HINDI makapagpasya si Jack kung iuuwi na ba kaagad niya si Alona sa mundo ng mga tao. Ayaw pa niyang malayo ulit dito. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik sila sa kanyang silid. “Kailan tayo uuwi, Jack?” tanong nito. Nakaupo na ito sa kanyang kama. Tinabihan naman niya ito. “Hindi pa tapos ang misyon ko. Baka mauuna ka na o isasabay na kita sa mga tao na uuwi sa susunod na araw,” aniya. Marahas itong humarap sa kanya. “Hindi ako uuwi na hindi ka sakama!” protesta nito. Ginagap niya ang mga kamay nito. “Babe, hindi pa ako sigurado kung hanggang kailan ako rito. Hindi pa ubos ang kaaway namin kaya posibleng may digmaan pang magaganap. Mapanganib kung magtatagal ka pa rito.” “No, I will stay here with you,” pilit nito. Naalala niya ang ina nito. “Kailangan mo nang umuwi, hinihintay ka n