Chapter 20 [ Third Person's Point of View ] "Napakasaya ko, Mahal. Nahanap na din natin sa wakas ang ating anak. Nahanap na natin ang ating prinsesa." Nakangiting sambit ng mahal na reyna na naluluha-luha habang hawak hawak ang kamay ni Aerika na mahimbing na natutulog. "Sobrang saya ko din aking mahal, napakadami na nating pagkukulang sa ating anak. Pinapangako ko na babawi tayo sa kaniya." Saad naman ng hari na katabi ng reyna habang nakamasid din sa natutulog na prinsesa. Nasa loob ng kwarto si Aerika. Sa kaniyang sariling kwarto sa Wellsfar Kingdom. Nasa loob din ng kwarto ang mga Super Naturals. Mga kapwa gulat at hindi makapaniwala ngunit kita mo ang saya sa bawat isa. "Grabe, si Aerika lang pala ang nawawalang prinsesa! Kaya pala ang ganda ganda niya kagaya ko! Omg." Tumitili