BAGO magsimulang magsulat ay tumulong muna si Jack sa paghatid ng mga tao sa lupain ng mga mortal. Hindi rin maaring magtagal ang mga ito sa Golereo dahil sa mainit na klima. Pero tiniyak naman nila na mabibigyan ng proteksyon ang mga ito mula sa mga anghel. Pagkatapos ay sumama siya sa paghahanap sa tungkod ng mga dyosa. Hindi na siya amoy mortal dahil sa dugo ni Vulther, kaya hindi siya maaamoy ng mga halimaw sa ibabang lupain ng Altereo. Sina Sanji, Raul at Rizor ang kasama niya sa paghahanap. “Kumusta ang pagsasama ninyo ng asawa mo, Jack?” tanong ni Rizor, sinabayan siya sa paglalakad. “Ayos naman, masaya,” nakangiting tugon niya. “Mukhang malapit na kayong magkanak,” sabad naman ni Raul. Kumibit-balikat siya. “Siguro nga.” Saka siya tumawa. “Sipagan mo pa. Gusto kong makakita n