Chapter 3

1599 Words
Chapter 3 Aerika's Point of View Lunes na ngayon at ngayon nadin ang alis ko. Hindi parin ako sure kung tama ba ang desisyon ko o mali kasi nalilito pa ako dahil parang may hindi pa sila sinasabi sa akin bukod sa hindi nila ako tunay na anak ni papa. Nag aayos na ko ng mga gamit ko pang school year ko dun sa Wellsfar Academy. Sobra kong mamimiss sila mama at kuya pag umalis na ko dito. Binigay ko din sa kanila 'yung sobra na nakuha ko. Hindi naman sila nagulat at mukhang inaasahan na nila na mangyayare 'yun. Kinabukasan din noong araw na iyon ay may dumating na isa pang envelope at may nakasulat doon na 'yung address siguro, hindi ko naman maintindihan. Alama na daw ni tita 'yun kaya okay lang. Tinulongan ako ni kuya na ibaba 'yung mga gamit ko at pagkababa ko roon ay nadatnan ko sila mama at auntie na nag-uusap ng seryoso sa sala. Ano kaya 'yung pinag-uusapan nila? Mukhang napansin naman nila ako at tumigil na sila sa pag-uusap. Ashley's POV (Aerika's Mother) Naguusap kami ngayon ng kapatid ko tungkol sa sasabihin nya mamaya kay Aerika. Sana lang hindi sya mabigla..sana...at sana rin maitntindihan nya kami. "Hindi natin alam kung matatanggap nya ba yung isa pang katotohanan na may roon siyang kapangyarihan." Seryosong sabi ng kapatid ko at oo, may kapangyarihan si Aerika at nalaman ko yun nung nagsisiga ako ng mga kalat. Flashback Nagsisiga ako ngayon ng may tumawag sakin. "Ma! Tignan mo po oh gumagalaw yung ugat ng puno! Galing!" Tuwang tuwang sabi ng anak ko. Napansin ko ngang gumagalaw iyon at iyon ang pinagtataka ko. Bakit? Kasi pano naman gagalaw yun eh ugat 'yun kaya imposibleng gumalaw yun. Masyado pa syang bata kaya wala pa syang alam sa mga ganyan. Napansin ko na nakaangat ang kanyang mga kamay at kulay green ito? Whats happening??Ano to? Halos buong katawan nya ay nagiging kulay green na at palapit sa kanya yung mga ugat pero halatang hindi nya napapansin yung kulay nya dahil tuwang tuwa parin sya habang ginagalaw ang mga kamay nya. "Anak! Lumayo ka dyan! Tara na!"Seryosong sabi ko sa kanya. Napatingin naman sya sakin at hininto ang pagpapagalaw sakanyang mga palad na nagpahinto rin sa mga ugat na gumagalaw. "Waaah mama bat wala ng gumagalaw!" Umiiyak na sabi nya at nagulat ako sa sumunod na nangyari. May tubig na umangat galing sa mga kamay nya habang umiiyak. Anong nangyayari sa anak ko? Naguguluhan na ako sa nangyayari sa anak ko................Hindi kaya may kinalaman dito ang Wellsfar Academy? Anong meron sa pagkatao ng anak ko? End of flashback Simula nung nangyari yun ay ang dami ng tanong na pumasok sa aking isipan. At nung mga panahon na yun ay may natanggap akong sulat at ang nakalagay ay; Mukhang nailabas na ni Aerika ang kanyang kapangyarihan na element of earth and water pero marami pa syang malalaman sa kanyang pagtanda kaya ingatan mo sya, huwag na huwag mong hayaan na sya'y magalit pag may umaapi sa kanya dahil hindi nyo magugustuhan ang mangyayare. Yun lang ang sasabihin ko kung nagtataka ka sa mga nangyare ay binibigyan na kita ng konting impormasyon kaya Good luck! -Wellsfar Academy Simula nung araw kong natanggap ang sulat na iyan ay hindi ako naniniwala nung una pero.......nangyari nanaman ang sandaling iyon at dun na ko naniwala at ang pinagtataka ko ay bakit parang alam ng Wellsfar Academy na yun ang bawat kilos at galaw namin sa bahay na ito?? Anong kinalaman ng Wellsfar Academy sa buhay niya?? Yan ang mga tanong sa isip ko noon at sa sandaling iyon ay naalala ko ang nakasulat sa kanyang damit nung sanggol pa sya......Wellsfar Academy 'yan ang nakasulat. At nung mga araw din na naguguluhan ako sa mga nangyayare ay dumating si Louisa na hindi ko naman talaga kapatid dahil sya pala ay ang kapatid ng ina ni Aerika at sinabi nya sakin ang lahat. At sinabi ko rin sa kanya ang lahat ng mga nagyayare nung nakaraan at halatang nagulat sya at nagpasya sya na ilihim na muna namin ang tungkol sa katauhan nya na sya ang nawawalang prinsesa ng Wellsfar Kingdom. Kaya simula nung nalaman ko ang totoong siya ay natakot na ko na mawala sya sakin dahil sinabi sakin ng Tita nya na darating ang panahon na kukunin na sya sakin ng Wellsfar Academy. Tinatanong ko sa kanya kung pano nya nalaman ang tungkol kay Aerika na sya ang nawawalang prinsesa sa Wellsfar Kindom kung simula bata pa lamang si Aerika ay nasa amin na sya, hindi nya sinasagot ang tanong ko bagkus ay iniiba nya ang usapan kaya wala narin akong nagawa. Nung una nga hindi ako naniniwala sa kanya na tita sya ni Aerika dahil imposible kakng mangyari yun pero gumamit sya