Chapter 5

1330 Words
Chapter 5 Louisa's POV Hindi nya pa kailangang malaman na sya ang isa sa kambal. Hindi nya pa pwedeng malaman na sya ang isa sa nawawalang prinsesa ng Wellsfar Kingdom. Sayang ang kanyang kambal dahil mali ang lugar na tinungo nito. Sinira ng mga Black Magicians ang kinabukasan ni Eureka Lean Wellsfar. Kung hindi lang nila kinuha si Eureka na kakambal ni Aerika ay sana masaya sila ngayon at payapa ang buong White World. Kung hindi lang talaga sana ito nakuha sa akinh kamay. Hindi alam ng kapatid ko na reyna ng Wellsfar Academy na alam ko kung nasaan si Aerika dahil ang alam lang nito ay matagal na itong patay at si Eureka lang ang nabuhay pero nakuha pa ng Black Magicians. Pero dyan sila nagkakamali ako ang nagtakas kay Aerika at inilagay ko sa tapat ng pintuan ng bahay ng kanyang tinuring na ina ang sanggol na si Aerika. Dahil nung mga panahon nayon ay may binabalak na masama ang kampo ng Dark Kingdom na kunin ang kambal upang paslangin at kunin ang kapangyarihan dahil ang kambal na prinsesa ng Wellsfar Academy ang syang itinakdang magtatapos ng kasamaan ng lahat. Pero bigo sila dahil hindi nila nakuha ang kambal. Flashback "Itakas mo na ang anak ko mahal kong kapatid!"Sigaw sa akin ng aking kapatid nya syang kinatakot ko ng makita ko ang mga Black Magicians na susugod sa Academy at sa mga iba pang parte ng mga kaharian. Binigay sa akin ng aking kapatid sila Aerika at Eureka upang aking itakas at dalhin sa Mortal World. "Makakaasa ka ate na iingatan ko sila at maayos kong maibibigay sa isang tiga mortal na tao. Mag iingat kayo dito ate!" Huling paalam ko bago ako nagteleport papunta sa Mortal World. Pero bago paman ako tuluyang makarating sa Mortal World ay hindi ko inaasahang nasundan ako ng mga Black Magicians. "Ibigay mo na sa amin ang kambal kung ayaw mo pang mamatay!" Sigaw ng isa sakanila na syang nakapangilabot sa akin dahil nung mga panahon na iyon ay hindi pa ako tuluyang malakas. "Umalis na kayo! Wala akong ibibigay sa inyo! Hinding hindi ko ibibigay ang pamangkin ko sa inyo!" Balik sigaw ko rin sa kanila at nagsimula na muling lumipad dahil hindi ko na kayang mag teleport ng teleport dahil napapagod narin ako. "Aba matapang ka binibini ha?Mamatay ka!"Pagkasabing pagkasabi nun ng isa sa mga black magicians ay nagpalabas na sila ng kanya kanyang dark swords na syang nagbigay ng takot sa akin. Ang dami nila ano ng gagawin ko?? Isa isa silang sumugod papunta sa akin upang paslangin ako pero hindi ko sila hahayaang mangyare 'yun. Nagpalabas din ako ng air sword at susugod din sa mga Black Magicians pero hindi ako masyadong makagalaw dahil hawak hawak ko ang kambal. Napapatay ko naman ang iba sa mga Black Magicians pero marami na rin akong tama sa katawan. Nagpalabas ako ng sampung golem at pinalaban ito sa mga kalaban.Sa ngayon ay Earth at Air palang ang alam ko kaya medyo mahina pako. Tatakbo na sana ko pero may humarang sa dinadaan ko at nabunggo ko pa. Ang Hari ng Dark Kingdom............ang kapatid namin ng nanay ni Aerika. "Pabayaan mo na ko kuya! Huwag mo na kaming guluhin" Sigaw ko sa kanya at unti unting lumayo. Napatingin naman ako sa mga golems ko na kasalukuyan paring nakikipaglaban. He just smirk at me. "And who are you for me to follow? You are just only my Little sister na hinayaan na ang aming isang kapatid ang mamuno sa Wellsfar Kingdom na dapat ay ako!"Ramdam na ramdam ko ang galit at poot na nararamdaman nya habang sinasabi nya yon. Si ate naman talaga ang tigapagmana ha?? Bat hindi nya maintindihan yun?? Dahil sa masyadong gahaman si kuya sa kapangyarihan at katungkulan ay nagtraydor sya sa amin nung ibinalita sa lahat ng mga kingdoms ang tigapagma at iyon ay si ate. Laking galit ang namuo sa kanya ng malaman nya ang mga yun dahil ang kanyang alam ay sya ang magiging tigapagmana ng Wellsfar Kingdom na hindi naman pala. Sa akin ay okay lang dahil ako ang bunso pero kay kuya ay laking bagay iyon para sa kanya dahil sya ang laging kanang kamay noo nila mama at papa kaya hindi nya inasahan na si ate aira ang gagawing tigapagmana ng Wellsfar Kingdom. May apat na Kingdoms ang nakapalibot sa Wellsfar Kingom. Isa na rito ang Leaf Kingdom na nasa taas ng Wellsfar Kingdom at nasa ilalim namam ay Blue Kingdom at nasa kanang bahagi ng Wellsfar Kingdom ay Fire Kingdom at ang huli sa kaliwa ng Wellsfar Academy ay ang Air Kingdom. Nung mga panahon na iyon ay gumulo na ang aming kaharian. "Bakit mahal kong kapatid? Ibibigay mo na basa kin ang pamangkin ko kaya ka natameme dyan?"Nabalik lang ako sa katinuan ng magsalita si kuya. Nakangisi lang sya sakin. Ngisi ng isang demonyo. "Wala akong ibibigay sayo kuya kahit anong gawin mo! Nangako ako sa kapatid natin na hinding hindi ko ito ibibigay at iingatan ko sila kaya umalis ka na!" Galit na sigaw ko sa kanya. Nagbago naman ang kanyang itsura na kanina ay nakasmirk ay ngayon ay parang papatay ng tao. Dahil ang sama ng tingin nya at nagiging kulay pula na ito. Nakaramdam ako ng takot dahil higit na mas malakas sa akin si kuya at baka hindi ko maprotektahan ang kambal. "Kundi ka makikinig sa akin kapatid ko ay sapilitan ko na lang na kukunin ang walang kwentang anak ng walang kwenta kong kapatid." Seryosong sabi ni kuya ngayon ay papalapit na saakin. Nagulat ako nang nasa harap ko na sya at nagpalabas ng Dark Sword at akmang sasaksakin nako ng wala akong naramdamang saksak naramdaman ko na lang na wala na pala akong hawak at nakuha na nya ang kambal. Hindi! Hindi ito maaare! "Bwahahahahahahahaha nasaakin na ang kambal Bwahahahahahahaha" Malakas na tawa nya na umaalingawngaw sa buong kagubatan ngayon. Hindi ito maaare. Inipon ko ang natitira kong lakas at lakas loob na sinugod si kuya para kunin ang kamabal pero bigo akong makuha silang dalawa dahil si Aerika lang ang nakuha ko. Napatumaba naman si kuya habang hawak hawak padin si Eurika at napakasama ng tingin sa akin. "Patayin nyo sya at kunin nyo ang isang bata na yan!"Sigaw nya sa mga tauhan nya na agad naman nilang sinunod. Nagpalabas din siya ng mga malalaking itim na kapangyarihan para ipatama sa akin. Susugurin na nila ko gamit ng Dark Swords nila ng may isang lalake ang humarang sa harap ko at sinabing; "Umalis ka na binibini ako na ang bahala dito" Sabi nang lalaking hindi ko naman kilala na nasa harap ko ngayon. "Pero paano ka? Hindi kita iiwan dito! Sumama ka na lang sakin! At tiyaka, anong pangalan mo?"Sigaw ko sa kanya. "Hindi na kailangan pa!Ako nang bahala dito kaya ko na anb sarili ko kaya umalis ka na at iligtas mo ang batang hawak mo!"Sigaw nya pabalik at nagsimula naring sumugod sa mga Black Magicians. "Salamat sayo kung sino kaman tatanawin ko itong utang na loob." Seryoso kong sabi sa kanya at nakatanggap lang ako sa kanya ng tipid na ngiti. Hindi na ko nag aksaya pa ng panahon na mag teleport upang makapunta sa Mortal World. At iyon na nga nahanap ko ang bahay ni Ashley at binasa ko ang kalooban nilang pamilya at napagtanto ko na sila ay mababait na tao kaya hindi na ko nagdalawang isip pa at inilapag ko ang sanggol sa tapat ng pintuan ng kanilang bahay at bago pa ko tuluyang makaalis ay bingyan ko ng isang palatandaan ang bata Wellsfar Academy End of flashback Hindi alam ni Ashley ang tungkol sa pagiging prinsesa ni Aerika. Sinabi ko lamang sa kanya na may kapangyarihang tinatanglay si Aerika at alam niya na ako talaga ang tita ni Aerika. Alam ko namang malalaman at malalaman din ni Aerika na siya ang isa sa prinsesa ng Wellsfar Kingdom sa oras na makatapak na siya sa Wellsfar Academy. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD