Chapter Sixty-five

2443 Words

AYAW matulog ni Alona sa loob ng yungib kaya doon sila sa kubong pinagawa ni Vulther sa gilid ng batis. Inayos lamang niya ang dingding at tinakpan ng makakapal na dahon upang walang masilipan. Inayos din niya ang papag na hihigaan nila upang magkasya silang dalawa. Mabuti na lang nagbigay si Samara ng makapal na tela’ng yari sa balat ng uso, dalawang peraso para puwedeng gawing unan ang isa. Pagkatapos ng hapunan ay diretso na sila sa kubo. Maaliwalas naman ang paligid kaya hindi nila kailangan ng ilaw. Matalas ang paningin niya pero si Alona ay nadidiliman pa sa paligid. “Wala bang mumu rito?” tanong nito habang nakaluklok sa papag na sinapinan ng makapal na tela. “Wala, ano ka ba?” natatawang sabi niya. “Baka kasi may sisilip sa atin.” Natawa siya. “Takot ka sa mumu pero hindi ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD