Bella's POV
Nang makapasok kami sa kotse ni Damian ay nakita kong nasa loob si Azrael. Siya ang driver ngayon ni Damian. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Good afternoon, Miss Bella." Bati nito sa akin.
"Good afternoon, Azrael." Ani ko.
"Drive us home." Utos ni Damian na sinunod naman ni Azrael.
Nasa tabi ko lang si Damian nakaupo. Nakapikit ang mga mata nito. Ang braso naman niya ay nasa bewang ko nakapalibot.
Nagpumilit ako kay Damian na dalhin na lang namin ang dalawang bag na dala ko. Hindi ko naman nilabas sa bag ko ang mga gamit ko kaya hindi na ako matatagalan para mag-empake. Walang nagawa si Damian kaya dinala na namin ang dala kong dalawang malalaking bag. Gusto niya kase sana ay ipakuha na lang sa mga tauhan niya iyon pero nagpumilit akong dalhin na lang namin para hindi na ako maka-abala kay Andrea.
"Call your friend now, Muffin." Utos ni Damian sa akin.
"Ite-text ko na lang siya. May pasok na siya nang ganitong oras." Sagot ko sa kanya.
"All right, Muffin," mahinang sabi nito, "let's talk later, okay?"
Tumango ako sa kanya habang tipid na ngumingiti.
"Drei, umalis na ako ng bahay niyo. Pasensya ka na at hindi ako pormal na nakapagpaalam sa 'yo ay kay Tita. Please tell her my thank you kase pumayag siya makituloy ako sa inyo nang ilang araw. I will explain to you later kung bakit ako umalis ng hindi nagpapaalam ng maayos."
I sent it to Andrea. I hope hindi sumama ang loob niya, if ever naman na sumama ang loob niya ay hihingi ako ng tawad sa kanya at mag-eexplain ng maayos.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na kami sa condo ni Damian. Kasabay namin si Azrael at Dion sa elevator dahil sila ang nagdala ng gamit ko. Pinalagay lang ni Damian sa living room ang mga bag ko kaya lumabas na sila ni Azi at Dion.
Hinila naman ni Damian ang kamay ko papunta sa kuwarto niya.
"Aayusin ko muna ang mga gamit ko." Wika ko.
"You can do it later, Muffin," aniya at lumapit sa akin, "let's talk first." Anito ay kinulong ang mukha ko sa palad niya.
Magsasalita na sana ako pero inangkin niya na ang labi ko. Banayad lang ang mga halik na ginagawad ni Damian sa akin. I thought it will be a quick kiss pero tumagal ang halik niya.
"D-damian." I called him between our kisses.
"Hmm?" Sagot nito habang hinahalxkan pa rin ako.
Mahina ko siyang tinulak para maputol ang halik namin. Nang maghiwalay ang mga labi namin ay hinabol niya ito ulit para halikan pero tinakpan ko ng palad ko ang bibig niya.
He groaned. Para itong nagrereklamo sa ginawa ko.
"Akala ko ba mag-uusap tayo? Why are you kissing me, Attorney?" Tinaasan ko siya ng kilay.
Kinuha niya ang kamay ko at nagsalita, "we can talk later, Muffin. I miss you." Malambing na turan nito.
Umiling ako sa kanya, "mag-usap muna tayo," panimula ko at umupo sa kama niya, "gusto ko ring magsorry sa mga nasabi ko. I was wrong. Hinusgahan na kita kaagad. I'm sorry, Damian." Ani ko.
Umupo ito sa tabi ko.
"I'm not going to accept your sorry." Aniya.
"What can I do para mapatawad mo ako?" Tanong ko sa kanya at humarap ng pagkakaupo.
"Hmm? Simple lang naman ang gusto ko." Sagot nito sa akin.
"Ano 'yon? Baka kaya ko namang gawin."
Nakita ko siyang ngumiti. Hinawakan nito ang kamay ko.
"I will tell you later," aniya at mas lumapad pa ang ngiti nito, "for now, ask me anything. I will answer it."
"Uhm. Tungkol kay Francine," panimula ko, "sumeryoso naman ang expresyon ng mukha niya, "she went here. Sinabi niya sa akin na fiancée mo raw siya, at first ay hindi ako naniwala sa kanya. Pero may pinakita siya sa aking video ng proposal mo sa kanya at mga pictures niyo." Dugtong ko.
"It's true." Maikling sagot niya.
Mahina akong napasinghap sa sagot niya. So, totoo nga...
"I proposed to her. It's been almost 3 years na rin yata. She became my fiancée and that video and pictures? Totoo lahat 'yon. But one thing is for sure that she is not my fiancée anymore." Paliwanag nito.
"Pero bakit sinabi niyang fiancée mo pa rin siya? She was even wearing the ring you gave her." Naguguluhang tanong ko.
"1 week after my proposal, she left without saying anything to me. Nalaman ko na lang na umalis na siya. Lumipad siya papuntang New York to pursue her career. I waited for her to call me pero hindi niya ginawa. I tried to reach out to her pero hindi niya sinasagot ang mga tawag at texts ko. I even sent her an email in case she didn't received my texts and chats, but she kept on ignoring me. I was in love with her that time. Hindi ko naman siya pipigilan sa pagpursue ng career niya. I can be with her kahit na nasa New York siya. Pwede ko naman siyang puntahan. When I was about to fly to New York, I saw an interview. She was asked if we were in a relationship but she denied it and according to her, what's important to her is her career. So, I decided to cancel my flight." Mahabang paliwanag nito.
Malungkot ko siyang tiningnan. Sobrang sakit siguro ng nararamdaman niya that time. Umalis ng walang paalam ang babaeng pakakasalan niya at itinanggi pa siya on National TV.
"I was shocked and hurt. I was thinking if I did something bad para itanggi niya ako. Right there and then, napaisip ako na wala na. That was my last straw. I think that's her way para sabihin sa akin na wala na kami. After that interview, hindi ko na siya ni contact pa. Even her parents didn't say anything to me. Hindi ako nakatanggap ng sorry mula sa kanya or paliwanag kung bakit niya ako nagawang iwan." Dugtong nito.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. I feel sorry for him. Hindi niya deserve ang tratuhin ng ganoon. He has a pure soul. Sobrang bait niya. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya.
"Hey, I'm okay now, Muffin." Anito ng kumalas ito sa pagkakayakap sa akin.
"I'm sorry. Ganoon pala ang nangyari sa 'yo."
Umiling ito, "matagal na akong naka move on. Yes, I was hurt, pero I'm glad that hindi siya ang pinakasalan ko." He smiled at me at hinaplos ang pisnge ko.
Napangiti ako sa sinabi niya. I don't know. I just felt happy.
"Hindi ka ba niya talaga ni contact kahit nitong umuwi siya?"
"No. Hindi ko nga alam na nakauwi na siya." Sagot nito sa akin.
"Baka akala niya ay kayo pa?" Tanong ko.
"Then that's her problem. If she still think that I still love her, then she's wrong. I already have you, Muffin. My heart is already occupied."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
"H-ha?"
I nervously laughed. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya pero hinuli naman nito ang tingin ko at kinulong ang pisnge ko gamit ang kamay niya.
"I love you, Ysabella Corryn." He smiled sweetly.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang beses pa akong napakurap ng mga mata ko. Totoo ba ang narinig ko? Mahal niya ako? Did he just confessed?
"T-totoo ba ang s-sinabi m-mo?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
"Yes, Muffin," I felt his thumb caressed my cheek, "plano ko na talagang sabihin iyon sa 'yo kapag nakauwi na ako galing ng Cebu."
Napalunok ako sa sinabi niya. He loves me!
Hindi ko na napigilan at napangiti na ako. Kakaibang saya ang nararamdaman ko ngayon. I puled his neck towards me and kissed him on his lips.
Agad namang tinugunan ni Damian ang paghalik ko sa kanya. Pinutol ko ang halik namin at niyakap siya. Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya.
"M-mahal din kita." Mahinang sabi ko.
Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para pigilan ang sarili ko sa pagngiti.
Hindi nagsalita si Damian kaya kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang mukha niya. Napatingin naman ito sa akin.
