Chapter 27

1875 Words
Bella's POV Nagising akong masakit ang buong katawan ko. I tried to move pero ang bigat ng pakiramdam ko. Inabot ko ang orasan na nasa mesa at tiningnan ito, mag-aalas sais na. Maaga pa pala? So, kulang ang tulog ko? Pakiramdam ko naman ay hindi ako kulang sa tulog. Nakasara pa ang mga kurtina ng kuwarto ni Damian kaya hindi ko makita kung maliwanag na ba sa labas o hindi pa. Tiningnan ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Wala akong suot na damit. Na hold-up ako kagabi at naibigay ko ang lahat nang akin. I sighed. Bumukas ang pinto ng banyo ni Damian kaya napatingin ako roon. Lumabas si Damian habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang maliit na towel. Nang makita niya akong gising na ay kaagad itong lumapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Muffin! How are you?" Nag-aalala na tanong nito. "Good morning, Damian," bati ko sa kanya, "okay naman. Medyo mabigat lang at masakit ang katawan ko." Sagot ko sa tanong niya. "Good morning?" Pag-uulit nito. Tumango ako sa kanya, "6 a.m. pa lang naman ng umaga. Papasok ka na ba?" Ang aga niya namang nagising. Nakatulog ba ito nang maayos? "Damn, Muffin!" Tila naaliw ito sa akin. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Why?" Takang tanong ko. "Muffin, it's already 6:00 o'clock in the evening, not in the morning." He chuckled. Nagulat ako sa sinabi niya. Alas sais na ng gabi? Ilang oras naman akong natulog? "Ilang oras na akong tulog?" Naguguluhan na tanong ko. "Hmm?" napaisip ito, "almost 11 hours?" Nanlaki ang mga mata ko, "ganoon ako katagal natulog?" "Yes," he gave me a playful smile. Ganoon ba ako kapagod? "It's understandable though." He said. Hinaplos nito ang balikat ko. "A-anong oras tayo n-nakatulog?" Nauutal na tanong ko. Ngumiti ito sa akin, "8 in the morning. We did it for almost 8 hours, Muffin. I bet you're still sore." I am really sore. Halos walong oras ba namang walang tigil ang pag labas masok niya sa akin! "A-ah.." Nasabi ko na lang at nag-iwas ng tingin. Hinalikan ni Damian ang labi ko. Hindi pa ako nagto-toothbrush! Tinakpan ko ang bibig ko. "Silly! I don't mind kissing you, Muffin." Hinawakan nito ang kamay ko at kinuha para hindi ko na matakpan ang bibig ko. Nilapit niya ulit ang mukha niya sa akin at hinalikan ako. This time mas matagal na. Hiyang-hiya ako! Baka amoy bituka na ang hininga ko! "Nagugutom ka na ba?" Pagtatanong nito ng pinutol niya ang halik. Tumango ako sa kanya. "Let's eat. I ordered food." Aniya at kinuha ang kumot na nakatakip sa hubad kong katawan. Napatitig naman ito sa katawan ko. "Your body is perfect." Aniya at sinalubong ang tingin ko. Tumikhim ako. Ano pa ba ang ikakahiya ko? Ilang beses niya ng nakita at inangkin ang katawan ko. Alam ko naman na maganda ang katawan ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Tumayo naman si Damian. "I'll get you a shirt." Anito at naglakad papasok sa walk in closet niya. Tumayo ako pero napaupo ako sa kama dahil hindi ko kayang tumayo. Parang nawalan ng lakas ang binti ko. Sinubukan ko ulit na tumayo pero hindi ko talaga kaya. "Damian!" Tawag ko sa kanya. Nagmamadali na lumapit si Damian sa akin habang bitbit ang puting shirt niya. Narinig niya siguro ang panic sa boses ko. "I can't stand." Sabi ko sa kanya. "What?" Takang tanong nito. "B-bakit hindi ako makatayo, Damian?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Seryoso naman itong napatingin sa akin at lumuhod sa harap ko. "I'm sorry. It's my fault." Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "B-bakit?" "Hindi ko napigilan ang sarili ko. I just missed you so much," anito na ikinakunot ng noo ko, hinaplos niya ang legs ko, "halos 8 hours tayong nagtalik kaya hindi ka makalakad." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "G-ganoon ba ang epekto no'n?" "I don't know but I asked my friend about it a while ago. Ang tagal mong magising kaya nagtanong ako sa kanya. She said that you're just tired and baka hindi ka makalakad ng maayos pagkagising mo." Paliwanag nito sa akin. "A-ano ang gagawin ko para makalakad ulit?" "You have to rest, Muffin. Baka bukas ka pa makalakad," anito at hinawakan ang kamay ko, "I will carry you." Aniya. Sinuot niya sa akin ang damit niya at binuhat ako papunta sa dining room. Para lang akong papel para sa kanya. Ni hindi ko man lang makita na nabibigatan siya sa akin. May mga pagkain ng nakahanda sa mesa. "You have to eat a lot, Muffin." Aniya at binaba ako sa upuan. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Halos punuin niya na ito ng pagkain. Hindi naman ako nagreklamo dahil palagay ko ay kulang pa ito sa akin dahil nagugutom na ako. Kinaumagahan ay nagising akong nasa tabi ko si Damian. Nakadapa ito pero ang braso niya ay nakapatong sa t'yan ko. Napatingin ako sa orasan, alas otso na ng umaga. Nagsabi na siya kagabi na hindi ito papasok ngayong araw kaya hindi ko na siya ginising. Dahan-dahan kong kinuha ang braso ni Damian na nakapatong sa t'yan ko at umupo. Hindi na mabigat ang katawan ko. Naghot bath ako kagabi. Nagbabad ako sa bathtub ng 20 minutes at pakiramdam ko ay gumanda ang pakiramdam ko. Nabawasan ang pananakit ng katawan ko. Pinainom din ako ni Damian ng paracetamol. Dahan-dahan akong tumayo. Pa ika-ika akong nagtungo sa banyo ni Damian. Pagkatapos kong umihi ay naghilamos ako at nagmumog. Lumabas na ako ng banyo at nagtungo sa kusina para magluto ng agahan namin. Wala pa siguro akong 10 minutes na nasa kusina ay nagising na si Damian. Papalapit ito ngayon sa akin. Gulo-gulo pa ang buhok niya at nakasuot ng itim na boxer. "Good morning, Muffin." Anito at humalik sa labi ko. "Good morning, Damian." "You can walk now." Aniya. Tumango ako sa kanya. Naghilamos ito sa sink at nagmumog. Binasa nito ang buhok niya at tinuyo ang mukha gamit ang tissue. "Pwede ka nang pumasok. Okay naman na ako." Sabi ko sa kanya. "Hindi na, pero aalis ako mamayang after lunch. I have a hearing to attend at 1:30." Sagot nito sa akin. Tumango ako sa kanya at nagpatuloy sa pagluto. "Just rest, Muffin. Humiga ka na lang doon sa kama." Anito. Nilagay ko ang mga naluto kong agahan sa mesa at nagtimpla ng kape ni Damian. "Doon na ako sa kuwarto ko magpapahinga." Ani ko habang hinahalo ang kape niya. Natahimik ito kaya hindi na rin ako umimik. Nilapag ko ang tasa sa mesa at umupo na sa silya. Tahimik lang kami habang kumakain. Napasulyap ako kay Damian dahil mukhang may malalim itong iniisip. Pagkatapos naming kumain ay nagpresenta ito na siya na ang magliligpit at maghuhugas ng pinagkainan namin kaya bumalik ako sa kwarto niya para kunin ang naiwan kong mga gamit doon. "Let's put your things in my room. Dito ka na matutulog." Anito. Napatigil ako sa pagtupi ng damit niyang suot ko kanina. Nagbihis na ako ng pangtulog ko na hindi ko nasuot nang nakaraang araw. Napatingin ako sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin habang nakatayo sa harap ko. "Bakit?" "Ikaw ang gusto kong katabi bago matulog at ikaw ang gusto kong makita pagkagising ko sa umaga." Seryosong sagot nito. Natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Napayuko ako at hinawakan ang kamay ko. "D-damian.." Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa amin. Ang sigurado ako ay gusto ko siya pero hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya para sa akin. "Hindi ko alam kung ano ang mayroon sa atin," kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, "hindi dapat tayo ganito." Napailing ako. Dapat ay nagtatrabaho lang ako sa kanya. Hindi dapat kami ganito. Dapat ay walang nangyayari sa amin. Dapat ay hindi siya sweet sa akin. Dapat ay hindi niya ako tinatrato ng ganito; na parang pagmamay-ari niya ako katulad ng sinabi niya sa akin. Wala kaming label pero daig pa namin ang may relasyon sa ginagawa namin. This is not right. Ako naman, nahulog sa kanya at pumapayag lang kahit na hindi ko alam ang totoong nararamdaman niya sa akin. Isa rin akong tanga. "Hey, Muffin." Hindi niya dapat ako tinatawag na "Muffin" na para bang ito ang endearment niya sa akin. Umiling ako sa kanya. Ayaw ko mang aminin but I feel special kapag tinatrato niya akong pagmamay-ari niya. Sino ba naman ang hindi? O baka mahina lang talaga ako. "I know what you're thinking, please huwag kang mag-isip nang kung ano," anito at lumapit sa akin, inangat niya ang baba ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, I heard him sighed, "I'm getting there, Muffin. You already have a spot in my heart. " Wika nito. "Baka nagkakamali ka lang, Damian. Baka sxx lang ang gusto mo sa akin." Hindi ko mapigilan na 'yon ang isipin. Baka katulad lang siya ng ibang lalaki na gagawin ang lahat para mahulog ang babae sa kanila at kapag nakuha na nila ang gusto nila sa babae ay iiwan din nila ito. "Iyon ba ang nasa isip mo? Na katawan mo lang ang habol ko?" Dismayadong sabi nito. "H-hindi ko alam." Halos pabulong na sabi ko. Tumayo ako. Hindi ko siya kayang kausapin tungkol dito. "Huwag mo akong itulad sa putanginang ex mo!" Pagalit na sabi nito. Tumaas ang boses niya. Uminit ang sulok ng mga mata ko. Kasalanan ko rin naman. Sana ay nag-isip muna ako ng mabuti bago ko binigay ang sarili ko sa kanya. Mahina akong naglakad papunta sa pinto niya para lumabas sa kuwarto niya. "Muffin," tawag nito sa akin at hinawakan ang kamay ko, natigilan naman ako, "don't think about that. Hindi ako ganoon. I am not taking advantage of you. It's just that.. this attraction I am feeling towards you is hard to control." He is attracted to me? Napailing ako. "M-magpapahinga na ako." Ani ko at winakli ang kamay niya pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Muffin, please, listen to me," anito at hinarap ako, "hindi ko sinasadya na 'yon ang maramdaman mo. It's my fault, I'm sorry." Nakikita ko sa mga mata niya na para itong nahihirapan. Umiling ako sa kanya at tipid na ngumiti. "Magpapahinga na ako sa kuwarto ko." Ani ko. "Dito ka na magpahinga." Aniya. Umiling ako. Nagbuntong hininga ito, "all right." Aniya at hinalikan ang noo ko. Hindi na ako nagsalita at lumabas na sa kuwarto niya. Sinara ko ang kuwarto ko nang makapasok na ako. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan ko. Alas dose na ng katukin ako ni Damian sa kuwarto ko. Hindi ko siya pinagbuksan. Nakahiga lang ako sa kama. "Muffin? Let's eat." Aniya. Ilang beses itong kumatok pero hindi ko siya pinansin. Maya-maya pa ay tumawag ito sa phone ko pero hindi ko rin sinagot. "I'm sorry, Muffin. It's okay if you're mad at me. Your feelings is valid. May pagkain sa mesa. Kumain ka, please." Text nito. Nilapag ko ang phone ko sa kama at niyakap ulit ang unan ko. Maya-maya ay nagtext na naman ito. "I need to go, Muffin. I'll be back after my hearing. Please eat your lunch." Ni-lock ko na lang ang phone ko at pinikit ang mga mata ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD