NAPASARAP ang tulog ni Jack. Paggising niya ay wala na sa kanyang tabi si Alona. Pagdating niya sa kusina ay may nakahandang pagkain. Napangiti siya nang mapansin ang prutas na amarelyas, ginawa itong rosas. Si Alona ang naisip niya’ng gumawa niyon. Magaling sa fruit curving ang dalaga. Maganda rin ang presentasyon ng mga pagkain. Naingganyo tuloy siyang kumain. Umupo siya sa harapan ng lamesa at nilantakan ang pagkain. Maya-maya ay pumasok si Tero buhat-bugat ang isang bungkos na berdeng gulay. “Mukhang napasarap ang iyong tulog, Jack?” anito, saka ibinagsak ang gulay sa mesita katabi ng hapag-kainan. “Ang tagal ko kasing nakatulog kagabi,” sabi niya habang ngumunguya. “Sinabi nga ni Alona na pabiling-biling ka sa higaan.” “Ah, nasaan na si Alona?” pagkuwan ay tanong niya. “Naroon s