Bella's POV
Dalawang araw na ako rito sa bahay ng kaibigan ko. Nagdecide na ako na bukas ay aalis na ako rito at maghahanap na apartment o bahay para doon na manirahan. Kapag nakahanap na ako ng matutuluyan ay tsaka na ako maghahanap ng trabaho. Gusto ko sanang bumalik ulit sa club bilang isang waitress pero nagdadalawang isip pa ako. Kung wala siguro akong mahanap na trabaho ay baka bumalik ako roon.
Hindi ko alam kung nakauwi na ba si Damian o hindi pa. I blocked Azrael's number yesterday. Baka alam na rin ni Azrael na wala na ako sa condo ni Damian. Ilang araw na akong walang contact kay Damian at panigurado akong pinapuntahan niya na ako kay Azrael sa condo niya.
He is always like that. Kapag natagalan akong makareply sa kanya ay kakatok sa condo si Azrael para sabihin na kanina pa ako tinatawagan o china-chat ni Damian.
Napabuga ako ng malalim na hangin. Sana ay walang nangyaring masama sa kanila ni Azrael. I put sleeping pills sa inumin nila ni Azrael para hindi nila ako mapigilan kapag umalis ako sa condo ni Damian. They didn't know na may plano akong umalis kaya ko sila pinagluto.
I hope they are okay. At sana ay hindi sila mapagalitan ni Damian kapag nalaman niyang wala na ako sa condo.
Magagalit nga ba si Damian kapag nalaman niyang umalis na lang ako bigla sa condo niya ng walang paalam? Francine is back. His fiancée is back. Hindi na niya ako kailangan. They can marry each other now. Siguro ay patas na kami ni Damian sa lahat ng naitulong niya sa akin at sa pamilya ko.
Sapat nang nakuha niya na ang katawan ko at ang loob ko. Nasaktan niya ako ng sobra at para sa akin ay walang sapat na pera ang makakabayad sa panlolokong ginawa niya sa akin. I am planning to call Eloiza to explain everything para hindi na sila mag-alala sa akin. I can manage naman. Ngayon ay maghahanap muna ako ng bahay o apartment kung saan ako puwedeng magsimula.
May pera pa naman ako rito. Makakatulong pa ako sa tuition fee ni Eloiza hanggang sa matapos ang school year at sa gastusin sa bahay ng ilang buwan. I can feed myself, pay my rent and bills kung hindi pa ako makakahanap ng trabaho ng ilang buwan. Malaki-laki rin ang ipon ko. It was my share noong ni booked ako ni Damian sa VVIP room sa club at ang sinahod ko bilang katulong ni Damian sa condo niya.
Kung titipirin ko ng mabuti ang pera ko ay matagal ko pa itong mauubos. Ang mabigat lang sa akin ngayon ay ang tuition fee ni Eloiza.
"Bella?" tawag sa akin ni Andrea, "aalis na ako ha? Sa gabi pa ako uuwi. Feel free to cook at kainin ang gusto mo. May pagkain d'yan sa fridge." Aniya at inayos ang pagkakahawak sa bag niya.
Ngumiti ako at tumango ako kay Andrea. Alas dos na ng hapon at may pasok ito sa school ng 3:30 ngayon.
"Ipagluluto na lang kita ng dinner mamaya, Drei," ani ko.
Ngumiti ito sa akin, "nako! Sira na naman ang diet ko nito." Aniya at mahinang tumawa sa akin.
Natatawa akong napailing sa kanya.
"Nga pala, bukas ay maghahanap na ako ng apartment o bahay na pwede kong matuluyan. Kapag nakahanap na ako ay tsaka naman ako maghahanap ng trabaho." Wika ko.
Bahagyang lumungkot ang itsura nito at tumulis ang nguso niya.
"Wala na akong makakasama rito sa bahay namin. Wala na ring magluluto ng masarap," malungkot na wika nito, "hindi ba puwedeng hintayin mo munang makauwi sila ni Mama bago ka umalis? O 'di ka ay maghanap ka na lang ng bahay kapag malapit na silang umuwi ni Mama." Suhestiyon nito sa akin.
Isang buwan pa bago umuwi sila ni Tita. Tumawag kasi ito kahapon na mag-e-extend sila ng bakasyon sa probinsya dahil namiss daw siya ng mga kapatid niya.
Napailing ako kay Andrea, "nakakahiya na kasi, Drei, at tsaka kailangan ko na rin maghanap ng trabaho. May binabayaran pa akong tuition fee ni Eloiza." Paliwanag ko sa kanya.
She scoffs, "mabuti na lang talaga at naging mabait na iyang maldita mong pinsan. Nako!"
Napangiti ako sa kanya. Eloiza is like my bestfriend now. Malaki na ang pinagbago niya. Hindi na siya katulad noon na spoiled at tamad kumilos sa bahay. Natutuwa naman ako sa pagbabago niya. Kahit si Tita ay nagbago na rin daw sabi ni Tito at Eloiza. Hindi na raw ito pumupunta sa nga kumare niyang chismosa at tinigil na niya ang pagsusugal.
Palagi na raw malinis ang bahay at sobra-sobra raw ang pag-aalaga niya kay Tito at kay Eloiza. Para raw itong naging ibang tao kung si Eloiza pa.
"Kaya pa naman magbago ng isang tao kung gugustuhin niya." Wika ko.
Alam na ni Andrea ang nangyari sa amin ni Eloiza. Mugtong-mugto ang mga mata nito sa kakaiyak. Halos hindi pa ito makahinga ng maayos dahil sa nangyari sa amin. Nakita niya raw sa balita na nakulong si Adrian pero hindi niya inaasahan na kami pala ng pinsan ko ang naging biktima ni Adrian.
"Nakita ko pala siya kahapon, I smiled at her. Mukhang nagulat pa siya." Aniya.
Magkalapit lang ang school nila ni Eloiza at minsan daw ay nagkikita sila sa daan. Hindi sila close ni Eloiza mula noon, kaya siguro nagulat ito sa pagngiti ni Andrea sa kanya.
"Tatawagan ko rin pala sila para malaman nila ang sitwasyon ko ngayon." Ani ko.
Lumapit sa akin si Andrea at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Support lang kita, Friend, okay? Kapag may kailangan ka, pwede mo akong tawagan any time at sasagutin kita kapag hindi ako busy." She gave me a genuine smile.
Mula noong high school pa kami ay palagi talaga akong tinutulungan ni Andrea. Sobrang bait nito sa akin, even her Mom ay mabait din sa akin.
Yumakap ako sa kanya, "I know, Drei. Thank you," mahinang sabi ko, " o, siya, umalis ka na at baka ma late ka pa." Wika ko at kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
Nagpaalam naman na ito sa akin at umalis na. Ako naman ay nagsearch sa phone ko ng may mga hiring na fastfood chains at malls para alam ko kung saan ako maghahanap ng bahay o apartment para hindi na ako mahirapan magcommute. Mabuti na lang at nasa center ito ng business at establishments kaya marami akong pwedeng apply-an dito.
Kahit sales lady ay papatusin ko na basta tama ang sahod, benefits at working hours. Kung pwede akong magpart time job ay gagawin ko rin para malaki-laki ang sasahurin ko. Wala naman akong ibang pagkakaabalahan kaya mas mainam na magtrabaho na lang ako para makapag-ipon ng malaki-laki.
I am planning to study pagkatapos ni Eloiza. Pwede naman akong maging working student. I will try din na makakuha ng scholarship para hindi ako mahirapan sa gastusin kung mag-aaral na ako. Kakayanin ko ang lahat para sa future ko. Sa panahon ngayon, hindi na uso ang puro diskarte. Kailangan din ng diploma para mapakapaghanap ng maayos na trabaho na may malaking sahod.
Hindi ako mananatiling ganito lamang. Kailangan kong mangarap ng mataas para mas magpursigi ako sa buhay. Kapag nakagraduate na ako ng college ay hindi na ako mahihirapan sa paghahanap ng trabaho. Kung papalarin ay gusto ko ring magtayo ng business para may extra income ako at hindi ako mananatiling empleyado lang.
I can help myself and my family kapag narating ko lahat ng pangarap ko.
Hinanap ko ang website ng legit na may mga job hiring para hindi ako ma scam. May mga nakita akong mga fastfood chains at ilang malls na naghahanap ng empleyado na pwede ako. I updated my resume para ipa-print ko na lang ito bukas. Sinunod ko namang ni search ay kung may nagpopost ng mga apartment o bahay na for rent sa lugar na ito. Nakailang scroll na ako at may nakikita naman akong nasa magagandang location, reasonable rin ang price nila.
I was busy scrolling on my phone ng may narinig akong kumatok sa pinto nila ni Andrea. Nasa sala lang ako kaya narinig ko ito kaagad.
"Baka parcel na ito ni Andrea." Mahinang sambit ko at ni-lock ang phone ko at tumungo sa pinto para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
Tiningnan ko pa ang sarili ko sa salamin bago binuksan ang pinto. I am wearing a sleeveless shirt and cotton shorts. Hindi naman masyadong sexy ang suot ko kaya binuksan ko na ang pinto.
Pagkakita ko kung sino ang nakatayo sa labas ay natigilan ako. Nagulat ako kaya hindi ako nakapagsalita. Bakit siya nandito? Napakaseryoso ng mukha nito pero ramdam ko ang galit nito base sa matatalim na pagtitig ng mga mata niya sa akin.
Mariin kong tinikom ang bibig ko. I bit my tongue while my lips is closed. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon. I am mad at him pero nang makita ko siya ay lumambot ang puso ko. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko.
Umigting ang panga nito ng mas tumagal ang pagtitig niya sa akin. Hindi rin siya nagsasalita. Kinuyom ko ang mga kamay ko. Hindi ako nagbababa ng titig sa kanya at ganoon din siya. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay hinawakan ko ang seradura ng pinto at akmang isasara na ang pinto ng mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.
Nanlaki ang mga mata ko at umawang ang labi ko. Sobrang bilis ng kabog ng puso ko. Para itong lalabas na sa loob ng katawan ko. Hindi ko maikalma ang sarili ko.
Ramdam at rinig ko ang mabibigat na paghinga nito. Kinulong niya ako sa bisig niya na para bang matagal niya na akong hinahanap at ngayong nahanap na niya ako ay parang ayaw niya akong pakawalan.
"B-bitawan mo ako." I managed to say.
Sinubukan ko siyang itulak pero mas mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Para siyang isang matigas na pader. Nanlaki ang mga mata ko ng maramdaman ko ang pagbaon niya ng mukha niya sa leeg ko. Nakapusod ang buhok ko kaya dumadampi ang mainit niyang hininga sa leeg ko at ang labi niya.
Halos magmura ako. Hindi ito ang gusto kong mangyari at hindi ito ang inaasahan kong reaksyon ng katawan ko. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ko siya namiss. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Ganito ako karupok pagdating sa kanya. Kahit na alam kung niloko niya ako at sinaktan niya ako ay alam kung mahal ko pa rin siya. God! Why I am being like this?
Kahit anong dikta ko sa isip at puso ko na magalit sa kanya ay hindi ako sinusunod nito. Mas lamang pa rin ang pagmamahal kesa sa galit ko sa kanya. Hindi ko rin alam. Ilang beses akong napakurap para hindi tumulo ang mga luha ko.
"I am mad, Muffin. So mad." Aniya sa baritonong boses nito.
Tila nahihirapan siya sa pagsasalita. I bit my lower lip. Siya pa ang galit? Bakit? Siya ba ang niloko? Siya ba ang nasaktan? Siya ba ang umasa? Hindi naman 'di ba? Bakit ngayon siya pa ang may karapatang magalit sa akin?
Ah! Baka siguro hindi ako nakapagpaalam ng maayos? Siguro galit siya dahil marami siyang tinulong sa akin pero umalis na lang ako bigla?
"You f****d me up, Muffin," matigas na wika, "you f*****g f****d the hell out of me, Ysabella Corryn!"
Nagulat ako sa tinuran niya. Buong lakas ko siyang tinulak.
"Umalis ka rito!" Galit na sabi ko.
I tried so hard para magmukhang galit. Damn it, Bella! Matalim ko siyang tinitigan pero para akong sinaksak ng maraming punyal ng makita ko ang emosyon ng mga mata niya. Nangungulila ito.
No! Hindi ka na dapat nagpapadala sa ganyan, Bella! Lolokohin ka lang niya ulit!
"Why, Muffin? Why did you left?" Mahinang tanong nito pero ramdam ko ang lungkot nito.
Nahihirapan ang boses niya. Even his facial expression softened. Taliwas ito sa sinabi niya kanina na galit siya sa akin.
"W-why? Hmm??" His voice cracked.
Kitang-kita ko kung paano lumungkot ang mga mata nito. He swallowed hard and looked at me.
I was taken aback.