitingin sa mga suits niyang nakahanger.
"What color suits me better?" Tanong niya.
Nilingon ko siya. Nakasandal siya sa malaking cabinet niya at nakatingin sa akin.
'Hmmm," napaisip ako, ano nga ba? "lahat naman bagay sa 'yo." Sagot ko sa kanya.
Ngumisi ito sa akin, "so, you think I look good in every clothes I wore?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Totoo naman ang sinabi ko. Lahat ng sinusuot niya ay bagay sa kanya. Baka kahit basahan ay bagay pa rin sa kanya kapag siya ang nagsuot.
"Oo." Tipid na sagot ko sa kanya.
I heard him chuckled.
May napili na akong mga pares ng suits niya. Pinaayos ko siya ng tayo at tinapat sa katawan niya ang mga napili kong suits na dadalhin niya.
"Itong lima ang napili ko." Saad ko.
"All right." Sagot nito sa akin, "my briefs and boxers." Aniya.
Pinatong ko muna ang suits niya sa upuan at binuksan ang drawer na puno ng briefs at boxers niya. Pumili ako ang kulay black, white at grey.
"Okay na 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Hmmm." Anito at tumango.
Pinatong ko rin iyon sa upuan, sinunod kong kinuha au ang neck tie niya at accesories ng neck tie. Kumuha siya ng pabango at relo niya at lumapit sa akin.
"Muffin.." Tawag nito sa akin.
"Hmm?" Sagot ko sa kanya habang nakatuon ang pansin ko sa pagkuha ng sapatos at medyos niya.
"Bagay din ba sa akin ang nakahubad?"
Natigilan ako sa tinanong niya. Ang landi! Hindi ko siya sinagot at binigay sa kanya ang sapatos niya. Pilyo naman itong ngumiti sa akin. Kinuha ko ang pinatong ko sa upuan at lumabas na ng walk in closet niya.
"I am asking you, Muffin." Turan nito habang nakasunod sa akin.
Napairap naman ako habang naglalakad. Hindi ko pa rin siya sinagot. Nilapag ko sa kama niya ang mga dala kong damit niya at binuksan ang maleta niya at pinatong sa kama. Umupo si Damian sa kama at pinagmamasdan lang ako habang inaayos ang dadalhin niya.
Nang matapos na akong mag-empake ay doon pa lang ako napatingin sa kanya.
"Wala ka ng nakalimutang dalhin?" Tanong ko sa kanya.
Umiling ito sa akin kaya sinara ko na ang maleta niya. Hinila naman nito ang kamay ko kaya napaupo ako sa kandungan niya. Kaagad niyang pinalibot sa bewang ko ang kamay niya.
"Hindi mo pa ako sinasagot." Aniya.
Kinuha nito ang kamay ko at pinatong sa balikat niya. Kumabog ng malakas ang puso ko ng magtama ang mga mata namin. Ito na naman ang maliliit na kuryenteng nararamdaman ko.
"A-ano..." Hindi ako makapagsalita. I bit my lower lip.
"I will ask you that again kapag nakabalik na ako at kailangan may sagot ka na." Aniya at nilapit ang mukha niya sa akin.
"Bakit kailangan kong sagutin?"
"I would like to know what I look like to you when I am naked, Muffin." Mahinang sabi nito at binigyan ng mabilis na halik ang labi ko.
He placed his thumb on my lips.
"Because to me, you look beautiful and hotter when you're naked lying in my bed, Muffin." Namamaos na wika nito.
I parted my lips. Damn it! Bakit ganoon siya magsalita? Dahil sa pagkailang ko ay nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tatayo na sana ako ng mahigpit niyang hinapit ang bewang ko.
"D-damian."
"Will you miss me, Muffin?" Malambing na tanong nito.
Kinagat ko ang dila ko habang nakatikom ang bibig ko. Mamimiss ko ba siya?
"H-hindi ko alam." Sagot ko at nag-iwas ng tingin sa kanya.
Narinig ko itong mahinang tumawa at pinaharap niya ang ulo ko sa kanya. Hinaplos nito ang pisnge ko. Nilapit nito ang mukha niya sa akin at inangkin ang labi ko. Tumagal ng ilang minuto ang halik namin bago niya ito pinutol.
"Take care of yourself while I am not here, okay?"
Tumango ako sa kanya. Ngumiti ito sa akin at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako at dinama ang halik niya sa noo ko.
Ano itong nararamdaman ko? Hindi na ito normal. Talaga bang nahulog na ako sa kanya?