Bella's POV
Nakaupo ako ngayon sa kama at sapo-sapo ang puson ko. Dinatnan ako ngayon at ang sakit ng puson ko. 6:30 na nang umaga. Kailangan ko pang maghanda ng agahan namin ni Damian.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kitchen habang sapo ang puson ko. Napahawak ako ng mahigpit sa dulo ng mesa at napapikit. Mahina akong napaungol dahil sa sakit ng puson ko. Nataon pa talaga na ngayong umaga ako nadatnan. Usually kase ay gabi ako dinadatnan.
Nang hindi ko na kaya ay napaupo ako at napasandal sa silya.
"D-damian..." Mahinang tawag ko sa pangalan niya.
Halos wala akong lakas kahit na magsalita. Mabigat ang aking paghinga. Namimilipit ako sa sakit at nahihilo ako. Hindi ko alam kung gising na ba si Damian o tulog pa.
"D-damian..." Pagtawag ko ulit sa pangalan niya.
Wala na akong ibang mahihingan ng tulong kundi siya lang. Naiiyak na ako sa sakit. Pakiramdam ko rin ay namanhid ang mga binti ko. Nanlalamig din ako.
"Muffin!" Malakas na sigaw ni Damian.
Thank, God! Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.
"What the hell is happening with you?" Nag-aalala na tanong nito sa akin. Rinig ko rin ang pagkataranta sa boses niya.
Hinawakan ko ang kamay niya.
"M-masakit ang puson ko. I-I can't walk." Mahinang sabi ko.
"Fxck! Dadalhin kita sa hospital!" Tarantang sabi nito.
"N-no."
Kinarga ako nito at tumayo siya.
"You're pale as a ghost, Muffin! Kailangan kitang dalhin sa hospital! Fxck!"
"M-may regla ako. Kailangan ko lang ng pahinga." Bulong ko sa kanya.
Naramdaman ko na itong naglakad kaya minulat ko ang mga mata ko. Nakita kong nagtatagis ang panga ni Damian. He looks really worried sa akin. Papunta ito sa pinto ng condo niya.
"D-damian...sa kuwarto ko."
Napatingin naman ito sa akin.
"Fuxck! Fine! Kapag hindi nawala ang sakit ng puson mo ay dadalhin kita sa ospital." Aniya.
Tumango ako sa kanya at pinikit ulit ang mga mata ko. Maya-maya pa ay naramdaman kong binaba na ako ni Damian sa kama. Bumaluktot ako ng higa at hinawakan ang puson mo.
"Muffin....I can't stand seeing you in so much pain," anito at hinaplos ang puson ko, "what can I do? Hmm? Tell me, Muffin." Mabigat ang paghinga nito.
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko ng kumirot ang puson ko. Mahina akong napaungol sa sakit. Ramdam kong pinagpapawisan ako kahit na nilalamig ako.
"Damn it, Muffin! I'm fxcking scared now! Will you be okay? Ano ang gagawin ko para maibsan man lang ang sakit na nararamdaman mo?" His voice is panicking. Ramdam ko rin ang takot sa boses nito, "can you take medicine for your menstrual cramps?
"H-hot compress. Yes, may gamot ako. N-nasa drawer. Mefenamic.." Mahinang sabi ko.
"I-I'll get it. Hintayin mo lang ako." Aniya at lumabas na ng kuwarto ko.
Maya-maya pa ay bumalik na si Damian.
"Muffin, here." Aniya.
Minulat ko ang mata ko, binigay niya sa akin ang hot compress bag na dala niya.
"S-salamat." Ani ko at nilagay ito sa puson ko.
"I will prepare your food para makainom ka ng gamot." Wika nito at mabilis na lumabas ng kuwarto ko.
May pasok pa ito at na abala ko pa siya. Nakabihis na ito ng suit niya. Napatingin ako sa orasan. Pasado alas syete na ng umaga. Dapat ay nakaalis na ito nang ganitong oras.
Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Damian at may dalang tray. Hinubad na nito ang coat at necktie niya. Ang longsleeve top niya ay naka fold na hanggang siko niya.
Nilapag nito sa mesa ang dalang tray at umupo sa tabi ko.
"Can you sit? You can't eat habang nakahiga ka." Aniya.
Tumango ako sa kanya. Inalalayan niya akong maka-upo sa kama. Nilagyan niya ng unan ang likod ko para maging komportable ako. Kinuha na nito ang platong may kanin at ulam at sinubuan ako.
Pinagmamasdan ko lang siya habang sinusubuan niya ako. Kalmado ang itsura nito pero kita ko sa mga mata niyang nag-aalala ito para sa akin.
"Late ka na." Sabi ko.
"It doesn't matter, Muffin. I need to take care of you," anito at sinubuan ako ulit, "is there a way para mawala ang menstrual cramps mo?"
Napailing ako, "hindi ko alam. Normal na sa aming mga babae ang makaramdam nito. Mayroong hindi gaanong masakit, mayroon naman na same case sa akin. Mayroon ding hindi nagkaka menstual cramps." Sagot ko sa kanya.
"Para sa akin ay hindi normal ang nadatnan ko kanina. That scared the hell out of me, Muffin. Ang akala ko ay kung ano na ang nagyayari sa 'yo," anito habang nakakunot ang noo niya, "magpatingin ka na sa doktor." Mungkahi nito.
"Nakapagpacheck up na ako. Wala namang problema sa akin. Normal na talaga ito sa akin kapag dinadatnan ako." Sagot ko sa kanya.
"Bakit hindi ka naman nagkaganito nang mga nakaraang buwan?"
"Nagkaganito rin ako pero sa gabi naman kase 'yon o madaling araw at hindi masyadong masakit katulad ngayon." Sagot ko sa kanya.
Naubos ko na ang pagkain kaya binigay na sa akin ni Damian ang gamot ko at isang basong tubig. Ni reseta ito sa akin ng OB ko kaya safe itong inumin. Umiinom lang ako nito kapag hindi ko na kinakaya ang sakit ng puson ko.
"You can rest now, Muffin." Aniya at inalalayan akong makahiga sa kama.
Kahit na iniiwasan ko siya ay inalagaan niya pa rin ako ngayon. Kitang-kita ko kanina kung paano siya mag-alala sa akin.
"Pwede ka nang pumasok sa trabaho. Mamaya pagkagising ko ay magiging maayos na ang pakiramdam ko." Sabi ko sa kanya.
Inayos niya ang pagkakakumot sa akin. Hindi siya nagsalita kaya pinikit ko na ang mga mata ko at natulog.
Nagising akong nakaupo si Damian sa silya malapit sa kama ko. Nakaharap ito sa laptop niya at parang may ginagawa. Nakasuot na ito ng pangbahay na damit. Ang akala ko ay pumasok na ito sa trabaho. Napatingin ako sa orasan, pasado alas dyes na ng umaga.
Napalingon ito sa akin habang ang kamay niya ay nagtatype. Nang makita niyang gising na ako ay tumigil ito sa pagtype at sinara ang laptop niya.
"Hey, how are you?" Tanong nito at umupo sa tabi ko.
Nilapag niya ang laptop niya sa kama.
"Okay na ako." Sagot ko sa kanya.
Masakit pa rin naman ang puson ko pero tolerable na ito. Hindi na ito kagaya kanina.
"You look fine now. Hindi ka na namumutla." Aniya at tiningnan ng maigi ang mukha ko.
"Bakit nandito ka pa? Ang akala ko ay pumasok ka na sa trabaho." Pagtatanong ko sa kanya.
"Kailangan kitang bantayan at baka sumakit na naman ang puson mo. Wala kang kasama rito." Sagot niya sa akin.
Natahimik ako. Isa ito sa nagustuhan ko kay Damian. Inaalagaan niya ako kapag alam niyang hindi ako okay. He cared so much for me. I mentally smiled. Siguro ay tamang bigyan ko siya ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya sa akin kung totoong gusto niya talaga ako.
Tipid akong ngumiti sa kanya at niyakap ang unan sa tabi ko at napatingin sa bedsheet.
"I will order food later. May gusto ka bang kainin?"
"Wala naman. Kahit ano na lang." Sagot ko sa kanya at dahan-dahang bumangon.
Napatayo naman si Damian at mabilis na nilagay sa mesa ang laptop niya para alalayan ako sa pag-upo. Napangiwi ako ng naramdaman kong may lumabas sa akin.
"Does it hurt?" Anito at yumuko para tingnan ang mukha ko.
"Medyo," sagot ko sa kanya at tumayo na sa kama, "kaya ko na, Damian. Ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo." Sabi ko sa kanya at dahan-dahang naglakad papunta sa banyo.
"I can do it later. Samahan na kita sa banyo." Aniya habang nakasunod sa akin habang naglalakad.
Nilingon ko siya, "I'm fine, Damian." Pagbibigay ko sa kanya ng assurance.
Ngumuso lang ito at parang hindi naniniwala sa sinabi ko. Napailing na lang ako at pumasok na sa banyo at ni-lock ang pinto.
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako sa banyo. Nakatayo lang sa labas si Damian at hinihintay ako. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad patungo sa kama ko at bumalik sa paghiga.
Patalikod akong nakahiga sa kanya. I heard him sighed. Maya-maya pa ay naririnig ko na itong nagtatype na ulit sa laptop niya.
"Bakit nagustuhan mo ako?" Mahina lang ang boses ko pero sapat na iyon para marinig niya.
Natigil ito sa pagtatype.
"Because you are Ysabella Corryn." Seryosong sagot nito sa akin.
"Alam mo ang pagkatao ko," panimula ko, "hindi ako katulad mo na may mataas na pinag-aralan at pinanganak na mayaman. I was a waitress in a club and also a dancer. Ilang beses na rin akong muntik ng pagsamantalahan," humugot ako ng malalim na hangin, "g-gusto mo pa rin ako?" Tanong ko sa kanya.
Kinuyom ko ang kamay ko.
"Yes." Buong tapang na sagot nito na para bang matagal niya na itong pinag-isipan.
"H-hindi ka ba mahihiya kapag nalaman ng pamilya at mga kaibigan mo kung anong klaseng babae ang nagustuhan mo?"
I bit my lower lip. Hindi kami parehas ng mundong ginagalawan. Marami ang mangja-judge sa akin kung sakaling malaman nila kung anong klaseng trabaho ang mayroon ako noon bago kami nagkakilala ni Damian. Kung seryoso nga siya sa akin, ay ayaw kong dadating pa kami sa ganoong sitwasyon.
Baka kapag nalaman ng pamilya niya na ako ang nagustuhan niya ay baka kung anong sabihin sa kanya.
"Their opinions are not important, Muffin. Opinyon ko lang ang dapat mong pakinggan. I can do whatever I can to protect you. Hindi ko hahayaang may manakit sa 'yo. If you're worried about my family, don't worry about them." Seryosong sabi nito.
My heart melted. Tumibok ng malakas ang puso ko.
Kahit noong wala pa kami sa ganitong sitwasyon ay palagi niya itong sinasabi sa akin at natupad niya ito. Pino-protektahan niya ako. Naaalala ko lahat ng mga ginawa niya sa akin, lalong-lalo na noong pagkatangkaan ang buhay ko. Muntik na akong mawala sa mundo. Mabuti na lang at hindi ako nabaril. He made sure that I was okay. Hindi niya ako pinabayaan. Kahit ang pamilya ko ay protektado niya rin.
I really appreciate him at pinagpapasalamat ko iyon sa itaas dahil may isang Damian na tumulong sa amin.
"L-let me prove to you that I am worthy for you." Aniya.
Uminit ang sulok ng mga mata ko. I swallowed hard. He is worthy. Sobra-sobra pa.
"Am I worthy for you to like me?" Tanong ko sa kanya.
Naramdaman kong lumubog ang gilid ng kama ko. Habang nakatalikod ako ay hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.
"Yes, you are, Muffin," masuyong sagot nito, "don't think less of yourself because of your status in life."
Tumango ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Bibigyan kita ng chance." Mahinang sabi ko.
Humigpit ang paghawak ni Damian sa kamay ko. I felt him leaned towards me at hinalikan ang sintido ko.
"Thank you, Muffin. Thank you." Bulong nito sa tenga ko.
Sana ay tama ang desisyon ko.