Bella's POV
Nang sumapit ang alas syete ng gabi ay tapos na akong magluto. Hinanda ko na ang mga pagkain na nakalagay sa food containers para ibigay sa mga security ni Damian na nakabantay sa akin. Naayos ko na rin ang mga inumin na ni ready ko para sa kanila.
Kanina pa tumutunog ang phone ko at alam ko kung sino ang tumatawag sa akin. Hindi ko ito sinasagot dahil hindi ko siya kayang makausap pa. Ang galing niyang magpanggap. Napaniwala niya ako sa mga panloloko niya sa akin.
Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto kaya nagtungo ako roon para tingnan ang monitor kung sino ang nasa labas. Si Azrael. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Napatitig ito sa akin na para bang may napapansin itong kakaiba sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Pasok ka, Azrael. Tapos ko nang ihanda ang mga pagkain," wika ko at pinatuloy siya, "sinarapan ko ang luto para naman ganahan kayong kumain." Ani ko habang naglalakad patungo sa kusina.
Nakasunod lang sa akin si Azrael.
"Tumatawag daw po si Boss sa inyo." Aniya.
Tumikhim ako at binaling ang tingin sa kanya, "pakisabi sa kanya na hindi ko napansin ang tawag niya. You know, busy ako sa pagluluto at nakacharge pa ang phone ko. Pakisabihan na lang siya na pagkatapos ko sa ginagawa ko ay tsaka ko na siya tatawagan." Sambit ko at tipid na ngumiti kay Azrael.
Tumango ito sa akin at kinuha ang dalawang eco bag kung saan nakalagay ang mga food containers at drinks.
"Maraming salamat po sa paghahanda ng pagkain." Ani Azrael.
"Walang ano man, Azi. Pasasalamat ko 'yan sa inyo sa pagbabantay sa akin," ani ko at ngumiti sa kanya, "ubusin niyo 'yan, ha? Kung hindi ay isusumbong ko kayo may Damian." Pabirong sabi ko.
Napakamot naman ito sa noo niya at tumango sa akin. Nagpaalam na ito na lalabas na siya para raw makakain na sila ng dinner. Hinatid ko naman siya sa pinto at sinara ito nang makalabas na siya.
Nang ako na lang ang naiwan sa condo ni Damian ay humugot ako ng malalim na hangin at binuga ito.
"I'm sorry, Azrael. Kailangan ko lang gawin ito para makaalis ako sa puder ni Damian." Mahinang sambit ko at pumasok sa kuwarto ko.
I checked my phone at maraming missed calls si Damian. Marami na rin itong mensaheng naipadala.
"Hey, Muffin. Are you busy?"
"What are you doing? Answer my call."
"Muffin, I'm done with my dinner. I want to see you."
Maya-maya pa ay tumunog ang phone ko. May bagong message galing kay Damian.
"Azrael told me that you cooked dinner for them. Send me a message kung tapos ka na sa ginagawa mo r'yan. I miss you."
Mapait akong napangiti at ni-lock ang phone ko. Miss me? Kalokohan!
Napatingin ako sa dalawang malaking bag na dadalhin ko mamaya. Nakalagay na roon ang lahat ng mga gamit ko. Mabuti na lang at nagkasya roon lahat.
Pagsapit ng alas dose ay pinatay ko na ang lahat ng nga ilaw sa condo ni Damian. Sinara ko ang kuwarto kung saan ako nagstay ng ilang buwan at nagtungo na sa sala. Napatingin ako sa pinto ng kuwarto ni Damian. Malungkot akong napangiti.
"Saksi ang condong ito sa lahat ng kasinungalingan mo." Mahinang sabi ko at naglakad na para kunin ang dalawang malalaking bag ko at lumabas na ng condo ni Damian.
Habang nakasakay ako sa elevator ay hindi ko mapigilang hindi maiyak. Hindi ko pa man naamin kay Damian ang totoong nararamdaman ko para sa kanya, ay nalaman ko na ang katotohanang pinaglalaruan niya lang pala ako. Habang wala ang finacée niya ay ako muna ang napili niyang paglaruan. Why?
Gusto ko siyang tanungin pero wala na ring mangyayari. What's done is done. Hindi na mababago ang katotohanang pinaglaruan lang ni Damian ang damdamin ko. Nasaktan niya na ako.
Nang nasa groundfloor na ako ay lumingon-lingon ako sa paligid. Wala akong makitang tauhan ni Damian. Hindi ko rin nakita ang guard. Mabilis akong naglakad patungo sa gilid ng kalsada para makatawag ng taxi. Hindi ako uuwi sa amin at alam kong marami silang itatanong sa akin kung bakit ako umuwi at dala ko ang lahat ng gamit ko.
Pansamantala muna akong tutuloy sa kaibigan ko. Sa susunod na araw ay aalis din ako para maghanap ng matutuluyan at hahanap ng trabaho. Hindi ko pa alam kung mananatili ako sa lugar namin o maghahanap ako ng trabaho sa ibang lugar at doon na magsisimula ng bagong buhay.
Habang nakasakay ako sa taxi ay ni-blocked ko ang number ni Damian. I uninstalled all my social media apps. Hindi na ako umaasa na hahanapin o kokontakin pa ako ni Damian, pero kung susubukan niya, ay wala na rin akong pakialam.
"Dito na lang po ako, Manong." Sabi ko sa driver.
Itinabi naman nito ang kotse. Pagkatapos kong magbayad sa kanya ay bumaba na ako ng taxi dala-dala ang dalawang bag ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid para hanapin ang kaibigan ko. Pasado alas dose na.
"Bella!"
Hinanap ko ang boses ng tumawag sa akin. Nang makita ko itong papalapit sa akin at kaagad akong napangiti sa kanya. Nakasuot ito ng pajama at t-shirt.
"Andrea," tawag ko sa kanya, lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa akin.
Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya. Si Andrea ang naging bestfriend ko noong nag-aaral pa kami ng high school. Nawalan kami ng communication nang makagraduate na kami at last week lang kami ulit nagkausap dahil nahanap niya ako sa f*******:. Bukod sa kanya at sa kasama ko sa club ay wala na akong naging malapit na kaibigan. Siya lang ang pwede kong puntahan ngayon. I explained my situation sa kanya at hindi ito nagdalawang isip na tulungan ko.
Ang sinabi ko kay Andrea ay umalis ako sa amo ko ng walang paalam dahil hindi ko na kaya pang magtrabaho sa kanya. I lied. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo. Maybe someday, pero hindi pa sa ngayon.
"Wala sila Mama rito ngayon at umuwi ng probinsya." Aniya at sinamahan ako sa kuwarto kung saan ako matutulog.
"Pasensya ka na sa abala, Drei."
Hinawakan nito ang kamay ko at ngumit sa akin.
"Ano ka ba? Hindi ka nakakaabala sa akin," aniya at umupo sa tabi ko, "ang importante ay nakaalis ka na roon sa amo mo." Aniya.
Tumango ako sa kanya.
"Salamat, Drei."
"Namumugto ang mga mata mo, Belle." Malungkot na wika nito.
Habang nasa taxi ako ay umiiyak ako. Kahit anong pigil ko sa luha ko ay kusa itong tumutulo. Nasasaktan pa rin ako sa lahat ng mga nalaman ko. Hindi ko inakala na ganito pala kasakit ang maloko ng taong mahal mo. Kung sana ay hindi ko na lang siya minahal, sana ay wala ako ngayon sa ganotong sitwasyon.
"Tears of joy lang, Drei. Matagal ko na kasing gustong makaalis doon. Finally, nagawa ko na." Pilit kong siniglahan ang boses ko.
"Alam mo, pakiramdam ko ay may iba pang rason kung bakit ka umiiyak ngayon. Pero, hindi ko na iyon itatanong sa 'yo," ngumiti ito sa akin, "kapag gusto mo ng kausap ay nandito lang ako, alam mo 'yan."
Hindi ko napansin na tumulo ulit ang luha ko. Pinunasan naman ni Andrea ang pisnge ko.
Nang makalabas si Andrea sa kuwarto ay humiga naman ako sa kama pagkatapos kong magbihis. Napatulala ako sa kisame at bumalik sa isip ko ang larawan at video na nagpapatunay na kasintahan ni Damian ang babaeng nagngangalang Francine. Napailing ako at pinikit ang mga mata ko. Pilit kong kinakalimutan ang mga narinig at nakita ko pero hindi ito mawala sa isip ko.
Kumirot na naman ang puso ko hanggang sa umiyak na ako. Mahina akong humihikbi habang yakap ang unan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mawala itong sakit na nararamdaman ko. I really don't know what to do. Hahayaan ko na lang ba ito hanggang sa kusa itong mawala?
I was saved. Mabuti na lang at hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko kay Damian. I was planning na sagutin na siya pagkabalik niya galing Cebu dahil pakiramdam ko ay sapat na ang mga pinaramdam at pinakita niya sa akin.
Kahit na masakit ay thankful pa rin ako kay Francine. Kung hindi siya bumalik ay hindi ko pa nalaman ang lahat.
She is his fiancée and I am just the temporary side chick to replace her while she was away.