Bella's POV
"Yes, Babe! I'm back!" Nakangiting sagot ni Francine kay Damian.
Napatingin si Francine sa akin. Lumapit ito sa akin at tinapik ang kamay kong hawak-hawak ni Damian. Nagulat ako sa ginawa niya.
"What the f**k are you doing?" Pigil ang galit sa boses ni Damian.
Maraming tao ngayon dito sa restaurant at pihadong may nakukuha na kaming atensyon. Nasa gitna pa naman ang table namin.
Hinaplos ni Damian ang kamay kong tinapik ni Francine. Napailing ako.
"I'm fine." Mahinang sabi ko.
Galit na ang itsura ni Damian kaya ngumiti ako sa kanya para maniwala itong okay lang ako.
"Looks like we need to have a sit and talk." Mariing turan ng Daddy ni Damian.
"Yes, we need to talk." Sagot naman ng isang babae.
Hindi ko siya kilala pero hawig sila ni Francine, maybe she is her mother. Damian snorted at hinila ang kamay ko patungo sa direksyon ng mga magulang niya. Ang Daddy ni Damian ay tinawag ang isang waiter at nagpadagdag ng silya.
"Muffin, can you wipe my cheek? You have wipes, right?" Ani Damian.
Tumango ako kay Damian. Galit na galit kaming tiningnan ni Francine. Ang kasama naman nitong babae ay nakataas ang kilay at parang hinuhusgahan ako sa klase ng pagtingin niya sa akin.
"Yes." Maikling sagot ko at kinuha ko ang wipes sa bag ko.
"Wipe it please," turo nito sa pisnge niyang nahalikan ni Francine, "it's itching. Baka may dumi." Nakangisi nitong sabi.
Mariin kong itinikom ang bibig ko. Diniin ko ang pagpunas sa pisnge niya. Nakitang kong nakatingin sa amin ang Mommy ni Damian kaya nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Thank you, Muffin." Ani Damian at pinag-urong ako ng upuan.
Nakaupo na silang lahat at kami nalang ni Damian ang nakatayo kaya mabilis akong umupo. Sumunod naman si Damian.
"Let's wait for Eduardo." Ani ng babaeng kasama ni Francine.
Magkaharap kami ni Francine sa upuan. Hindi maipinta ang itsura nito. Kahit tahimik lang kaming nakaupo at hinihintay ang kasama nila ni Francine ay ramdam ko ang tensyon. Nilapit ni Damian ang mukha niya sa akin at bumulong.
"That's her Mom, Sonya, Eduardo is her Father." Sabi ni Damian.
Mahina akong napatango.
"You shouldn't do that in front of my daughter, Damian." Inis na sabi ng Nanay ni Francine.
"Why can't I do that to my girlfriend?" Damian asked.
"It's inappropriate. Nasa harap mo lang ang anak ko. Huwag mong ipakita kung gaano ka ka walang respeto sa mapapangasawa mo!" Galit na sabi ng Mommy ni Damian.
Narinig kong tumawa si Damian. Kinurot ko naman ang kamay niyang pinatong sa legs ko. Mahina nitong hinaplos ang naka-exposed kong legs dahil naka above the knee dress ako.
"Are you guys kidding me?" Damian scoffs.
"I'm sorry na late ako," ani ng ilalaking kakarating lang, "what a coincident. de Dios are here." Aniya.
"Eduardo, mabuti na lang at nandito ka na. Makakapag-usap na tayo ngayon." Wika ng Mommy ni Francine.
Bumati muna ang Daddy ni Francine sa parents ni Damian at kay Damian mismo. Nang makita niya ako ay sumama ang timpla ng mukha niya. Nakita niyang dikit na dikit si Damian sa akin.
"What is the meaning of this, Damian?" Seryosong tanong ni Eduardo kay Damian.
"I should have asked you that, Mr. Soriano. Anong pinagsasabi niyong kasal namin ni Francine?" Tanong ni Damian.
Tumikhim ang Daddy ni Damian, "this is not the right time to talk about this in public. Let's set for another date to talk that in private." Suhestiyon nito.
"No! Your son is disrespecting our daughter and cheating on her. Ikaw namang malandi kang babae," binaleng nito ang tingin sa akin, "wala ka na bang ibang lalaking mahanap at ang mapapangasawa pa ng anak ko ang nilandi mo?" Nagulat ako sa sinabi nito. Malakas ang boses nito at sigurado akong narinig ito ng ibang tao.
"Watch you're f*****g mouth, Mrs. Soriano. You can't disrespect my girlfriend like that." Galit na wika ni Damian. I saw his jaw tightened.
"Damian!" Mahinang pagpigil ko sa kanya.
Nakita ko kung paano namula ang buong mukha ni Sonya.
"Mukhang hindi mo naturuan ng tamang asal ang anak mo, Alfredo," wika ni Eduardo habang nakatingin sa Daddy ni Damian, "hindi ba siya marunong rumespeto sa nakakatanda sa kanya? Look at him, he is proud to bring his side piece here." Matalim na tumitig si Eduardo kay Damian.
"Ang respeto ay para lang sa taong karespe-respeto, Eduardo. Hindi na bata ang anak namin para turuan ko pa ng tamang asal. Maybe you should ask your wife to shut up. Huwag siyang mag-asal palengkera dito," mahinhin na sagot ng Mommy ni Damian. Matamis itong ngumiti kay Sonya, "hindi ba, Sonya?"
Hindi nakasagot si Sonya at napaawang lang ang labi nito. Nakita kong napangiti si Damian at napailing. Sinaway ko naman si Damian pero ngumiti lang ito sa akin. His fingers is drawing circles on my legs now. Hindi naman makikita ang ginagawa niya dahil may tela namang nakatakip sa mesa at hanggang sahig ito.
"Damian, Babe," tawag ni Francine, "I'm back now. Pwede na tayong magpakasal." Ani Francine.
Sa kabila ng tensyon sa pagitan ng parents ni Damian at ng parents niya ay nagawa pa nitong ngumiti ng pagkatamis-tamis kay Damian.
"Anong sinasabi mo? I'm not going to marry you. It was called off a long time ago." Kunot noong sagot ni Damian.
"Hijo, mukhang may amnesia ka yata. You proposed to my daughter and she said yes. Now that she's back ganyan ka na umasal?" Galit na sabi ni Eduardo.
"You're really gonna talk this in here?" Damians Father sounded pissed.
"Why, Tito? Bakit hindi ngayon? Nakita niyo 'yan?" duro nito sa akin, "harap-harapan ang panloloko ng anak niyo sa akin at wala kayong ginagawa!" Halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Francine.
"Harap-harapang niloloko? Hmm?" Damian smirked, "weeks after our engagement you left me without even saying anything, I tried to contact you but I've got no replies from you. You even denied me during one of your interviews. Now, you have the audacity to come here and tell me that I will marry you? Are you still sane?" Damian scoffs.
Kumunot ang noo ni Eduardo at napatingin sa anak niya, mukhang hindi nito inaasahan ang sinabi ni Damian.
"It was for our future! I went to New York to pursue my career. You supported me, Babe. Anong sinasabi mo?" Hindi makapaniwalang sabi nito.
I can see how frustrated she is now. Naramdaman ko ang paghawak ni Damian sa kamay ko. He is looking directly to Francine.
"Yeah, I supported you and will support you kung sinabi mo sa akin na aalis ka. Did you ever tried to contact me saying where you are? It's been almost 3 years, no communications at all. Wala akong narinig mula sa 'yo. So, I called off the wedding the moment you denied me on national TV." Sagot ni Damian.
"Wala ka pa ring karapatan na saktan ang anak namin!" Giit ni Sonya.
"At wala ring karapatan ang anak niyo na iwan ako sa ere na para bang isa akong bagay na kaya niyang balikan kung kailan niya lang gusto. Pinagmukha niya akong tanga tapos ngayon parang ako pa ang may mali? Ganoon ba kayo ka bobo mag-isip?" Galit na sabi ni Damian.
Umiyak na si Francine kaya inalo ito ng Nanay niya.
"So this is their closure. Anak mo ang nang-iwan sa anak namin. Wala na kaming magagawa kung ayaw ng pakasalan ng anak namin ang anak niyo. Besides, my son has a girlfriend now." Ani ng Mommy ni Damian.
