Chapter 19 [ Aerika's ] Omg. Nanlalaki ang aking mga mata habang nakatingin sa tatlong dragon na naglalakihan sa aming harapan ngayon. Bigla na lamang silang sumulpot matapos kaming makarinig ng putok kanina. Nanginginig na napaatras ako dahil sa mga itsura nila. Ang dalawa ay kulay asul at ang isa ay kulay itim. As in, sobrang itim. Tatlo pa ang mga mata nila! "Damn! Bianca, inform the queen and king about this." Mariin na utos ni Kenneth kay Bianca. Nawala naman ng parang bula si Bianca at humangin ng malakas. "Aerika, lumayo ka na muna!" Sigaw ni Harry at walang anu-ano ay nagtatakbo ako papalayo. Hindi ko alam kung saan ako patungo basta'y nagtago na lamang ako sa malaking puno na nakita ko hindi kalayuan sa pwesto nila. [ Third Persons's Point of View ] Umungol ng sobrang la