"I know that you love me." Aniya at ngumiti sa akin.
"P-paano?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi ko pa 'yon nasasabi kay Damian. Sigurado ako roon. Paano niya nalaman? Masyado ba akong halata?
"I heard you saying it while you were asleep. You said, 'I love you, Damian'." Ngumiti ito sa akin.
Oh my gosh! Nagsleep talk ako?
"K-kailan naman 'yon?"
"The night before I left for Cebu." Sagot nito.
"Pumasok ka sa kuwarto ko?"
"Yes, I always do that, Muffin," anito at hinaplos ang buhok ko, "I love watching you while you are sleeping. You look like an angel."
Ramdam ko ang pagpula ng pisnge ko. Nakakahiya! Paano pala kung hubad akong natutulog edi nakita niya akong ganoon?
"D-did you saw me sleeping naked?" Nahihiyang tanong ko sa kanya.
"Yes and it was really nice. I love your body." He proudly said.
Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya. Oh my gosh! Kung alam ko lang ay sana hindi na ako natutulog ng hubad!
"N-nakakahiya!" Ani ko at tinakpan ang mukha ko.
"What are you ashamed of, Muffin? I already saw everything." Pilyong wika nito.
Napailing ako at tumalikod sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman na pumapasok pala siya sa kuwarto ko. Niyakap ako ni Damian habang nakatalikod ako sa kanya.
"Don't get me wrong, Muffin. I like you very much that I think I was addicted to you. I have strong attraction on you that I can't control. I love seeing you with or without clothes. Do I sound like a pervert?"
"I-I don't know." Mahinang sabi ko.
"Sa 'yo lang ako nakaramdam ng ganito. I thought It was just lust. But it's not. After my fiancée left me, hindi na ako nagka-interes sa ibang babae but when I saw you.... I don't know. I felt something different, ni hindi ko ito naramdaman noon sa dati kong fiancée," mahabang wika nito, kahit ako ay nagulat sa sinabi niya, pinaharap niya ako sa kanya and diretsong tumitig sa mga mata ko.
His eyes is full of emotions. Kakaiba ang paraan ng pagtingin niya sa akin.
"When you were not replying to me anymore ay kinabahan ako, I asked Azrael to check on you pero hindi mo siya pinagbubuksan. Hindi ako mapakali dahil baka kung ano na ang nangyari sa 'yo kaya hindi na kita ma contact. Nang mabuksan nila ang condo ko ay wala ka na. Lahat ng gamit mo ay wala na rin. Halos mabaliw ako sa kakaisip kung bakit ka umalis. They checked the monitor at nakitang umalis ka. They reviewed what happened before you left pero hindi iyon recorded. I have no idea what happened kung bakit ka umalis...."
Na guilty ako sa ginawa kong pag-alis ng walang paalam. Siguro kung nagsabi ako sa kanya at nagtanong muna ay hindi sana kami umabot sa ganito. Hindi sana ako nasaktan sa kasinungalingan ni Francine at sana ay hindi ko nasaktan si Damian sa pag-iwan sa kanya at sa mga sinabi ko sa kanya.
"I left my company kahit na kailangan pa ako roon. Kailangan kitang mahanap dahil sasabihin ko pang mahal kita. I need to know why did you left me. Hindi ko matanggap na ang babaeng mahal ko ay bigla na lang umalis. But thank, God I found you," he smiled at me, "now, I want to ask you formally," he deeply inhaled and exhaled, "Ysabella Corryn, will you be my girlfriend? I promise to protect and love you. I promise to respect you and give you anything you want. I promise to not to hurt you."
I saw how sincere Damian is. His efforts for me. Lahat ng mga nagawa niya sa akin. I am happy kapag kasama ko siya at higit sa lahat ay mahal ko rin siya.
Tumango ako sa kanya at naiiyak na ngumiti.
"Y-yes." Nauutal na sagot ko.
Malapad na ngumiti sa akin si Damian at mahigpit akong niyakap.
"Damn, Muffin! Thank you! I love you!" Masayang sabi nito at hinalikan ng ilang beses ang noo ko.