Bella's POV
Natahimik ako sa sinabi ng nagpakilalang Fiancée ni Damian. Napatulala lang ako sa kanya. I can see how proud she was while looking at me. Sinampal ako ng reyalidad para matauhan ako. Pero paano kung nagsisinungaling pala siya sa akin? Paano kung gawa-gawa niya lang na ikakasal na siya kay Damian?
Bago pa ako makare-ak ay pumasok na ito sa loob ng condo ni Damian. Binangga pa nito ang balikat ko at masama akong tiningnan.
"Tek--"
"Ma'am!"
Napalingon ako sa nagsalita. Nakangiti ang delivery guy habang nakatingin sa akin bitbit ang ni-order kong pagkain. Kinuha ko na lang ito at mabilis na nagpasalamat at pumasok ng condo ni Damian.
Naabutan kong prenteng nakaupo si Francine sa couch. Ang mga mata nito ay nakatingin sa paligid ng condo. Pinatong ko muna sa mesa ang box ng pizza at chicken.
I cleared my throat at lumapit sa kanya. Tumaas naman ang kilay nito nang makita niya akong umupo sa harap niya.
"Are you his maid? New toy? Bed warmer?" para itong nang-iinsulto, "I know what his needs, I was away so, I understand him." Aniya na para bang wala itong pakialam.
"Hindi ko alam na may Fiancée na pala siya." Mahinang sabi ko.
She softly laughed, "oh, Dear! We've been engaged for nearly 3 years!" She gigled.
Mas lalo pa akong nagulat sa sinabi nito. Matagal na pala silang engaged? Kumirot ang puso ko. Parang may mga punyal na sumasaksak sa puso ko ngayon. I swallowed hard. Mahina akong napailing.
"Kung ano man ang mayroon sa inyo ni Damian ay maaari mo nang putulin. I am here now, I'm back for good and puwede na kaming magpakasal. He is waiting for me. Alam kong excited na siyang ikasal kaming dalawa."
Habang sinasbi niya iyon sa akin ay ramdam kong masaya siya. She was smiling from ear to ear. I bit my tongue while my lips are firmly closed. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Parang anytime ay pwede akong himatayin.
"T-totoo ba ang nga sinabi mo?"
Ilang buwan na kaming magkasama ni Damian pero ni minsan ay wala akong naramdaman na mayroong iba si Damian. Sa lahat ng pinakita at pinaramdam niya sa akin ay ni minsan hindi ako nagduda. Nang tinanong ko siya noon at sinabi niyang wala siyang girlfriend ay naniwala ako sa kanya.
"You need proof? Wait," aniya at kinuha ang phone niya sa mamahalin niyang bag, nang makuha niya na ito ay may hinahanap siya roon at nang makita niya na ang hinahanap niya ay tinapat niya ang screen ng phone niya sa mukha ko, "see this?" She smiled at me.
Napatingin naman ako sa screen ng phone niya. Isa itong video kung saan nagpropose si Damian sa kanya.
"Baby, will you marry me?"
Rinig kong tanong ni Damian kay Francine habang nakaluhod ang isang tuhod nito at nakatingala kay Francine, may hawak itong maliit na pulang box. Umiiyak naman na sumagot si Francine.
"Yes, Baby! Yes!" Umiiyak na sagot ni Francine.
Nagpalakpalakan ang tao sa background. Natutuwa sila para sa kanila ni Damian.
Nilagay ni Damian ang singsing sa daliri ni Francine at tumayo ito para halikan siya at mahigpit na niyakap.
Napahawak ako sa puso ko. Parang may libo-libong punyal na tumarak sa puso ko. Tagos hanggang kaluluwa. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Nang matapos na ang video ay ni swipe naman ni Francine ang screen ng phone niya at doon ko nakita ang pictures nilang dalawa. Sobrang sweet nila sa isa't-isa.
"Do you believe me now?" She asked me.
Mahina akong napatango. Sobrang bigat ng nararamdaman ko pero hindi niya kailangang mahalata ito. I need to pretend.
"P-pasensya na po. Hindi ko kase alam na pupunta po kayo ngayon," ani ko at tumikhim para pigilan ang pag sarili ko na umiyak, "wala po ngayon si Sir Damian."
"Sir Damian?" parang hindi ito naniniwala, "kanina ay Damian lang ang tawag mo sa kanya."
"A-ah, sorry po! Ayaw niya po kasing magpatawag ng Sir." Pagdadahilan ko sa kanya.
"So, who are you?" Mataray na tanong nito sa akin.
"H-his maid po." Mahinang sabi ko.
Nakakahiya ka Bella! Nagkagusto ka sa lalaking ikakasal na!
"Oh! Right!" Natatawang sabi nito, parang hindi ito naniniwala sa sinagot ko sa kanya, "where is he?"
Paano niya naman ako paniniwalaan? Alam kong bakas sa mukha kong nasasaktan ako. Hindi ko man sabihin ay makikita niya iyon sa expresyon ng mukha ko.
"Nasa Cebu po. Next week pa ang balik niya." Sagot ko sa kanya.
"Hmm. Huwag mong sabihin na pumunta ako rito. I'll surprise him kapag nakauwi na siya," anito at tumayo na mula sa pagkakaupo sa couch, napatayo rin ako, "I'll go ahead. I need to rest." Aniya at naglakad ito papunta sa pinto.
Hindi na ako nakapagsalita pa hanggang sa makalabas na ito ng pinto. Naiwan akong nakatulala lang habang nakatingin sa nakasaradong pinto ng condo ni Damian.
"I-I was fooled." Mahinang sabi ko.
Para akong nawalan ng lakas. Nanginginig ang tuhod ko kaya napaupo ako sa sahig. Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay bumagsak mula sa mata ko, malaya itong dumadaloy sa pisnge ko. Mahina akong humikbi. Dinama ko ang dibdib ko kung nasaan nakapwesto ang puso ko.
Sobrang sakit nito na halos hindi ako makahinga. I was catching my breath while crying. Hindi ko alam na ganito pala ito kasakit. Naniwala ako sa lahat ng nga sinabi sa akin ni Damian. Sinabi niya sa akin na walang iba, na ako lang. Sinabi niya sa akin na ako lang ang gusto niya. Ako naman si Tanga, paniwalang-paniwala sa lahat ng mga sinabi niya. Napailing ako.
I was wrong. No, it was wrong noong una pa lang at alam ko iyon pero hinayaan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya. Why? Masyado ba akong nadala sa mga magagandang pinapakita niya sa akin? Masyado ba akong nadala dahil sa mabait ito sa akin at tinulungan niya ako nang mga panahong kailangan ko ng tulong?
Ganoon ba ako kahina at ang bilis ko siyang nagustuhan?
Unti-unting bumalik ang mga memories ko na magkasama kami ni Damian. He cared for me. He protected me like he is afraid na masaktan ako ni Adrian. He comforted me. He was very kind to me at sa pamilya ko. He touched me like he owns me. He...he even called me "Muffin" like it was his endearment for me.
Lahat ba nang mga iyon ay pakitang tao lang para makuha niya ang loob ko? Lahat ba 'yon ay kailangan niyang gawin para masaktan ako ng ganito? Is this even worth it? Sasaya kaya siya kapag nalaman niyang nanalo siya at nasaktan niya na ako ng sobra?
Mapait akong napangiti habang humihikbi. Funny. Kasalanan ko rin naman ang lahat. Kung hindi ko sana siya nagustuhan ay hindi niya sana ako naloko. Hindi sana ako umiiyak at nasasaktan ng ganito.
Walang ibang may kasalanan nito kung hindi ay ako.
Marahan akong tumayo, kinuha ang phone ko at pumasok sa kuwarto ko. Sinara ko ang pinto at umupo sa kama. Kailangan ko nang makaalis dito. Ang problema ko lang ay kung paano ako makakalusot sa mga nagbabantay sa akin na mga tauhan ni Damian.
I need to escape here bago pa siya makauwi. Hindi ako puwedeng umuwi sa bahay dahil alam kong doon niya ako unang hahanapin kapag nalaman niyang umalis ako rito sa condo niya.
Hahanapin? Gagawin niya ba talaga iyon?
Napatingin ako sa bouquet ng bulaklak na binigay niya sa akin.
"Lahat nang ito ay palabas niya lang. I thought he was genuine. Ang akala ko ay totoong gusto niya ako." Mapait na sambit ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko.
Pinunasan ko ang luha kong kanina pa hindi matigil sa pagbuhos.
Kinuha ko ang dalawang malaking bag ko at nilagay doon ang mga gamit ko. Pinilit kong pinagkasya roon ang mga gamit ko. May mga binili sa akin si Damian na mga damit at iilang gamit, iniwan ko iyon. Tumayo ako sa harap ng salamin at mapaklang tumawa. Tumulo ulit ang luha ko.
I can't stop crying. Sobra akong nasasaktan!
Hinawakan ko ang pendant ng necklace na binigay niya sa akin. Bumalik sa alaala ko ang araw na sinuot niya ito sa akin.
"You deserve everything, Muffin. Don't remove it."
Do I deserve to be treated this way? Deserve ko rin bang mapaglaruan ng ganito? Deserve ko rin bang masaktan? Napailing ako at hinubad ang suot kong necklace. Nilagay ko ito sa box at tinago sa loob ng drawer.
"Kailangan kong makaalis ngayon dito." Wika ko.
Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ako makakaalis dito. Gusto ko na lang maglaho na parang bula. Kung ano man ang mangyari sa akin sa pag-alis ko ay tsaka ko na iyon iisipin. Kung totoo mang may masamang balak sa akin ang pamilya ni Adrian dahil sa pagpapakulong namin sa kanya ay bahala na. Ito talaga siguro ang nakatandahang mangyari sa akin.
Tumunog ang phone ko.
"Muffin, I bought something for you. I know you'll like this."
I didn't bother to open his message. Binasa ko lang ang floating message at ni-lock ang phone ko.
Maya-maya pa ay kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Azrael.
"Miss Bella, may kailangan po kayo?" Magalang na tanong ni Azrael sa kabilang linya.
"H-hello, Azrael. Pwede ba kayong kumain dito mamaya? Ipagluluto ko kayo. Ilan kayo d'yan sa baba?"
"Nako! Huwag na po---"
"S-sige na. Sayang kase ang mga naka stock ditong pagkain at baka pumanget na." Pamimilit ko sa kanya.
"Okay, Miss Bella. Sampo po kami ngayon dito," sagot nito sa akin, "dito na lang po kami kakain sa baba." Aniya.
Napangiti naman ako sa sinabi ni Azrael. Binaba ko na ang tawag at nag-umpisa na sa plano ko.