Bella's POV
Nagising akong may humahalik sa pisnge ko. Kaagad akong napangiti.
"Good morning, Muffin." Bati nito sa akin.
Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong nakangiti si Damian habang nakatingin sa akin.
"Good morning," nakangiting bati ko sa kanya, "kanina ka pa gising?" Tanong ko sa kanya.
"Not really." Anito at inalalayan akong makaupo.
Sumandal ako sa headboard ng kama niya, wala akong suot na damit kaya inayos ko ang pagkakatabon sa dibdib ko gamit ang kumot niya.
Ito ang unang gising ko katabi si Damian bilang girlfriend niya.
Girlfriend niya.
Kinilig ako. Naiiling akong ngumiti. Napatingin naman si Damian sa akin.
"Why are you smiling like that?" He asked.
"Wala," sagot ko, "hindi ka ba papasok sa trabaho? Anong oras na."
Alas nuebe na kase ng umaga at kakagising lang naming dalawa.
"Nope. Bukas na ako papasok. I'll help you move your things here in our room." Anito.
"Our room?" Pag-uulit ko.
"Yeah?" lumapit ito sa akin, "this is our room, Muffin."
Kinikilig talaga ako. Ang saya-saya ko rin na hindi ko maintindihan. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng taong in love?
Ngayong may relasyon na kami ni Damian, hindi ko alam kung ano na ang magiging setup namin. I mean, katulong niya ako. Magtatrabaho pa ba ako sa kanya bilang katulong?
"Ahm, Damian. May sasabihin ako." Panimula ko.
"What is it, Muffin?"
Napatingin ako sa katawan ni Damian. Nadidistract ako sa hubad niyang katawan lalong-lalo na sa p*********i niya. Kinuha ko ang unan at tinakpan iyon. Napatawa naman si Damian sa ginawa ko.
"Nadidistract kase ako," nahihiyang sabi ko, "'yong sasabihin ko. Ano kase, paano na ang setup natin?"
"What do you mean by that?" Tanong nito habang hawak ang kamay ko. Pinaglalaruan niya ito.
"Kase 'di ba nagtatrabaho ako sa 'yo? Ngayon girlfriend mo na ako, boyfriend na kita," sagot ko sa kanya.
Parang nakakahiya naman pag ganoon. Paano na lang kapag may nagtanong sa kanya kung ano ang trabaho ko? Anong isasagot niya? Katulong ko ang girlfriend ko? Napangiwi ako sa naisip ko.
"I never treated you as my maid, Muffin. Wala lang akong choice kaya kita inalok na maging helper ko rito sa condo. Ang totoo n'yan, I just want you to stay here. I want you safe kaya naisip kong dito ka na muna sa condo ko." Sagot nito sa akin.
Nang una pa lang ay sinabi niya na 'yon sa akin. He wanted me safe kaya rito niya ako dinala sa condo niya. Halos wala nga akong ginagawa rito dahil kaming dalawa lang naman ang nandito. Ang laki-laki pa ng sahod ko. I really find it weird.
"Pwede naman akong magtrabaho ulit. Pwede rin akong maghanap ng apartment or umuwi na lang ako sa bahay namin. I think safe naman na kami." Saad ko.
Hindi naman pwedeng girlfriend s***h katulong niya ako. Ano na lang ang iisipin ng ibang tao lalong-lalo na ang pamilya at mga kaibigan niya kapag nalaman nila ang sitwasyon namin?
Nakita ko ang pagseryoso ng mukha ni Damian. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
"You can stay here, Muffin. You don't need to work. Ako na lang ang alagaan at asikasuhin mo. We are not yet sure if you're safe already. Kaya kitang buhayin pati na ang pamilya mo." Seryosong sabi nito.
Napailing ako sa kanya, "hindi naman tama 'yon, Damian. Hindi mo kami responsibilidad ng pamilya ko. I can work naman para makatulong pa rin ako sa bahay."
"Don't get me wrong, Muffin. I'm not against na magtrabaho ka, okay? Ang inaalala ko lang ay ang safety mo. Hindi natin alam baka naghihintay lang ng tamang pagkakataon ang mga Montalvo para makabawi sa 'yo. For now, let me help you financially, okay? I will give you allowance sa pag-aalaga sa akin at sa pagluluto ng masasarap na pagkain." Ngumiti na ito sa akin.
I sighed. Wala rin akong magagawa kundi ang sundin siya. Tama si Damian. Baka may plano ang mga Montalvo na balikan ako at naghihintay lang ng tamang tyempo. At least dito ay safe ako at may mga nagbabantay sa akin.
"Hindi mo na ako kailangang bigyan ng allowance, Damian. It is my duty na alagaan ka dahil girlfriend mo ako at pangbawi na rin sa lahat ng naitulong mo sa amin ng pamilya ko." Ngumiti ako sa kanya.
"Girlfriend duties. Hmm?" He tilted his head and gave me a sweet smile.
Tumango ako sa kanya at mahinang tumawa. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. Sumandal ito sa headboard ng kama niya. Pinasandal niya ako sa katawan niya. He intertwined our fingers. Napatingin naman ako sa magkahawak naming kamay.
"Kahit wala kang gawin ay okay lang. I just want to be with you. Ang gusto ko lang ay ikaw ang uuwian ko palagi pagkatapos ng nakakapagod kong araw." Malambing na wika nito.
Patagilid ko siyang tiningnan dahil nakatalikod ako sa kanya. Bakit ang sweet-sweet nito sa akin? Parang natutunaw ang puso ko sa sinabi niya.
"Ikaw ang pahinga ko. You are my safe haven, Muffin. Kahit gaano ako kapagod sa trabaho, kapag umuuwi ako rito ay parang nawawala ang pagod ko kapag nakikita kita." Turan nito habang hinahaplos ang pisnge ko.
"A-ang aga-aga mo namang magpakilig, Attorney." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Nag-init ang pisnge ko. Hindi ako prepared sa ganitong side ni Damian. Noon pa man ay sweet na ito, pero iba pala talaga ang sweetness kapag nasa isang relasyon na kayo.
He chuckles, "I didn't said that para pakiligin ka, Muffin. Sinabi ko lang ang totoo. 'Yon ang nararamdaman ko noon pa."
He leaned forwand to kiss my forehead. It was a warm kiss.
Ang swerte ko at may isang lalaking tanggap ako kung ano o sino man ako. Kahit magkalayo ang estado amin sa buhay ay minahal niya pa rin ako.
Inaya ko na si Damian para magbihis para makapagluto na kami ng agahan namin. Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko rito sa kuwarto namin. Yes, kuwarto namin. Napangiti na naman ako.
"I was really curious kung paano ka nakaalis sa condo ng walang nakakakita sa 'yong mga tauhan ko." Tanong nito habang inaayos ang mga hanger at inabot sa akin.
Tapos na kaming kumain kaya nag-aayos na kami ng mga gamit ko. Nailabas ko na ang mga gamit ko sa dalawang bag at nilapag ito sa kama ni Damian.
"Sakto lang na pagbaba ko ay wala roon ang guard sa baba, sa mga tauhan mo naman," sinulyapan ko si Damian at nahihiyang ngumiti sa kanya, "pinagluto ko sila ng dinner noon, 'di ba? Nilagyan ko ng sleeping pills ang drinks nila."
Mahina itong tumawa habang nakaupo sa kama niya.
"Saan mo naman nakuha ang ganoong kadaming sleeping pills?" Tanong nito.
Tinupi ko ng maayos ang ilang damit ko.
"I ordered it sa pharmacy at pinadeliver dito. Sinabi ko lang kay Azrael na sumakit ang t'yan ko at naubusan ako ng gamot, kaya ayon." Paliwanag ko sa kanya.
Nakakahiya talaga ang ginawa ko. Mabuti na lang at walang masamang epekto sa katawan ng mga tauhan ni Damian ang sleeping pills.
"That was a nice plan." Compliment nito habang natatawa.
Napanguso ako, "hindi naman kase ako makakaalis dito kung hindi ko 'yon gagawin. I was really hurt that time dahil ang akala ko ay niloko mo ako." Wika ko.
"I understand you, Muffin." Kalmadong sabi nito.
"Kailan mo nalaman na wala na ako rito? Umabot ba ng isang araw?" Tanong ko sa kanya.
"Yes. I was busy kaya nawala rin sa isip ko na tingnan ang phone ko kung nakareply ka na. Nawawala rin ang signal doon kaya ang akala ko rin ay hindi mo narereceive ang messages ko. Hindi ko napansin na nakablock na pala ako sa 'yo. Nang makauwi na ako sa condo ko sa Cebu ay doon na ako nagtaka kung bakit buong araw kang walang reply sa akin. I tried to call you pero hindi kita matawagan kaya pinapuntahan kita kay Azrael." Mahabang sagot nito.
"Sorry po. Sa susunod ay tatawagan muna kita. Hindi muna ako magpapadala sa emosyon ko." Sabi ko sa kanya.
"What you felt that time was valid, Muffin. Don't feel sorry. May kasalanan din ako. I didn't told you about her." Turan nito.
Tumango ako sa kanya at ngumiti. pagkatapos kong mahanger ang mga damit ko ay tinulungan ako ni Damian na dalhin iyon sa walk-in closet niya. May space na roon para sa akin.
"Magsosorry nalang din ako sa kanila ni Azrael. Ipagluto ko kaya sila ulit ng food pangbawi man lang?" Suhestiyon ko.
"I think that's not a good idea. Baka na trauma na sila." Biro nito sa akin.
Napanguso ako, "tama nga naman. Baka isipin nila ay may hinalo na naman ako sa pagkain o drinks nila."
Inayos ko ang pagkakahanger ng nga damit ko. Sinunod ko namang pinasok sa mga drawers ang mga nakatupi kong damit.
"By the way, Muffin, uuwi ang parents ko from states. Tapos na ang paglilibot nila doon. Uuwi rin ang kapatid ko. We will have dinner at ipapakilala kita sa kanila."
Napalingon ako kay Damian.
"Uhm. Sigurado ka bang ipapakilala mo ako? Hindi ba nakakahiya?" Nag-aalangan na turan ko.
"Hey! What are you saying? Bakit kita ikakahiya? Girlfriend kita and I love you." Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Eh, kase, alam mo naman na--"
"Stop saying negative things, Muffin," putol nito sa akin, "my parents are very kind. Not being biased but isa sila mababait na taong kilala ko. My Dad has a temper but he is nice and kind. I'm sure they will love you." Dugtong nito.
Yumakap ako kay Damian ng mahigpit. Paano kung hindi nila ako magustuhan dahil magkaiba ang estado namin sa buhay? Tapos paano kapag nalaman nilang muntik na akong magahasa? Na isa akong dancer sa club na halos wala ng saplot? Baka mas lalo nila akong hindi magustuhan para sa anak nila.
"P-paano kung hindi nila ako magustuhan?" Kinakabahan kong tanong.
Sandali itong natahimik sa tanong ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko.
"I will fight for our relationship, Muffin. I'm old enough to choose who I will love. Hindi kita pababayaan. I love my parents pero kapag hindi na tama ang gagawin o sasabihin nila sa 'yo ay ipaglalaban kita." Anito habang hinahaplos ang buhok ko.
"Parents mo pa rin 'yon. They know what's best for you." Ani ko.
"Yes, parents ko sila. Dapat ay suportahan nila ako kung saan ako sasaya. If they can't respect you, then I can't let them do that to you. You've had enough, Muffin. Hindi na para dagdagan pa nila," aniya at kumalas sa pagkakayakap sa akin, kinulong nito ang mukha ko sa palad niya, "they are nice and lovey, Muffin. Just be yourself. Iyon ang nagustuhan ko sa 'yo. You don't need to worry. Hmm?"
Tumango ako sa kanya at ngumiti. I trust him. Kung ano man ang mangyari sa first meeting namin ng parents at kapatid niya, alam kong nasa tabi ko si Damian.