Chapter 30

1607 Words
Bella's POV Busy ako sa pagluluto ng hapunan namin ni Damian nang makarinig akong may nagdoorbell. Iniwan ko muna ang niluluto ko at nagtungo sa pinto, tiningnan ko ang monitor kung sino ang nasa labas. Nang makilala ko ang lalaki ay binuksan ko kaagad ang pinto. "Good evening, Ma'am." Bati sa akin ni Azrael, tauhan siya ni Damian. Siya ang palaging kasama namin ni Damian kapag umaalis kami. "Good evening din, Azrael. May kailangan ka ba?" Magalang na sabi ko. "Pinapasabi po ni Boss na pakitingnan daw po ang phone niyo. Kanina pa raw siya nagtetext sa inyo." Aniya. Naiwan ko ang phone ko sa kuwarto at hindi ko narinig na tumatawag si Damian sa akin. Nahihiya akong ngumiti kay Azrael. "Titingnan ko na." Ani ko. tumango naman ito sa akin at nagpaalam na na aalis na ito. Sinara ko naman ang pinto nang makaalis na si Azrael. Tiningnan ko muna ang niluluto ko bago ako pumasok sa kuwarto ko. 20 missed calls. 10 messages. "Muffin, I'll be late pero d'yan ako kakain ng dinner. I have an important meeting with a client." "Muffin? Why aren't you replying?" "Muffin? Answer my calls." "Are you asleep?" "Bakit hindi ka nagrereply? Azrael will knock on your door to check on you." Napailing na lang ako. Kanina pa pala talaga siya tumatawag sa akin. 7:30 na ng gabi at late na nga siya. Usually naman bago mag 6:00 p.m. ay nakauwi na ito. "Sorry. I was busy in the kitchen. Naiwan ko ang phone ko sa kuwarto," I typed, ni check ko ang notification volume ko, "naka silent pala ang phone ko." I texted him. Nilakasan ko ang notification volume ko at lumabas na ako sa kuwarto at binalikan ang niluluto ko sa kusina. Maya-maya pa ay tumunog na ang phone ko. "I'm going home now, Muffin." Text nito sa akin. "Okay. Mag-ingat ka." Reply ko sa kanya. Luto na ang sinaing ko kaya ni-unplugged ko na ang rice cooker. Maya-maya pa ay naluto na rin ang ulam na niluluto ko kanina kaya nagprepare na ako ng mesa. Hindi rin nagtagal ay narinig kong bumukas ang pinto ng condo ni Damian kaya napatingin ako sa direksyon ng pinto. Naririnig kong may kausap sa phone si Damian. "I'm home now, Audrey. Tell Alejandro that I will meet him tomorrow." Kalmadong sabi nito. Tipid akong ngumiti kay Damian nang makalapit ito sa dining area. Binaba nito ang phone niya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at binaon ang mukha niya sa leeg ko. "Ahm. Damian?" "Hey, Muffin. I'm so tired." Anas nito. Nahalata kong pagod nga ito dahil sa tono ng boses niya. Hinagod ko ang likuran niya. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. "Kumain na tayo para makapagpahinga ka na." Wika ko. Kumalas ito sa pagyakap sa akin, "tabi tayo mamaya." Aniya at ngumiti sa akin. Umiling ako sa kanya. Official nang nanliligaw sa akin si Damian. Halos mag-iisang linggo na rin at mas nag-effort pa ito. Bukas ay nakaset na ang unang date namin ni Damian. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin bukas. Ang sabi niya lang sa akin ay mag-eenjoy ako roon. "Hindi iyon pwede, Damian." Sabi ko sa kanya at hinubad ang coat na suot niya. "Why? I missed you, Muffin," he pouted his lips, "tatabi lang naman ako sa 'yo," he assured me, "sige na." Pamimilit nito. "Hindi nga pwede. Ang kulit mo." Sagot ko sa kanya. Mas tumulis pa ang nguso nito. "Okay," mahinang sabi nito. Para itong bata na hindi napagbigyan sa gusto niya. Umupo na ito sa silya at napatingin sa ulam na niluto ko. Umupo na rin ako at nilagyan ng kanin ang plato niya. "Kamusta ka rito?" Pagtatanong nito. "Okay lang naman ako rito, Damian," sagot ko sa kanya, "ikaw? Sabi mo pagod ka. Marami kang ginawang trabaho kanina?" Tumango ito sa akin, "sunod-sunod ang hearing ko kaninang umaga and I reviewed some files in my office. Hindi na nga ako nakakain ng lunch." Sagot nito sa akin. Napatigil ako sa pagsubo ng kanin. "Hindi ka dapat nakakalimot sa pagkain mo, Damian." "I'm used to it, Muffin. Any time ay pwede naman akong magpahatid ng pagkain." Sagot nito sa akin. "Kahit na. Dapat ay palagi kang kumakain sa tamang oras." Giit ko. "Okay, Miss Ma'am," nakangiti nitong sabi, "para ka na talagang girlfriend ko. Sagutin mo na kaya ako? Hmm?" Aniya. Tinaas pa nito ang kilay niya. He gave me a sweet smile. Nakangiti akong napailing sa kanya. I know, sapat na ang mga nagawa niya sa akin mula noon. Kung iisipin mo ay sobra-sobra pa nga ito pero mas gusto ko lang na mas makilala pa siya bilang manliligaw. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan namin at pumasok na sa kuwarto para maglinis ng katawan at makapagpahinga na rin. Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Tapos na akong maglinis ng katawan, skin care at nakapagbihis na ng silk dress kong pantulog. Alas dyes na at matutulog na sana ako pero hindi ako dinadalaw ng antok. Bumangon ako sa kama at kinuha ang phone ko. Nauuhaw ako kaya lumabas ako ng kuwarto. "Hindi ko ba napatay ang ilaw sa kusina kanina?" Nagtatakang tanong ko sa sarili. Nagtungo na lang ako roon dahil kukuha rin naman ako ng tubig. Natigilan ako ng makita kong nakaupo sa kitchen island si Damian. May baso sa harap niya at isang bote ng alak. Napatingin naman ito sa akin nang maramdaman niya ako. Tumikhim ako at lumapit sa kanya. "Bakit hindi ka pa natutulog?" Tanong nito sa akin. Umupo ako sa silya at napatingin sa bote ng alak, "hmm. Hindi pa ako makatulog," sagot ko at napatingin sa kanya, "hindi ka rin ba makatulog at umiinom ka ng alak?" "Yeah, I can't sleep," sagot nito at tinungga ang laman ng baso niya, "I have wine here. Gusto mo ba?" Alok niya sa akin. Umiling ako sa kanya, "kukuha lang ako ng tubig at babalik na rin sa kuwarto para matulog." Hindi naman ito nagsalita at nakatitig lang sa akin. Tumayo na ako at kumuha ng bottled water sa fridge. "Sabay na tayo," aniya at sinara ng maayos ang bote ng alak niya at nilagay sa liquor cabinet niya. We part ways. Siya ay naglakad patungo sa kuwarto niya at ako naman ay sa kuwarto ko. Natigilan ako sa paglalakad at napabuga ng hangin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at mariing napapikit. Tumalikod ako sa direksyon ng kuwarto ko at naglakad patungo sa kuwarto ni Damian. Isasara niya na sana ang pinto ng napatingin ito sa akin nang makita niya akong nasa harap ng pinto niya. Binuksan niya ang kuwarto niya. Nagtataka itong napatingin sa akin, "why are you here, Muffin? May kailangan ka ba?" Nahihiya akong napatingin sa kanya. "Ahm, matutulog lang naman tayo, 'di ba?" Nakita kong bahagya itong nagulat sa tinanong ko pero kaagad naman siyang tumikhim at umayos sa pagkakatayo. Nakangiti ang mga mata niya pero hindi halata sa mukha niya. "Yes," sagot nito sa akin, "unless you want to do something else." He slightly tilted his head, playfully looking at me. Napaatras ang paa ko sa sinabi niya. Parang nagsisisi na ako na sumunod pa ako sa kanya. Tatalikod na sana ako pero inisang hakbang niya lang ang pagitan namin. He carefully grabbed my waist and carried me like a statue. Nang makapasok na kami sa kuwarto niya ay mabilis niyang sinara ang pinto at ni-lock ito. Kinuha niya ang phone at ang dala kong bottled water at nilapag sa bedside table niya. "Come here, Muffin." Utos nito sa akin. Tumango ako sa kanya at umupo sa left side ng kama niya. Pinatay nito ang lampshade at tumabi sa akin nang makahiga na ako. Wala na itong suot na damit at jogging pants. Pinaunan nito ang braso niya sa akin at niyakap ako. Kinuha nito ang kamay ko at pinayakap rin sa bewang niya. "Thank you." Aniya. "Para saan?" "For sleeping beside me." Sagot nito at hinaplos ang bewang ko. Ngumiti lang ako sa kanya at hindi sumagot. Pinikit ko na ang mga mata ko. Hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ang noo ko. "Muffin?" Tawag nito sa akin. "Hmm?" Hindi ito sumagot pero naramdaman ko ang paghalik nito sa labi ko. Tinukod nito ang siko niya sa gilid ko at bahagyang pinatong ang kalahati ng katawan niya sa akin. I snaked my arms around his neck. Marahan lang ang paggalaw ng labi niya na tinugunan ko naman. "D-damian.." I said between our kisses. "Yes, Muffin?" Sagot nito at inangkin ulit ang labi ko. Mahina ko siyang tinulak pero ayaw niyang tumigil sa paghalik sa akin. I tried again, tsaka pa lang ito tumigil at pinatong ang noo niya sa noo ko. He groaned. "M-matutulog lang tayo." Mahinang sabi ko. Ang bigat ng paghinga niya. "I know, Muffin." Nanuot sa tenga ko ang baritonong boses niya. Muli niyang inangkin ang labi ko at marahan akong hinahalikxn, nagtagal ito ng ilang minuto bago niya pinutol ang halik. Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi bago bumalik sa paghiga at pinaunan ulit ang braso niya sa akin. "Goodnight kiss." Bulong nito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Uminit ang mukha ko ng may maramdaman ako sa hita ko. "D-damian." Kung hindi ko siya napigilan ay sigurado akong hindi lang "goodnight kiss" ang mangyayari sa amin. "You felt him?" he chuckled, "don't mind him, Muffin. He'll get another chance." I can feel his hardness. I blushed. "O-okay. Goodnight." Wika ko. "Goodnight, Muffin." He said and kissed my forehead. Muntik na ako roon sa goodnight kiss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD