Chapter 24

2095 Words
Bella's POV Limang araw na simula ng umalis si Damian para asikasuhin ang isang branch ng kompanya niya sa Visayas. Hindi ako lumalabas ng condo ni Damian para sa seguridad ko. Tapos na ang kaso ko laban kay Adrian dahil hindi na nagfile ng appeal ang kampo niya. May schedule na rin ang hearing ng kasong isinampa ni Eloiza kay Adrian. Naniniwala pa rin kami na mananalo si Eloiza laban kay Adrian. May narinig akong nagdoorbell kaya nagtungo ako sa pinto at tiningnan sa monitor kung sino ang nasa labas. Napangiti ako. Si Eloiza! Kaagad kong binuksan ang pinto. "Ate!" Nakangiting sabi nito. "Eloiza! Mabuti naman at nakapunta ka." Ani ko at pinapasok siya sa loob. Napatingin naman ito sa kabuuan ng condo ni Damian at halatang nagagandahan ito sa nakikita niya "I was busy, Ate. Ngayon lang ako nakapunta dahil wala ng pasok," aniya habang nakatingin pa rin sa loob ng condo ni Damian, "ang ganda pala rito!" She said. "Hindi ka man lang nagdala ng meryenda natin." Ani ko at umupo sa couch. Napatingin naman ito sa akin at tumabi sa akin sa couch. "Ate, pwede naman tayong mag-order. Hindi ko rin kase alam kung ano ang gusto mo." Nahihiyang sabi nito. "Hindi ka kase nagsabi na pupunta ka rito." Sagot ko naman sa kanya. "Surprise kase." Aniya at tumawa. "Mag-order na lang ako ng food. Gusto mo ba ng pizza? Milktea?" Tanong ko sa kanya at kinuha ang phone ko. "Sige, Ate. Pwede mo bang dagdagan ng burger?" Ngumiti ito sa akin na para bang bata. Napatawa ako at nag-umpisa ng mag-order online. "Ate, wala raw si Kuya Damian?" Pagtatanong nito. "Oo, wala siya. Next week pa ang balik niya." Sagot ko sa kanya. Nang dumating na ang pagkain na ni-order ko ay kumain na kami ni Eloiza. Marami na naman itong kuwento sa akin tungkol sa mga nangyayari sa kanya sa school at sa bahay. Natutuwa ako at marami na siyang kaibigan sa school at matataas daw ang grades niya. Nagkuwento rin ito sa akin na marunong na raw siyang maglaba at magluto. Natuwa naman ako dahil natututo na siya sa mga gawaing bahay. "Eloiza, ibigay mo ito kay Tito. Pangbayad 'yan sa tuition mo at gastusin sa bahay." Ani ko at binigay sa kanya ng sobre na may lamang pera. Tiningnan niya naman ang laman ng sobre. "Ang dami naman nito, Ate." Aniya. Ngumiti ako sa kanya, "advance payment ni Damian sa akin 'yan." "Salamat, Ate," ngumiti siya sa akin, "kung hindi dahil sa tulong mo baka nahihirapan si Papa sa pagbayad ng tuition fee ko." "Wala 'yon. Galingan mo na lang sa pag-aaral. Kahit walang latin honor basta hindi bagsak." Payo ko sa kanya. Tumango siya sa akin, "gagalingan ko po, Ate. Gusto ko ring maging abogado kagaya nila Kuya Damian at Atty. Diego." Nakangiting wika nito. Naging tahimik ang condo ni Damian nang makaalis na si Eloiza. Nag-iisa na naman ako rito. Pumasok ako sa kuwarto ko at nanood ng palabas. Pagsapit ng alas syete ng gabi ay nagluto na ako ng hapunan ko at kumain na pagkatapos kong magluto. KINAUMAGAHAN... Mahina akong napa-ingos ng may mabigat akong nararamdaman na nakapatong sa t'yan ko. Gumalaw ako pero naroon pa rin ang bigat sa t'yan ko. May narinig akong may humihilik kaya napakunot ang noo ko. Imposible naman sigurong marinig ko ang sarili kong humihilik. Minulat ko ang mga mata ko at napatingin sa t'yan ko. May brasong nakapatong doon kaya nagulat ako at mabilis na napabangon. Nawala ang kaba ko ng makita kong si Damian pala ang nasa tabi ko. Napahawak ako sa dibdib ko at maluwag na nakahinga. Ang akala ko ay kung sino na ang nasa tabi ko. Hindi man lang ito nagsabi na uuwi siya. I bit my lower lip when I realized something. Sa akin siya tumabi ng pagtulog. Wala siyang suot na pang-itaas na damit. Nakasuot lang ito ng boxer briefs niya. Nakabalandra ang malapad nitong likod. Hindi ko man lang naramdaman na tumabi siya sa akin sa pagtulog. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. He is even hugging me. Napatingin ako sa orasan. Alas syete na ng umaga. Dahan-dahan akong bumangon sa kama para hindi ko siya magising. Kinumutan ko siya at pumasok sa banyo para maghilamos at sipilyo. Pagkatapos kong magsipilyo at hilamos ay lumabas na ako ng banyo at kinuha ang pinaghubaran na damit ni Damian na nakapatong sa silya at nilagay sa laundry basket at dinala iyon sa labas. Bago ako lumabas ng kuwarto ay napatingin ako kay Damian, tulog na tulog pa rin ito. Napagod siguro ito sa byahe niya. Napatingin ako sa sala. May dalawang maleta na nakatayo sa tabi ng couch. Isang maleta lang ang dala ni Damian nang umalis siya ah? Nilapag ko muna ang dala kong laundry basket at hinila papasok sa kuwarto ni Damian ang dalawang maleta at iniwan muna roon. Nagluto na muna ako ng agahan namin. Hindi ko alam kung anong oras dumating kanina si Damian. Baka hindi rin ito kakain at matulog na lang siya. Habang tulog pa si Damian ay ginawa ko naman ang trabaho ko rito sa condo ni Damian. Nang matapos na ako sa gawain ko ay napatingin ako sa orasan. Mag-aalas onse na kaya nagprepare na rin ako ng mga lulutuin ko para sa lunch namin. Gigisingin ko na lang siya mamaya kapag luto na ang pagkain. I was humming while cooking when I felt a warm pair of arms hugging me from behind. Nagulat ako sa pagyakap sa akin ni Damian. Pinatong nito ang baba niya sa balikat ko. "Hi, Muffin." He greeted me with his husky voice. Napahawak ako sa braso niyang nakayakap sa akin. "Mabuti at nagising ka na. Malapit ng maluto ang lunch natin." Ani ko. "Gigisingin mo na ba sana ako?" Pagtatanong nito. Tumango ako sa kanya, "umupo ka na roon." Aniya. "Sinigang na hipon ba 'yang niluluto mo?" Tanong nito habang nakayakap pa rin sa akin. "Oo, kumakain ka ba nito?" tanong ko sa kanya, "maupo ka na roon, Damian." Pag-uulit ko dahil ayaw nitong kumawala sa pagyakap sa akin. Simula ng may nangyari sa amin ay naging clingy ito sa akin. Ang akala ko pa noon ay babalik kami sa normal kaya minsan ay umiiwas ako sa kanya, pero siya naman ito ang lapit nang lapit sa akin. "Yes, my Mom was cooking that too. My Dad loved that dish so much na halos ay araw-araw may ganyan sa bahay," sagot nito sa akin, "let me hug you more, Muffin." Anito at binaon ang mukha niya sa leeg ko. "Ikaw? Ano ang paborito mong pagkain? Or may gusto ka bang kainin? Ipagluluto kita." Tanong ko sa kanya habang hinahalo ang niluluto ko. "Ikaw." Natigilan ako sa sinagot niya sa akin. Uminit ang mukha ko. Tinakpan ko na ang kaldero. Hinawakan ko ang kamay niya para sana ikalas ang pagkakayakap niya sa akin pero ayaw niya namang kumalas. "Don't. Tsk!" Reklamo nito. Pinaharap niya ako sa kanya. Umatras ito at sumandal sa kitchen island, hinila niya ako para mayakap niya ulit ako. Napahawak naman ako sa balikat niya. Nakaboxer briefs lang siya at gulo-gulo pa ang buhok nito. "D-damian, maupo ka na roon." "I missed you, Muffin." Malambing na wika nito at hinaplos ang pisnge ko. Napatitig lang ako sa kanya. Sa ilang araw niyang nawala ay namiss ko rin siya, ayaw ko lang sabihin. Namiss ko ang pagtawag niya sa akin ng "Muffin". Kung noon ay nagrereklamo ako sa pagtawag niya sa akin nang ganyan, ngayon ay nasanay na ako. "How are you when I was away? Hmm?" "O-okay naman ako rito." Sagot ko sa kanya. "You missed me?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "A-ah, magbihis ka na. Luto na ang ulam." Ani ko. Mahina ko siyang tinulak pero mahigpit naman akong hinapit ni Damian sa bewang ko kaya hindi ako makawala sa kanya. "Answer me first, Muffin." Turan nito at tinitigan ako. "A-ah, oo. Wala kasing makulit dito." Sagot ko sa kanya. Tumawa ito, "really?" hindi makapaniwalang sabi nito, I nodded, "well, at least you missed me." Aniya at mabilis na hinalikxn ang labi ko, "I'm home now, Muffin. Kukulitin na kita palagi." Natatawang sabi nito. I awkwardly laughed at mahinang hinampas ang balikat niya. "M-magbihis ka na muna para makakain na tayo." Wika ko. "All right, Muffin." Aniya at binitawan na ako. Umatras naman ako. Tumalikod na ito at naglakad. Napatingin ako sa katawan niya habang naglalakad ito. Napahawak ako sa dibdib ko at napailing. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! Napailing ako. Nang makabalik si Damian ay nakabihis na ito. Nakahanda na ang pagkain sa mesa kaya umupo na ito at kumain na kami. "It's been months since I last ate this." Tukoy nito sa sinigang na hipon na niluto ko. "Bakit naman?" Tanong ko sa kanya. "Hindi na ako nakakauwi sa bahay. Nasa bakasyon ang parents ko. Kung saan-saan sila nagpupunta. Malalaman ko na lang na nasa cruise ship sila." Sagot nito sa akin. Kapag talaga marami kang pera ay magagawa mo ang lahat ng gusto mo. Pa gala-gala na lang sila kung gusto nila at hindi nag-iisip kung mauubos ba ang pera nila o hindi. If Damian is a Billionaire, how much more ang parents niya? "Wala ka bang kapatid?" Tanong ko sa kanya. Sa tagal ko na rito ay hindi ko pa natatanong si Damian tungkol sa pamilya niya. "I have a sister, you're just a year older than her," nakangiting sabi nito, "you'll meet her soon. For sure, she will like you." Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Balak niya akong ipakilala sa kapatid niya? Seryoso ba siya? Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. "You didn't get to meet your father?" Tanong nito at sumubo. Napatingin naman ako sa kanya. Paano niya nalaman 'yon? Hindi ko naman na kuwento sa kanya ang tungkol sa Tatay ko. Napailing ako, "buntis pa lang si Mama nang iwan niya kami. Kahit sa picture ay hindi ko siya nakita." Sagot ko sa kanya. I saw how her expression softens, I smiled at him. Hindi naman ako nalulungkot. Siguro dahil hindi ko naman talaga siya hinahanap mula bata pa ako kase mahal na mahal ako ni Mama at ni Tito. Kay Tito Nathan ko naramdaman ang pagkukulang ng Tatay ko sa akin. "Gusto mo ba siyang makilala? I will find him if you want." Aniya. Ngumiti ako sa kanya, "I don't know," panimula ko, "simula noon hindi ko naman siya hinanap kay Mama. Nakita at naramdaman ko kase kay Tito Nathan ang pagmamahal ng isang Ama. Siguro ay umalis siya dahil ayaw niya sa akin." "I can look for him. Do you know his name?" "Isaac Belmonte ang pagpapakilala niya kay Mama noon. Nang puntahan ni Mama ang address na binigay ng Tatay ko, sinabi ng mga tagaroon sa lugar na 'yon na wala silang kilalang Isaac Belmonte na nakatira roon. Kaya hindi na rin pinilit ni Mama na hanapin siya." Sagot ko sa kanya. "Don't worry, I will look for him," he gave me a warm smile. "S-salamat, Damian." "Anything for you, Muffin." Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil. Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin o sasabihin ko kung sakaling makita ni Damian ang Tatay ko. Mahigit dalawang dekada na ang nakakalipas pero hindi niya man lang kami hinanap ni Mama. Siguro ay kinalimutan niya na talagang may naiwan siyang anak kay Mama. Siguro ay hindi niya kami mahal ni Mama kaya tinakbuhan nito ang responsibilidad niya bilang isang ama. "Muffin...are you okay?" Napaangat ako ng tingin kay Damian. Nag-aalala itong nakatingin sa akin. Tumango ako sa kanya at matamlay na ngumiti. "Naisip ko lang na baka hindi niya ako gusto kaya nang buntis pa lang si Mama ay iniwan na niya kami. Baka hindi niya ako mahal." Malungkot na wika ko. Binaba ko ang kamay ko at pinatong sa kandungan ko. Hinawakan ko ang kamay ko. Nakayuko akong umiling. "Hey, don't say that," ani Damian at nilapit ang upuan niya sa akin at hinawakan ang kamay ko, "maybe he has reasons why he left you but I am not saying that he is right. Hindi natin alam baka may masamang nangyari sa kanya kaya hindi siya nakabalik sa inyo." Anito at hinaplos ang buhok ko. Hindi na ako nagsalita. Tama siya. Hindi namin alam ang dahilan niya kung bakit umalis na lang siya bigla. Maybe may mabigat siyang rason para iwan kami. "Come here," aniya at niyakap ako. Sa ngayon ay hindi ko na muna iyon iisipin. Tsaka na lang kapag nakita na siya ni Damian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD