Chapter 28

1579 Words
Bella's POV Halos isang linggo ko nang iniiwasan si Damian. Sinusubukan niya akong kausapin pero ako ang umiiwas. He tried so hard pero ako ang may ayaw na pansinin at kausapin siya. Ginagawa ko na lang ang trabaho ko rito. Mamaya na ang unang hearing ng kaso ni Eloiza at sinabihan na ako ni Damian na susunduin niya ako rito sa condo niya. Tapos na akong magbihis at hinihintay ko na lang siyang dumating. Maya-maya pa ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng condo kaya lumabas na ako ng kuwarto ko. "Muffin--" "Umalis na tayo." Pagputol ko sa sasabihin niya. Naglakad na ako papunta sa pinto at binuksan ito. Sumunod naman sa akin si Damian. Tahimik lang kami habang nakasakay sa Van niya. May mga nakasunod sa aming tatlong itim na kotse, malamang ay mga tauhan niya iyon. Nararamdaman ko ang pagtitig sa akin ni Damian pero hindi ko siya pinansin. Nang makarating kami sa Hall of Justice ay dumiretso na kami sa waiting area ng courtroom.. Naabutan namin doon sila ni Tito, Tita at Eloiza. Naroon na rin si Diego. "Ate!" Tawag sa akin ni Eloiza. Ngumiti ako sa kanya at yumakap. "Huwag kang kabahan mamaya. Kaya mo 'yan!" Pagbibigay ko sa kanya ng lakas ng loob. "Oo naman, Ate." Nakangiti nitong sagot sa akin nang kumalas ito sa pagyakap sa akin. "Attorney, kamusta kayo?" Narinig kong tanong ni Tito kay Damian. "Okay naman po ako. Kayo po?" Ani Damian. Lumapit na rin ako sa kanila ni Tito at Tita at nagbeso. Maya-maya pa ay pinapasok na kami at mag-uumpisa na ang pagdinig ng kaso ni Eloiza laban kay Adrian. Si Atty. De Vera pa rin ang abogado ni Adrian. Ngumit ito kanina ng makita niya ako. Umupo ako sa witness stand. Isinalaysay ko ang nangyari nang makita ko ang araw na ginaxhasa ni Adrian si Eloiza. Pagkatapos kong magsalaysay ay wala ng tinanong si Atty. De Vera sa akin. Ang sumunod na umupo ay si Eloiza. Sinabi niya rin ang nangyari ng araw na 'yon. Hindi niya pala inaasahan na pupunta sa bahay ng araw na iyon si Adrian. Bigla na lang itong pumunta roon at may dalang mamahaling kape at pinainom kay Eloiza. At ang sumunod na nangyari ay ginxhasa siya ni Adrian hanggang sa naabutan ko sila. Awang-awa ako kay Eloiza habang nagku-kuwento ito sa nangyari sa kanya. Nang nakita ko siyang umiiyak ay umiyak na rin ako. Walang witness si Adrian. Kaya siya na ang sumunod na umupo. Inamin niyang ginxhasa niya si Eloiza. Hindi na kami pinahintay ng matagal ni Judge sa final verdict niya. Sinabi niya na ito kaagad. Makukulong ng habang buhay si Adrian. Eloiza was awarded emotional damages. Grabi ang pasasalamat ni Tito at Tita kay Diego at kay Damian. Pagkatapos ng hearing ay nagmeryenda muna kami sa isang restaurant. "Ate, bakit hindi kayo nagpapansinan ni Kuya Damian? Nag-away ba kayo?" Bulong ni Eloiza sa akin. "Hindi naman." Tipid na sagot ko sa kanya. Palihim kong tinignan si Damian sa tabi ko. Tahimik lang ito habang nakikinig sa pag-uusap nila Diego at Tito. "Kanina pa siya panay ang tingin sa 'yo, Ate. Parang malungkot ang mga mata niya." "Exam mo pala bukas?" Pag-iiba ko ng topic. "Ay, opo! Pero, nakapagreview na ako. Natatakot kase ako na baka maapektuhan ako ng hearing kanina kaya inagahan ko na ang pagreview." Sagot nito sa akin. "How do you feel? Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. "Okay lang ako, Ate. Masaya ako at nanalo ako sa kaso," nakangiting sabi nito sa akin. "Mabuti naman kung ganoon. Huwag mo na masyadong isipin ang nangyari sa 'yo, ha? Ang isipin mo na lang ay ang pag-aaral mo." Payo ko sa kanya. Tumango ito sa akin at nagpatuloy sa pagkain niya. Napatingin ako kay Tito na magiliw na nakikipag-usap kay Diego. ____________ "Bella.." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Tita Eliza. Nasa banyo ako ngayon. "Bakit po?" Lumapit ito sa akin at malungkot na ngumiti. "Hindi pa ako nakahingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko sa 'yo. Pasensya ka na, ha? Alam kong malaki ang kasalanan ko sa 'yo. Sana ay mapatawad mo pa ako. Nang dahil sa akin ay napahamak kayo ni Eloiza." Naluluhang sabi ni Tita Eliza. Hindi ko namalayan na tumulo na ang luha ko. Umiling ako kay Tita. "W-wala po iyon, Tita. Matagal ko na po kayong pinatawad." Sagot ko sa kanya at pinunasan ang pisnge ko. "Hindi naging maganda ang trato ko sa 'yo mula noong bata ka pa. Pati tuloy si Eloiza ay tumulad sa akin." Aniya. Ngumiti ako kay Tita, "kalimutan na po natin ang nakaraan. Ang importante po ngayon ay maayos na ang lahat." Wika ko. Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Yumakap din ako kay Tita. Hindi ito tumigil sa pag-iyak kaya hinaplos ko ang likod niya. "S-salamat sa lahat ng tulong mo sa amin, Bella." Aniya nang kumuwala ito sa pagyakap sa akin. "Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko matulungan ko lang po kayo ni Tito." Pareho kaming nakangiti ni Tita nang bumalik kami sa mesa namin. Napatayo si Tito ng mahalatang umiyak si Tita. Sinabi naman ni Tita na nag-usap lang kami kaya nagkaiyakan kami. Napatawa na lang din ako sa sinabi ni Tita. "Mag-ingat po kayo." Sabi ko. Sumakay na sila ni Tito sa kotse dahil uuwi na sila para makapagpahinga na. Naunang umalis ang kotseng sinasakyan nila ni Tito. Pinahatid sila ni Damian sa bahay. "Diego, thank sa you pagtulong mo sa amin." Sabi ko kay Diego. Ngumiti ito sa akin, "walang ano man, Bella." Walang bayad ang pagtulong sa amin ni Diego dahil magkaibigan naman daw sila ni Damian at hindi naman daw siya nahirapan sa kaso namin. Nag-offer pa si Tito sa kanya na kapag nakuha na nila ang ni-award kay Eloiza na emotional damages ay magbibigay sila kahit 50% pa, pero ayaw niya talagang tanggapin. Ang sabi pa nito ay naging close na raw siya sa pamilya namin, sapat na raw iyon para sa kanya. "Muffin.." Tawag ni Damian sa akin nang makauwi na kami sa condo niya. "May ipapagawa ka ba?" Tanong ko sa kanya. "No, Muffin. I just want to talk to you. You've been ignoring me for a week now. Hindi ko na kaya." His voice softened sa huling parteng sinabi niya. May kakaiba akong nakikitang emosyon sa mga mata niya. Para itong nahihirapan. "If you're still mad at me o kung ano man, just please don't avoid me." Aniya na parang nagsusumamo, lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko kaya hindi na ako nakaiwas sa kanya, "I am not playing with your feelings. Hindi lang katawan mo ang habol ko sa 'yo. Damn! Kung 'yan ang habol ko sa 'yo nang una pa lang ay sana matagal na kitang kinama, but no. I didn't do that, Muffin, because I know hindi ka ang babaeng pang kama lang. You are more than that." Mahabang sabi nito. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "Please, Muffin. I miss you so much," mahinang sabi nito, "you are important to me, Muffin. You are part of my world now. Gusto kita. I like everything about you." Masuyong sabi nito at kinulong ang mukha ko sa palad niya. Napatitig ako sa mga mata niya. Punong-puno ng emosyon ang mga mata niya. "B-aka nagkakamali ka lang." Wika ko. Ngayong sinabi na niya na gusto niya ako ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Nagdadalawang isip ako kung totoo ba ang mga sinabi niya sa akin o hindi. Kung gusto niya pala ako bakit hindi niya sinabi kaagad? Bakit pinatagal niya pa? "No," umiling ito, "I just want to confirm it first. Now I know the reason why I am being territorial to you, why I am being protective to you and why I wanted all your attention. Gusto na kita. Mababaliw ako kapag hindi mo pa ako papansinin. Please, stop avoiding me." His voice is cracking. Lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Ito naman ang gusto kung marinig mula sa kanya 'di ba? Ang malaman kung gusto niya ako o hindi? Ngayong alam ko na ang sagot ay tsaka naman ako nagdadalawang isip. Naunahan ako ng pag overthink ko. "Muffin...I can't take this anymore," nahihirapang sabi nito, "what do you want me to do? Lahat gagawin ko. Liligawan kita..kahit ano, sabihin mo lang." Pagsusumamo nito. Napayuko ako. "P-pag-iisipan ko." Tanging nasabi ko lang. Pati ako ay naguguluhan na rin sa sarili ko. Dapat ay masaya ako dahil gusto niya ako. "Take your time, Muffin. Kaya kong maghintay. Huwag mo lang akong iwasan," inangat nito ang ulo ko, "please, can you do that?" Nangungusap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Napatango ako sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "God! I miss you so much!" pabulong na sabi nito at hinalikan ang ulo ko, "buong linggo akong hindi nakatulog nang maayos kakaisip sa 'yo." Aniya. Bumigat ang paghinga ko. Naririnig ko ang malakas na t***k ng puso ni Damian. Kahit ang puso ko ay ganoon din, kanina pa ito malakas na tumitibok. "M-magpapahinga na a-ako." Nauutal na sabi ko ay kumuwala sa yakap niya. "Okay, Muffin." Ngumiti ito sa akin. Ang tagal ko ng hindi siya nakikitang ngumiti sa akin. May kislap na sa mga mata nito. Hindi na ito katulad kanina. Naglakad na ako at pumasok sa kuwarto ko. Umupo ako sa kama ko at napahilamos ng mukha. "Ano ba talaga ang gusto mong mangyari, Bella?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD