Bella's POV
Maaga kaming nagising ni Damian para magprepare ng agahan namin at para makapag-ayos na at may pupuntahan kami ngayong araw. Ito ang unang date namin at excited na ako kung saan ako dadalhin ni Damian.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami sa sarili naming kuwarto para mag-ayos. Nagsuot lang ako ng itim na blouse, denim shorts at puting sapatos. Hindi na ako nagmakeup at hindi naman kailangan sa pupuntahan namin.
Nang makalabas ako sa kuwarto ay nasa living room na si Damian at naghihintay sa akin. Nakabihis na rin ito.
"Let's go?" Aya nito sa akin.
Tumango ako sa kanya at lumabas na kami ng condo niya.
"Saan tayo pupunta?" Curious na tanong ko sa kanya.
"You'll know when we get there." Anito at ngumiti sa akin.
Bakit ayaw niya namang sabihin sa akin? I'm sure hindi iyon sa mamahaling restaurant o any related sa mga mayayaman dahil parehas lang kaming naka casual ang suot.
He is wearing a white shirt and denim pants. May suot din itong sumbrelo at may dalang sunglasses.
Hindi na ako nagtanong sa kanya kung saan kami pupunta. Habang nasa byahe kami ay nag-uusap na lang kami ng kung anu-ano para hindi siya ma bored sa pagda-drive.
"We're here." Ani Damian pagkatapos niyang i-park ang kotse niya.
Binuksan ko ang kotse ni Damian at lumabas. Napatingin ako sa paligid. Kaagad akong napangiti ng makita ko ang malaking pangalan sa entrance kung nasaan kami ngayon. Aurora's Flower Garden. Nilingon ko si Damian na naglalakad papunta sa akin.
"Paano mo nalaman na gusto kong pumunta rito?" Nakangiti kong tanong sa kanya.
"I checked your social media accounts and asked Eloiza what you liked." Sagot nito sa akin.
Mas lalo akong napangiti sa sinagot niya. He knows I like this place kaya dito niya ako dinala sa unang date namin. I should thank Eloiza later, hindi ko alam na may alam pala si Eloiza sa mga gusto kong puntahan na lugar.
Pumasok na kami sa loob ng flower garden. Una naming pinuntahan ay iyong may iba't-ibang klase ng bulaklak. I was so amazed that I took pictures ng lahat ng mga bulaklak. There's a Sunflower Garden and Rose Garden. Malawak ang separate na garden ng dalawang klase ng bulaklak kaya I really enjoyed it. Damian took a picture of me na ang background ko ay ang Sunflower garden at ang Rose Garden.
Hindi ito nagrereklamo kahit na nakailang pose ako roon. He was just smiling while taking pictures. Kinuhanan ko rin siya ng litrato at nagpakuha kami ng litrato na magkasama kaming dalawa.
"You're a good photographer." Komento ko sa bawat litratong kinuha niya sa akin gamit ang camera niya.
Hindi ko alam na may dala pala siyang camera kanina. Nakita ko na lang ito kanina ng nasa loob na kami.
"I'm talented, Muffin. So?" kibit balikat na sagot nito sa akin, "besides, my model is beautiful." Aniya at hinawakan ang kamay ko at hinila na ako para maglakad.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak. Napangiti ako at sinabayan siya sa paglalakad. Sunod naming pinuntahan ay ang Butterfly Garden. Ang gaganda ng mga butterfly na naroon. Makukulay sila at ang iba ay malalaki talaga.
"Go inside, Muffin." Ani Damian.
Mayroon kase roong room na pwede mong pasukan at may mga butterfly. Hindi mo sila pwedeng hawakan pero kapag dinapuan ka nila ay okay lang. Pagkapasok ko ay may nagsilapitan kaagad sa aking butterfly at dumapo sa braso at ulo ko.
I gigled like a child. Tuwang-tuwa ako sa mga paro-parong nakadapo sa akin. Narinig ko ang pagclick ng camera ni Damian kaya napatingin ako sa camera at ngumiti.
Lumapit sa akin si Damian para kuhanan kami ni Azrael ng pictures. We enjoyed it there.
"It's perfect." Ani Damian ng makita ang mga kuha ni Azrael.
Pagkatapos naming maglibot-libot ay kumain muna kami sa loob ng Flower Garden dahil may restaurant doon na puro bulaklak ang disenyo at may mga magagandang halaman na nakadisplay.
Habang naghihintay kami ng pagkain namin ay tinitingnan ko ang mga litratong kuha ni Damian sa akin. Ang gaganda ng mga shots niya. Parang pinag-aralan niya ang tamang anggulo ng pagkuha ng litrato.
"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Damian sa akin.
Inangat ko ang mukha ko at tumingin sa kanya, "oo. Hindi ko ni-expect na dito mo ako dadalhin." Ani ko.
Ngumiti naman ito sa akin, "I'm happy that you enjoyed it here." Aniya.
Pagkatapos naming kumain ay sinunod naming puntahan ang zoo. Marami roong hayop na sa TV ko lang nakikita. I saw the famous Philippine Eagle at iba pang hayop na endangered na.
Alas tres ng hapon na kami naka alis sa Flower Garden at sabi ni Damian ay dadaan raw muna kami sa opisina niya at may pipirmahan daw siyang document na kailangan daw ipasa ngayong araw.
"Dito na lang kita hihintayin." Ani ko kay Damian.
Nakakahiya naman kase na sasama pa ako sa kanya sa loob. Dito na lang ako maghihintay sa loob ng kotse niya. Kasama ko naman ang driver niya kaya okay na ako rito.
"You're coming with me, Muffin." Anito at hinila ang kamay ko.
Nasa labas na kase ito at binuksan ang pinto ng kotse kung saan ako nakaupo. Nasa tabi niya na rin si Azrael at isa pang security niya.
"Good afternoon, Sir!" Bati ng guard kay Damian.
Tumango lang ito at dumeritso nang pasok sa loob ng building. Wala masyadong emplayado ngayon. Nang makalabas na kami ng elevator ay nagtungo kami sa opisina ni Damian.
Nakita ko si Jane na nakaupo sa table niya at may ginagawa sa laptop niya. Nang mapansin niyang paparating kami ay nag-angat ito ng tingin at tumayo ito mula sa pagkakaupo.
"Good afternoon, Sir," bati nito kay Damian, "Bella! You're here." Aniya at ngumiti sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at kumaway. Pumasok na kami sa opisina ni Damian. Kaagad akong napatingin sa loob ng opisina ni Damian. Malaki ito at may mga mamahaling gamit. Naka glass wall ito at kitang-kita ang matataas na mga building sa labas.
Hinila ni Damian ang kamay ko at pinaupo ako sa couch. Siya naman ay umupo sa swivel chair niya at nag-umpisang magbasa ng papeles. Pagkatapos niyang pirmahan ang mga documemts ay umalis na rin kami.
Mag-aalas sais na rin kaya inaya na ako ni Damian na mag-early dinner kami. Kumain kami sa restaurant at umuwi na rin pagkatapos namin.
"Muffin," tawag nito sa akin kaya nilingon ko siya, "pupunta akong Cebu next week. I have a business convention and MCLE to attend." Aniya.
"Ilang araw ka naman doon?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya sa couch.
"Hmm.. at least, 2 weeks. I need to check also our branch company in Cebu." Sagot nito sa akin.
Medyo matatagalan pala siya roon. Tumango na lang ako sa kanya.
"What movie are we watching?" Tanong ko sa kanya.
"Let's try this." Aniya at ni click ang movie na napili niya
"Okay. Let's watch that." Sagot ko sa kanya.
Tumabi ito sa akin at umakbay habang nanonood kami ng movie.
Ang saya ko kanina. He really made sure na mag-eenjoy ako sa unang date namin. Nag-effort talaga ito para malaman ang gusto ko. Our first date was not extravagant but memorable.
Napakasaya ko ngayong araw!