Chapter 17 Aerika's Point of View Matapos kong makapagpahinga kanina ay sabay sabay na kaming nagpunta sa Special Room. Siyempre, nahihiya pa din ako pero mas nakakahiya naman siguro para sa kanila na tanggihan ko sila. Mababait naman sila sa akin. Masasabi kong tunay ko silang kaibigan. Pero kanina, hindi ko talaga maiwasang hindi kiligin dahil sa mga aksyon ni Keith! Bakit ganon siya sa akin kanina? Nag-alala kaya siya? But after that, nagtaka ako ng bigla siyang umalis. Nagpaalam siya sa amin at sinabi niyang may pupuntahan lang siya sa Fire Kingdom. Ano kayang itsura ng kaharian nila? I was confused also dahil wala akong maalala kanina na nangyare bago ako nahimatay. Ang huli ko lang matandaan ay tumayo ako para puntahan ang mga babaeng iniinsulto ang sarili ko at sila Mama. Mat