Chapter 4

1335 Words
Chapter 4 3rd Person's POV Hindi alam ni Aerika kung saan na sila patungo ng kanyang tita dahil kanina pa sila naglalakad sa gubat pero parang wala paring nagyayare. At kanina parin sya binabagabag ng huling sinabi ng kanyang ina. "Hayyys Tita! Tama ba itong nilalakadan natin?Ang creepy na ha? Padilim na ng padilim pero parang kanina lang eh umaga pa tyaka saan ba talaga yung Wellsfar Academy na 'yun?" Bored na sabi ni Aerika na halata na talagang naiinip na sa mga nangyayare. "Tama ang nilalakadan natin at malapit na tayo sa Wellsfar Academy konting lakad nalang." Mahinahong sagot naman ng kanyang tita. Napabuntung hininga na lang si Aerika dahil alam nyang wala ring mangyayare kung magtatanong pa sya. Habang naglalakad sila ay parang napansin nang kanyang tita na may mga dark aura na sumusunod sa kanila kaya siya ay napahinto. "Aerika dyan ka lang ha may titignan lang ako"Seryosong sabi ng kanyang tita at naglakad patungo sa mga dark aura nyang nararamdaman. "Waaaaaaaaah!!!!"Sigaw ni Aerika ng kunin siya ng isang malaking ogre. Aerika's POV "Waaaaaaaaah!!!!"Sigaw ko nang may kumuha sa aking isang.................ogre? s**t! Ang laki laki nya at kahit anong oras sa ngayon ay kayang kaya ako nitong patayin. Napatingin sa banda ko si tita at nagulat sya sa nakita at may mga nagsisulputang nakablack na cloack at isa isang nag lalabas ng.............mga dark balls? Itim na bola 'yun? What the... 3rd person's POV Napatulala si Aerika sa nangyayare habang hawak hawak padin sya ng higanteng ogre na kumuha sa kanya. Pinipilit niyang kumawala dito ngunit hindi niya magawa. Mahigpit ang kapit nito sa kanya. Nagpalabas si Louisa ng malalaking blazing fire at water balls sa kalaban at agad naman silang namatay dahil dito. Pinatamaan naman nya ng air s***h ang malaking ogre na kumuha kay Aerika at ito ay namatay at nabitawan si Aerika dahilan para malaglag ito sa lupa pero bago pa man sya malaglag sa lupa ay gumawa na si Louisa ng air wings at mabilis na sinalo si Aerika. Napatay na ang lahat na black magicians na kanina pa pala sila sinusundan. Pero hanggang ngayon ay nakatulala parin si Aerika at parang nawala na sa sarili. Aerika's POV Anong nangyayare? Nakita ko si tita na may lumabas sa kanyang kamay na malalaking bola na apoy at malalaking bolang tubig at pinatama sa mga err hindi ko alam basta nakaitim sila. Napatay lahat ng mga nakaitim at agad na sinugod ni tita ang ogre na hawk hawak ako ngayon. Gumawa sya nang......ano yun? Parang hangin na ewan at mabilis na namatay ang ogre dahilan para malalaglag ako sa lupa. Teka..malalaglag ako? Pinikit ko na lang ang aking mata dahil hindi na ko makapagsalita sa mga oras 'to. Pero nagulat ako ng sa isang tao ako nabagsak at nakita ko si tita na may........pakpak? Waaaaah! Ano bang nagyayare? Nananaginip ba ko? Binaba ako ni tita at nawala ang kanyang..pakpak?? Napatulala na lang ako sa mga nangyare. "Aerika alam kong nabigla ka at naguguluhan samga nangyayare ngayon pero may isa ka pang sikreto na kailangan mong malaman." Eh?Anong kalokohan to? Sino kayang hindi mabibigla sa mga nasaksihan na yun? Tyaka ano pa yung dapat kong malaman? Akala ko ba nasabi nasakin ni mama yung totoo? Ano ba talagang nagyayare sa buhay ko! Naguguluhan na ko! "Tita! Ano po ba yun? Ghad! Sabihin nyo naman po sa akin para naman may alam ako! Hindi yung para kong tanga dito! Ano 'yung kanina? Paano nangyare yun? Ano 'yung kailangan kong malaman?!" Hindi ko mapigilang mapasigaw at magalit ngayon dahil na rin siguro sa mga nakita ko kanina. Nagulat na lang ako ng lumindol ng malakas. Anong nangyayare? Ano nanaman ito? "Aerika control yourself wag ka munang magalit sa ngayon hanggang sa masabi ko na ang dapat kong sabihin. Itgil mo ang galit na nararamdaman mo!!"Sigaw sa akin ni tita kaya napatigil ako. Tama si tita hindi dapat ako magpadala sa galit na nararamdaman ko ngayon hanggat hindi ko pa alam yung sasabihin nya. Bahagya pa akong natigilan ng huminto 'yung lindol kasabay ng pagkalma ko. "Sorry tita hindi ko lang po talagang mapigilan ang sarili ko. Ano po yung sasabihin nyo?" Mahinahon kong tanong kay tita. Nakita ko naman ang pag buntong hininga nya. "Hindi ka normal na tao Aerika, you have a special powers and abilities that normal person can't have, you can control air,earth,water and fire. Siguro malalaman mo ang lahat pag napasok ka na sa Wellsfar Academy at dun mo pa malalaman ang mga kaya mong gawin. Sorry kung hindi namin sinabi to ng mama mo dahil ayaw ka nyang biglain dahil baka hindi ka maniwala kaya sinabi nya sa akin kanina bago tayo umalis na sabihin ko na ang isa sa mga sikreto ng pagkatao mo." Mahabang paliwanag ni tita. Ano? Anong special powers and abilities ang sinasabi ni tita? Ano 'to lokohan? Magic imposible naman yun na magka magic ako eh normal lang naman ako? Eto ba yung sinabi ni mama bago ako umalis na kailangan kong intindihin? And then suddenly, a realization hit me. 'Yung sa sulat. To enchance your special abilities. "Hindi kita niloloko Aerika at hindi ka rin normal na tao." Hindi ako...normal na tao? "Oo Aerika, at madami ka pang kailangang ma-discover sa totoong ikaw." "Pero paano po ako nagkaroon ng powers kung totoo man? Kilala nyo po ba yung mga magulang ko? May powers din po ba sila kagaya ko?!" Bigla ko namang naalala 'yung nangyare sa school na pinapasok ko dati nung may nam-bully sa akin. Flashback "Hoy! b***h! Tara nga dito!"Sigaw ng isa sa mga kaklase ko at nagulat na lang ako ng may tumapon sa ulo kong kulay itim na pintura. "Hahahaha ang hahaha panget nya! Panget na nga pumanget pa lalo hahahah." "Bagay lang sa kanya 'yan friend dahil panget na nga malandi pa hahahaha" "Duwag naman yan eh! Hahahahaha" Lahat sila ay puro ganyan ang mga sinasabi. Punong puno na ko sa kanila. Ayoko na. Ayoko na. Ayoko na!!!! Nagulat ako ng biglang magliyab ang buong klase at may lumitaw na isang magandang babae na nagliliyab. "Anong n-nangyayare? Namama-aligno ba tayo? Bat may babaeng nabliliyab? Waaaaah!!"Umiiyak na sabi ng isa sa kaklase ko. Ano to? Nung kumalma nako ay nawala na ang apoy at yung babae kanina. Bat parang may nararamdaman akong malakas na enerhiya na bumabalot sa pagkatao ko? Sino yung babaeng nagliliyab at pano nangyare yun? Pano nangyare ang bagay na 'yun?? End of flashback Simula nung nangyare ang bagay na 'yun ay nagsimula na akong magtanong sa isip ko ng mga bagay bagay at sinabi ko na lang na panaginip lang ang lahat kahit alam kong totoo ang mga iyon. Di kaya iyon yung power ko? Fire? At ang sabi ni tita ay kaya ko daw kontrolin ang mga elemento dito sa mundo? "Hindi ko kilala ang magulang mo Aerika pero ang natitiyak ko lang ay nasa Wellsfar Academy ang pamilya mo, kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo na ang papasukin mong Wellsfar Academy ay hindi normal at madaming misteryo ang mauungkat sa iyong pagdating."Malalim na sabi ni Tita sa akin at nag-iwas ng tingin. Nakita ko pang napalunok siya. Andun ang pamilya ko? Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon dahil maaari ko nang mahanap ang aking tunay na magulang sa Wellsfar Academy na yun. Pero anong hindi normal? Kagaya ko din ba sila na may kapangyarihan? Naniniwala na ba ako? "Tama ka Aerika, puro may mga kapangyarihan lang na tao ang maaaring makapasok dun at dahil ikaw ay may natatanging kapangyarihan kaya't maaari kang makapasok doon at maaari munang simulan ang paghahanap sa mga totoo mong magulang sa Wellsfar Academy." Sabi sakin ni tita. Magic? Hindi parin ako maniwala na totoo ang magic? At may taglay pa ako nun? Alam ko na sa sarili ko na hindi na ko nananaginip lang dahil lahat ng mga nangyayare sa ngayon ay napagtanto ko sa sarili ko na totoo. Sino ba talaga ako? Should I believe with those magical stuffs? To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD