Chapter 16: Curiosity Maveline's Point of View Nakahiga ngayon sa kama si Aerika habang malaya siyang natutulog. Nandito kaming mga Super Naturals sa loob ng kwarto at hinihintay lamang ang paggising niya. Aerika, sino ka ba talaga? Unang kita ko pa lang sa kaniya, iba na kaagad ang naramdaman ko. Parang may mali. Parang may kakaiba talaga. Ayoko naman siyang husgahan at pangunahan. Gusto ko ay siya na mismo ang magsabi sa amin kung sino ba talaga siya at kung bakit na lang ganoon siya kalakas. Kanina, wala ni isa sa amin ang nakapagsalita ng may ilabas siyang napakalakas na enerhiya. Natahimik kaming lahat. Parang nagsitaasan ang lahat ng balahibo sa akin sa katawan dahil sa sobrang lakas ng aura na naramdaman namin kanina sa kaniya. Isang nakakapagtaka at hindi kapani-paniwala la