ng mga elemento, apat na elemento na na tinataglay din ni Aerika. Ang Apoy, Tubig, Hangin, at Lupa. At dun na ako naniwala sa kanya at simula ng mga sinabi nyang 'yun sakin ay hindi na kami masyadong naguusap at nagkikita dahil hindi na sya pumupunta hg bahay pero nagulat ako dahil nung sabado ay bigla na lang syang pumunta at sinabi ang mga salitang nagpatigil ng mundo ko. Kukunin na nila si Aerika sakin pero hindi nya sasabihin kay Aerika na sya ang nawawalang prinsesa at sasabihin nya lang may kapangyarihan sya pag napunta na sila sa Wellsfar Academy. Sumang ayun na lang ako kahit na hindi ko pa kaya dahil kapag lalong tumatagal ay mas lumala pa ang mga nangyayare kagaya nung may napansin akong nakakilabot na aurang itim na nagmamasid sa amin at nang dahil dun ay nakaramdam na ko nang takot. At hindi na rin akong nagdalawang isip na sabihin iyon kay Louisa nung oras na pumunta ulit sya samin at nagulat rin sya sa aking naramdaman at sinabi nyang gumagawa narin ng kilos ang mga dark magicians upang makuha si Aerika. Kaya iyon na nga ang nangyare nung linggo at laking pasasalamat ko dahil hindi nagawang magalit sakin ng anak ko kahit naglaman nya na ang totoo pero magagalit kaya sya kapag nalaman na nya ang kapangyarihan nya? Dahil hindi namin ito sinabi sa kanya nung andito pa sya at malalaman nya yun ay kung keilan andun na sya sa Wellsfar Academy?? Nabalik lang ako sa realidad ko nung nag 'ehem' si Louisa sa akin. "Hindi man tayo sigurado kung matatanggap nya yung sasabihin mo pero sana..sana lang matanggap nya..."Seryoso ko ding sagot sa tanong nya nung nabalik ang aking pag iisip sa realidad. Napansin ko naman na andun na pala si Aerika kaya dali sali kaming umayos ng tayo at tumingin sa kanya at kinuha naman ni Alex ang kanyang dalang gamit ng kanyang gagamitin sa pagpunta sa Wellsfar Academy. Aerika's POV "Salamat kuya. Ma! Ano nga pala yung pinaguusapan nyo ni tita??"Tanong ko kala mama at hanggang ngayon ay tinuturing ko parin syang aking tunay na ina. "Ah! Wala 'yun anak wag mong intindihin"Sabi ni mama sabay pumunta sakin at umiyak. "Anak! Mami-miss kita! Mag iingat ka dun ha?? Wag magiging pasaway! Mak-kikinig ka sa mga nakakatanda sayo ha at sana intindihin mo rin ang s-sasabihin ng tita mo sayo mamaya." Umiiyak na sabi ni mama kaya hindi ko na ding mapigilang umiyak at niyakap sila ni kuya ng mahigpit. Ano yung sasabihin ni tita? Wag ko nga munang intindihin yun dahil umiiyak ako ngayon at ang tanging nararamdaman ko lang ay lungkot sa aking pagalis. "Ma! Kuya! M-magiingat ako d-dun at gagawin ko yung mga sinabi nyo at p-promise hindi ako magiging pasaway dun!!Mam-mimiss ko kayo ni kuya huhuhu!"Umiiyak na sabi ko habang namahigpit parin silang niyayakap. Si kuya Alex naman ay umiiyak din. "O sige na anak! Malayo pa ang la-alakbayin nyo ng tita Louisa nyo kaya m-mauna na kayo at magpunta sa Wellsfar Academy!!" Umiiyak paring sabi ni mama pero unti unti narin itong tumitigil at bumitaw na sa aming pagyayakap pati si kuya. "Ma! Maimiss talaga kita at kapag nalaman ko na kung sino yung tunay kong pamilya sasabihi sa kanila kung gano ko kasaya dahil kayo yung nakakakuha sakin! Mahal na mahal ko kayo ni kuya ma! Hindi ko kayo makakalimutan!. " Tumahan na ko ng mga sansaling iyon dahil kailangan kong maging matatag paglunta ko sa Wellsfar Academy na yun. "Anak! Kami dapat ang magpasalamat sa iyo nyan dahil naging mabuti kang anak at kapatid samin! Mahal na mahal ka din namin ng kuya mo! At syempre hinding hindi din kita malilimutan anak ko."Nakangiting sabi sa akin ni mama. Niyakap ko si mama ulit ng napakahigpit at kinissan ko sya sa pisngi nya at niyakap ko din si kuya at nagpasalamat din....sa huling pagkakataon. "O aalis na kami Ashley ni Aerika salamat, sa lahat lahat ng ginawa mo para sa kanya at tatanawin ko yung utang na loob, Tara na Aerika." Naguguluhan naman ako sa sinabi ni tita. Eh diba magkapatid sila ni mama? Bakit sya nagpapasalamat sa pag aalaga sakin ni mama? At bat nya naman tatanawin na utang na loob yun? May mga sikreto pa ba na hindi ko alam bukod sa mga magulang ko? Hayyys naguguluhan man ako ay tumango na lang ako kay tita at niyakap ulit sila mama at kuya at nagpapaalam na ng tuluyan. Sana makabalik pa ako ditong muli. Sana makasama ko pa sila. Pero bago paman kami makaalis ng tuluyan ni tita ay narinig ko pa ang sigaw ni mama, Sana maintindihin mo ang sasabihin ni Louisa at sana wag kang mabibigla sa kanyang sasabihin dahil tandaan mo lahat ng malalaman mo ay may sapat na dahilan. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD