Chapter Sixty-eight

1815 Words

SAMPUNG kabanata na ang naisulat ni Jack sa libro. Sa loob ng dalawang araw ay hindi siya lumabas ng bahay. Mabuti nariyan si Alona at inaasikaso ang lahat na kailangan niya. Kailangan niyang matapos kaagad ang nobela. Gabi na naman. Tumigil siya sa pagsusulat nang magyayang maghapunan si Alona. Nagtungo kaagad siya sa hapag-kainan. Ang dami nitong niluto at karamihan ay gulay. May nakahandang katas ng berdeng gulay na magpapalakas sa kanyang dugo. Mayaman ito sa iron. “Kumain ka ng maraming gulay. Namumutla ka na,” ani ni Alona. Nakaupo ito sa kanyang harapan at sinasalinan ng pagkain ang kanyang plato. “Bukas na ulit ako magsasalin ng dugo sa panulat ko,” aniya. “Baka puwedeng magpahinga ka naman kahit isang araw lang,” hiling nito. “Hindi puwede, kasisimula ko pa lang. Ayon kay Ram

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD