Chapter 7

430 Words
Chapter 7 Aerika's POV NAGLALAKAD ako ngayon sa hallway papunta sa dorm # na ibinigay sa akin ni Ms. Berlington at may mga estudyante akong nakikita dito. Lahat sila ay nakatingin sa akin na may halong pagtataka. Habang naglalakad ay biglang nagtilian 'yung mga estudyante at hindi na napunta sa akin ang atensyon kung hindi doon sa anim na naglalakad din dito sa hallway. Wow. Amazing. Tatlong babae at tatlong lalake lang naman po sila. Ang gaganda at ang gagwapo nila. Pero 'yung isang lalake ang naka-agaw ng pansin ko at hindi ko inaasahang mapapatingin din siya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin dahil parang may kakaiba sa mga tingin niya. May napansin pa akong yumuyuko sa kanila kaya nagtaka talaga ako. Ano ba sila dito? Kakaiba ba sila? Naisipan ko na lang na lumiko dahil may daan din naman doon papunta sa dorm ko ngunit parang may nanghahatak pa sa aki na tumingin ulit sa pwesto nila. Adn there, nakita ko ulit sya at ang malala pa. Nakatingin pa din siya sa'kin. Napapalunok na binilisan ko ang lakad at nakarating na din ako sa dorm na tutuluyan ko. Dorm # 35. *Tok Tok* Pagkatok ko pa lang ay may lumabas na ditong isang babae. Sobrang ganda niya at teka... sya 'yung isa sa babae kanina ha?! Paano sya napunta dito? Diba nakikipag-usap pa siya kanina doon kasama si...nevermind. "Oh, ikaw na pala 'yung makakasama namin. I'm Charmaine Dwight and oww, parang may kamukha ka? Haha. But anyways, tara pasok ka." Ngiting sabi niya at ngumiti na lang din ako sa kanya. Tinulongan niya akong ipasok 'yung mga gamit ko sa loob ng dorm at napa-wow na lang din ako dahil sa ganda nito. Pero, sino naman 'yung kamukha ko? Si Marian Rivera ba? O si Jennylin Mercado? Char. Haha. May napansin din akong isang babae na nakaupo sa sofa na napatingin din sa akin. Mukhang nagulat pa siya pero ngumiti din naman kaagad. "Hey! Maveline Everest nga pala. Princess of the Leaf Kingdom." WHAT? Princess of what? At kung hindi din ako nagkakamali. Isa din sya doon sa tatlong babae kanina! Oh my ghad! "Yes, I'm princess. We are princess." Ngiting dagdag pa nito. "Princess of the Enchanted Kingdom." Ani ni Charmaine at nakipagkamay sa akin. Unbelievable. May mga prinsesa dito so meaning may mga kaharian din. Grabe naman. "Yup. And now, friends na tayo. Right Char?" Ani ni Maveline at nagulat na lang ako ng yakapin niya ako. Naramdaman ko din ang pagyakap sa akin ni Charmaine. "Yes." They are my friends now. At hindi talaga ako makapaniwala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD