Chapter Sixty-two

2452 Words

KINAUSAP ulit ni Jack si Emo at sinabi na agahan ng mga ito ang paglusob dahil nakahahalata na ang mga bampira na may kalaban ang mga ito sa loob ng Embareo. Pinalaya na ng hari ang natitirang embareons upang magmasid sa paligid. Bago malaman ng mga ito na wala na ang mga panday at ibang alipin sa palasyo ay sininop na niya ang mga sandata. Itinago nila ito ni Tero sa tunnel ng pabrika. Wala silang itinira kahit maliliit. Kumuha rin siya ng espada na isa sa gawa niya upang kanyang gagamitin. Itinago niya ito sa kanyang silid. Kinaumagahan ay may kumatok sa kanyang pinto. Kaagad siyang bumangon. Nagmamadali kasi ito. Bumungad sa kanya si Arthur, balisa ito. “Hindi mo ba napansin ang mga taong manggagawa, Lucerio?” anito. “Ngayon lamang ako nagising, hindi pa ako humaharap sa mga tao,” t

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD