Chapter 32

1434 Words
Bella's POV Kagabi ay tinulungan kong mag-empake si Damian ng mga dadalhin niyang mga gamit dahil ngayong araw na siya aalis. Nagbilin siya sa akin na kapag daw may kailangan ako ay tawagan ko lang daw si Azrael o si Jane dahil baka hindi niya raw masagot ang text o tawag ko dahil magiging busy siya sa mga susunod na araw dahil sa business convention at seminar na dadaluhan niya. "Huwag mo na akong aalalahanin dito, Damian." Ani ko at ngumiti sa kanya. "Next time I will bring you with me, okay?" Aniya. Tumango ako sa kanya, "sige na. Baka ma late ka pa sa flight mo." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Take care of yourself, Muffin." Sabi nito. "Opo," sagot ko sa kanya, "mag-ingat ka roon." Bilin ko sa kanya. "Of course." Sagot nito at ngumiti sa akin. Kumaway ako sa kanya nang makalabas na ito sa condo niya. Sumenyas naman ito na pumasok na ako. Ngumiti ako sa kanya at sinunod siya. Nililibang ko ang sarili ko sa pagbabasa ng libro o 'di kaya ay sa panonood ng mga movie. May sinisend din sa akin si Persephone na mga trending na sayaw galing sa isang social media platform kaya na curious ako kung anong mayroon doon kaya nag-install ako at gumawa ng sarili kong account. Na-aaliw ako sa mga napapanood ko roon at dahil wala akong magawa rito sa condo ni Damian ay sinubukan kong gayahin ang mga trending na sayaw. Kinagabihan ay nagluto na ako ng dinner ko. Damian texted me na nasa condo niya na raw siya sa Cebu at mag-oorder na lang daw ito ng dinner niya. "I'm done eating, Muffin." Text niya sa akin. Hindi na muna ako nagreply sa kanya at umupo sa harap ng dresser ko. Tapos na akong magbihis kaya I applied my skin care na. Pagkatapos ko ay umupo na ako sa kama at kinuha ang phone ko. "Tapos na rin akong kumain. Matutulog na ako mamaya." Reply ko sa kanya. Wala pang ilang segundo ay nagring ang phone ko. Tumatawag si Damian. Tumikhim muna ako bago tinapat ang phone sa mukha ko then I answered his call. Bumungad sa akin ang mukha ni Damian. Wala itong suot na damit at nakaupo ito sa kama niya. "Hey, Muffin." Aniya. "Hello." Tipid akong ngumiti sa kanya. "How are you?" Tanong nito. "Okay lang naman ako," sagot ko sa kanya, "ikaw? Kamusta ka d'yan?" "Hmm. I'm fine," sagot nito at sinuklay ang buhok niya gamit ang daliri nito, "hanggang bukas na lang ang business convention ko, after that I will attend MCLE the next day." Wika nito. "Sunod-sunod ang lakad mo. Magpahinga ka kapag may free time ka." Sabi ko sa kanya. "Yeah," mahinang sagot nito, "I miss you, Muffin." Napatikhim ako. "Ilang araw ka pa lang d'yan." Saad ko. Namimiss ko na rin naman si Damian. Halos isang linggo na rin mula nang umalis siya papunta sa Cebu. Gabi-gabi siya tumatawag sa akin pero magka-iba pa rin pala talaga kapag nakikita mo siya at nakakasama. "Hindi ba pwedeng ma miss kita kahit ilang araw pa lang ako rito?" He chuckled. Ngumiti ako sa kanya, "wala naman akong sinabing ganoon, Attorney." Natatawang sabi ko. Tumagilid ako nang higa sa kama at inayos ang pagkakahawak ng phone ko para makita niya pa rin ang mukha ko. Sandaling natahimik si Damian at nakatitig lang sa mukha ko. Nagtataka ko naman siyang tiningnan. "Bakit?" Umiling ito, "you're really beautiful." Sambit nito. Sa tingin ko ay namula ang cheeks ko sa sinabi ni Damian. Palagi niya naman ako sinasabihan ng maganda pero hindi ko maiwasang mamula kapag sinasabihan niya ako ng ganoon. "Hindi naman yata ako panget sa paningin mo." Biro ko sa kanya. Ngumiti ito sa akin. Hindi namin namalayan na umabot na pala ng dalawang oras ang tawag ni Damian. Nawili kami sa isa't-isa. Binaba niya na ang tawag dahil maaga pa ito bukas. Kinabukasan ay ganoon pa rin ang ginagawa ko rito sa condo ni Damian. Naglilinis, nagluluto ng makakain ko at nililibang ang sarili ko sa panonood ng movie, pagbabasa ng libro at magbabad sa social media kapag bored na ako. Pagkatapos kong maglunch ay saktong may nagdoorbell kaya tiningnan ko ang monitor kung sino ang nasa labas. Isa itong delivery guy. Binuksan ko ang pinto at binati ang lalaki. "Good afternoon, Ma'am. May delivery po para