Chapter 8
Aerika's Point of View
Andito kami sa sala sa dorm na nagkwekwentuhan.
May tinatanong sila kung bakit daw ako nahihiya sa kanila eh pare parehas lang naman daw kaming magaganda, haha I admit it naman. Lels.
Di ko talaga akalain na gusto nila akong maging kaibigan.
Tinanong ko nga sa kanila kung okay lang ba at bakit naman daw hindi magiging okey eh parehas nga lang daw kaming magaganda, iyan ang lagi nilang dahilan. Nekekeheye.
Nga pala hindi ko pa naitatanong yung Kingdom thingy na 'yan sa kanila.
"Guys nga pala yung sa Kingdom na sinabi nyo kanina ano 'yun?"Tanong ko sa kanila.
"Newbie ka pa nga lang dito." Rinig kong ani ni Charmaine.
"Ahm ang Wellsfar Kingdom ang namumuno sa lahat, ito ang nagpatayo ng Wellsfar Academy at ng iba't ibang Kingdom kagaya na lang ng Leaf Kingdom na puro earth ang mga kapangyarihan like Maveline na Prinsesa ng Leaf Kingdom, meron ding Fire Kingdom na pinamumunuan naman ng mga magulang ni kyaaaaaaah! Kinikilig talaga ko pagbabanggitin ko ang pangalan nya kyaaaaaaah Keith John William. Pano banaman kasi ang gwapo gwapo nya tas ang lakas lakas pa makipaglaban kyaaaaah at tyaka isa din sya sa mga SuperNaturals kyaaaaah waaah hindi ako makaget over sa pangalan nya! At pinsan nya din pala si Harry Peter William Kyaaaah!" Mahabang litanya ni Charmaine na halatang kinikilig talaga.
Grabe lang. Pero 'yung name nya. Argh. Don't mind it Aerika. Gwapo naman talaga sya eh. Oops. Wala akong sinabi. Wala.
So Kaya pala green ang mata ni Maveline dahil sya ay Prinsesa ng Leaf Kingdom pero bat wala sa aking nakapagsabi nito? Ang alam ko lang ay Wellsfar Academy lang to tas malalaman ko na may mga Kingdoms pala?
Bakit hindi nila sinabi sa'kin? Kailangan ba talaga ako pa ang makalaman noon?
Hayyys siguro naman may sapat silang dahilan kung bakit hindi nila sinabi sa akin 'yung tungkol doon.
At alam kong madami pa akong malalaman.
"Ammm kyaaah ano na ba next?Amm---"Naputol ang sasabihin nya ng pigilan sya ni Maveline.
"Ako naman ang magsasalita, puro kalandian lang naman ang alam mo dyan. Psh. May Dalawa pang Kingdoms na hindi nababanggit itong si Charmaine dito sa ating sinasakupan pero sa kapatid naman ng gumawa ng Wellsfar Kingdom ay may iba pang kaharian. At iyon ay Enchanted Kingdom, okay isa ang Air Kingdom sa apat at ang mga naninirahan naman dito ay puro hangin ang kapangyarihan at may mga konting healers at pinamumunuan naman ito ng mga magulang ni Jack Lee Smith na isa rin sa mga supernaturals at ako rin pala ay kasama dun at magpinsan kami ni Charmaine, at ang pinakahuli ay ang Blue Kingdom na pinamumunuan ng magulang ni Kenneth Austril, well gwapo din sya. Lahat naman sila eh."Mahabang sabi ni Maveline at tumingin sa akin na mayhalong pagtataka pero agad din namang umiwas at umiling.
"At ang pangalan ng kambal ay sina Aerika at Eureka." Dagdag pa nito,
Kapangalan ko pa?
Bakit parang may kung ano akong naramdaman bigla?
"Maaaring siya na si princess Aerika."
Eh? Saan ko nadinig iyon?
Napatingin naman ako sa pwesto nila Maveline na tahimik lang na nag-iisip.
"Ahmm guys. Sino sino ba talaga kayong super naturals?" Sabi ko na lamang para maiba na ang atmospephere dito sa kwarto.
"Dati kami nila Kenneth, Keith, Jack, Ako, Bianca, Harry, Aerika at Eurika, pero nakakalungkot lang dahil hindi pa man din lumalakin sina Aerika at Eureka ay nagkagulo na kaagad." Malungkot na tugon ni Maveline.
Argh. Anong problema ng mga pangalan nila? Bakit laging may kakaiba akong nararamdaman tuwing binabanggit nila ang pangalang Aerika?
"Sorry, mukhang naibalik ko pa 'yung mga malulungkit na nangyare dito dahil sa tinanong ko."
"Naku, wala 'yun. Mabuti ng may alam ka. Ang nakakapagtaka lang at mas nakakalungkot ay kamukha mo siya. Kamukha mo si Aerika. Dahil kamukha mo din si Eureka. At kapangalan mo pa."
Pero hindi naman ako 'yun diba? Ordinaryo lang ako dito?
Anong sikreto ang nakapaloob dito sa Wellsfar Academy?
May mga kinalaman ba ito sa pagkatao ko?
Sino ba talaga ako?