Chapter Ninety-nine

2344 Words

DUMIDILIM na’y hindi pa rin nakahaharap ni Jack si Demetre. Umuwi siya upang maghapunan. Napanood niya sa balita ang nangyaring pagsabog sa mall. Iniimbestigahan pa ang nangyari at iginigiit ng mga pulis na terorista ang may pakana ng pagsabog. “Kuya Jack, ang lalaking pinaghahanap ng mga pulis ba ang hinahanap mo?” tanong ni Bert, nanonood ito ng telebisyon. Nasa kusina siya at nagluluto. Iniwan niya ang pinakukulong pantika sa kawali saka lumapit dito. Pinakita sa balita ang mukha ng lalaking sinapian ni Demetre. “Oo, siya nga,” aniya. “Marami na palang criminal record ang lalaki na iyan. Dati siyang nakulong sa kasong pagpatay. Tumakas lang siya at mayroon siyang gustong patayin,” ani ni Bert. “Maaring alam ni Demetre na mabigat na ang kasalanan ng lalaking iyan kaya napili niyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD