Bella's POV
Umuwi na kahapon ang parents ni Damian. Siya mismo ang sumundo sa parents niya sa airport kahapon. Mamayang gabi ay magdidinner kami kasama ang parents niya at inaasahan daw akong ma meet ng parents niya mamaya.
I asked Damian kung ano ang pangalan ng restaurant at ni search ito online. Hindi na ako nagulat na isa itong mamahaling restaurant, kaya ngayon ay namomroblema ako kung ano ang susuotin ko mamayang gabi.
"You're still beautiful kahit ano ang suotin mo." Ani Damian.
"Gusto ko lang maging presentable at bumagay sa lugar na pupuntahan natin." Wika ko.
Sinabihan ko kase siya na samahan niya akong bumili sa mall ng dress na susuotin ko mamaya. Hindi naman ako bibili ng mamahalin. Gusto ko lang maghanap doon ng magandang dress na masusuot mamaya.
"I'm busy later, Muffin. I have hearings to attend." Anito.
"Ako na lang ang aalis mamaya. Pasamahan mo na lang ako kay Azrael or kay Jane." Suhestiyon ko.
Kapag kase ako lang mag-isa ang aalis ay hindi siya papayag. Mas mabuti na raw na may kasama akong security niya para safe ako.
"Jane is on leave now. She has an emergency," sagot nito sa akin, inayos niya ang coat na suot niya, "I'll call my personal stylist para dalhan ka ng mga pagpipilian mong damit."
Lumapit ako sa kanya at inayos ang pagkakakwelyo ng coat niya, "hindi na. Simple lang ang gusto kong suotin mamaya. Tatawagan ko na lang si Eloiza mamaya. Manghihiram ako ng damit sa kanya o 'di kaya ay siya na lang ang papupuntahin ko sa mall para ibili ako ng dress." Ani ko at ngumiti sa kanya.
Niyakap ni Damian ang bewang ko, "don't pressure yourself, okay? I love you kahit may suot ka o wala." Ngumisi ito sa huling sinabi niya.
Mahina kong hinampas ang balikat niya. Napakapilyo talaga nito kahit kailan! I rolled my eyes. Mahina naman itong tumawa.
"Sige na. Umalis ka na, baka ma traffic ka pa sa daan." Turan ko.
Nilapit naman nito ang mukha niya sa akin at binigyan ako ng matamis na halik.
"I'll see you later," malambing na wika nito at niyakap ako ng mahigpit, "I love you, Muffin." Bulong nito sa tenga ko.
"I love you, Damian." Sagot ko sa kanya.
Hinatid ko si Damian sa pinto. Nang makalabas na ito ay sinara ko ang pinto at bumalik sa kuwarto namin para kunin ang phone ko. I texted Eloiza kung may pasok ba ito ngayong araw. Maaga pa kaya expected ko na mamaya pa ito magrereply sa akin.
Lumabas muna ako ng kuwarto namin at tumungo sa kusina para maghugas ng pinagkainan namin ni Damian. Naglinis na rin ako ng condo ni Damian para wala na akong gagawin mamaya.
Pagkatapos kung maglinis dito sa condo ay nagbrowse muna ako online para maghanap ng sample ng dress na ipapabili ko kay Eloiza sa mall. Sana lang ay wala itong pasok mamaya.
Napatigil ako sa pag scroll ng makita kong tumatawag si Eloiza. Sinagot ko ito kaagad.
"Hello?"
"Hello, Ate." Bati ni Eloiza sa akin. Halata sa boses niya na kakagising lang nito.
"May pasok ka ba mamayang hapon?" Tanong ko sa kanya.
"Wala, Ate. May gumagamit raw ng room namin. Bakit po?" Sagot nito sa akin.
"May ipapabili sana ako sa 'yong dress sa mall or sa boutique kung okay lang."
Hindi pa alam nila Eloiza na kami na ni Damian. Siguro ay sasabihin ko na lang ito sa kanila kapag maayos ang magiging dinner namin bukas kasama ang parents ni Damian.
"Hmm. Pwede naman, Ate. Kailangan mo na ba ngayon?"
"Oo sana. Esesend ko na lang ang pera sa 'yo mamaya." Wika ko.
"Saan mo ba gagamitin ang dress? May date ba kayo ni Kuya Damian?" Nahihimigan ko ang tukso sa boses nito.
"W-wala ah! Uuwi kase ang parents niya Eh, gusto akong isama." Pasisinungaling ko.
"Yiii! May meeting the parents na kayo kaagad ah! Baka kayo na ni Kuya at hindi mo lang sinasabi sa amin." Tukso nito.
Ramdam ko ang pagpula ng pisnge ko sa sinabi ni Eloiza.
"Hindi nga," pagde-deny ko, "text mo ako bago ka umalis ha? Esesend ko sa 'yo ang style ng dress mamaya. Naghahanap pa ako." Pag-iiba ko ng topic.
Narinig ko itong tumawa. Napailing na lang ako. Bago ko binaba ang tawag ay kinamusta ko muna sila ni Tito at Tita, maayos naman daw sila.
Alas singko na ng hapon at naligo na ako para pagdating mamaya ni Damian ay tapos na ako. Habang naliligo ako ay narinig ko ang pagkatok ni Damian sa pinto.
"Muffin? I'm home." Sabi nito.
Napangiti ako at pinatay ang shower.
"Patapos na ako." Sigaw ko at pinagpatuloy na ang pagligo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas akong nakatapis ang tuwalya sa katawan ko. Naabutan kong nakaupo si Damian sa kama. Nakasuot ito ng longsleeved top niya na nakataas hanggang siko. Nakatitig na kaagad ito sa akin, para bang ako talaga ang hinihintay niyang lumabas sa banyo.
Napatikhim ako. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Kaagad naman siyang yumakap sa akin. Napangiti ako. Para siyang batang naglalambing.
"Tired?" Tanong ko sa kanya at hinaplos ang buhok niya.
"Mmm." Sagot lang nito habang tumatango sa akin.
"Maaga pa naman. Magpahinga ka muna." Wika ko.
7:30 pa naman ng gabi ang dinner namin mamaya. Medyo malapit lang dito ang restaurant kung saan kami kakain mamaya kaya hindi na namin kailangang agahan na umalis.
Inangat nito ang ulo niya at tumitig sa akin.
"Instead of resting, may naisip akong pwedeng gawin." Anito.
"Ano naman 'yon?" Curious na tanong ko sa kanya.
Unti-unti ay pinasok ni Damian ang kamay niya sa tuwalya at pinisil ang legs ko. Ngumisi ito sa akin. Napailing ako
"Mali-late tayo." Turan ko at hinawakan ang kamay ni Damian.
Nagulat ako ng binuhat niya ako at pinaupo sa kandungan niya paharap sa kanya. He pressed his body to mine.
"We can do it quickly, Muffin." Anito at akmang huhubarin ang tuwalya sa katawan ko pero napigilan ko siya.
"D-damian, mamaya na lang pagkauwi natin." Saad ko.
"But I want you now," anito, inamoy niya ang leeg ko, "you smell so good." Puri nito sa akin.
Pinaglaruan ko ang buhok niya, "Attorney, ang sabi mo sa akin ay pagod ka."
"I said that? I never said that, Muffin."
Mahina akong natawa sa sinabi niya. Hinaplos ko ang balikat niya.
"I can massage you para mawala ang pagod mo." Alok ko sa kanya.
"Sounds good but I want my c**k inside you," bulong nito sa tenga ko, "don't you want it? Mmm?" Nang-aakit na tanong nito.
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang pag masahe ni Damian sa pang-upo ko.
"H-hindi nga pwede. Aalis pa tayo." Pinigilan ko ang sarili na umungol ng halikan nito ang leeg ko.
"Just one, Muffin. Bibilisan lang natin." Bulong nito sa akin.
I composed myself. Hindi ako bibigay kahit na nag-uumpisa na akong makaramdam ng kakaibang sensasyon sa katawan ko.
"I don't believe you, Damian. Hindi ka kuntento sa isa lang."
I heard him chuckled.
"I can call my Mom to wait for us in case we will be late." Anito.
Napasimangot ako. Gusto pa talagang lumusot nito. Mahina ko siyang tinulak at hinarap. Magsasalita na sana ako pero inangkin na niya ang labi ko. Gumagapang na rin ang kamay nito sa hubad kong katawan dahil na hubad na niya ang tuwalya sa katawan ko.
I need to stop him. Baka hindi matuloy ang dinner namin kapag hindi ko siya napigilan. Nakakahiya naman sa mga magulang niya.
Humiwalay ako sa kanya. He groaned.
"Gusto man kitang pagbigyan pero aalis pa tayo." Ani ko.
Bahagyang tumulis ang nguso nito.
"I promise, isa lang." Hirit pa nito.
"Still a no. Baka abutin ng ilang oras 'yan isa mo." I laughed.
Pinisil ko ang pisnge niya at mabilis siyang hinalikan sa labi at tumayo mula sa pagkakaupo sa kandungan niya.
"All right. We'll do it later." Anito ay tumayo na sa kama.
Napatingin ako sa bumubukol na p*********i niya. Kaya niya naman sigurong pakalmahin 'yan. Hinubad na nito ang suot niya. Nag-iwas ako ng tingin dahil alam kong buhay na buhay na ang kanya.
"Mag-aayos na ako." Ani ko.
"I need a cold shower." Aniya at humalik sa pisnge ko bago pumasok sa banyo.
Lumapit ako sa dresser at kumuha ng wipes. I wiped my womanhood. I'm wet. Napailing ako.
"You look beautiful." Puri nito sa akin.
Nakapagbihis na ako. Suot-suot ko na ang binili ni Eloiza sa aking dress. Sa isang boutique niya ito nabili at wala pa itong isang libo.
"Thank you. Ang gwapo-gwapo mo." Nakangiting sabi ko.
"I know I'm handsome, Muffin," mayabang na turan nito, "let's go, Muffin." Aya nito sa akin at hinawakan ang kamay ko papalabas ng condo niya.
Si Azrael ang driver namin ngayon. Binaba kami ni Azrael sa harap ng restaurant. Wala pang 7:30 ay nakarating na kami sa restaurant.
Bago kami pumasok sa restaurant ay pigilan ko ang kamay ni Damian. Natigilan naman ito at napatingin sa akin. Nag-aalangan ko siyang tiningnan.
"Okay lang ba ang itsura ko?"
Pinasadahan niya ako ng tingin, "you look gorgeous tonight, Muffin. You always are," puri nito sa akin at pinisil ang kamay ko, "I'm here. Don't be nervous." He gave me a sweet smile.
Bumuga ako ng hangin at ngumiti sa kanya. I nodded.
"Let's go inside." Aniya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Sinabi ni Damian sa staff ng restaurant ang reservation galing sa parents niya kaya tinuro nito kung saang table kami pupunta. Nagpasalamat kami sa staff ng restaurant bago nagtungo roon.
"There they are." Ani Damian.
Nakikita ko na ang parents ni Damian. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Kahit sa malayo ay umaangat ang kagandahan ng Mommy niya. Ang Daddy niya naman ay napakagwapo kahit na may pagkastrikto ang itsura nito. They are a perfect couple.
Nakita na kami ng parents ni Damian. Ngumiti ang Mommy niya sa direksyon namin. Ngumiti ako para itago ang kabang nararamdaman ko. Nang makalapit na kami sa table kung nasaan ang parents ni Damian ay mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko ay tatalon palabas ng katawan ko ang puso ko.
"My dearest son!" Maligayang sabi ng Mommy niya.
Humalik si Damian sa pisnge ng Mommy niya.
"Good evening po." Bati ko sa kanila.
Napatingin naman sa akin ang parents ni Damian. Ngumiti sa akin ang Mommy niya. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Good evening Mr. and Mrs. de Dios." Bati ko ulit.
Hindi ko alam kung paano ko sila i-aaddress.
"You must be Ysabella?" Tanong ng Mommy ni Damian.
Tumayo si Damian sa tabi ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
Ang hinhin ang boses ng Mommy ni Damian. Kung ano kaganda ng mukha niya ay ganoon din ang boses niya.
"Opo." Nahihiyang sagot ko.
"And you are my son's?" Pabitin na tanong ng Mommy ni Damian.
"She's my girl--"
"Babe!"
Naputol ang pagpapakilala sa akin ni Damian ng may lumapit sa aming babae. Parehas kaming napatingin sa dumating. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko ng mabilis nitong hinalikan si Damian.
He was caught off guard pero mabilis na nakaiwas si Damian kaya imbes na sa labi siya mahalikan ng babae ay sa pisnge dumampi ang labi ng babae.
"Is that how you welcome your fiancée?" Tanong ng babae.
I was like a statue. Hindi ako nakagalaw sa nasaksihan ko. Hinawakan ni Damian ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nagtatagis ang panga nito.
"Francine." Matigas na tawag nito sa pangalan ng babae.