sa inyo." Nakangiting sabi nito sa akin. Binigay nito sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. Nanggaling daw ito kay Damian. Tiningnan ko ang card at pinigilan ang pagngiti ng makumpirma kong galing nga ito kay Damian. "Pakipirma na lang po ito." Aniya at tinuro ang pangalan ko kung saan ito nakasulat. "Salamat po." Ani ko pagkatapos kong pumirma at pumasok na sa loob ng condo ni Damian. Nagtungo ako sa couch at umupo roon. Inamoy ko ang bulaklak at tinitigan ito. Ang ganda ng pagka-arranged ng bulaklak. "I am always thinking of you, Muffin. I miss you. -Damian" Lumapad ang ngiti ko nang mabasa ko ulit ang message sa card na nakaipit sa bouquet. Napakasweet talaga nito. Kahit malayo siya ay napapasaya niya pa rin ako. Kinuha ko ang phone ko. I took a picture of it and sent it to Damian. I sent him a message. "Thank you, Damian. Ang ganda!" Hindi naman ito nakapagreply kaagad. Siguro ay busy pa siya ngayon. Kinahapunan ay bigla akong nagcrave ng pizza at chicken kaya ni text ko si Azrael na mag-oorder ako ng food para hindi niya harangan ang delivery guy. "I know you'll like it, Muffin." Nabasa kong reply ni Damian sa message ko kanina. Mukhang ngayon lang siya nagkafree time dahil ngayon lang siya nakapagreply sa akin "Sorry for the late reply. Lumabas lang ako sandali. I'll call you tonight, Muffin." Kasunod pa na chat nito. "Hihintayin ko ang tawag mo mamaya." Reply ko sa kanya. Hindi na nagreply pa si Damian. Mukhang bumalik na ito sa seminar niya. Ako naman ay naghanap ng puwedeng mapanood habang naghihintay ako ng ni-order kong food. Hindi rin nagtagal ay nakita ko ng on the way na raw ang delivery guy. Within 10 to 15 minutes ay darating na raw ito. Wala pang 10 minutes ay narinig ko ng may nagdoorbell. "Ang bilis naman yata?" Takang tanong ko. Ni-pause ko ang pinapanood ko at tumayo na ako mula sa pagkakaupo at nagtungo na sa pinto. Hindi na ako tumingin sa monitor. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako sa bumungad sa akin. Isa itong babae. Matangkad siya at napakaganda niya sa suot niyang hapit na dress. Nakangiti ito kanina nang buksan ko ang pinto pero napalis ang ngiti nito ng makita niya ako. Mukhang hindi ako ang inaasahan niyang makita? Nagtataka ko siyang tiningnan. Siya naman ay tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay nito. "A-ah, hello po," bati ko sa kanya, "sino po sila?" Magalang na tanong ko sa kanya. "Who are you?" Balik na tanong nito sa akin. Hindi ko mahimigan ang paggalang sa tono ng pananalita niya. Relative kaya siya ni Damian? Wala naman siyang sinabi na may pupunta ngayon dito sa condo niya. "Ah, ako po si Bella." Pagpapakilala ko sa kanya. "And what are you doing here? Where's Damian?" Bakit parang galit ang tono nito? Hindi ko maipaliwanag pero parang ang tapang ng aura niya para sa akin. Hindi ko rin gusto ang paraan ng pagtitig niya sa akin. "Wala po rito si Damian," sagot ko sa kanya. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko pwedeng sabihin kong nasaan si Damian. Baka mamaya ay hindi niya naman pala ito kakilala. "Where is he? Kailangan ko siyang makausap." Aniya at humakbang ito para pumasok sa loob. Kumunot ang noo nito nang humarang ako sa kanya. "I'm sorry po pero hindi ko po kase kayo kilala. Wala ring sinabi sa akin si Damian na may pupunta rito ngayon sa condo niya," pagpapaliwanag ko sa kanya, "pwede ko bang malaman kong kaanu-ano mo si Damian?" Magalang na tanong ko. Hindi ito nagsalita, tinaas nito ang kamay niya. Pinakita niya sa akin ang kamay niya. "I am Francine, his fiancée." She proudly said. Natigilan ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa ring finger niya na may suot na diamond ring. Kumikinang ang diamonds sa singsing niyang suot. Fiancée niya? Ikakasal na pala siya? Bakit ang sabi niya sa akin ay wala itong nobya? Napatitig ako sa babaeng nagpakilalang Francine. Pihado ay galing ito sa mayamang pamilya. Napakaganda rin nito. I bit my lower lip. Ikakasal na pala siya. Ikakasal na pala ang taong nagugustuhan ko. He lied to me. Napaniwala niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD