Chapter 36

2200 Words
Bella's POV I was taken aback with his emotions. Bella, wake up! Hindi ka dapat nagpapadala sa nakikita mo ngayon! Nag-iwas ako ng tingin at hinawakan ang seradura ng pinto at sinara ito pero hinawakan ni Damian ang pinto at pinigilan ito sa pagsara. "Ano ba? Umalis ka na rito!" Galit na sigaw ko sa kanya habang sa ibang direksyon nakatingin. Hindi ko siya kayang tingnan dahil nanlalambot ang puso ko. "I was loooking for you, Muffin! I can't focus that I had to leave my company kahit na kailangan pa ako roon!" galit na sabi nito, "and what now? Ngayong nahanap na kita paalisin mo lang ako? That's bullshit, Muffin! Ni hindi mo ako sinagot kung bakit ka umalis ng hindi nagpapaalam ng maayos." Matalim ko siyang tiningnan. "Bakit mo pa ako hinanap? Kaya nga ako umalis dahil ayaw na kitang makita!" Pinipigilan kong magalit at sumigaw. Ayaw kong maeskandalo rito. Hindi ko ito bahay at nakikitira lang ako. Baka kung ano pa ang sabihin nila kay Andrea at makarating sa Mama ni Andrea ito. "Anong klaseng tanong 'yan?" hindi makapaniwalang tanong nito sa akin, "ilang araw mo akong hindi nirereplayan, to my surprise, I was f*****g blocked! Kung hindi pa kita pinapuntahan sa condo ay hindi ko pa malalaman na wala ka na roon! We were okay before I left you, Muffin! Anong nangyari? Please explain it to me because I don't understand anything!" He tried to walk towards me pero umatras ako. Natigilan naman ito. Umigting ang panga niya habang nakatingin sa akin. "Stop fooling me, Attorney," mapakla akong tumawa, "ang ayaw ko sa lahat ay ang niloloko ako." Matigas na sabi ko. Kumunot ang noo nito, "hindi kita niloloko. What the hell are you saying?" Naguguluhan na tanong nito sa akin. "Huwag na tayong maglokohan dito, Attorney. Nakuha mo na ang kailangan ko at bayad na rin ako sa lahat ng tinulong mo sa akin, kung kulang pa ay babayaran ko na lang lahat." Sabi ko sa kanya. Parang pinipiga ang puso ko. Nasasaktan ako. "Attorney?" he scoffs, "ganyan na ang tawag mo sa akin ngayon? Nasaan na ang lambing sa pagtawag mo ng pangalan ko? Why did you changed so sudden, Muffin? Bakit ka umalis? What have I done? Tell me, Muffin." Nagsusumamo nitong sambit. Bakit parang wala itong kaalam-alam? Bakit parang sa mga sinasabi niya ay hindi niya ako binalak na saktan? Bakit ganito ang nakikita ko ngayon? Nag-iwas ako ng tingin at mariing napapikit ng mga mata. "Umalis ka na lang. Hindi na natin kailangan pang mag-usap." Malamig na sabi ko. Kahit na naiiyak na ako ay sinubukan ko pa ring maramdaman niyang wala na akong pakialam sa kanya. I wanted him to feel that I am done. Sa loob-loob ko ay gusto ko siyang mag-explain sa akin kung bakit niya nagawang lokohin at paasahin ako pero apart of me is saying na mas mabuti ng hindi ko na malaman para hindi na ako masaktan pa. Sapat na ang mga nalaman ko mula kay Francine. Hindi nagsisinungaling ang ebidensya. It was clear to me that I am just a side chick. Ako ang pansamantalang pinalit habang wala pa ang totoong nagmamay-ari sa kanya. I smiled bitterly. "We need to talk, Muffin! Hindi ako aalis dito!" Pagmamatigas nito at pumasok sa bahay nila ni Andrea. Nanlaki ang mga mata ko ng diri-diretso itong naglakad patungo sa sala nila ni Andrea. Mabilis kong sinara ang pinto at sumunod sa kanya. "Ano bang ginagawa mo? Umalis ka na! Wala na tayong kailangang pag-usapan pa." Mariing sabi ko. "Wala? There are so many f*****g reasons to talk why you left me, Muffin! There are! Hindi kita maintindinhan. Inaasahan kong sasalubungin mo ako sa pagbabalik ko. Inaasahan kong sasagutin mo na ako. Pero ano ang nalaman ko? You f*****g left me without any reasons! Mababaliw ako kapag hindi mo sinabi sa akin ang rason mo, Muffin!" Nahihirapan na wika nito. Ang mga mata nito ay puno ng lungkot. Naguguluhan din ito. Inaasahan niyang sasagutin ko siya pagkabalik niya? Sana. Kung hindi ko lang nalaman ang lahat, sana ay sasagutin ko na siya. "Mabuti nga at hindi kita sinagot." Buong tapang na sabi ko. Nagulat ito sa sinabi ko sa kanya. "What did you just say?" Aniya na para bang hindi totoo ang sinabi ko. "I was a fool. Napaniwala mo ako sa lahat ng mga sinabi mo. Ako naman si Tanga, nagpadala naman sa 'yo," mapakla akong tumawa, "mabuti na lang at hindi pa naging tayo. Mabuti na lang at hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa 'yo. I was saved, and I am thankful." I proudly said. "I didn't fool you. Anong pinagsasabi mo?" I don't understand," naiiling na sabi nito, "it hurts me, Muffin," mahinang sabi nito, nasasaktan siya, rinig ko iyon sa boses niya, "lahat ng ginawa ko para sa 'yo..." Natigilan ito at tumitig sa akin. No! Hindi dapat ako nagpapadala sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang tumagilid. Nangingilid ang luha sa mga mata ko. I secretly wiped my tears. "Y-you....akala mo ay niloloko kita? It hurts me, Muffin. To think na iyon ang iniisip mo. Lahat ng ginawa ko para sa 'yo at mga sinabi ko sa 'yo ay totoo. Hindi ko kailanman inisip o binalak na lokohin ka. Hindi pumasok sa isip ko na paglaruan ang damdamin mo. I just want to protect you and be with you, Muffin." I bit my lower lip when I felt his hand on mine. Mahigpit niya itong hinawakan, sinubukan ko itong iwakli pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Please tell me. Anong nangyari nang wala ako? Bakit ka umalis? Muffin...tell me." Nahihirapan na sabi nito. "Manloloko ka," wika ko, hindi ito sumagot, "you're a cheater!" Akusa ko sa kanya. "Hindi kita niloloko. I didn't cheat either." Sabi nito na para bang ako ang mali. "Ang sinabi mo ay wala kang girlfriend!" Asik ko. "That's f*****g true, Muffin! Ikaw ang gusto kong maging girlfriend!" Aniya. Napailing ako. "Walang girlfriend, pero fiancée, mayroon?" Pinunasan ko ang luha sa pisnge ko. Ayaw kong makita niyang iniiyakan ko siya. Ayaw kong makita niyang umiiyak ako dahil nasasaktan ako dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin. Hindi ito nakapagsalita. I smiled bitterly. Ngayon hindi siya makapagsalita? Bakit? Dahil totoo? Buong lakas kong tinabig ang kamay niya kaya nabitawan niya ang kamay ko. "What are you saying? Hindi mo pa ako sinasagot, kaya hindi pa kita fiancée." Aniya. Naguguluhan pa rin ito. Kaya niya pa talagang magjoke ngayon. Hindi ako nagsalita. Pinunasan ko lang ang luha ko at tuluyan nang tumalikod sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap niya ako sa kanya pero nag-iwas ako ng tingin. "Umalis ka na." Matigas na utos ko. "Bakit mo sinasabing may fiancée ako? Hmm?" Matalim ko siyang tinitigan. Parang nag-iba ang expresyon ng mukha at mga mata niya. Parang may kaonting saya akong nakikita roon. "I met her." Matigas na sabi ko. His expression became playful. Gustong-gusto ko na siyang hampasin para makabawi man lang ako sa panloloko niya sa akin. "You met her? What does she looks like?" Interesadong tanong nito sa akin. Bahagya pang tumaas ang gilid ng labi niya. Kani-kanina lang ay nagsusumamo pa ito sa akin, ngayon ay parang naaliw na siya sa akin. I seriously looked at him. Tumaas ang kilay nito. This guy! Ang sarap niyang sampalin! "She's beautiful and mukhang mayaman. Bagay na bagay kayo." I scoffed. I heard him chuckled, "damn! You're cute when you're jealous." Aniya at hinawakan ang kamay ko at pinisil ito. "Ako nagseselos?" inis na tanong ko sa kanya, "kahit magsama pa kayo habangbuhay ay wala akong pakialam! Mabuti nga at ikakasal siya sa 'yo. Nabawasan na ang manloloko sa mundo!" Galit na sabi ko. Parang biglang kumulo ang dugo ko sa sinabi niya at sa pagtawa niya. Anong akala niya sa damdamin ko? Laruan na pwede niyang paglaruan kahit anong oras niya mang gustuhin? Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. He bit his lower lip at halatang nagpipigil ng tawa. Matalim ko siyang tiningnan. He seems amused. Hindi ko siya maintindihan! "I don't have a fiancée, Muffin." Nakangiting wika nito. Kumunot ang noo ko. Ginagago niya ba ako? Papanindigan niya ba talaga 'yang sinabi niya? "You know what? Hindi laruan ang damdamin ko. Umalis ka na lang. Let's not meet each other again. Kalimutan na lang natin na nagkakilala tayo." Ani ko at tatalikod na sa kanya pero nagulat ako ng niyakap niya ako. Hindi ako nakagalaw. Napaawang ang labi ko. "I can't do that. I miss you so much, Muffin. Let's go home. Hmm?" Malambing na wika nito. Napalunok ako. Pinatong nito ang baba niya sa balikat ko at mahigpit akong niyakap. Kinukuha ko ang braso niyang nakapulupot sa akin pero ayaw niya akong bitawan. "Muffin!" Reklamo nito. "Bitawan mo ako! Puntahan mo na ang fiancée mo at baka hinahanap ka na niya!" Asik ko at pilit pa rin ang pagkalas sa nga braso niya. Narinig ko itong mahinang tumawa. "Muffin, I don't have a fiancée. Ang kulit mo naman! Sagutin mo na ako para maging girlfriend na kita." Malambing na sabi nito. Kumunot ang noo ko. Bakit pakiramdam ko ay nagsasabi siya ng totoo? Posible bang nagsisinungaling iyong Francine? Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Pero, may mga pictures siya na magkasama sila at may video ng inalok niya ang babae na pakasalan ito. It looks recent lang. How can I not believe her kung may ebidensya ito? Hinarap ko siya at seryosong tinitigan. He genuinely smiled at me at umiling sa akin. "Mukha ba akong nagsisinungaling sa 'yo? You can ask around, Muffin. You can call Jane, Diego or you can call my Mom para malaman mo ang totoo. You can even ask Azrael." Umawang ang labi ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Nakita ko na lang siyang may tinawagan. Pinakita niya sa akin ang screen ng phone niya. It's Atty. Diego. "Hello, Damian? Napatawag ka?" Sagot ni Diego sa kabilang linya. "Diego, do I have a fiancée?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya. Nakatitig pala ito sa akin. He tilted his head and gave me a smile. "Fiancée? Wala ka ngang girlfriend 'yon pa kaya?" natatawang sagot nito kay Damian, "ligawan mo na kasi si Bella--" "Goodbye, Diego." Putol ni Damian. I bit my lower lip. Wala nga ba siyang fiancée? At bakit pinapaligawan ako ni Diego kay Damian? May tinawagan na naman ito sa phone niya. Tinapat niya ang screen sa akin. My Beautiful Sister. "Kuya! Alam mo ba kung anong oras na dito?" Reklamo ng nasa kabilang linya. Nakatitig ako sa phone ni Damian. Kapatid niya ang tinawagan niya. "Do I have a fiancée?" Tanong ni Damian. Sandaling tumahimik bago ako nakarinig ng mahinang tawa. "Para kang tanga, Kuya! You interrupted my sleep para tanungin lang n'yan? Get a girlfriend first!" Natatawang sagot nito. Napaawang ang labi ko sa sinagot niya. "I will." Maikling sagot ni Damian habang nakatingin sa akin at ngumiti. "Hmm? Really? May nililigawan ka na ba? Can I meet her na? Please, huwag kang tumandang lalaki. I want to be an Aunt, Kuya!" Nakita kong ngumiti si Damian, "you will meet her soon, Princess. Goodbye, I love you." Malambing na wika ni Damian. Pinatay na nito ang tawag at may ni dial na naman sa phone niya. "Let's ask my Mom now." Aniya. "H-huwag na." Nahihiyang sabi ko sa kanya. "Why? I want you to know that I don't have a fiancée." Naguguluhang tanong nito sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. "I-I believe you." Sa mga narinig kong sagot mula kay Diego at sa kapatid nito ay totoong nagsasabi ng totoo si Damian "You should, Muffin," aniya at lumapit sa akin, hinawakan nito ang baba ko at mabilis hinalikan ang tungki ng ilong ko, "let's go home. Mmm?" Nag-iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako sa kanya. Naniwala ako kaagad kay Francine. Nagsisinungaling pala siya. Nasaktan ako dahil sa kasinungalingan niya. "F-Francine..siya raw ang fiancée mo." Nahihiyang sabi ko at pinaglaruan ang daliri ko. Napayuko ako at napapikit sa kahihiyan. Ang dami kong sinabing masasama sa kanya nang dahil sa kasinungalin ni Francine. Nagulat ako nang hinapit ni Damian ang bewang ko at dinikit sa katawan niya. Dumapo ang kamay ko sa dibdib niya. Nilapit ni Damian ang mukha niya sa akin at inangkin ang labi ko. Mahinang gumagalaw ang labi niya hanggang sa naging mapusok ito. Mahigpit akong napahawak sa damit niya at tumugon sa halik niya. Ngayong alam ko ng nagsasabi siya ng totoo ay nawala ang lahat ng galit ko. "Let's go home now, Muffin. This is not my condo. I can't make love with you here," namamaos na sabi nito. Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi at hinila ang kamay ko. "T-teka, mag-usap muna tayo." Ani ko. Gusto ko pang humingi ng tawad sa kanya. "Sa condo na. Ipapakuha ko na lang ang mga gamit mo sa mga tauhan ko. Call your friend na aalis ka na." Aniya at mabilis akong hinila palabas ng pinto. Lihim akong napangiti. Damian is not a cheater. Totoong gusto niya ako. It was written all over his face. Ngayon ay hindi ko na maipagkakaila iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD