Bella's POV
Damian is attending a birthday party at isasama niya ako, nasa isang hotel kami ngayon dahil dito ako aayusan. Hindi na sana ako sasama pero mapilit si Damian kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya.
Kasama ko ngayon si Jane dito sa loob ng makeup room, nasa labas naman si Damian. May nag-aayos din sa mga susuotin niya.
"Bella, tapos na ang makeup mo." Ani Jane.
Siya ang nag-makeup sa akin ngayon at nag-ayos ng buhok ko. Siya rin ang nagdala ng mga damit na pagpipilian kong suotin.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa harap ko. Ang ganda ng pagkaka-ayos sa akin ni Jane.
"Salamat, Jane." Ngumiti ako sa kanya.
"Halika na at pipili pa tayo ng isusuot mo." Aya nito sa akin.
Tumayo naman ako at tiningnan ang apat na nakahanger na na nga evening dress. Lahat sila ay magaganda. Wala akong mapili. Kinuha ni Jane ang pulang evening dress.
"Try this." Aniya at binigay sa akin ang dress.
Walang banyo rito kaya nahihiya akong napatingin kay Jane. Tumawa naman ito at tumalikod sa akin.
"We're both girls, Bella." Anito.
"Nahihiya kase ako." Sabi ko sa kanya at hinubad ang suot kong damit.
Nang mahubad ko na ang suot kong damit ay sinuot ko naman ang pulang evening dress. Sakto ang size nito sa akin. May mahaba itong slit na magpapalitaw ng kaliwang legs ko, tube dress din ito at kita ng konte ang cleavage ko.
Ang ganda-ganda ng evening gown na ito! Bagay rin ang makeup at ayos ng buhok ko sa suot ko.
"Jane, okay lang ba?"
Humarap naman si Jane sa akin at napangiti ng makita ako.
"You're fuckxng hot, Girl!" Anito at lumapit sa akin.
Inayos nito ang suot ko at pinaupo ako sa silya. Binigay niya sa akin ang isang pares ng isang ankle strap stiletto high heel. Nasa 4 inches ang taas nito. Binigay niya rin sa akin ang gagamitin kong evening bag.
"Maiwan na kita, ha?"
"Thank you, Jane. See you later." Sabi ko sa kanya bago ito makalabas ng makeup room.
Nasa baba lang ng hotel na ito ang venue ng birthday celebrant. Malayo kase ito sa condo ni Damian kaya napagpasyahan niyang dito na kami aayusan.
Nang matapos kong ilagay ang iilang gamit sa evening bag ko ay sinuot ko naman ang sandal ko. Nakayuko ako nang marinig kong nagbukas ang pinto ng makeup room.
"Patapos na ako, Jane. Sandali na lang." Ani ko habang inaayos ang strap ng sandal ko.
Nakarinig ako ng yabag papunta sa akin kaya inangat ko ko ang ulo ko. Napatayo ako ng makita ko si Damian. Napakagwapo nito sa suot niyang tuxedo. Ngumiti ako sa kanya.
"Maganda ba?" Nahihiyang tanong ko.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"You're too beautiful and too sexy for tonight's event, Muffin," napatingin ito sa bahagyang exposed ko na cleavage, "those are for my eyes only." Tukoy nito sa dibdib ko.
His eyes met mine. Para na naman akong matutunaw sa mga titig niya.
"Uhm..masyado bang sexy? Inappropriate bang tingnan?" Nahihiyang tanong ko.
"No, Muffin," sagot nito sa akin at humawak sa bewang ko, "I'm lucky to have you as my date tonight. Pero, mas gusto ko na lang na magkulong tayo rito sa kuwarto."
"A-ano ka ba? Inaasahan ka roon." Nasabi ko na lang.
"I know." Tipid na sagot nito at hinapit ang bewang ko palapit sa katawan niya, "don't leave my side, Muffin. I want them to know that you're mine." Bulong nito sa tenga ko
I bit my lower lip to suppress my smile. Kinilig ako sa sinabi niya. Damn, Bella! Tumikhim ako at napahawak sa balikat niya. Hinaplos ko ito habang nakatingin sa dibdib niya.
"Okay, Attorney." Wika ko habang pigil ang pagngiti.
His lips formed a thin smile.
"I have something for you, Muffin." Aniya at may kinuha sa bulsa niya, isa itong maliit na box.
Pinaharap niya ako sa salamin. Nasa likod ko naman siya. Nakita kong may isinusuot siyang necklace sa leeg ko. Napahawak ako sa pendant.
"My gift suits you well." Sabi nito at niyakap ako.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong diamond ang pendant nito. Paniguradong mahal ito!
"D-damian, mahal ito. I don't deserve this." Naiiling na sabi ko.
"You deserve everything, Muffin. Don't remove it."
"P-pero--"
"You like it?" Tanong nito.
Tumango ako sa kanya, "t-thank you, Damian." Nahihiyang sabi ko.
"Let's go." Nakangiting sabi nito.
Nakahawak lang ako sa braso ni Damian habang papasok kami sa venue. Maraming tao sa loob at halatang puro mayayaman ang mga bisita. Ang sabi sa akin ni Damian ay investor niya raw ang birthday celebrant kaya hindi pwedeng hindi siya pumunta.
"Attorney." Tawag sa kanya ng isang babae.
Napakaganda at elegante nito sa suot niyang itim na evening dress. Nakangiti itong lumapit sa amin ni Damian kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"Erina, so, you're back in the country?" Nakangiting sabi ni Damian.
Napatingin sa akin si Erina at ngumiti.
"What a gorgeous lady you have here, Damian. Hindi ko alam na may mas gaganda pa sa akin ngayong gabi."
Nagulat ako sa pagpuri nito sa akin. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Hmm?" tiningnan ako ni Damian, "that's right." Sagot ni Damian kay Erina.
"Bully," ani Erina, tinawanan lang naman siya ni Damian, "hi there, I'm Erina Villafuerte. You are?"
She extended her hand kaya nakipagkamay ako sa kanya, "hello po. I'm Ysabella, but you can call me Bella." Nahihiyang pagpapakilala ko.
Pinasadahn niya ako ng tingin mula ulo hanggang pa.
"Damn, Girl! Bagay ka sa bagong ilalabas kong collection." Anito.
Naguguluhan naman akong napatingin kay Ms. Erina.
"Ano po 'yon, Ms. Erina?"
"Drop the 'Miss', Bella," she politely said, "I am a designer. Will you be my model?" Walang paligoy-ligoy na tanong nito.
Nagulat ako sa sinabi niya. Inaalok niya akong maging model niya?
"Gosh! Ang ganda-ganda mo. Ang nipis lang ng makeup mo but still, you're beautiful. I like your body too. You're perfect!" Nasisiyahang wika nito.
Napatingin ako kay Damian.
"Erina, her beauty and body is for my eyes only. I don't share." Mariing sabi ni Damian.
Mas nagulantang ako sa sinabi ni Damian. Ano raw? Mahina kong hinila ang braso ni Damian. Ano ang pinagsasabi niya?
Hindi pinansin ni Erina ang sinabi ni Damian. Hinawakan nito ang kamay ko kaya napabitaw ako kay Damian. Napatingin ako kay Damian. Naghihingi ng tulong.
"Bella, gusto mo bang maging model? I will help you. You can work with me."
Nahihiya ko siyang nginiti-an.
"Erina, hindi pwede." Matigas na sabi ni Damian.
Mahina namang hinila ni Damian ang kamay ko at hinawakan iyon.
Erina pouted and looked at Damian, "ang damot mo naman!"
"I told you, I don't share what's mine," nakangising sabi nito kay Erina, "I'll see you later." Paalam ni Damian sa kanya.
"Bye, Bella. I hope to see you again." Nakangiting sabi nito.
"Ano ang pinagsasabi mo kay Erina kanina?" Mahinang sabi ko kay Damian.
Nilapit nito ang ulo niya sa tenga ko at bumulong.
"I can't share you, Muffin. Kahit sa litrato pa."
Mahina akong napasinghap sa sinabi niya. Kinagat ko ang dila ko habang nakatikom ang bibig ko. I was silenced with what he said. Hindi ko alam kung paano ako magrere-ak sa sinabi niya kaya nanahimik na lang ako.
Papunta kami ngayon sa isang grupo ng kalalakihan. Nagtatawanan sila. May dalawang pamilyar na tao akong nakita. Si Atty. De Vera at Diego.
"Damian! Ang akala ko ay hindi ka dadating." Ani ng isang lalaki at lumapit kay Damian.
Napatingin naman ito sa akin at natigilan.
"Villafuerte." Matigas na sabi nito.
Napatingin naman ito kay Damian, parang natauhan ito.
"Oh! I was caught off guard with this Beauty," sumulyap ito sa akin, nahihiya naman akong ngumiti sa kanya, "she's your?" Bumalik ang tingin nito kay Damian.
"She's my date tonight," bumaba ang kamay ni Damian sa bewang ko. Para bang pinapakita nito sa lalaki na pagmamay-ari niya ako, "and she's mine" deklara nito, "back off." He said with his pissed voice.
"Damn you, Damian! Hindi ko naman sinabi na aagawin ko siya sa 'yo!" Natatawang sabi nito kay Damian.
Nakita kong pangiti-ngiting naiiling si Diego. Lumapit na rin ito sa amin.
"Damian, nagbibiro lang naman ang birthday boy," ani Diego, "looking gorgeous, Bella." Aniya at ngumiti sa akin.
"Isa ka pa, Diego!" Inis na sabi ni Damian.
"A-ah...happy birthday po." Bati ko sa tinawag ni Damian na Villafuerte.
"Thank you, Beautiful," nakangiting sabi nito, "I'm Tristan Villafuerte." He extended his hand pero tinapik ito ni Damian at masama siyang tiningnan.
"Possesive, de Dios. Para kang gago!" Natatawang sabi ni Tristan.
Napatingin naman ako kay Damian at mahinang hinila ang tuxedo niya. Napatingin naman ito sa akin.
"Stop it." Mahinang sabi ko.
Inaya naman kami ni Tristan na umupo sa pwesto nila. Sumunod naman kami sa kanila. Napakaseryoso ng mukha ni Damian. Pinag-urong niya ako ng upuan kaya umupo ako roon. Nasa tabi ko lang siya. Nasa harap naman namin nakaupo si Atty. De Vera. Nakatingin ito sa akin. Nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya.
Pinakilala ako ni Damian sa mga taong naroon. Bumati naman ako sa kanila at ngumiti. Nasa mga kaedaran lang sila ni Damian. May mga sense of humor din silang kausap.
Nakikinig lang ako sa kanila at nakikitawa rin dahil nagbibiruan sila. Hindi binibitawan ni Damian ang kamay ko. Kanina niya pa ito hawak ay nakapatong sa tuhod niya.
"Hindi ka ba kakain muna?" Bulong ko kay Damian.
Iinom na kase siya at hindi pa ito kumakain. Baka malasing siya mamaya.
"I will eat, Muffin." Bulong nito sa akin at sumenyas sa waiter na bigyan kami ng pagkain.
Hindi ko alam kung ano ang tawag sa pagkain na binigay sa amin pero masarap siya. Na-enjoy ko naman ang foods. Mabilis naubos ni Damian ang pagkain niya kaya uminom na sila.
"Magbabanyo lang ako." Bulong ko kay Damian.
"Samahan na kita."
"Huwag na. Babalik naman ako kaagad." Sagot ko sa kanya.
Tumango naman siya sa akin at pinisil ang kamay ko bago bitawan. I excused myself at tumayo na. Nagtanong ako sa waiter kung nasaan ang banyo at tinuro niya naman ito sa akin.
Pagkatapos kong umihi ay naghugas ako ng kamay at nagre-touch. Nang matapos na ako ay lumabas na ako ng banyo. Ngumingiti ako sa mga nakakasalubong ko at ganoon din sila sa akin.
"Ms. Reyes." Natigilan ako sa pagtawag ni Atty. De Vera sa akin.
He offered me a glass of wine, hindi ko sana ito tatanggapin pero nahiya naman ako kaya tinanggap ko na lang ito.
"Thank you, Attorney."
Ngumiti siya sa akin, "I never imagined that you're this beautiful." Wika nito at uminom ng alak.
Naiilang naman akong napatingin sa kanya, "you're not bad yourself, Attorney."
"So, you're dating him?" Tanong nito.
Ano ang isasagot ko? Wala naman talagang namamagitan sa amin ni Damian. Hindi ko rin alam kung ano ang tawag sa mayroon kami.
"Or are you single?" Sunod na tanong nito.
Umiling ako sa kanya, "I'm with Damian, Attorney. You know what it means." Makahulugang sabi ko.
Papanindigan ko na lang ang inumpisahan ni Damian kanina.
"Hmm? Really?" Parang hindi ito kumbinsido.
Ininom ko ang laman ng wineglass at pinatong sa mesa nang maubos ko na ito. I smiled at him.
"Mauna na ako." Pagpapaalam ko sa kanya.
Bahagya nitong tinaas ang baso niya at lumagok doon at ngumiti sa akin. Tumalikod na ako. Nakita kong papalapit sa akin si Damian. Napakaseryoso ng mukha nito.
"Damian." Tawag ko sa kanya nang makalapit na ako sa kanya.
Napatingin ako kung saan siya nakatingin. Sa direksyon iyon ni Atty. De Vera.
"Are you okay?" Tanong nito at tumingin sa akin.
Naamoy ko ang iniinom nilang alak kanina ng magsalita ito. Alam ko kung anong klaseng alak iyon dahil sini-serve ko rin iyon sa club. Isa ito sa pinakamatapang at pinakamahal na inumin.
Ngumiti ako sa kanya, "oo naman," sagot ko sa kanya, "huwag kang magpakalasing." Wika ko.
"I have a high tolerance in alcohol, Muffin. Don't worry," aniya, "what did you talked about?"
"Ni Atty. De Vera?" tumango siya sa akin, "wala naman. Nagtatanong lang siya kung nagdi-date ba tayo or single ako." Sagot ko sa kanya.
"And your answer?"
"I told him that I am with you so he knows what it means." Kibit balikat na sagot ko.
"Good girl." Nakangiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
I guess that was the safest thing to say.