"That b***h?" insulto sa akin ni Sonya, humigpit ang pagkakahawak ni Damian sa kamay ko at bakas sa mukha nito ang galit, "ipagpapalit mo na nga lang ang anak ko sa mukhang pera at mahirap na babae pa? Walang-wala siya kumpara sa anak ko." Pang-iinsulto nito sa akin.
Right. Compare to her daughter ay walang-wala talaga ako sa kanya. Isa itong modelo at galing sa mayamang pamilya.
"The woman you're calling b***h is better than your daughter who f***s around in New York, Mrs. Soriano. Have you heard that she had an abortion?"
Napasinghap ang Nanay ni Francine sa sinabi ni Damian. Natigilan naman si Francine at nanlalaki ang mga matang tumitig kay Damian.
"W-hat the hell---"
Pinutol ni Damian ang sasabihin ni Sonya.
"Napaka ipokrita niyo rin, Mrs. Soriano. Hindi ba't isang mahirap ka lang din bago mo napangasawa si Mr. Soriano? Look at yourself before you insult someone. Para kang allergic sa mahirap eh galing ka lang din naman doon. Baka bumangon sa hukay ang parents mo at isama ka sa ilalim ng lupa."
"D-damian. Tama na." Mahinang saway ko kay Damian.
Napatayo si Eduardo sa kinauupuan nito. Nanlalaki naman ang mga mata ni Sonya. Namumula ang buong mukha nito.
"Sit down, Soriano." Maotoridad na utos ng Daddy ni Damian.
Unti-unti ay umupo naman ito at halata sa mukha niyang galit na rin ito. Umiiyak lang si Francine sa tabi ng Nanay niya. Kumunot ang noo ko. Bakit parang hindi naman totoo ang pag-iyak niya?
"No, Muffin. They can't disrespect you like that, not in front of me and my parents. Kahit na wala ako sa paligid they shouldn't disrepect you."
I almost gasp pero pinigilan ko ang sarili. This man... he really stands for me. Nakita ko kung gaano ka pround ang parents niya sa kanya. Nakikita ko ito the way nila tingnan si Damian.
"Sa palagay mo ba ay hindi ito lalabas sa media? My daugther is one of the highest paid top models! She even had an interview at sinabi niya roon na ikakasal na kayo. Hindi ako papayag! Ano na lang ang sasabihin ng investors namin at ng fans ni Francine?" Galit na pahayag ni Sonya.
"I don't give a damn about your daugther's career or even your f*****g business. Kaya kung sirain ang career ng anak niyo at ang business niyo kung gugustuhin ko. Don't test my patience here, Mrs. Soriano. Punong-puno na ako d'yan sa anak mo! She almost ruined our relationship. Muntik ng mawala sa akin ang girlfriend ko dahil sa kabaliwan ng anak mo!"
Tumaas na ang boses ni Damian. Hindi ko siya maawat. Pinapatulan niya talaga ang parents ni Francine. Ang mga magulang ni Damian ay hindi rin siya sinasaway. Oh my gosh! Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao.
"This is enough. The wedding is officially called off. We can't force my son to marry your daughter besides, it was Francine's fault." Pahayag ng Daddy ni Damian.
"Your son is going to pay for this, Alfredo! He can't get away with this." Pagbabanta ni Eduardo.
Nakita kong tumawa ang Mommy ni Damian. Para itong nakarinig ng isang nakakatawang joke.
"Tell me, Eduardo. What are you going to do? And how capable are you, huh?" Nakangiting tanong ng Daddy ni Damian.
"Sonya, your husband is threatening my son. How funny," she softly laughed, "did you forgot who my son is? And did you forgot who we are? Mmm?" Sumeryoso ang mukha ng Mommy ni Damian.
Nagulat ako at napalunok ako. Damn! Hindi basta-basta ang pamilya ni Damian. Even his Mom scared the hell out of me now. Her face was so angelic earlier pero kakaiba ang aura niya kapag nagseryoso ito.
