Chapter 6
Aerika's POV
NAGLALAKAD pa din kami at ako naman ay nag-iisip. Maaaring totoo nga na may kapangyarihan ako.
Pero isa nanamang tanong ang pumasok sa aking isipan, kung may si tita? Bakit si mama, wala?
"Tita, may I ask? Diba po may kapangyarihan din kayo? Si mama, meron din po ba?" I asked na siyang nakapagpatingin sa akin.
Nag-iwas muna siya ng tingin bago sumagot, "We are not blood related Aerika. I'm sorry for not telling you this. Hindi kami tunay na magkapatid."
Hindi sila magkapatid ni mama? What the hell?
"How come? Paanong---"
"Stop asking Aerika. Malalaman mo din 'yan kapag nakapunta na tayo sa Wellsfar Academy. There so much more to be discover and you need to find it out through yourself." Ani ni tita.
Magsasalita pa sana ulit ako ng magsalita si tita.
"We're here." Ani niya at tumimgin sa harapan. Sinundan ko naman 'yung tinitignan ni tita at hindi ko mapigilang hindi mapamangha.
Totoo ba itong nakikita ko?
May mataas na gate na kulay ginto na halos umabot na sa langit sa sobrang taas. At kung hindi din ako nagkakamali, may mga kuryenteng bumabalot dito hanggang sa pader.
May nakasulat din sa itaas na, Wellsfar Academy. Ito na nga.
"Aerika."
May apat na kumikinang akong nakita sa gitnan ng gate. Kulay pula, asul, berde at brown ito. Parang mga dyamante.
"Aerika ano ba?!"
"Ay! Buhaya!" Nagulat kong sabi at napaharap kay tita.
"Bakit hindi ka nakikinig?!" Tinignan niya ako ng masama bago ulit nagsalita. "Okay, uulitin ko. Iiwan na kita dito after kitang madala sa principal office. Babalik na ako kila Ashley kaya maiiwan ka ng mag-isa dito." Ano? Maiiwan lang ako dito mag-isa?
"Pero auntie---"
"No buts. May makakasama ka naman panigurado sa magiging dorm mo at masasanay ka din dito."
Pero paano 'yung sa kapangyarihan ko? Anong gagawin ko?
"Kung 'yung sa kapangyarihan mo ang pinoproblema mo. Mamili ka na lang sa apat na elemento at iyon ang lagi mong sasabihin kapag may nagtanong sa'yo kung ano ang kapangyarihan mo. Kailangan mong mag-ingat Aerika. You are unique. You are different." Seryosong sabi ni tita.
Mamimili ako? Anong ibig sabihin nun? Kakaiba ako?
"I will picked, fire element. Pero tita, paano po ako naging kakaiba sa kanila? Diba po pare-parehas lang naman kaming estudyante sa Wellsfar Academy?" I asked curiosly.
"That's good to hear. Fire element. Tutal, nagpakita naman na sa iyo ang isang goddess na si goddess Paera. And for your question, doon mo na malalaman sa Wellsfar Academy kung ano ang ibig sabihin ko."
Goddess?
"Sino pong goddess Paera?"
"Natatandaan mo pa ba 'yung babaeng nagliliyab na nagpakita sa iyo nung inaway ka sa room niyo? That's her. The goddess of fire. Goddess Paera, one of your goddess."
Natatandaan ko 'yun. So, she is the goddess of fire? Grabe, ang dami ko pala talagang hindi alam sa pagkatao ko. Dapat ba akong matuwa dahil may nalalaman na din ako kahit papano sa tunay kong pagkatao?
"Anyway, kanina pa tayo dito sa labas, pumasok na tayo sa napakagandang Wellsfar Academy." Hinawakan niya ako sa kamay at naglakad na kami papunta sa malaking gate at kinausap ni tita 'yung dalawang guard.
Bumukas naman 'yung gate at pumasok kami doon ng maayos. This is it.
Pagpasok pa lamang namin sa loob ay bumungad na kaagad sa akin ang magandang tapakan. Sementong kumikinang at may mga damong magandang pagmasdan. May mga maliliit din na kung ano-anong hayop ang lumilipad at may falls pa sa gilid.
At may kakaiba akong nararamdaman. Parang may kung anong enerhiya ang biglang nabuo sa aking katawan at 'yun ay aking naramdaman,
Dere-deretso lang kami ni tita at huminto kami sa tapat ng malaking pintuan.
Kumatok si tita sa pintuan at maya-maya pa ay may nagbukas naman noon.
Oh wow, ang ganda naman niya. Nakasuot siya ng salamin na hindi naman masyadong makapal at parang teenage padin ang itsura. Sya na ba 'yung principal? Ang ganda naman niya.
"Oh, Ms Santiago. Marami namang salamat at nandito na kayo kasama si Aerika. The transfferie." Ngiting paliwanag nito at unti-unting nagbago ang itsura ng mapatingin sa akin.
"Oh. You look like a goddess and you look like her. Same name too. How nice." Nakangiting sabi nito at niyaya kaming pumasok sa loob.
Umupo kami sa malaking sofa ni tita at umupo naman 'yung principal ata dito sa kanyang swivel chair.
"Natanggap mo 'yung invitation right?" Tanong nung principal ata sa akin. So, sya pala 'yung nagpadala sa paro-paro na 'yun nung letter?
"Ahmm opo, ms?"
"I'm Ms. Berlington Swinton." Ani nito at ngumiti sa akin. Ang ganda naman talaga niya. "And I'm the principal in this Academy." Dagdag nya pa at tumingin kay tita.
Napansin ko namang seryoso si tita at parang malalim ang iniisip. Ano 'yun?
Louisa's Point of View
Bakit? Bakit siya pa ang ipinalit ng aking ate sa pagiging principal ng Academy na ito?
Kung hindi lang sana dahil sa mga nangyare, ako pa sana ngayon ang namamahala dito sa Wellsfar Academy at hindi ang pinsan kong ito.
Nung mga panahon kasing nawala ako kasama ang mga kambal at nabalitaan na din sa buong white world, gamit ang propesiya ay namatay na ako. Sa kadahilanang iniligtas ko daw ang dalawang kambal. Nagbuwis ako ng buhay ngunit sa kabilang palad ay nakuha pa ng mga masasama si Eureka.
Alam nilang nasa mundo ng mga tao napunta si Aerika dahil nakita nila ito sa propesiya.
Hindi nila alam na ako ay buhay pa dahil itinago ko ang aking kapangyarihan. Binago ko din ang aking mukha at iniba ang aking pangalan mula sa Lorraine Wellsfar ay naging Louisa Santiago.
Binago ko din ng konti ang itsura ni Aerika ngunit may pagkakahawig pa din naman siya kay Eureka na ngayon ay masama na dahil sa kagagawan ni kuya.
Bakit hindi ko sinasabi kay Aerika kung sino ang mga tunay niyang magulang gayong alam ko naman? Dahil alam kong hindi pa siya handa. Gusto kong sya ang makatuklas sa mismong pagkatao niya.
Bakit ako nagtatago? Bakit iba ang aking pagkatao?
Dahil may mga misyon pa akong dapat harapin.
Aerika's Point of View
Natapos nang ibigay mi Ms. Berlington sa akin 'yung pocketbook about dito sa Wellsfar Academy at kung saan akong # naka-dorm. May mga schedule na din ako. Tinanong niya din kung ano ang kapangyarihan ko at sinabi kong fire element. Bahagya syang nagulat dahil kakaiba daw ito lalo na sa mga kagaya kong bago pa lamang.
"Salamat Ms, Berlington. Mauuna na kami ni Aerika." Rinig kong sabi ni tita at hinila na ang kamay ko para lumabas.
Ngumti at kumaway na lamang ako kay Ms. Berlington dahil hindi na ako nakapagsalita pa.
Bakit parang may problema si tita kay Ms. Berlington?
Nakarating kami kaagad sa gate ng Wellsfar Academy dahil za bilis manghatak ni tita.
"Teka tita. Aalis na po ba kayo?" Nalulungkot na tanong ko kay tita.
Nakita ko namang pinunasan ni tita 'yung luhang tumulo sa kanyang mata at tumingin sa akin. "Oo Aerika eh. Mag-iingat ka ha? Alagaan mo ang sarili mo dito. Huwag kang pasaway." Napaiyak na lang din ako dahil sa mga sinasabi ni tita.
Bakit ba lagi na lang nila akong iniiwan? Bakit lagi na lang silang umaalis sa tabi ko?
"Tita naman eh. Pakisabi na lang po ulit kila mama na gagawin ko 'yung mga sinabi niyo. Mag-iingat po sila ha? Mag-iingat din po ako dito." Tuloy tuloy lang sa pagpatak ang aking mga luha.
"Oo Aerika at ipangako mo sa akin. Hindi lang sa akin maging sa kinilalang mong ina. Hahanapin mo ang tunay mong mga magulang dito sa Academy at mag-iingat ka palagi. Huwag kang magpapadala sa iyong emosyon dahil baka iyan pa ang maging sanhi ng iyong pagkasira. Mahal na mahal kita." Ani ni tita at nag-iwas ng tingin.
"Pangako po tita. Mahal na mahal ko din po kayo nila mama." Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking mga mata at niyakap si tita.
"Paalam." Huling sambit ni tita at naramdaman ko na lamang ang paglalaho nya at naiwan akong nakatayo mag-isa dito sa tapat ng gate.
Wellsfar Academy.
Sana, malaman ko na talaga ang lahat ng mga tanong sa aking isipan. Sana, maging masaya na talaga ako. Sana, magging matagumpay ako sa gagawin ko.
I'm now entering this Academy. Where every fantasy things become reality.