"This f*****g rats is really something," narinig kong wika ng kakarating lang na babae, she looks like Damian's Mom, "b***h, your face annoyed me, really." Anito at pairap na tiningnan si Francine.
Nakita ko kung gaano natakot ang itsura ni Francine ng makita niya ang babaeng kakarating lang.
"Princess, you're late." Ani ng Daddy ni Damian.
"Daddy! I missed you." Malambing na wika nito.
Daddy? Siya ang kapatid ni Damian?
Humalik ito sa pisnge ng Daddy ni Damian. Napatingin ako kay Damian na hinaplos ang kamay ko at ngumiti sa akin.
"Let's go somewhere, Muffin." Aniya.
"Ha? Saan naman? May dinner pa tayo." Bulong ko sa kanya at napasulyap sa kapatid ni Damian.
Nakatingin pala ito sa amin. Napasimangot ito. Napayuko ako.
"Kuya." Tawag nito kay Damian.
"Hey, Princess." Tawag nito sa kapatid niya at tumayo.
He hugged her sister and kissed her cheek. Napasulyap ako sa kanila ni Francine. Lukot-lukot ang mga mukha nila. Nakatayo na sila at plano na yatang umalis.
Hinawakan ni Damian ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Mom, Dad, Princess, this is Ysabella Corryn, my girlfriend." Pagpapakilala niya sa akin sa pamilya niya.
"H-hello po, Mr. and Mrs. de Dios. Hi, Princess." Nahihiyang sabi ko.
Gosh! This is awkward. Pagkatapos ng nangyari ay pinakilala pa rin ako ni Damian sa pamilya niya. At nasa harap pa namin mismo ang pamilya ni Francine.
"b***h! You'll pay for this!" Galit na asik ni Francine habang nakatingin sa akin.
Hinila na siya ng Nanay niya pero nagmamatigas ito. She glared at me.
"w***e!" Sagot ng kapatid ni Damian habang nakataas ang kilay.
Napailing na lang si Damian sa sinagot ng kapatid niya kay Francine. Hindi na nakapalag pa si Francine nang hinila na siya ng Tatay niya. Nakahinga ako ng malalim nang makalis na sila.
"We need to go, Mom. Let's have dinner some other time, okay?" Ani Damian.
"All right, Son." Sagot ng Mommy ni Damian.
I feel sorry for what happened. I don't know. Hindi ko naman kasalanan ang nangyari ngayon pero ewan ko ba bakit ganito ang nararamdaman ko.
"Nice to meet you po." Magalang na sabi ko.
Ngumiti ang kapatid at Mommy ni Damian sa akin. Bahagya akong yumuko para magbigay ng respeto sa kanila.
Hinila na ako ni Damian para umalis. Ngumiti ako ulit sa parents at kapatid ni Damian bago umalis.
"Hey!" Tawag ni Damian sa isang lalaki na nakaupo hindi kalayuan sa table namin kanina.
Napatingin naman ang lalaki kay Damian at parang kinabahan ito.
"Give me your phone and camera." Utos ni Damian sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko kay Damian.
"He was taking pictures earlier while we were talking with the Soriano's. He's a paparazzi." Saad ni Damian.
Nagulat naman ang lalaki sa sinabi ni Damian. Wala itong nagawa at binigay ang phone at camera kay Damian. Tinawag ni Damian ang isang tauhan niya at pinalapit. May tinuro siyang ilang table.
"Get their phones and cameras. Delete everything they took." Utos nito na ikinatango naman ng tauhan ni Damian.
"How did you know na paparazzi ang mga 'yon?" Tanong ko kay Damian habang papalabas kami ng restaurant.
"I always observe, Muffin," sagot nito sa akin, "she must have paid them. She planned everything tonight but I won't let her succeed." Aniya at ngumiti sa akin.
Napahanga ako ni Damian. Ganoon na ang nangyayari kanina pero nahalata niya pang may mga paparazzi kanina. I think he has an eye of an eagle!
"Where are we going?"
"Somewhere, Muffin. Let's breathe some air." Aniya at ngumiti sa akin.
Sa pinakita ni Damian kanina ay talagang totoong ipinaglalaban niya ako kagaya ng sinabi niya sa akin. He stood for me. He did what he promised to me.